FOURTEEN

"S-sigurado po kayo, Sir?" Hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Sir Maui. "Ako po?"

"None other than you," diretso niyang sagot.

Hindi ko alam kung anong isasagot doon. Napalunok na lang ako.

"I don't know if you still remember the first time we talked in the elevator," muli siyang nagsalita. "From then on, you've been in my mind."

Pasimple kong kinurot sa ilalim ng lamesa ang bahagi ng braso ko na malapit sa pulso. Baka sakaling magising na ako sa panaginip na ito. Pero walang nagbago. Nandito pa rin ako.

"I really intended to come to Siargao with you and Frank. Well, I haven't been there also but you really are the main reason," pahayag niya. "I really wanted to know you. From that trip, I got a glimpse of who you are, and now, I wanted to know you even more."

"H-hindi po ako makapaniwala..." hindi ko napigilang sabihin iyon.

"Why?" Ngumiti siya.

"Ah..." Alangan namang aminin ko na matagal na akong may paghanga sa kanya? Wala naman akong ganoong lakas ng loob. "Eh...kahit naman po siguro sino sa kalagayan ko, Sir. VP po kayo ng kumpanya kung saan ako nagta-trabaho. Mataas na po ang posisyon niyo, maganda ang takbo ng karera. Hindi lang po ako makapaniwala Sir na sa akin po kayo...ano..."

"Interesado?" Siya na ang ang nagtuloy ng salitang hindi ko masabi-sabi.

Tumango na lang ako.

"I must admit I find you beautiful, Florence. I'm even asking myself why I haven't seen you before," pag-amin niya, at pakiramdam ko ay nag-init ang mga pisngi ko. Lumipad ang tingin ko sa glass window sa gilid namin.

"You're blushing?" Napuna niya rin pala.

"'Yaan niyo na po, Sir. 'Wag niyo na lang po pansinin." Lalo tuloy akong nahiya.

Natawa siya nang mahina. "You're adorable."

"Hala, Sir..." Hindi ko malaman ang isasagot ko, kung magpapasalamat ba ako o ano.

"And I told you to drop the "Sir"," malumanay niyang paalala.

"P-puwede po bang sa work, Sir pa rin ang tawag ko sa inyo?" tanong ko. "Medyo nakakahiya po kung first name lang tapos naririnig ng mga tao. Saka...saka ano po, being professional lang po, gano'n."

"Fine. If you're comfortable with it," aniya. "But since were outside of work now, you can call me Maui."

"Okay po." Pinilit kong banggitin ang pangalan niya kahit nahihiya talaga ako. "Maui."

"Better." Lumawak ang pagkakangiti niya. "Thank you for accepting my invitation for tonight, Florence."

"Ako nga po ang dapat magpasalamat s-sa pag-imbita niyo po sa akin." Pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga sa kilig.

Sumeryoso siya at tumitig sa akin. "I hope to spend more time with you."

Ni hindi ko naisip ito. Matagal ko naman nang tanggap na hindi niya ako mapapansin man lang. Pero hindi ko alam kung anong himala ang lumukob sa mundo ko at nangyayari ito ngayon.

"Will there be a next time?"

Lutang sa kaligayahan na tumango ako bilang tugon.

***

"Anong nangyari do'n kay Sir Simang?"

"Simang?"

"Simangot. 'Yong tiga-Finance na ang guwapo pa naman sana. 'Wag mo na banggitin ang pangalan, Marecakes." Napansin kong pailalim pang tumingin sa akin iyong nagsalita.

"Ah, oo, bumait nga 'yon, eh."

"Sumasagot na kapag binabati."

Tatlong empleyado ang nagchi-chismisan sa elevator. Hindi ako sigurado kung saang departamento sila, ang sure lang ako, si Sir Maui iyong pinag-uusapan nila.

May alam na kaya ang ibang mga empleyado? Pero kagabi lang kami lumabas ni Sir Maui, at kasabay pa namin si Sir Frank hanggang sa parking lot ng building kung saan doon na siya humiwalay sa amin. Sanay naman ang mga tao sa kumpanya na lagi akong kasama ni Sir Frank dahil Executive Assistant niya ako. Kung may mga nakakita man sa amin kahapon na magkakasama, iniisip siguro nila na sumabay lang sa amin si Sir Maui.

Nauna silang bumaba sa akin. Nang huminto ang elevator sa 23rd floor ay lumabas na rin ako at dumiretso sa opisina namin.

