FOUR
"Ano po 'yon, Sir?" tanong ko kay Sir Frank. Gusto ko sana siyang usisain kung saan niya nakuha ang cellphone number ko, pero siyempre, siya ang boss kaya marami siyang means.
Pero loko rin talaga itong bossing ko. Naisip pa niyang magbiro ng ganoon patungkol sa Tinder. Baka gumagamit talaga siya ng dating app na iyon? Ewan ko rito.
"Ayokong pumasok bukas," deklara niya. "Bahala ka na sa opisina."
Ganoon lang iyon? Ayaw niyang pumasok, so hindi siya papasok? Kasisimula lang niya sa trabaho kanina, tapos absent agad siya bukas?
Ano namang paki mo kung ayaw niyang pumasok? sabi naman ng isang bahagi ng utak ko. Oo nga naman.
"Florence..." tawag niya sa akin sa malamyos na boses. Wala sa loob na napalunok ako.
"N-nandito pa ako, Sir. M-medyo mahina lang po ang...ang signal ko." Nagpalusot na lang ako sa hindi ko agad pagsagot.
May naalala ako bigla. "Sir, paano po pala 'yong mga meeting niyo bukas?"
"Just call them early morning tomorrow and inform them I couldn't come to work because I'm sick." Sa tono ng pagsasalita niya ay mukha namang hindi totoo ang sinasabi niya.
Pero baka nga tunay naman kaya nagtanong pa rin ako, "Masama po ang pakiramdam niyo?"
Narinig kong tumawa siya bago nagsalita nang seryoso, "Don't worry, it's not true. But don't tell anyone, okay?"
Idadamay pa talaga ako sa pagsisinungaling.
"May kailangan lang kasi akong asikasuhin outside of the Metro. Pero ayokong ipaalam kahit kanino," nagpaliwanag siya. "But then, I'll be back the next day, okay."
"Sir, 'pag nagtanong po sina Miss Celine o kahit sino sa office, at sinabi ko po na may sakit kayo, eh baka mag-alala din po sila," nagpaliwanag din ako. "Alam niyo na po, COVID. Baka isipin nila na me'ron kayo at mahawa sila."
"Damn." Pumalatak siya. "Alright, I'm gonna get a swab before I return to work and show everyone."
"Okay po," sabi ko na lang kasi parang galit pa siya, nagpaalala lang naman ako. Hindi ko na rin alam kung anong isasagot doon.
"Alright. Bye," paalam niya sabay putol ng tawag. Hindi na niya ako hinintay na makasagot.
Tinignan ko pa ang screen ng cellphone ko pagkatapos. "Badtrip ka, Sir?"
Nasa ganoon akong eksena nang may mag-message, galing sa number na iyon.
BTW, thanks. Save my number. - Frank
Okay. Eh, 'di i-save.
***
Maaga pa rin akong pumasok kahit alam kong hindi papasok si Sir Frank ngayong araw. Ayos din, magagamit ko ang oras na wala siya para mas magamay ko pa ang trabaho ko sa bagong opisina.
Sumakay ako ng elevator at pasara na sana ang pinto pero nakita kong may paparating. Mabilis kong pinindot ang "open door" button para makahabol kung sino man itong sasakay.
Kaso, natulala ako nang makita ko na siya sa malapitan.
Si Sir Maui!
Pakiramdam ko nag-slow mo ang lahat ng kilos at galaw sa kapaligiran, at sa gitna ng katahimikan naming dalawa, para bang naririnig ko na ang tibok ng sarili kong puso.
"Are we still waiting for someone else?" tila bagot na tanong niya. Nasa loob na kasi siya ng elevator pero hindi ko pa rin pala naiaalis ang daliri ko na naka-pindot lang sa buton.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tono ng pananalita niyang kasing-lamig ng yelo.
Pero kahit ganoon ay sinikap ko pa ring maging magalang. "G-good morning po, Sir."
Tumango lang siya, pero hindi siya sumagot - ni hindi man lang ngumiti.
