TEN
Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Sir Frank iyon. Mukhang galit nga talaga siya sa akin dahil sa ginawa ko.
"You're not going anywhere," ulit niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "without me."
Bigla rin tuloy akong napangiti. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na hindi naman siya galit.
"Ano, kayo lang?" sabi pa niya.
"Wala naman kaming sinabi na kami lang." Si Sir Maui ang sumagot na bahagya pang natatawa. "Unless you'll allow her to go out alone with me."
"Eh 'wag ako ang tanungin mo." Tumingin nang makahulugan sa akin si Sir Frank.
"Ah, sa tidal pool po tayo." Naisipan ko nang magsalita. Kinabahan ako baka may masabi pang iba itong si Sir Frank. "Ngayon na po ba? Sasabihan ko na po si Bradley."
"After lunch, perhaps." Nagkibit-balikat si Sir Frank.
"Sige po. Kausapin ko lang po si Bradley," paalam ko sa kanila bago ako tumalikod.
***
Buong maghapon ang ginugol namin sa paglilibot mula sa Magpupungko Tidal Pools, Tayangban Cave Pool, at iba pang tourist attractions na nadaanan namin along the way. Halos alas-sais na ng hapon nang matapos kami sa lahat ng pinuntahan namin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe pabalik sa resort. Nagising na lang ako nang may bahagyang yumuyugyog sa akin.
"Florence." Mahinang nagsasalita ang lalaki malapit sa tenga ko. "Nandito na tayo."
Iinot-inot na nagmulat ako ng mga mata. Pero naramdaman kong nakasandal ako sa isang katawan at nakapaloob sa matipunong mga... bisig?
Napabalikwas ako ng upo. "S-Sir Frank!"
"Sabi ko, nandito na tayo," inulit niya iyong sinabi niya pero hindi sana iyon ang hinihintay kong marinig, kundi ang paliwanag kung bakit ako naka-puwesto nang ganoon.
Iginala ko ang paningin ko sa loob ng sasakyan. "N-nasaan po sila?
Dalawa na lang kasi kaming tao sa loob ng van.
"Nagsi-baba na," tila balewala niyang sagot.
Napakunot-noo ako. "Kanina pa po?"
"Hmmm..." Tumingin siya sa suot niyang leather wrist watch. "Around 15 minutes ago."
"15 minutes?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit 'di niyo po ako ginising, Sir?"
"Kanina ka pa namin ginigising, 'di ka naman magising-gising." At idinugtong niya sa mahinang boses, "Sarap na sarap ka yata sa pagkakasandal mo, eh."
Napa-isip ako kung ano ba iyong posisyon namin kanina. Nakahilig ako sa kanya, siguro noong una, sa balikat niya, pero sa pag-andar ng van, nawala doon ang pagkakahilig ng ulo ko at dumausdos papunta sa bandang dibdib niya.
Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya napayuko ako. "Sorry po, Sir. Ginawa ko pa tuloy kayong unan. Sorry po."
Napatawa siya. "Wala naman akong magagawa. By the way, I had my one arm crossed around you para lang 'di ka tumalsik tuwing pumi-preno ang driver."
Tumango-tango ako. "B-bakit po iniwan nila tayong lahat?"
"You won't wake up, so I told them I'll just wait for you to awaken," paliwanag niya.
Lalo akong nahiya. Paulit-ulit akong yumukod. "Naku, Sir. Sorry po. Sorry po talaga."
"Okay lang pero grabe ka pala matulog." Napa-iling siya. "Pinagod ba kita masyado?"
Pagtingin ko sa kanya ay may naglalarong pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
Napakunot-noo ako. "H-hindi ko rin po alam. Sa dami rin po siguro ng pinuntahan natin ngayong araw."
"Okay ka na?" tanong niya.
Tumango ako. "Okay na po."
Binuksan niya ang pintuan sa tabi niya, nauna siyang bumaba pero nanatili siyang nakahawak sa pinto ng sasakyan hanggang sa makababa ako. Tapos ay isinara niya iyon.
