EIGHT
Ito pala ang Cloud 9.
Ang ganda.
Malayo mula sa pampang ang bahagi ng dagat kung saan nakikipaglaban sa alon ang mga surfers sakay ng kanilang mga surf board. Kaya isang mahabang boardwalk na gawa sa kahoy ang kailangang daanan upang mula sa dalampasigan ay marating ang surfing spot.
"Marami ngang tao sa lugar na 'to," sabi ni Sir Frank habang marahan kaming naglalakad sa boardwalk. "But I don't think I prefer this spot to put up a resort. Not that this place isn't beautiful, in fact it is. I just want somewhere secluded, with a hint of mystery. Perfect nga 'yong property ni Mr. Cabrera."
"Do you think he'll give up his parcel of land by the bay?" tanong naman ni Sir Maui.
"We'll be offering him reasonable terms," sagot ni Sir Frank. "If in case he won't agree, we could negotiate. Though, I don't think he would refuse."
Saglit na bumaling siya sa akin bago muling nagsalita, "According to Florence, mag-isa na lang sa buhay si Mr. Cabrera, biyudo, at nasa States na ang mga anak. He owns a coconut farm at palagay ko kakailanganin niya ang pera to expand his small business."
Hindi naman talaga small kundi kahit paano ay malaki rin ang negosyo ni Mr. Cabrera. Dalawang ektarya iyong taniman niya ng niyog na siyang pinagkukuhaan niya ng kopra. Pero siguro, dahil top developer ng bansa ang LDC, ang pakitingin ni Sir Frank sa negosyong iyon ay maliit lang.
"So, are we going back to the resort?" tanong ni Sir Maui.
"Anong going back? Kahit kailan napaka-boring mo talaga." Napa-iling si Sir Frank. "Magse-surfing pa tayo."
"I don't surf, so..." Nagkibit-balikat si Sir Maui.
"Subukan mo kaya," pang-eengganyo sa kanya ni Sir Frank.
"Is it easy to learn?" tanong ni Sir Maui na mukhang interesado.
"Oo naman," mabilis na sagot ni Sir Frank.
Sabay silang tumingin sa akin.
"Ah, okay lang po. Hindi po ako marunong mag-surf." Umiling ako. "Hintayin ko na lang po kayo dito."
"Sige, tawagin mo si Bradley," utos ni Sir Frank sa akin. Si Bradley ay ang resident surf instructor ng La Luna at kasama namin pagpunta dito sa Cloud 9, kaya lang nagpa-iwan siya sa shoreline at nagbilin na sabihan lang daw siya kung interesado kaming mag-surfing.
"Okay po, Sir." Patalikod na sana ako nang magsalita ulit si Sir Frank.
"Si Bradley ang magtuturo kay Maui." Ngumiti siya. "Ako'ng bahala sa 'yo."
***
"Matagal ka na pong nagtuturo?" tanong ko kay Bradley habang naglalakad kami pabalik sa kung saan ko iniwan sina Sir Maui at Sir Frank. Umalis kasi ako para hanapin siya gawa nga ng gustong mag-surfing ng dalawang bossing na kasama ko. Tinulungan ko na rin si Bradley dahil apat na surf board ang dala niya.
"Opo. Mga nasa ten years na rin, Ma'am," sagot niya. Nakita ko sa mga mata niya na proud siya sa kanyang ginagawa kaya napangiti ako.
"Ang tagal na!" manghang sabi ko. "Ang petiks na lang siguro sa 'yo ng dagat at mga alon..."
Naputol ang pag-uusap namin nang makita ko si Sir Maui at Sir Frank. "'Yon. Naro'n pala sila."
Lumapit kami ni Bradley sa kinatatayuan nilang dalawa. Lumipat sila ng puwesto sa mas malapit sa hagdan ng boardwalk, pababa sa dagat.
Kanina lang ay mga naka-t-shirt pa ang mga ito, pero ngayon ay naka-board shorts na lang, at wala nang damit pang-itaas.
Hindi naman ako nasabihan na may pandesal festival palang magaganap ngayong hapon. Nagpapaligsahan kasi ang mga abs nila.
Hindi naman sa tinitingnan ko pero eight packs iyong kay Sir Frank, halatang regular na nag-gi-gym o workout, at may build-up din ng bikini line. Maganda ang hubog hindi lang ng abs niya kundi ng katawan niya mismo.
Promise, iniiwasan kong tumingin pero six packs iyong kay Sir Maui, mukhang nag-gi-gym lang kapag naisipan pero lean pa rin at saka hindi nakakatakot tignan. Soft lang, hindi iyong parang bato-bato sa tigas.