"Ano, Mamsh, baka gusto mong ikuwento 'yong ganap kahapon?"

Iyon ang salubong sa akin ni Kimverly pagbukas ko ng pinto.

"Ssshh." Iniharang ko ang hintuturo ko sa bibig ko habang nakatingin sa puwesto ni Miss Celine. Buti at naka-headset pala siya.

"Bakit ka nahihiya? Kung ako 'yan, chosko, super proud pa 'ko," pabulong na aniya.

"Hindi ko alam kung gusto niyang ipaalam sa lahat," paliwanag ko. "Saka ayokong maging sentro ng mga usap-usapan."

"Ewan ko sa 'yo, Mamsh." Napa-iling siya. "Kakalat at kakalat 'yan lalo at maging madalas na kayo ma-sight na magkasama. Hindi niyo maha-hide 'yan. Matitinik ang mga empleyado dito."

Naputol ang pag-uusap namin nang sabay na dumating sila Kathryn at Nadine. Sumabay na rin ako sa kanila papunta naman sa mesa ko. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Sir Frank. Agad niya akong ipinatawag sa loob ng opisina niya.

"Sorry, Sir," sabi ko agad pagkaupo sa tapat ng lamesa niya. "Hindi ko naman din akalain po na pupunta pa si Sir Maui kahapon dito."

Natawa siya. Hindi niya yata inaasahan ang paliwanag ko. "No need to be sorry. Office romance is fine with me, Florence. Sabi ko nga, basta gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo sa akin, wala tayong magiging problema."

"Akala ko po dahil doon kaya niyo po ako ipinatawag." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahiya ako sa pagka-overly defensive ko.

"Silly." Ngumisi siya. "We have work to do. I want you to draft letters to SystemsPh and to Mr. Carlos Borres."

Tumango ako. Mga ka-transaksiyon iyon ni Sir. "Okay po. Na-set ko na rin po 'yong mga meetings na pinapa-set niyo po next week."

"Good. Thanks." Nakabalatay sa mga mata niya na tila ba gusto niya akong tuksuhin.

Sasagot sana ako pero bigla naman siyang bumalik sa usapan tungkol kay Sir Maui.

"So you two are dating?"

"Ah...k-kahapon lang po," pag-amin ko.

"Kilig yarn?" Doon na sumilay ang nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko napigilang matawa. Ang cute niya lang kapag sinasabi niya ang mga katagang iyon. Parang hindi boss.

"Hala, sir," natatawa pa ring sabi ko.

"Kilig nga." Tumawa siya, matapos ay sumeryoso. "Masaya naman ako para sa 'yo. Alam ko namang gusto mo rin 'yang pinsan ko. At least hindi na lang ano...ano nga 'yong sabi mo sa akin noon?"

"Alin po?"

"'Yong sa crush. Ano nga 'yon?"

"Ah, happy crush po." Naalala pa pala niya iyon. Pero duda talaga ako sa nanunudyo niyang tingin at ngiti.

Sinubukan kong tanungin siya, "S-Sir, w-wala po ba kayong sinabi kay Sir Maui? Tungkol sa...sa narinig niyo po noon. Sa alam niyo po."

Humalakhak siya. "Wala, ah. 'Wag mo 'kong pagbintangan, Florence."

"S-sorry po." Humingi ako ng paumanhin kasi baka sobra na iyong itinanong ko. Boss ko pa rin siya.

"Bakit? 'Di ka ba makapaniwala na gusto ka niya?" Napa-iling siya habang natatawa pa rin.

"Hindi po." Sinabi ko ang totoo. "Parang ang bilis po kasi at biglaan."

"Florence, even if I told him that, if a man wants you, nothing can keep him away," seryoso ang mukha niya nang sabihin iyon. "If he doesn't, nothing can make him stay."

Tumango ako. "Ang hirap lang din po kasi na nagpakita siya nang ganoon sa akin dahil lang alam niya pong may...may ano, may something ako sa kanya."

"Maui is a good man. He won't take advantage of anyone," paniniguro niya sa akin. "And don't worry, I didn't tell him anything. Satisfied?"

"Thank you po." Nakahinga ako nang maluwag.

Ngumiti lang siya. "Okay na, Florence. You may go."

"Sige po." Tumayo na ako. Naglalakad na ako patungo sa pinto nang maramdaman kong nakasunod siya sa akin. Nilingon ko siya.

"I'm going to the restroom," paliwanag niya kahit hindi naman ako nagtanong.

