THIRTEEN
Maui Ledesma sent you a message request.
Ilang saglit akong napatitig sa screen ng cellphone ko, sabay napakurap nang ilang beses.
"Totoo ba 'to?" tinanong ko pa ang sarili ko. Binuksan ko ang PM niya sa akin sa Messenger at binasa ang nilalaman noon.
Hi Florence. Just wanna say thank you for taking good care of us in Siargao. See you soon in the office. Goodnight.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ito wrong send. May Florence na nakalagay. Florence. Ako talaga ang mine-message niya.
Naitakip ko ang unan sa mukha ko at impit na napatili. Pigil na pigil at baka magulantang naman si mama sa kabilang kuwarto.
Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko nang mag-type ako ng reply. Siguro dahil sa excitement. Good PM po Sir Maui. Wala po yon. See you po and goodnight din.
Napahugot pa ako ng malalim na paghinga nang maipadala ko ang sagot ko sa PM niya. Maka-ilang beses akong nag-type at erase mabuo ko lang ang mensahe ko. Para kasi akong name-mental block gawa ng hindi ako makapaniwala na magme-message pa nang ganoon si Sir Maui sa akin. Sulit na sulit na nga ako sa Siargao namin, at sa totoo lang, hanggang ngayon ay wari bang may hang-over pa ako.
Masarap ang naging tulog ko ng gabing iyon, at masaya din ang naging gising siyempre. Pakiramdam ko, mas inspired ako magtrabaho ngayong araw.
Nasa elevator na ako nang may mag-PM sa akin.
Are you free this lunch time?
Kay Sir Maui galing iyon. Maka-ilang beses akong napakurap, baka kasi hindi totoo. Bakit kaya niya tinatanong? Iimbitahan kaya niya ako?
Pero bago pa man ako umasa o mag-assume ng kung ano-ano, mainam nang magtanong muna. Good AM po sir. Free naman po. Bakit po?
Yeah, good morning too. Sorry, was too excited to ask you out. Forgot to greet you.
Tinitigan kong maigi ang screen kung saan naroon ang PM niya. Was too excited to ask you out. Iimbitahan niya nga talaga ako! Bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba talagang nangyayari ito? Baka kaka-Wattpad ko lang ito.
Nag-tipa ako ng sagot, pero bago ko pa man matapos iyon ay tumawag siya!
Para akong engot na nakatitig lang sa tumutunog na cellphone. Huminga pa ako nang malalim bago pindutin ang answer button.
"Sir Maui..." iyon lang ang nasambit ko. Hindi ko na malaman kung anong idurugtong doon.
"Florence." Napalunok pa ako nang bigkasin niya ang pangalan ko. Lehitimong siya talaga. Boses niya talaga. Ang hirap talagang paniwalaan.
"Could I invite you out for lunch later?" Parang nakikinita ko pa sa diwa ko kung anong hitsura niya habang sinsabi iyon.
"A-ako po?" tanong kong hindi pa rin makapaniwala.
"No one else." Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. "Where are you, by the way? I'm here outside your office."
"Po?" Tumingala ako para tingnan kung nasaang floor na ako. Diyos ko po. Nasa 30th na ako. Lagpas-lagpas na ako ng 23rd!
Florence, okay lang kiligin pero huwag ding engot, paalala ko sa sarili ko.
Ni hindi ko nga maalala kung napindot ko nga ba iyong 23rd sa buttons. Engot talaga.
"Paakyat pa lang po, Sir," sabi ko na lang. Akin na lang iyong katangahan ko sa pag-akyat sa 30th floor.
"Alright, see you." Ang ganda ng boses niya sa phone. Iyon bang tipo na kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti habang nagsasalita.
"S-sige po," medyo nauutal pang sagot ko. "See you po."
"Bye."
Bumukas ang elevator sa 23rd. Naglakad ako patungo sa opisina namin, at naroon nga si Sir Maui.
"Good morning po." Oo, alam kong sinabi ko na iyon sa PM, pero hindi ko rin kasi malaman ang sasabihin nang makita ko siya. Ang ganda ng ngiti niya sa akin, at sa lalim ng mga dimples niya sa magkabilang-pisngi, mahuhulog talaga ako. Napaka-refreshing pa ng suot niyang mint green na long-sleeved polo na nakatupi hanggang sa may siko.