"Pasensiya na po talaga kayo Sir," paghingi ko ulit ng paumanhin habang naglalakad na kami.
"'Yaan mo na 'yon."
Napahinto kami parehas sa paglalakad nang makita naming may tila ba kasiyahan sa tabing-dagat.
"Music and Arts Night." Binasa ko iyong nakasulat sa signage na wooden plank.
"Let's see what they have there," paanyaya ni Sir Frank.
Tumango ako at sumabay sa paglakad niya. May mga booth na nag-o-offer ng henna tattooing at mayroon ding permanent tattoo. Napatingin tuloy ako sa tattoo ni Sir Frank na nakapalibot sa pulso na parang pulseras, at ang kapal ay mga nasa tatlong pulgada. Ang alam ko ay may maliit na tattoo din siya sa tagiliran. Nakita ko iyon noong mag-surf sila ni Sir Maui.
"This is Polynesian design." Itinuro niya ang tattoo niya sa pulsuhan. Nahalata niya siguro na tinitingnan ko iyon.
"Ah." Tumango-tango ako. Iyon pala ang tawag sa disenyong iyon.
"I got this when I was around nineteen years old," dugtong niya.
"Masakit po siguro 'yan, 'no?" Muntik pa akong napa-ngiwi. "Sobrang intricate po ng mga detalye."
"Sakto lang. Tolerable." Ngumiti siya.
May nadaanan kaming gumagawa ng calligraphy art at iyong mga natapos niya nang gawin ay inilalagay niya bawat isa sa isang square wooden frame. Napatingin ako doon.
"Would you like to check on it?" tanong ni Sir Frank sa likuran ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakalahad ang kamay niya patungo sa direksyon noong babaeng may hawak na calligraphy brush.
"Okay lang po ba, Sir?" tanong ko.
"No problem. Go ahead." Tumango siya.
"Thank you po." Lumapit ako doon sa calligraphy booth.
"Hi, Ma'am," masayang bumati sa akin iyong babae sa calligraphy booth. "I'm selling these pieces po. Puwede niyo po i-hang sa wall niyo sa sala or sa room niyo."
"Oo, ang gaganda nga po, eh." Napangiti ako habang tinitignan ang mga gawa niya. Mostly ay quotable quotes at inspirational lines.
Kumuha ako ng isang frame na ang laman ay isang piece na may colorful watercolor background at binasa ang nakasulat doon in calligraphy letters, "There's something about the way you laugh with me..."
Pero bago ko pa maituloy ang pagbabasa ay mahinang kumanta si Sir Frank sa likod ko, "You always brighten up my life.."
Napalingon ako sa kanya. Maganda ang boses ni Sir, partida, hindi pa seryoso iyong paraan ng pagkanta niya at tila humming lang.
Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa pag-himig, "There's something about the way you make me feel..."
Bumalik ang mga mata ko sa hawak kong frame. Narinig ko pa rin si Sir Frank. "I'd never felt so alive..."
"Lyrics po pala ng kanta 'to." Clueless ako. Akala ko talaga ay random phrase lang iyon na naisip noong nagka-calligraphy.
"Here In My Heart," nagsalita si Sir Frank.
Lumingon tuloy ako ulit sa kanya. "Po?"
"Alam ni Sir, ah!" bulalas noong calligraphy artist. "Favorite song ko po 'yan kaya naisipan kong isulat."
Ah, title pala ng kanta iyong Here In My Heart. Akala ko ay kung ano nang ibig sabihin ni Sir Frank.
"Kunin na namin, Miss," deklara ni Sir Frank.
"Sure, Sir." Kumuha ng brown wrapping paper iyong babae. Iniabot ko sa kanya iyong hawak kong frame para maibalot na. Nang matapos ay nilagyan pa ng ribbon paikot na yari sa abaca. Nagbayad si Sir Frank at kinuha ang frame.
"Ito pong materials, binebenta niyo rin po?" tanong ko.