Pero kahit ganoon, guwapo pa rin siya sa paningin ko. Ang mga mata niya, kulay brown pero malamlam. Akala ko, sadyang ganoon lang. Pero nang malaman ko ang kuwento tungkol sa namatay niyang GF dahil sa aksidente, naisip ko na baka iyon ang dahilan kung bakit para bang laging may lungkot sa kanyang mga mata.
Pinindot ko ang 23 sa buttons bago pa niya ako masita ulit. Baka masigawan na nga ako nito dahil mukha na akong eengot-engot. Hindi ko na siya tinanong at alam ko namang katabi lang ng opisina niya ang opisina namin.
Sa totoo lang, parehas lang naman sila ni Sir Frank na medyo Kastilain ang hitsura, pero mas maamo kasi ang mukha ni Sir Maui. Si Sir Frank kasi iyong tipo na para bang laging may namumuong kalokohan sa utak, hindi tulad ni Sir Maui na mukhang mabait at matino.
Matangos din ang ilong ni Sir Maui. Perpekto ang hugis ng mga labi. Malinis tingnan - walang kahit anong balbas o bigote sa mukha at clean cut ang buhok. Minsan ko na rin siyang nakitang ngumiti sa isang meeting, at na-retain na iyon sa utak ko habambuhay. Ang guwapo niya lalo! May dimple din siya sa magkabilang-pisngi.
"Saang office ka?" biglang tanong niya sa akin.
Parang tumugtog sa isip ko iyong Bibingka ng Ben and Ben.
Nagsi-awit ang mga anghel sa langit...
Mali. Pang-Christmas pala iyon.
"Sa OVPEA po," binanggit ko iyon kung paano banggitin ng mga ka-opisina ko - O-V-Peya.
Ito ang unang beses na kinausap niya ako sa loob ng ilang taong pagta-trabaho ko sa kumpanyang ito. Parang gusto kong magpa-ice cream sa mga ka-opisina ko mamaya.
"Bago ka?" tanong niya ulit.
Hindi niya siguro natatandaan na dati akong tiga-Accounting Department - hawak pa naman ng opisina niya ang departamento namin. Pero sino ba ako para magdamdam? Isang hamak na empleyado lang naman ako.
Ipinaliwanag ko na lang, "Bago po ako sa OVPEA pero galing po ako ng Accounting Department."
"Talaga?" Tumingin siya sa akin at nakita ko sa mukha niya na napapa-isip siya. "Parang hindi kita natatandaan."
Awit! Hindi na awit ng anghel 'to, Florence...aww sakit na 'to!
"Ah, eh, Accounting Clerk lang po kasi ako noon, Sir." Iyon na sa palagay ko ang pinaka-puwede kong isagot sa kanya. "K-kaya wala po sigurong chance na magkita o magkausap po tayo."
Tumigil ang elevator at bumukas. 23rd floor na. Tumabi ako para paunahin na sana siyang lumabas, pero sumenyas siya na ako na ang mauna. Lumabas ako at naglakad nang mabagal para sana maka-una na siya sa akin, pero naramdaman ko na nakasunod lang siya sa likuran ko.
"Hindi ka Accounting Clerk lang," bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. In-emphasize niya pa iyong salitang "lang". "Everybody in this organization is important, so I don't want to hear you belittle yourself the next time, okay?"
Marahang tinapik pa niya ang balikat ko bago siya naglakad at nilagpasan ako.
Naiwan akong tulala habang nakatingin sa bulto niyang papalayo sa akin.
***
"May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank.
"A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling.
"Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating."
Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito.
Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at timid self ko, nadadala ko kasi iyon kahit sa pagsasalita.
Balang-araw ay matututunan ko rin ang tamang tono. Kapag araw-araw nang ginagawa ay masasanay din.
Pagdating ng lunch time ay lumabas ulit ang mga kasama ko. As usual, hindi ako sumama dahil may baon ulit ako. Bababa na lang ako sa 22nd floor para maki-sabay sa mga dati kong kasama sa Accounting.