"Okay po."

Ipinagbukas niya ako ng pinto. Paglabas namin, parehas naming nakita na may nakapatong sa table ko na lobo na transparent, na may laman sa loob na maliliit na lobo rin na kulay purple naman. May naka-print din doon sa transparent balloon na I Purple You in gold letters. Nakatayo iyong lobo dahil nakatusok ang plastic handle nito sa loob ng isang square box na may mga purple at white roses.

Napakunot-noo ako. Sa tabi noon ay may dalawa pang orange at yellow na boxes.

"Album ng BTS!" nasambit ko bigla. "Butter!"

"I think somebody's got a suitor here."

Maski sina Kimverly, Kathryn, at Nadine ay napatingin kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. Nakatayo kasi sila malapit sa table ko. Mukhang kararating lang kasi ng mga items na iyon at sila ang naglagay sa mesa.

"Para po kay Florence," kinikilig na tugon ni Kimverly. "Galing po kay...kay Sir Maui."

Bumaling sa akin si Sir Frank at ngumiti nang mapanukso. "I knew it. So, what does "I Purple You" mean? Was it a secret language between the two of you?"

"Hindi po." Umiling ako at ipinaliwanag sa kanya ang ibig sabihin noon. At pati ang kaugnayan noon sa paborito kong K-Pop group.

"At paano naman niya nalaman 'yang tungkol sa K-Pop group na ina-idolize mo?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Sa Siargao po. Napagkuwentuhan lang po namin isang gabi. Nagulat nga po ako na naalala niya pa." Napangiti ako.

"Kung alam ko lang, hindi na mga libro ang ibinigay ko."

Hindi ko alam kung tama ang dinig ko sa sinabi niya. Ang hina kasi ng boses niya nang banggitin ang mga kataga.

Nilingon ko siya pero nginitian niya lang ako. Hindi ako sigurado kung narinig ng mga kasama ko iyong tinuran niya, pero mukhang hindi, dahil wala silang reaksiyon. Basta sila, kinikilig.

Tama nga si Kimverly, hindi ito maitatago lalo at ganito pala ka-open si Sir Maui tungkol dito.

***

"Floring, halika nga rito." Sumenyas si Ate Aira sa akin na lumapit sa kanila kahit naglalakad naman na ako patungo sa grupo nila. Nakita kong tumayo si Gino para kumuha ng bakanteng upuan sa ibang table at inilipat sa lamesa nila.

Dito ako magla-lunch ngayon sa pantry ng Accounting Department dahil may meeting si Sir Frank sa labas ng LDC. Hindi naman na niya ni-require na sumama ako. Iyong mga kasamahan ko sa OVPEA, as usual, sa labas ulit sila kumain.

Nang makalapit ako sa kanila ay nagpasalamat ako kay Gino at doon na rin naupo.

"O, ba't parang mga excited kayo diyan?" Pinuna ko sila. Nakangiti kasi silang lahat at parang may chismis na gustong i-spill sa akin.

O alam na rin nila?

"Alam mo ba, dumaan dito si..." Saglit na huminto sa pagsasalita si Cheska at luminga-linga muna sa paligid, wari bang tinitiyak kung may makaririnig sa kanya.

Tapos ay saka bumaling ulit sa amin at nagsalita sa mas mahinang boses. "...si Sir Maui. No'ng Lunes. May pasalubong sa lahat, from Siargao daw. Nagulat kami, Ate. Parang ibang tao siya no'ng araw na 'yon."

"At hindi lang no'ng araw na 'yon!" dugtong ni Eya. "Parang nag-iba na talaga siya ever!"

"Naging friendly na towards employees. Hindi na siya suplado," pagbibida pa ni Alina.

"Eh, 'di ba, sinasabi ko naman sa inyo noon pa na mukha namang mabait siya talaga." Ngumiti ako.

"Wala naman kasing masamang tinapay sa 'yo, Mamsh." Natawa si Ate Aira. "Sige, noon, mukha siyang mabait. Ngayon, mabait na talaga siya. Anong ganap no'n?"

"Anong ganap niyo sa Siargao?" pahabol na tanong ni Eya.

"Ganap? Namin?" nagtatakang tanong ko. Hinuhuli lang ba ako ng mga ito?

"Oo. 'Di ba kasama ka nila sa Siargao?" si Eya ulit.

"Nag-bible study ba kayo do'n? Open forum?" tanong din ni Gino. "Bakit natauhan 'yon? Baka binanatan mo ng mga inspirational?"