"Hi." Bahagya siyang tumango habang nakangiti pa rin.
"B-bakit hindi po kayo tumuloy?" tanong ko. "Pero...pero baka wala pa rin po si Sir Frank, maaga pa po."
"I'm waiting for you, not Frank."
"B-bakit po?"
"Well, uh..." Nagkibit-balikat siya. "I just wanna see you before the day starts. So, see you later at lunch?"
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatango bilang pagpayag. Para akong lutang habang kausap si Sir Maui. Huli na nang maisip ko na dapat ay tanungin ko muna si Sir Frank. Baka kasi may lunch meeting siya na tinanggap na hindi dumaan sa akin. Mayroon kasing mga kliyente na dumidirekta sa kanya.
Pumasok ako sa opisina at nag-check ng online calendar. Dito kami nagse-set ng mga appointment at kaming dalawa lang ni Sir Frank ang may access dito.
Lunch with staff.
Staff? OVPEA Staff? Kami? Hindi ko ito alam at wala ito kahapon sa online calendar.
"In-enter ko 'yan diyan kagabi pero ikaw na ang magsabi sa lahat." Nagulat pa ako nang may magsalita sa likuran ko sa gitna ng katahimikan ng opisina.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hinarap siya. "Good morning, Sir Frank."
"'Morning." Doon siya mismo umupo sa desk ko na bakante at walang nakapatong na mga papel. Ibang klase talaga itong boss ko. Naturingang mayaman pero bargas ang mga galawan.
"Naisip ko kasi na 'di pa natin nai-celebrate 'yong pagkaka-kumbinsi mo kay Mr. Cabrera. Kaya 'yan, mamaya, para malaman din ng mga kasama natin dito," sabi pa niya.
"Ah...Sir..." Naku, paano kaya iyong imbitasyon ni Sir Maui mamaya? Lunch din iyon. Bakit naman kasi nagkasabay pa?
"Bakit? Are you going out?" Para namang nahulaan niya ang tumatakbo sa isip ko.
"Ah, hindi po Sir." Umiling ako. Naisip ko na puwede naman sigurong sa ibang araw na lang iyong kay Sir Maui. Priority ang boss at trabaho.
"Are you okay, Florence?" Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Okay lang po." Ngumiti ako.
"You seem to have woke up on the wrong side of the bed." Ngumisi siya. "O may iniisip ka?"
"Napuyat lang po siguro." Nagdahilan na lang ako.
"Take care of your health." Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo sa desk ko at lumakad papasok ng opisina niya.
Pagtalikod niya ay hinawakan ko na ang telepono para tawagan si Sir Maui. Pero naisip ko na dadaan pa ako sa staff niya, baka kunin pa nga ang message ko at i-relay na lang. Medyo nakakahiya rin. Hindi ko rin alam kung gusto ba ni Sir Maui na may ibang makaalam ng imbitasyon niya sa akin.
Nag-PM na lang ako. Sir Maui, good AM po ulit. Sorry po, ngayon ko lang nakita na nag-sched pala ng lunch si Sir Frank sa lahat ng OVPEA staff. Pasensiya na po. Sorry.
Hinihintay-hintay ko na mag-reply siya pero hindi niya nasi-seen. Baka busy na. Nagsimula na rin akong mag-trabaho pero sana mabasa ni Sir Maui nang maaga.
Tumawag sa local line ko si Sir Frank, iniimbitahan akong pumasok sa loob ng opisina niya. Nagdala ako ng notebook at ballpen. Nakaugalian ko na ito kasi kapag nagbigay siya ng instruction, sunod-sunod. Mabilis ang takbo ng utak. May makakaligtaan talaga ako kapag hindi ako nagsulat.
"I told Kimverly to take care of everything. Lunch 'yon para sa 'yo so it's weird if ikaw pa ang mag-aasikaso," iyon ang ibinungad niya sa akin pag-upo ko sa tapat ng lamesa niya.
"K-kahit 'wag na po sana Sir," magalang kong tanggi. "Okay lang naman po kahit hindi na. Ang importante po ay matutuloy na ang pagpapagawa ng resort."