Nang mapadaan ako sa pantry, naalala ko bigla si Sir Frank. Kahapon lang, kasabay ko siyang kumain dito, tapos ngayon, absent agad siya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng emptiness nang masulyapan ko iyong mga upuan na in-occupy namin kahapon.
Napa-iling ako. Ano ba itong iniisip ko?
Dumiretso na ako sa pinto at lumabas ng opisina.
***
Maaga akong nakauwi ngayon dahil wala si Sir Frank. Nakasabay pa nga kami ni Kimverly sa schedule ng company shuttle service. Kaya nagka-time ako para mag-bake ng matcha cookies at caramel bars. Naalala ko rin kasi bigla iyong sinabi ni Nadine noon na gusto niyang matikman ang matcha cookies ko.
Isa pa, ganado ako at masaya dahil may close encounter kami ni Sir Maui ngayong araw. Kanina pa nga nagre-rewind sa isip ko nang paulit-ulit iyong tinapik niya ang balikat ko. Malala na yata itong tama ko kay Sir Maui.
Mas inagahan ko ang pasok kinabukasan para makadaan muna sa Accounting. Si Eya ang naabutan ko na naroon na.
"Ay, tinotoo mo nga 'yong promise mo kahapon, Mamsh!" masayang sabi niya nang iabot ko sa kanya ang tig-dalawang boxes ng caramel bars at matcha cookies. "Thank you! Miss na namin 'to."
"Wala 'yon. Bahala na kayo mag-share-share diyan, ha," bilin ko naman. "Pasensiya na din, 'di na ako naka-bake nang madami."
"Okay lang 'yon, ito naman!" Natawa siya nang bahagya. "Ikaw pa talaga humingi ng pasensiya."
Natawa na rin tuloy ako. "O siya, aakyat na 'ko."
"Eh 'di hindi ka na naman makakasabay sa 'min sa lunch mamaya?" tanong niya.
"'Di ko pa alam. Darating na ngayon si Sir Frank," sagot ko. "Depende kung wala naman siyang kailangan o anuman."
"Ano ba 'yan. Miss ka na namin, eh," naglalambing na sabi niya sabay hilig sa balikat ko. "Balik ka na dito, Mamsh."
Natawa na naman ako. "'Di na puwede. May na-hire na yata doon sa dati kong post, eh."
"'Yong friend mo ba?" Umalis siya sa pagkaka-hilig sa balikat ko at humarap sa akin.
"Hindi, eh." Umiling ako. "Hindi siya 'yong natanggap."
"Sayang naman," aniya. "Wala talagang palakasan kay HR kahit may kilala na dito sa loob 'yong applicant."
Nag-usap pa kami ng konti ni Eya bago ako nagpaalam ulit na aakyat na ako sa opisina namin. Parang ayaw pa namin matapos sa paghuhuntahan pero kailangan.
Sana maging ka-close ko rin nang ganito iyong mga bago kong officemates. Looking forward na mangyari iyon.
Gumawa rin ako ng isang box ng matcha cookies para kay Sir Maui. Gusto ko sana siyang pasalamatan para sa...sa pagtapik niya sa balikat ko? Char! Sa words of encouragement na ibinigay niya sa akin. Na hindi ako basta staff lang. Hindi ako basta empleyado lang.
Kaso noong nasa tapat na ako ng office niya, naunahan ako ng hiya! Una, para maibigay ko iyong matcha cookies sa kanya, malalaman pa ng mga staff niya, siyempre hindi naman ako makaka-direkta sa kanya. Pangalawa, napag-isip-isip ko na parang ang awkward din kasi na out-of-nowhere ay magbigay ako ng something sa kanya, eh, ni hindi niya nga natatandaan na matagal na akong empleyado.
Parang huwag na lang.
Umatras ako.
Pumunta na ako sa opisina namin. Itatabi ko na lang muna iyong para kay Sir Maui. Bahala na, baka ibigay ko na lang iyon sa ibang pagkakataon, o kaya ay sa ibang tao na lang.