"Opo," sagot noong artist. "Ito po, isang set ng 12 colors na watercolor brush pen. Saka ito pong nibs, kasama na po iyong holder at black ink, isang set na po."
Magtatanong pa lang sana ako kung magkano, nagsalita na naman si Sir Frank, "We'll get both set."
Napatingin tuloy ako kay Sir. Nagkibit-balikat lang siya. Nagka-calligraphy din siguro siya. Parang hindi tuloy ako makapamili nang maayos kapag kasama ito si Sir. Lahat ng tinatanong ko, binibili. Babalik na lang siguro ako dito mag-isa kung mayroon pa nitong Music and Arts Night bukas.
"Thank you." Nagpaalam na ako doon sa artist. Nagpasalamat siya sa amin.
"Sir, ako na po magdadala," alok ko. Dala niya kasi iyong frame at pati iyong mga iba pang items na nakalagay naman sa paper bag.
Umiling siya. "Ako na. No problem."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. May maliit na stage sa pinakadulo ng mga booth set-up kung saan may mga performers na naghahanda nang tumugtog. May nagtu-tune up ng gitara, nagsa-soundcheck, at iba pang mga gawain bago simulan ang show.
"Mamaya pa po siguro ito," sabi ko kay Sir Frank.
"Let's go back later, then. Tara na." Nagyaya na siyang bumalik sa suite.
"Sige po," sumang-ayon ako. "Saka baka po naghihintay na rin si Sir Maui para sa dinner."
Naglakad na kami pabalik sa tinutuluyan namin.
"Do you know how to use these?" tanong niya at ipinakita sa akin ang dalang paper bag na pinaglalagyan ng mga binili niya.
"Marunong po pero hindi pa ganoon kalinis," pag-amin ko. "Kulang pa po sa practice."
"What do you use to practice? Is it this same thing we bought?" tanong niya ulit.
"Ah, hindi po. Medyo mahal po 'yan, eh." Pagkasabi ko noon ay tumawa siya. "Brush pen lang po ang gamit ko sa calligraphy."
"Buti naman." Pagtapat namin sa pintuan ng suite ay iniabot niya sa akin ang lahat ng dala niya. "Sa 'yo na 'yan."
"Po?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Come on, kunin mo na," pangungumbinsi niya.
"P-pero, Sir..." Kumunot ang noo ko. "'Di ba binili niyo po 'yan?"
"Oo nga. Para sa 'yo. You seem so interested in these noong naro'n tayo sa booth." Lalo niyang inilapit sa akin ang mga items. "Wala naman akong gagawin diyan. You see how terrible my penmanship is."
Hindi naman talaga pangit ang sulat-kamay ni Sir, nababasa naman, pero hindi nga ganoon kaganda. Nakikita ko iyon sa mga notes niya sa akin or kapag may correction siya sa mga drafts ko.
"Practice on my name, if you want." Ngumiti siya.
"Ang haba ng pangalan niyo Sir, eh." Ngumiti ako nang alanganin at natawa naman siya. Mukhang wala naman na akong magagawa. Kinuha ko mula sa kanya ang mga items at nagpasalamat ako nang lubos.
"Take this too." Iniaabot din niya iyong frame.
"Ay, 'wag na po." Umiling ako. "Grabe naman po, ibinigay niyo na lahat sa akin. Sa inyo po 'yan, Sir."
"This won't go well with my pad. Too much color." Tumitig siya sa akin. "Here, take my heart."
Napamulagat ako sa huling sinabi niya.
"I mean, take this calligraphy lyrics of Here In My Heart."
"Okay po." Muli, mukhang hindi rin naman siya papayag na tanggihan ko kaya kinuha ko na. "Thank you so much po, Sir."
"Wala 'yon." Humawak siya sa handle ng pinto. Bubuksan niya na sana kaso nagtanong ako kaya huminto siya at tumingin sa akin.
"Sino po bang kumanta nito?" tanong ko sa kanya.
"Mayonnaise," sagot niya.
"Band po 'yon?" tanong ko na naman."