"Don't mention it." Umiling siya. "And in relation to that, I need you to prepare a presentation for the Board Meeting next month. I want them to see our plans for the resort."
"Okay po." Tumango ako.
"But I must see it a week before the said meeting." Sumandal siya sa swivel chair habang nilalaro sa kamay ang ballpen na hawak. "So I could check it."
"Sige po, Sir."
"By the way, I have something for you." Binuksan niya ang drawer niya at inilapag sa mesa ang mga libro na ipinagbungkos ng isang pulang ribbon. "Those are books from authors under FlipPage, signed by the writers themselves. Hindi ko alam kung anong libro kasi ang binabasa mo specifically, kaya kinuha ko na lang lahat ng latest at pinapirmahan ko through my brother."
"Wow." Nanlaki ang mga mata ko. Mga nasa higit sampung libro iyon. "S-sa akin po lahat 'to, Sir?"
"Of course." Bumalik siya sa paglalaro ng ballpen niya. "'Yong hindi mo gusto, bigay mo na lang sa iba."
Umiling ako. "Sayang naman po 'yong autograph ng author. Collector's item na po kapag ganyan. Saka wala naman po 'kong pinipiling genre."
"Good to know." Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Naalala ko lang kasi ang sinabi mo na halos lahat ng binabasa mong libro ay FlipPage ang publisher, kaya 'yan. Kung may gusto ka pang iba, sabihin mo lang sa 'kin."
Umiling akong muli. "Okay na okay na po 'to, Sir. Thank you so much po talaga. Masaya na po ang bookworm heart ko."
"I was expecting na sasabihin mo 'yan. Knowing you, you don't take advantage of what's being given to you." Iniusog niya ang mga libro palapit sa akin. "Sige na, kunin mo na 'yan. I'll just call you when I need you...I mean, when I need something from you. Okay?"
"Okay po, Sir. Thank you po ulit."
***
"Thank you sa lunch, Sir."
"Oo nga, Sir, thank you po."
"Nakalibre."
Sunod-sunod na nagpasalamat ang mga ka-opisina ko kay Sir Frank habang nakahain sa lamesang nasa harap namin ang mga Chinese food na in-order ni Kimverly.
"Don't mention it." Nagkibit-balikat lang si Sir Frank. "Let's eat."
Nagsisimula na kaming kumain nang magsalita si Sir Frank, "Well, I gathered everyone to share the good news. LDC will start constructing a luxury resort and spa in Siargao."
At inilahad niya na nga sa mga kasama ko ang plano para sa resort at iba pang mga detalye.
"Just so you know, your officemate right there," huminto siya sa pagsasalita at sumulyap sa akin, "is contributory to the resort's probability. Dahil sa kanya kaya napapayag namin 'yong isang land owner na ibenta na sa LDC ang property niya, because, well, it's in the middle of the beach where we plan to put up the resort. Florence, here, was able to convince the owner."
Hiyang-hiya ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na gustong nasa akin ang lahat ng atensiyon. Madalas nga akong nase-sermonan nina Patti na parang hindi daw ako Cum Laude noong college sa sobrang shy type ko.
"Wow naman. Congrats, Florence!" pagbati ni Nadine.
Na sinundan ni Kathryn ng, "Oo nga, congratulations!"
"Ang lakas pala ng convincing power mo, Mamsh, eh." Natawa kami nang sabihin iyon ni Kimverly.
"S-salamat, guys, pero nagkataon lang din na naging kasundo ko si Tatay Gabriel, 'yong land owner," paliwanag ko. "Kung nagkataon na dismissive siya, o matigas talaga ang loob na hindi ibenta ang lupa niya, hindi ko rin siguro magagawang kumbinsihin siya."
"I don't think so. I believe you could melt even the hardest of hearts."
Napalingon ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. Tumahimik ang salo-salo at tila ba may kakaibang hangin na umihip sa paligid.
"May boyfriend ka ba, Florence?" Hindi ko alam kung bakit biglang nagtanong nang ganoon si Nadine. Pero ayos na rin dahil tila ba naging nakakailang ang sandaling iyon.
"W-wala." Umiling ako. "Si Jungkook, sa imagination ko."
Nagtawanan silang lahat, maging si Sir Frank.