Hindi talaga ako nakatingin. Mamatay man.
"Florence," tinawag ako ni Sir Frank.
Lumapit ako sa tapat niya at umiling. "Sir, ayoko po talaga. Kinakabahan ako. Bukod po doon, mukhang hindi appropriate itong suot ko."
Naka-ternong tie-dye shirt at harem pants ako. Paano bang magse-surf ako sa lagay na iyon? Naka-two piece swimwear nga iyong mga babaeng surfer sa paligid namin.
"Saka...saka wala pong magbabantay ng mga gamit niyo, Sir." Naka-isip ako ng dahilan. "Maghahawak po ng mga cellphone at wallet niyo at pati po 'yong mga damit niyo."
"Fine." Mukhang nakumbinsi ko naman si Sir Frank pero nawala ang enthusiasm na nasa mukha niya kanina. "But the next time, I won't let you refuse."
Tumango na lang ako. Halata kasing na-disappoint siya. Siguro, ganoon na lang ang kagustuhan niya na magturo. Hindi ko naman gustong mag-inarte pero talagang takot ako sa malalim na bahagi ng dagat, o kahit anong anyong-tubig. Paano na lang kung hindi ako makapag-balanse doon sa surf board at malaglag ako? Baka hindi na ako makaahon.
Lumarga na silang tatlo papunta sa dagat, dala ang kani-kanilang mga board. Nakaalalay si Bradley kay Sir Maui, at mukhang nagbibigay din ng instructions. Habang si Sir Frank na hustler, iyon, nasa malayo na agad.
Pumanhik ulit ako sa boardwalk, naglakad-lakad habang hinihintay sila at paminsan-minsan ay kumukuha ng mga larawan gamit ang aking cellphone. Sumimple rin ako ng selfie at ang background ay iyong boardwalk at dagat. Tapos ay bumalik ako sa van para kumuha ng mga tuwalya. Mangangatog sa lamig itong nga bossing ko kung sasakay sila sa van nang basang-basa.
Dumaan din ako sa bilihan ng souvenirs, tumingin-tingin ng mga produkto hanggang sa nauwi ako sa pagbili ng mga ipananalubong na key chains at ref magnets.
Nang mapansin kong magda-dalawang oras na rin pala akong nag-i-stroll ay bumalik na ako. Dalawang oras lang kasi iyong surfing session, maliban kung mag-extend sila. Pero hindi na rin siguro dahil nag-aagaw na ang liwanag at dilim.
Napansin kong napakaganda ng langit dahil doon. Naghahalo ang dilaw at kahel na may kaunting lila. Ang sarap ipinta. Kung may gamit lang sana akong dala ngayon. Gayunpaman ay kinuhaan ko na lang ng litrato iyon, baka magawa kong iguhit sa mga susunod na araw.
Pagbalik ko kung saan ako nanggaling ay nakita ko nang paahon sila Sir Maui at Sir Frank kasama si Bradley. Mukhang nag-enjoy naman sila, nagkukuwentuhan at nagtatawanan pa nga habang naglalakad pabalik sa boardwalk.
Kinawayan ko sila para makita nila ako. Nakita ko kasing palinga-linga si Sir Frank. Paano ay marami-rami na ring tao gawa nang nagsisi-ahon na rin ang mga surfers dahil nga papadilim na.
Napangiti si Sir Frank pagkakita sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang sumikdo ang dibdib ko.
Ngayon ko lang nakita si Sir Frank sa ganitong paraan. Oo, aware naman ako na guwapo siya at matipuno, pero hindi ko maintindihan kung bakit may iba sa kanya sa paningin ko ngayon.
Tila ba nakita ko na iyong ngiti na iyon noon. Parang pamilyar, hindi ko lang maalala kung saan o kailan.
Pero bakit ngayon ko lang napansin? Ilang buwan na rin naman ako sa opisina niya.
"Hey, Florence."
Tila ako nagising sa mula sa panaginip nang marinig ang boses niya. Pero lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize ko na nakatayo na pala siya sa harapan ko.
"Sir...ano, ah..." Parang nagpa-panic ako. Ano ba itong ka-abnormalan na nangyayari sa akin?
"Let's go?" tanong niya.
Wala sa sariling tumango ako sabay abot ng mga towel na nasa loob ng canvas bag na dala ko. Pagkatapos ay nagpatiuna na akong maglakad at baka sakaling mahimasmasan ako sa kakaibang pakiramdam na ito.