"Yup. They're an OPM band." Sa pagkakataong iyon ay binuksan niya na talaga ang pinto ng suite.
Aminado akong hindi ako masyadong pamilyar sa Original Pilipino Music o OPM nga. Madalas kasi ay K-Pop ang pinakikinggan ko lalung-lalo na ang BTS. Certified ARMY ako.
"Search ko po 'yan," sabi ko. Na-curious din ako doon sa kanta.
Pinauna niya akong makapasok sa suite habang hawak niya ang pinto para hindi iyon sumara.
"Sir, tawagin ko po kayo kapag ready na po 'yong dinner. I-coordinate ko lang po sa staff." Tiningala ko siya para tignan kasi nasa pangalawang baitang na siya ng hagdan paakyat sa mga rooms.
"Sure."
"Thank you po ulit dito," tukoy ko sa mga ibinigay niya sa akin.
Ngumiti lang siya bago tumalikod at humakbang paakyat ng hagdan.
***
Ma'am Florence magandang umaga. Puwede po kaya kayong pumunta dito?
Nag-text sa akin si Tatay Gabriel, alas-sais pa lang ng umaga iyon. Ngayon sana kami naka-schedule mag-island hopping nina Sir Maui at Sir Frank. Pero kung iimbtahan kami ngayon ni Tatay, mas dapat unahin ito. Baka nagbago ang desisyon niya tungkol sa ari-arian na balak bilhin ng LDC.
Tinawagan ko siya. "Tatay. Magandang umaga po."
"Magandang umaga, Ma'am." Sinagot niya agad ang tawag ko.
"Kumusta po?" tanong ko.
"Ayos lang naman. Ay, kung may panahon ka sana, puwede ka bang makadaan dito sa bahay? Dito, sa pinuntahan niyo kasama ng mga boss mo," sabi niya sa kabilang linya.
"Sige, sasabihan ko po sila." Napangiti ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nakaramdam ako ng positibong senyales na mukhang payag na si Tatay Gabriel sa alok ng kumpanya.
"P-puwede bang ikaw lang muna?"
Nagulat ako sa tanong na iyon. Hindi ako nakasagot.
Nagsalita ulit siya, "Kuwan, naiilang kasi ako doon sa mga kasama mo noong pumunta kayo dito."
"T-tungkol po ba ito sa property niyo po?" Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Parang kakaiba kasi itong request ni Tatay Gabriel.
"Oo," sagot niya. "May mga gusto akong sabihin sana. Gusto ko lang din na may makausap."
Nabanaagan ko ang lungkot sa boses ni tatay. Naawa naman tuloy ako. Baka may sasabihin siyang medyo personal din kaya gusto niyang ako lang ang pumunta.
"S-sige po," pumayag ako. "Anong oras po ako puwedeng pumunta?"
"Ikaw ang bahala." Narinig ko pa ang pag-tikhim niya na tila ba nagpipigil na umubo.
"Mga alas-otso po ng umaga." Ako na ang nag-desisyon. "Magpapaalam lang po ako sa boss ko."
"Sige, aasahan kita, anak."
Parang may humaplos na kamay sa puso ko nang sabihin niya ang salitang "anak".
"Sige po. Magkita po tayo."
***
"Ikaw lang mag-isa? Bakit daw?" Sunod-sunod ang mga tanong ni Sir Frank. "Hindi ba dapat ay kasama kami o kahit ako man lang?"
"Aaminin ko po, sinabi niya po kasi na naiilang daw po siya sa inyo ni Sir Maui." Sumulyap ako saglit kay Sir Maui bago ko ibinalik ang tingin kay Sir Frank. "Iniisip ko kasi Sir, kung hindi po natin siya susundin, baka po lalo niyang hindi ibenta ang property sa atin."
"Palagay ko po kasi, ipapaubaya naman po niya sa atin ang property niya," patuloy na paliwanag ko. "Baka may mga personal lang siyang ihahabilin o request. 'Wag po kayong mag-alala, Sir, at lahat po ng sasabihin niya ay ire-relay ko po sa inyo."