"Who's that Jungkook, though?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Sa BTS, Sir. K-Pop group po 'yon." Nagulat ako nang magsalita si Miss Celine. Hindi ko akalain na kilala niya. Iyong tipo kasi ni Miss Celine, parang hindi interesado sa K-Pop o mga bagay na nauuso.
"Pero ilan na naging jowa mo, Mamsh? Curious lang." ani Kimverly. "No offense meant, mukha kasing ang naive mo, eh."
"I was about to comment that," ani Kathryn.
"Ah, wala. Wala pa." Tumingin ako sa mga mukha nila. "NBSB ako."
"Talaga? Bakit? I mean, busy ka ba sa life? Or choice mo lang, gano'n?" pang-uusisa pa ni Kathryn. Komportable silang mag-usap-usap nang ganito sa harapan ni Sir Frank. Alam na kasi ng staff ang ugali niya - istrikto sa trabaho, pero kapag outside of work ay low key at hindi kaiilangan.
"Ahh...noon, busy ako sa pag-aaral, working student din kasi ako noon. Noong naka-graduate na ako at nagta-trabaho na, 'yon, wala talagang nagkamali," pag-amin ko.
Tawanan na naman sila.
"Pero Mamsh as in gusto mo na magka-jowa?" si Kimverly.
Tumango ako. "Uhmm...oo. Siguro naman lahat eh gustong ma-in-love, 'di ba? Saka excited na 'ko, kasi ma-tiyaga ako gumawa ng mga arts and crafts, mga gano'ng bagay. 'Yong mga kaibigan ko kasi, sa 'kin nagpapagawa kapag isu-surprise nila 'yong mga partners nila, nagpapa-decorate ng lugar, ganyan. 'Yon, eh gusto ko rin namang gumawa ng para sa sarili ko ring...alam niyo na. Excited na 'ko sa gano'n."
"Sana all matiyaga!" sambit ni Kimverly.
"Sana all kamo may talent," sabi naman ni Nadine.
"I'm excited for the lucky guy, then." Nagkibit-balikat si Sir Frank. "I hope you'll find him here in LDC."
Tumingin ako sa kanya. Baka kasi madulas siya tungkol sa nalalaman niyang pagkaka-crush ko kay Sir Maui. Pero wala naman na siyang idinugtong sa sinabi niyang iyon.
"Marami naman pong guwapo dito, ang problema Sir, guwapo rin ang hanap!" Tumawa si Kimverly kaya natawa na rin kami.
"Chismis 'yan, ah. Sige, after lunch, sunod ka sa opisina ko, sabihin mo sa 'kin kung sino-sino 'yan." biro ni Sir Frank. Nagkatawanan na naman.
Hanggang sa nabaling na sa ibang bagay ang usapan. Nakahinga ako nang maluwag. At least ay nawala na sa akin ang atensiyon nila.
***
It's okay, Florence. No need to be sorry. We can go out for dinner instead, if you're available.
Noon ko lang nabasa ang reply ni Sir Maui na naipadala niya bandang 11:00 A.M. Mabuti naman at nabasa niya before lunch.
Sir kung busy po kayo kahit sa ibang araw na lang po. Iyon ang isinagot ko. Baka kasi magmu-move pa siya ng ibang appointment para lang matuloy ang paglabas namin.
Nope. I'm free as well. Don't worry. Wari namang nabasa niya ang iniisip ko.
Tuloy na tuloy na nga talaga ito. Kinabahan akong bigla. Hindi ko lang kasi maitanong sa PM kung bakit niya ako iniimbitahan. Nakakahiya. Baka may sasabihin lang na mahalaga, eh malaman ko na lang mamaya.
Habang palapit ang uwian ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko hindi ko nagagawa nang maayos itong inihahanda kong presentation. Saan kaya kami magkikita? Baka sa lobby nitong building? Pero makikita kami ng iba pang mga empleyado. Okay lang kaya sa kanya iyon?
What time will you be going out?
Nag-message siya. Pagtingin ko sa oras sa computer ko, pasado alas-singko na rin ng hapon. Kaya pala nagpaalam na rin ang ilang mga kasama ko sa trabaho at kami na lang ni Kimverly ang naiwan, at si Sir Frank sa loob ng opisina niya.