***
"Siguradong mas maraming magiging turista dito pagkatapos ng pandemic," saad ni Sir Frank habang nagsasalo kaming tatlo nina Sir Maui sa hapunan. Ayoko sana munang harapin si Sir Frank gawa ng naramdaman ko kanina na hindi ko maipaliwanag.
Pero wala akong magagawa dahil ako ang nakikipag-coordinate sa resort ng lahat ng bagay na kailangan namin katulad nitong pagsisilbi ng pagkain para sa dinner.
"If this plan will push through, then maybe we could start with the construction towards the latter part of next year." Seryoso si Sir Maui na tila ba iniisip ang mga magiging proseso sa pagpapagawa ng resort. "Then a soft opening on 2023. How's that?"
"That's also the target year I have in mind." Tumango-tango si Sir Frank. "I think, by that time, travel restrictions are not so tight anymore."
Negosyo at trabaho pa rin ang pinag-uusapan ng mag-pinsang ito kahit nasa hapag-kainan. Bahala sila. Basta ako tahimik na lumalantak ng buttered seafoods. Iniiwasan kong mapatingin kay Sir Frank dahil baka maulit na naman iyong kanina na pagtingin ko sa kanya ay may something na hindi ko maipaliwanag.
"Florence, what are we going to do tomorrow?" Iniisip-isip ko pa lang na huwag ngang tumingin kay Sir Frank, bigla naman siyang nagtanong sa akin. "Aside from visiting Mr. Cabrera."
Nginuya ko muna iyong hipon sa loob ng bibig ko bago ako sumagot, "Ahmm...nag-arrange po ako ng tour with the resort guide na kung puwede po tayong dalhin sa Magpupungko Tidal Pools, Maasin River at kung gusto niyo po, sa Tayangban Cave Pool."
"Cave pool?" ulit ni Sir Frank. "Interesting."
"May kasama pong konting spelunking iyon at may tubig po ang loob ng cave," paliwanag ko, "Kailangan pong daanan ang kuweba para marating po ang pool."
"Malalim 'yong tubig sa loob ng kuweba?" si Sir Maui naman ang nagtanong.
Tumango ako. "Pero may mga bato naman po na puwedeng apakan at mga lubid na puwedeng hawakan. Sabi po kanina ni Bradley."
"I see." Tumango siya. "There are indeed a lot of fun things to do here. Sana nag-try ka rin mag-surfing kanina."
Napangiti ako. Kinakausap na talaga ako ni Sir Maui - in a conversational tone. Hindi tulad noon na bihira na nga siyang magsalita ay stiff at cold pa siya.
Sana pagbalik naming lahat sa opisina ay ganito pa rin siya, hindi lang sa akin kundi sana ay sa lahat ng empleyado na. Tutal, sabi naman ni Kimverly ay magiliw si Sir Maui sa lahat noon.
"S-sa susunod po siguro, Sir," sabi ko na lang.
"Natakot ka ba, baka lunurin ka nito ni Frank?" biro ni Sir Maui na may kalakip na bahagyang pagtawa.
Napa-awang ang mga labi ko. First time kong narinig siyang nagsalita at tumawa nang ganoon. Ang guwapo niya lalo. Waring musika sa pandinig ko ang pagtawa niya, at nakamamatay ang dimples niya sa magkabilang-pisngi.
"Sa pagmamahal?" biro rin ni Sir Frank na tumawa pa. Kahit anong iwas ko tuloy na mapatingin sa kanya ay hindi ko naiwasang mapalingon.
"Is love in your vocabulary?" Nakita kong umiling si Sir Maui habang nangingiti.
"'Wag mo nang gatungan," sagot ni Sir Frank na tumatawa pa rin. "Sirang-sira na nga ang image ko diyan kay Florence."
Umiling ako. "H-hindi naman po."
Hindi ko rin alam kung ano pa bang dapat isagot sa sinabi niya. Paano bang sirang-sira? Dahil ba minsan, kahit handang-handa na ang presentation namin sa meetings ay may mga bigla siyang idadgdag o babaguhin? Tanggap ko naman iyon kahit medyo nakaka-ngarag. Una, siyempre, kagustuhan naman niya ang masusunod dahil siya ang boss. Pangalawa, alam ko namang para rin sa ikagaganda iyon ng mga presentation namin.
Dahil ba lagi siyang may corrections sa mga ginagawa kong drafts ng memos at iba pang written correspondences? Okay lang naman sa akin iyon. First time ko ring gawin ang mga ganoong bagay kaya expected ko na, and at the same time ay inaaral ko rin ang istilo niya sa pagsulat para sa mga susunod kong gawa ay minimal to no correction na.