"Sira." Natawa tuloy ako at doon na rin sila nagtawanan.

"Wala namang kakaibang naganap. Noong papunta pa lang kami, as in 'yong nagkita-kita kami sa airport, nagkukuwento na siya, palatawa, hindi 'yong usual na Sir Maui na nakikita natin dito sa office," kuwento ko. "Kaya pakiramdam ko, ganoon naman siya talaga, baka 'di niya lang ipinapakita sa lahat ng tao."

"Pero ang drastic ng change niya." Napapa-isip si Cheska. "'Kala nga namin, may kinalaman 'yong travel niyo sa Siargao do'n."

"Usap-usapan na nga ng mga empleyado kung bakit siya biglang nagbago," sabi naman ni Eya. Napalunok ako. Parang wala pang alam itong mga kaibigan ko. Hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin.

"So, okay naman siya no'ng Siargao niyo?" tanong pa ni Alina

Tumango ako. "Oo, Down-to-earth nga si Sir Maui, eh. Mabait makitungo sa mga staff no'ng resort na tinuluyan namin, game naman siya sa mga travels doon, hindi nagpapa-VIP treatment."

"Baka nahiya magsungit do'n kasi nandoon ka, Mamsh. Malamang, pinakitaan mo ng kabutihan kaya mahihiya siyempre mag-inarte 'yon," ani Ate Aira. "Sana magtuloy-tuloy na. Sayang ang ka-guwapuhan niya kung salubong lagi ang mga kilay niya..."

"Ate Aira." Siniko siya ni Alina habang nakatingin sa entrada ng pantry. Tumingin din tuloy kami sa direksyon na iyon at nakita naming papasok si Sir Maui.

"Speaking," mahinang sabi ni Cheska.

May mga empleyadong kumakain sa pantry na bumati sa kanya. Masayang binati niya pabalik ang mga ito, pero doon siya dumiretso sa table kung saan kami naroon.

"Can I join you, guys?"

Hindi kami lahat naka-react agad at nakatingin lang sa kanya. First time kasing nangyari ito na siya iyong nag-approach sa amin - at nakikisabay pang kumain.

Ako ang unang nakahuma. Ilang araw na rin naman kaming nagpapalitan ng mga mensahe sa Messenger kaya kahit paano ay sanay na rin naman akong kausap siya. Na ganito siya.

"Ah, saglit Sir, kuha lang po akong upuan." Tatayo na sana ako para kuhaan siya ng upuan sa katabi naming bakanteng lamesa.

Pero pinigilan niya ako. "No, Sweetheart. Let me."

Sweetheart.

Diyos ko po. Puso ko!

Nilagay niya ang upuan sa tabi ko. Umusog na lang si Gino para bigyan ng espasyo si Sir Maui. Nagpasalamat naman ang huli sa una.

"Hi, Florence."

"H-hi." Noon na lang kami nagkita ulit matapos naming mag-dinner three days ago. Bagamat tuloy-tuloy naman ang komunikasyon naming dalawa.

"Nice to see you again," pagkasabi niya noon ay isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. "Dito ka nagla-lunch lagi?"

"Minsan po kapag walang kasabay sa itaas," tugon ko. "Kadalasan po kasi sa labas sila kumakain, ako po, nagba-baon. Kain po pala tayo, Sir."

"I'm done. Thanks. Kain lang kayo." Napatingin ako sa dala niyang cup of coffee.

Nang dumako ang tingin ko sa mga kaibigan at dati kong kasama sa departamento ay nakatingin sila sa amin na tila ba hindi makapaniwala na kausap ko si Sir Maui nang ganoon.

"Where's Frank by the way?" tanong niya kaya muli akong bumaling sa gawi niya.

"May appointment po outside, Sir," sagot ko.

Maya-maya ay nagkukuwento na sa lahat si Sir Maui tungkol sa Siargao trip namin, mostly ay sa magagandang lugar na pinuntahan namin doon. Wiling-wili naman itong mga kaibigan ko sa pakikinig at nanghingi pa nga ng mga travel tips. Unti-unting napawi ang kaninang pagka-ilang nila kay Sir Maui.

Masaya akong makita na napapalapit siya sa mga empleyado ng LDC. Hindi ako nagkakamali, mabait nga talaga siya at masayahin. Sadya nga lang sigurong may pinagdaanan siyang hindi maganda tulad ng kuwento ni Kimverly noon kaya naging aloof at cold siya sa mga tao.