Sir, sorry nandito pa po kasi si Sir Frank. Hindi pa po ako makaalis.
Pagka-send ko ng reply na iyon ay saktong lumabas si Sir Frank mula sa opisina niya. "I'm going, Florence. See you tomorrow."
"See you tomorrow din po," sagot ko. "Ingat po."
"Teka nga, magsi-CR na 'ko." Tumalikod siya at lumakad patungo sa restroom.
Will wait for you. Sumagot na pala si Sir Maui sa message ko kaya nag-reply na rin ako na puwede na dahil pauwi na rin naman si Sir Frank.
Inaasahan ko na magre-reply siya na magkita na lang kami sa lobby o saan man, pero biglang may kumatok sa pinto ng opisina namin. Si Kimverly na ang nagbukas dahil mas malapit siya doon.
"Good afternoon po, Sir Maui."
Napa-angat ang tingin ko mula sa pagsha-shutdown ng computer ko.
Saktong lumabas na rin si Sir Frank mula sa restroom at naglalakad na pabalik sa table ko. Kaso nakita niya si Sir Maui.
"Napaka-workaholic mo naman, Mau." Ngumisi si Sir Frank. "May kailangan ka sa 'kin? Bukas na, pauwi na 'ko."
"As much as I wanted to say that I need something from you, it's Florence that I came for," nakangiting sagot ni Sir Maui.
"Si Florence?" Tumingin sa akin si Sir Frank kaya napatingin din ako sa kanya.
"Yup. We have a date," deklara ni Sir Maui.
Date?!
Nanlaki ang mga mata ko.
***
Sa isang mamahaling restaurant kami humantong ni Sir Maui. Alam kong mamahalin - dahil hindi ko pa napasok iyon kahit kailan. Pang-yayamanin talaga iyong interior na halos white at gold lang ang nangingibabaw na mga kulay. Ang pinaka-dekorasyon ay ang mga painting na nasa wall at ceiling na tila ba nahahawig sa mga simbahan sa Italy. Hindi pa rin naman ako nakapunta sa bansang iyon, nababasa ko lang sa mga libro.
Para tuloy akong nasa 18th century sa loob ng kainang ito. Sa mga bahagi ng kisame na walang art works ay naka-hang naman ang mga chandelier na gawa rin sa ginto.
"Would you like me to order for you?" tanong ni Sir Maui sa akin noong nakaupo na kami sa bahagi ng restaurant na malapit sa arkong bintanang may naka-hang na drapery curtains na ang kulay ay cream. Sa magkabilang panig ay nakatali iyon sa curtain holder na kulay ginto upang hindi matakpan ang bintana na ang taas ay halos mula kisame hanggang sahig.
"Opo, Sir," sumagot ako sa mahinang boses. "Kayo na po ang bahala. Wala po akong idea sa mga pagkain dito."
Lumawak ang ngiti niya sa pag-amin ko. Parang pinigilan pa nga niyang matawa. Bahala siya, sa totoo lang naman ang sinabi ko. Medyo nahiya lang din talaga ako sa waiter na nakatayo sa gilid namin.
May mga sinabing pagkain si Sir Maui sa waiter pero hindi ko rin alam kung ano ang mga iyon. Ganoon yata kapag pagkaing-mayaman, mahahaba ang pangalan.
"Thank you po, Sir," sabi ko pagkaalis ng waiter. Nagpasalamat ako dahil hindi ako nagmukhang engot sa pag-order at siya na ang nag-desisyon.
"It's nothing, Florence. By the way, from now on, please refrain from calling me, "Sir", okay?" Ngumiti siya. Hala. Napaka-guwapo.
"Po?" Para tuloy akong nabingi sa sinabi niya.
"Just call me Maui. And stop using "po" or "opo" to me." Inulit niya iyong sinabi niya kanina with additional instructions.
"N-nakakahiya naman po, Sir." Umiling ako.
"It's kinda' awkward that I'm interested in you, yet you keep calling me "Sir"." Tumawa siya nang bahagya.
"Interested?" Tama ba iyong narinig ko? Napatitig ako sa kanya.
Tumango siya. "Yup. I would like to get to know you more, Florence. I hope you'll give me a chance."
Pakiramdam ko ay nag-slow mo ang pag-ikot ng mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top