Pagdating ko sa office ay naroon na halos lahat ng kasama ko. Si Kimverly na lang ang wala. Na-realize ko na napasarap yata ang kuwentuhan namin ni Eya dahil usually, kami ni Miss Celine ang nauunang pumasok.
"Guys, may dala ako," sabi ko sa kanila. "Kaso kayo na bahala mag-share-share, ha."
"Matcha cookies na ba 'yan?" excited na tanong ni Kathryn.
Nakangiting tumango ako.
"'Yan 'yong sinasabi mo na masarap, Sis!" sabi ni Nadine sa kanya.
"Oo, nauuwi pa ni jowa 'to minsan sa bahay, eh!" sagot naman ni Kathryn.
Kinuha ko mula sa loob ng paper bag ang tig-isang box ng caramel bars at matcha cookies.
"Ay, ano 'tong isa?" tanong ni Miss Celine.
"Caramel bars po," sagot ko habang inaayos ang nag-iisang box na natira sa paper bag. Iyon nga dapat ang para kay Sir Maui.
"Parang ang sasarap nga," komento pa ni Miss Celine. "Buksan na natin."
"Sige po, go lang," sabi ko. "Magsi-CR lang po ako. Kayo na po ang bahala."
"Sure, sure," tugon ni Kathryn.
Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa upuan ko bago ako dumiretso sa restroom na nasa loob din nitong office namin.
Papalabas na ako ng CR nang marinig ko ang baritonong boses ni Sir Frank. "Ano 'yang pinagkakaguluhan niyo?"
Dumating na pala siya. May sumagot pero hindi ko masyadong narinig.
"Ang sarap, ah." Malapit na ako sa desk ko nang marinig kong nagsalita ulit si Sir Frank, "Sinong nag-bake nito? Liligawan ko na."
Natawa silang lahat. Habang ako napahinto ako sa paglalakad.
Si Kathryn ang nakakita sa akin. Itinuro niya ako. "Si Florence po, Sir."
Hindi ko alam kung paano magre-react sa biro niya tungkol sa ligaw. Ngumiti na lang ako. Buti na lang at wala na rin naman siyang sinabi.
"Pahingi pa ng isa," sabi niya sa mga kasama ko. Gusto kong matawa. Parang hindi kasi boss iyong pagkakasabi niya. Parang hindi VP.
"Ah, me'ron pa po dito, Sir," bigla kong naisip sabihin. "S-sa inyo na po."
"Talaga? Matcha rin 'yan?" tanong niya.
Tumango ako.
Lumapit siya sa akin habang kinukuha ko sa paper bag iyong natitirang isang box ng matcha cookies, na para sana kay Sir Maui.
Iniabot ko iyon kay Sir Frank. "Ito po."
"Isang box!" Natuwa naman siya nang makita iyon. "Akin talaga lahat 'to?"
Tumango ako at ngumiti. Nakahahawa kasi iyong kasiyahan niya. Pakiramdam ko tuloy blessing in disguise na hindi ko naibigay kay Sir Maui iyong cookies dahil may napasaya naman akong ibang tao sa pamamagitan noon - Si Sir Frank.
"Baka 'di na lang kita ligawan nito, nakangiti ring sabi niya. "Pakasalan na kita."
Namilog ang mga mata ko.
"Biro lang," tatawa-tawa niyang sabi nang makita niya sigurong nabigla ako. "Thank you, ah."
Iniwan niya na ako at pumasok na sa opisina niya dala-dala iyong isang box ng matcha cookies.
***
"Gumawa ka ng speech ko para sa anniv sa Friday. Tapos, mag-call back ka kay Mr. Torres, sabihin mo available na ako," sunod-sunod ang utos ni Sir Frank. Tinandaan ko lahat, sana lang wala akong ma-miss. "Nasaan pala 'yong draft ng sulat para sa Ebarle Enterprises?"
"Nandiyan po, Sir, sa folder na "for review"." Itinuro ko ang blue na folder sa harap niya.