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya, habang siya naman ay masayang nakikipaghuntahan sa mga kaharap namin sa lamesa.

***

Nararamdaman ko ang mga matang nakasunod sa akin habang naglalakad ako patungo sa elevator. Alam ko, unti-unti na ring nakakarating sa kamalayan ng mga tao sa kumpanya ang tungkol sa amin ni Sir Maui. Madalas rin kasing magpadala ng kung ano-ano sa opisina namin si Sir, kadalasan mga food para sa akin at sa mga kasama ko sa OVPEA. Maka-ilang beses na ring nag-date kami after office hours kaya may mga nakakakita na sa aming dalawa.

Sa totoo lang, wala naman siyang nababanggit kung nanliligaw ba siya. Sabi niya lang, gusto niyang mas makilala pa ako, at ganoon din ako sa kanya. Mas okay nga siguro iyon. Ang mahirap nito, paano kung may ma-diskubre siyang mga ugali ko na hindi okay sa kanya, titigil na ba kami sa pagkikita? Sa pagko-communicate?

Parang mas masakit pa yata iyon, ah.

"Ma'am, may nagpapabigay po." May iniabot sa akin ang maintenance personnel na nakatayo sa gilid ng elevator.

"Sa akin po?" Nagtaka ako.

"Oo daw po, Ma'am."

"Kanino po galing?"

"Hindi ko po alam, Ma'am. Basta ang sabi ay iabot ko lang po sa inyo."

"S-sige po. Salamat."

Kinuha ko iyong papel. Puting cardboard iyon at may nakasulat.

Happy morning, Florence!

Napakunot ang noo ko. Sino kaya ito?

Pumasok na ako sa elevator. May ilang kasabay ako na tila curious sa hawak kong cardboard. Nakita kasi nila iyong pag-abot sa akin ni kuyang maintenance.

Paghinto ng elevator sa 23rd floor, lumabas na ako. Naroon si Kimverly at may iniaabot sa akin, tulad din ng iniabot sa akin sa ibaba.

"Mamsh!" Kinikilig pa siya. "Gora ka na!"

"Saan?" Takang-taka pa rin ako.

"Basahin mo kasi!" Itinuro niya iyong papel na hawak ko na.

Please proceed to the 35th floor.

"35th floor?" Tumingin ako ulit kay Kimverly. "Anong nangyayari? May nagbigay din sa akin ng message sa ground floor."

"Hindi ko knows, Mamsh." Umiling siya. "Basta napag-utusan lang ako na ibigay 'to sa 'yo pagdating mo."

"Nino? Sino nag-utos?" tanong ko.

"Ang dami mong katanungan, Mamsh." Pinindot ni Kimverly ang "up" button ng elevator. "Sige na, kapag bumukas 'yan, sakay na."

"Pero..."

"Malalaman mo pag-akyat mo do'n." Pinutol na ni Kimverly ang sinasabi ko. Bumukas na rin ang elevator. Halos ipagtulakan niya ako papasok. Wala na akong nagawa.

Ang 35th floor ang pinakahuling palapag ng gusali. Isang beses pa lang ako nakarating doon at nakalimutan ko na nga kung anong transaksiyon ang ginawa ko doon, pero alam ko, may security office doon.

Pagdating ko sa floor na iyon ay may security personnel na nag-abot sa akin na kahalintulad na white cardboard.

"Good morning, Ma'am. Akyat po kayo sa taas."

Tiningnan ko ang nakasulat sa cardboard. I'll be waiting for you upstairs.

"Sa taas po? Sa helipad?" Alam ko kasi na iyon na ang kasunod na palapag.

Tumango lang si kuyang security. Hindi na rin ako nag-abalang tanungin siya. Dahil tulad ni kuyang maintenance at ni Kimverly, sigurado ako na wala rin siyang sasabihin. Nagpasalamat na lang ako.

Nagtungo na ako sa stairs na kanugnog ng helipad. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Si Sir Maui kaya ang may pakana ng lahat ng ito?

Umiihip ang malakas na hangin nang marating ko ang helipad. Mula sa lugar na ito ay kitang-kita ang buong paligid ng siyudad. At isang pamilyar na pigura ng lalaki ang nakatayo roon, nakatalikod mula sa direksyon ko.

Natigilan ako. Napahinto sa paglalakad. Sakto namang pumihit siya upang tumingin sa akin.

"Hi, Florence."

"Sir Frank?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top