Dahil ba alam kong nagyo-yosi siya at umiinom? Ayos lang, wala naman akong pakialam sa bagay na iyon. Empleyado lang ako. Hindi ako girlfriend o asawa para pagsabihan siya. Isa pa, kanino bang atay at baga ang masisira? Hindi naman sa akin.
Dahil ba iba't ibang babae ang pumupunta sa opisina niya? Wala naman akong magagawa kung palikero siya. Personal niyang buhay iyon. Single naman siya at puwede siyang makipag-relasyon o makipag-fling sa sinumang gusto niya.
Ewan ko dito kay Sir Frank.
***
Hindi ako makatulog.
Naninibago yata ako. First time ko kasing makahiga sa ganito kalambot na kama at ganito ring kalaking kuwarto na mag-isa lang ako. Bumangon ako. Nag-desisyon akong maglakad-lakad muna sa labas.
Alas-diyes na iyon ng gabi pero hindi naman nakatatakot ang ambiance ng resort. Napakaliwanag nga ng paligid kung tutuusin. Bukod sa mga lamp posts, ang ilan sa mga puno ay kinabitan din ng mga fairy lights. Nang mapadaan ako sa infinity pool ay may mangilan-ngilang nagna-night swimming, at ang mga ilaw mula roon ang siya ring nagbibigay-liwanag sa dalampasigan.
Maaga pa kami bukas kay Mr. Cabrera. Bahala na. Sanay naman akong mapuyat.
"Hi." Isang lalaki ang nagsalita sa likod ko.
Lumingon ako, at nagkagulatan pa kami.
Si Sir Frank.
"Florence." Tila ba nahihiya na ngumiti siya. "Ikaw pala 'yan."
"Bakit po?" tanong ko. "Akala niyo po ba ay ibang tao?"
"Sort of. Saka bakit ba kasi..." Napa-iling siya. "Bakit ka ba nakaputi sa gitna ng kadiliman?"
Napatingin ako sa suot kong bestida. Kulay puti iyon, may tatlong tier, at abot halos hanggang sakong ko ang haba. Sumasayaw ang laylayan noon sa mabining pag-ihip ng hangin.
"N-napagkamalan niyo po 'kong white lady?" tanong ko na pinipigilang matawa.
Alanganing tumango siya. "Sorry."
"Eh, bakit nag-"hi" pa po kayo sa akin sa halip na kumaripas ng takbo?" Kumawala na ang pagtawang kanina ko pa pinipigilan.
Natawa na rin tuloy siya. "T-in-esting ko lang. 'Di naman kasi ako totally naniniwala sa multo. Eh 'di kung bigla kang lumutang diyan, saka ako tatakbo."
Nagkatinginan kami, at sabay na napahalakhak nang malakas. Palagay ko nga ay dinig na dinig ang mga boses hanggang sa may infinity pool dahil tahimik na ang gabi. Baka nabulabog na iyong mga nagsu-swimming doon.
"Saka lagi kasing naka..." Sumenyas siya sa pamamgitan ng paghawak ng kamay sa buhok niya. "Naka-tali ang buhok mo."
Nakalugay kasi ngayon ang buhok ko na hanggang bandang gitna ng likod, ka-level ng snap ng bra. Tuwid na tuwid pa naman iyon at itim na itim. Lagi lang kasi akong naka-pony tail kaya iyon ang nakasanayang makita ni Sir Frank.
"Why are you here, by the way?" pag-uusisa niya.
Sumagot ako, "Hindi po kasi ako makatulog. Kayo po?"
"Same reason." Nagkibit-balikat siya. "So, I decided to stroll around. Maganda 'tong place na ni-recommend mo."
"Thank you po." Kiming ngumiti ako. "Pero actually, kayo po talaga ang pumili nito out of all the choices na ipinakita ko sa inyo."
"Coffee?" tanong niya bigla.
"Po?" Iniimbitahan ba niya ako?
"I saw a coffee shop at this side, I guess." Tumuro siya sa kaliwa niya. "Alam kong coffee is life ka. Kaya 'wag mo na akong tanggihan, please?"
Halata yata sa mukha ko na balak kong tumanggi, nahihiya kasi ako. Pero sa nagsusumamo niyang mga mata, natagpuan ko ang sarili kong pumapayag na lang na sumama sa kanya. Siguro, ito ang sikreto ni Sir Frank sa mga kababaihan. May karisma siya na hindi matatanggihan.