"Okay, thanks. I'll look at it." Tumingin siya sa akin. "Tawagan mo rin pala si Charlene. Gusto ko siyang maka-usap."
"Okay po." Si Miss Charlene ay ang Department Head ng Marketing.
Tinanong ko siya, "May kailangan pa po kayo, Sir?"
"Hmmm..." Saglit siyang napa-isip. "Mag-set ka ng meeting anytime next week, hanapan mo ng schedule, ako, si Charlene, si Deborah. Isama mo na si Eric at si Dawson."
"Sige po," tugon ko. "Ah, Sir, kapag nagtanong po sila kung about saan, ano pong sasabihin ko?"
"Sabihin mo 'yong tungkol sa request na meeting 'to ni Charlene. Alam na nila 'yon, okay?" wika niya.
"O-okay po," sagot ko na lang kahit medyo ang labo ng sinabi niya. Diskartehan ko na lang kung paano sasabihin kapag nag-set ako. Kilala ko naman iyong mga nabanggit niya, mga Department Heads iyon maliban kay Sir Dawson.
Lumabas na ako nang sabihin ni Sir na iyon na lang daw muna. Paglabas ko ay tinawagan ko na agad si Mr. Torres para habang nag-uusap sila ay gawin ko na iyong speech ni Sir. Sa isang araw na ang anibersaryo ng kumpanya na idaraos online.
Kaso, hindi ko pa man na-contact si Mr. Torres ay may dumating sa opisina.
"Ah, Florence, may visitor si Sir Frank." Inihatid ni Kimverly papunta sa table ko ang isang lalaki na parang ka-age din ni Sir, maputi, at chinito. Parang pamliyar ang mukha niya sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Sir, good afternoon," pagbati ko. "Upo muna po kayo. Tawagin ko lang si Sir Frank. Ano po palang name niyo para mabanggit ko rin po sa kanya?"
"Sabihin mo na lang si Dan Sanchez." Sagot niya habang titig na titig sa akin. Ako na lang ang nag-iwas ng tingin. Nagpasalamat ako sa kanya at tumalikod na para tawagan si Sir Frank sa intercon.
"Sir, may bisita po kayo. Si Mr. Dan Sanchez po," sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Ako na lang ang lalabas diyan," aniya. Buti na lang at kilala niya pala talaga.
Pagkatapos ng call ay lumapit ako sa bisita. "Sir, papalabas na po si Sir Frank, pakihintay na lang po."
"Thanks," sagot niya. "Ano palang pangalan mo?"
"Huh? Ah..." Ayoko sanang ibigay kasi nakaka-ilang talaga siyang tumitig, kaso no choice na ako. "Florence po."
Magsasalita pa sana siya kaso narinig kong bumukas na ang pinto ng opisina ni Sir Frank. Paglingon ko, nakita kong papalabas na nga siya. "Ah, Mr. Sanchez, ito na po pala si Sir. Maiwan ko na po kayo."
"Thanks. Saka Dan na lang." Ngumiti siya ng nakakaloko. "Puwede rin namang "babe"."
"Spare her, Dan," nagsalita si Sir Frank sa likod ko. "Sige na, Florence."
Bahagya ko silang tinanguan bago ako bumalik sa desk ko.
"Shit, pare. Executive na executive, ah." Narinig kong biro ng bisita niya habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Sir.
"Fuck you," sagot lang ni Sir Frank sa kanya pero nakatawa. Palamura talaga itong bago kong boss. Sa iilang araw na kasama ko siya sa trabaho, naging normal nang maringgan ko siya ng "fuck" "shit" at "damn", bagamat hindi naman partikular na naka-direkta sa akin.
"Pero secretary mo 'yon, pare?" tanong ulit noong Dan. "Ang ganda, ah."
"Tigilan mo. Hindi siya katulad ng..." Hindi ko na narinig iyong karugtong ng sinabi ni Sir Frank dahil sumara na ang pinto.
***
Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.
Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga.
"O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko.
"Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman iyong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na.
"Hindi. Sa akin siya sasabay."
Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top