"Damn, that's not what I am worried about." Inilapag ni Sir Frank sa plato sa tapat niya ang hawak na tinidor. Kasalukuyan kasi kaming nasa hapag noon at nagsasalo-salo sa almusal.
"Eh, ano po?" walang ka-ide-ideyang tanong ko. Ang nasa isip ko kasi, baka inaalala ni Sir na hindi ko ma-catch lahat ang mga kondisyon at sasabihin ni Tatay Gabriel.
"I'm worried about you," seryoso niyang saad. "Paano kung may mangyari sa 'yo do'n?"
Natigilan ako nang makita ko sa mga mata ni Sir Frank ang pangamba nang tingnan ko siya.
"You're my staff. Natural lang na mag-alala ako." Bigla siyang nagpaliwanag.
"Naisip ko rin po 'yan noong una," wika ko. "Pero, palagay ko naman po, wala namang gagawing masama si Mr. Cabrera sa akin. Alam niya po na ipinaalam ko sa inyo na iniimbitahan niya po ako. Kapag hindi po ako nakabalik agad o kung anuman, pero 'wag naman po sana, alam niyo po na naroon ako at siya ang huling kasama ko. Isa pa po, tayo ang may kailangan sa kanya. Siguro, okay lang naman po na pagbigyan natin siya sa kanyang maliliit na kahilingan."
Parang hindi pa rin kumbinsido si Sir Frank.
Nagsalita si Sir Maui, "Frank, Florence has a point. Besides, puwede natin siyang pasamahan sa staff nitong resort and they could wait for her kung saan tayo nag-park noong pumunta tayo doon."
"Sasama ako," deklara ni Sir Frank.
Sabay na napatingin kami sa kanya ni Sir Maui.
"I mean, sasama ako sa staff na maghahatid," paglilinaw niya.
"Hihintayin nga nila si Florence doon," inulit ni Sir Maui ang sinabi niya, akala niya siguro ay hindi na-gets ni Sir Frank ang sinabi niya.
"Ganito na lang po. S-sige, magpapahatid po ako." Pumayag na ako. "Tapos, magme-message na lang po ako kay Bradley kung magpapasundo na po. Para hindi na po kayo maabala at ang staff din po ay 'di na rin mabalam."
"Fine." Pakiramdam ko ay napilitan lang si Sir Frank nang sabihin iyon. Wala na lang talaga siyang magawa sa request ni Tatay Gabriel.
***
"Mag-iingat ka," bilin ni Sir Frank bago ako bumaba ng sasakyan. Sumama pa rin siya kay Bradley at sa driver na naghatid sa akin patungo sa tahanan ni Tatay Gabriel.
"Sir, para naman akong sasabak sa buwis-buhay na misyon nito," hindi ko napigilang sabihin. Natawa tuloy siya at ang mga kasama namin sa saskayan.
"Nagpapaalala lang." Humalukipkip si Sir Frank.
"Mabait naman ho 'yan si Mang Gabo. Kilala ho namin 'yan, Sir," sabi ni Bradley. Iyon pala ang palayaw ni tatay.
Nahalata siguro ni Bradley ang pag-aalala ni Sir Frank kaya niya nabanggit iyon.
Nagpaalam ako sa kanilang lahat bago ako bumaba ng sasakyan. Tapos ay nilakad ko na ang kaunting distansya patungo sa bahay ni Tatay Gabriel. Pagdating ko doon ay naghihintay na siya sa balkonahe. Kumaway siya nang makita ako.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa katapat na upuan. "Good morning po ulit."
Ngumiti siya. "Magandang umaga po, Ma'am."
"Florence na lang po." Ngumiti ako pabalik. "Kayo nga ay tatay po ang tawag ko."
Natawa siya, kapagkuwan ay nag-anyaya, "Gusto mo bang lakarin ang kahabaan ng dalampasigang ito? Para mailarawan mo sa mga amo mo."