***
"I just realized, hindi na nga tayo makatulog, nag-kape pa tayo." Natawa si Sir Frank. "Anong oras ba tayo bukas kay Mr. Cabrera?"
"Ang nasabi ko po sa kanya ay 9:00 A.M.," tugon ko. "Kaya po 8:30 A.M. ay bibiyahe na tayo, Sir. Kasi po thirty minutes ang layo nitong resort mula sa lugar niya."
"Okay. I might not wake up from my alarm. Ang aga pala." Napa-iling siya.
"Kung gusto niyo po Sir, i-adjust ko na lang po 'yong time." Nagbigay ako ng suhestiyon. "Puwede ko naman po siyang tawagan bukas ng umaga."
"No need. Just give me a ring at around 7:00 AM." Ngumiti siya. "Just to make sure that I'll wake up on time."
"Okay po." Tumango ako.
"Makakatulog ka pa ba niyan?" tanong niya sa akin.
"Ah, opo. 'Di naman po masyadong matapang 'to." Itinuro ko ang cup ng mocha frapuccino sa harap ko. "Namamahay po yata kasi ako, kaya 'di ako makatulog."
Humigop siya ng kape mula sa cup niya. "Mukhang sanay na sanay ka sa kape."
"Eh, opo. Siguro po dahil ito ang kasangga ko no'ng nag-aaral ako," sagot ko. "Nagta-trabaho din po kasi ako noon. Kaya kailangan ng pampagising."
"Really?" Tumango-tango siya. "So you're working and studying simultaneously?"
Tumango din ako. "Opo."
"What was your work then?" tanong niya.
"Maid po." Ngumiti ako.
"Maid?" ulit niya. "As in housemaid?"
"Opo." Nagkuwento ako, "Saka minsan, may iba pa po akong mga sideline na tinatanggap din 'pag kaya pa po ng oras ko.
"Wow. Paano mo nagagawa 'yon?" Nakita ko sa mukha niya ang pagka-mangha. "Your time management is incredible."
"Kailangan po, Sir. Para makapagpatuloy po ako sa pag-aaral," wika ko.
"Ano naman 'yong iba mong sideline? I suppose legal naman." Ngumisi siya.
Natawa ako. "Oo naman po. Minsan, namimigay po ng flyers, nagbebenta ng kung ano-ano sa school, gano'n po. Nag-car show pa nga po ako isang beses. Ang tawag po nila, brand ambassadress. Sobrang asiwa ko noon, Sir."
"Bakit?" natatawa niyang tanong.
"Pinagsuot po kasi ako ng sobrang igsi at hapit na damit noon, tapos pagkataas-taas na heels," pahayag ko. "Hindi naman po kasi ako sanay sa gano'n. Kaso, 'di naman po puwedeng mag-back-out. Nandoon na po, eh."
Tumango-tango siya. Mukhang nag-eenjoy naman siyang makinig, parang hindi naman siya naiinip.
Napadaldal din ako. Epekto yata ng kape. First time ko ito na makapag-open ng ganito kay Sir. Usually kasi, isang tanong at isang sagot lang ang usapan namin. Kahit ba palabiro naman siya, gusto ko kasing ma-maintain iyong professionalism sa pagitan naming dalawa.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Pero may naging participant po kami no'n sa pa-games namin Sir, lalaki siya, na hindi ko makakalimutan 'yong sinabi sa 'kin."
"Why? What did he tell you?" tanong niya.
"Ang sabi niya po, maghanap ako ng mas magandang trabaho, so guys won't be trolling around me. Parang ganoon pa nga po 'yong pagkasabi niya," salaysay ko. "Siguro nahalata niya na hindi ako masyadong komportable sa ginagawa ko. Somehow, na-inspire po ako no'n to always look for better opportunities in life."
Nakita kong unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Dumalaw ulit sa puso ko iyong pakiramdam kanina sa boardwalk na hindi ko maipaliwanag.
"Hindi mo naman na ako tinawagan." Tumitig siya sa akin. "Hanggang ngayon tuloy hindi ako nagpapalit ng number."
"Po?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko na-gets.
"Remember, I told you that in replacement of the leather jacket as my prize, you have to date me." Kumindat siya. "But you never called."
"H-hala. P-paano niyo po nalaman 'yan?" gulat na bulalas ko.
"Ibinalik mo pa nga sa akin 'yong cellphone ko na naiwan ko sa booth niyo." Tumawa siya nang bahagya.
"K-kayo po 'yon, Sir?" Namilog ang mga mata ko.
Tumango siya. "Yup, baby girl."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top