"S-sige po." Mas okay nga iyon, mas kaswal.
Tumayo siya at sumunod ako. Nagsimula kaming maglakad nang marahan patungo sa kaliwang direksyon mula sa bahay.
"Nabasa ko naman nang maigi iyong mga kondisyon na nakalagay noon sa kasulatan na ipinadala mo bago kayo nagtungo rito," aniya. "Ipinabasa ko na rin iyon sa kaibigan ko sa munisipyo. Mas maalam sa batas 'yon at mas naiintindihan niya 'yong mga nakasulat doon.
"Eh, Tatay, kung may mga tanong po kayo. Puwede niyo naman po ako i-text doon po sa number ko," wika ko. "Para mas malinawan po kayo."
"Ayos lang at nag-aaral naman ng abogasya iyong pinagtanungan ko," pahayag niya. "Sabi niya'y maganda nga iyong alok niyo."
Tumango-tango ako. "Pero nagdadalawang-isip po kayo dahil may sentimental value po ang bahay sa inyo?"
"Oo. Bagaman, nalulungkot na rin akong nag-iisa lamang ako dito," tugon niya.
"N-nabanggit niyo na po ba sa mga anak niyo po?" Nalungkot din tuloy ako para sa kanya.
"Ang totoo'y matagal na akong kinukumbinsi ng mga anak ko na magtungo sa America. Kuuu, nag-aagawan pa ang mga 'yon kung kanino ako titira." Natawa siya nang bahagya.
"Lipat-lipat, 'tay, para ma-experience niyo po lahat. Tig-a-apat na buwan po sa bawat isa," suhestiyon ko. Masaya akong malaman na hindi naman pala nalimutan si Tatay ng mga anak niya, at sa katunayan nga ay gusto pala siyang makasama na ng mga ito.
"Magandang ideya 'yan." Nagliwanag ang kanyang mukha. "Tama ka. Para makasama ko ang bawat isa."
Tumango ako at ngumiti.
"Aba'y alam mo, kung wala lang nobya sa America 'yong bunso ko, ire-reto ko sana sa iyo," tatawa-tawa niyang sabi. "Parang iyon ang ka-edad mo.
Napatawa din tuloy ako. "Hala ka, 'tay. Kung sakali man, hindi rin po siguro ako magugustuhan ng anak niyo."
"Sabi nga ng mga kabataan, "choosy ka pa ba?""
Naghagalpakan kami ng tawa ni Tatay Gabriel. Ang cute kasi ng pagkasabi niya.
"Siya pa ang tatanggi, ay maganda kang dalaga. Maamo ang mukha." Pakiramdam ko ay pinamulhan ako ng mga pisngi sa papuri niya. "Ikaw bang bata ka, may nobyo na?"
Umiling ako. "Naku, 'tay, wala po."
"Sayang, oo. Ito kasing anak ko, nagka-nobya agad." Napa-palatak pa siya. "Akala ko nga'y iyong isa sa mga kasama mo noon ay boypren mo."
Natawa ako. "Mga boss ko po 'yon, 'tay."
"Ay, alam ko. Kaso ibang makatingin sa iyo. Pero parang hindi mo naman napupuna," aniya.
"Po? Kayo talaga 'tay, o." Itinawa ko na lang. Totoo naman, wala naman akong napapansin na ganoon.
"Sa itinagal-tagal ko sa mundong ito, hindi na ako magkakamali sa bagay na 'yan." Umiling siya. "Ay, kitang-kita ang paghanga sa kanyang mga mata tuwing sinusulyapan ka."
"S-sino po doon?" tanong ko dala ng kuryosidad.
"'Yong isa sa kanila ay maputi at walang bigote't balbas, hindi ba?" Bakas sa mukha ni Tatay na inaalala ang hitsura ng aking mga kasama noong pinuntahan namin siya.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Si Sir Maui?"
"Hindi iyon. Ang nakatingin sa 'yo ay 'yong may bigote't balbas na parang uban lahat ng buhok."
Si Sir Frank?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top