H58
H58
MABIBIGAT ang mga paa ni Hera habang naglalakad. Nakatali ang mga kamay niya at hawak-hawak siya ng lalaking hapon. Si Thea naman ay nauunang naglalakad sa kanila.
She's familiar with the hall their walking to. It was the restricted area where the computers which will make the train operating are set.
Alam niya iyon dahil bago siya nagpunta roon ay pinag-aralan niya ang blue print ng istasyon. The station is big enough to at least cater at least a thousand of people if gathered there. It is the largest station of all stations of the newly computer-operated trains, and if she's not mistaken, in Asia. This newly computer-operated train project is really ambitious as it surpasses other Asian countries in terms of modernization.
"You go ahead. I need to go there," ani Thea sa lalaking hapon matapos silang lingunin nito.
Tumango ang lalaki. Nagpatuloy sila sa paglalakad habang si Thea naman ay lumiko sa isang pasilyo.
They are alone now. And Hera's brain is starting to think of ideas on how she can escape. Alam niyang hindi madali. Ang taong may hawak sa kanya ay ang taong nagtangkang patayin siya noon.
And she's pretty sure he's armed.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. She mustered all the courage she has. It's all or nothing.
"A-aray..." Sinapo niya ang kanyang tiyan at bahagyang yumukod. She started acting like she's in pain.
Lame? Hell, if it's the only way she can survive, so be it!
Mukhang hindi inaasahan ng lalaki ang pagyukod niya kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang pagkakataong iyon at mabilis na sinipa ito ng malakas kung saan hindi na ito sisikatan ng araw.
Narinig niya ang malakas na paghiyaw nito sa sakit at malutong nitong mura. Napaluhod pa ito dahil doon.
Mabilis siyang tumakbo palayo rito. It was a long hallway and Hera's so desperate to be out of that place.
Isang putok ng baril ang nagpahinto sa kanya. At naramdaman niya na lang pagtulo ng dugo mula sa kanyang balikat.
She was shot!
Napaluhod siya sa sakit. The pain is piercing into every fiber of her well-being. It's excruciating.
Tumayo siyang muli. Pilit itinataboy ang sakit na nararamdaman. Alam niyang kahit tumakbo pa siya ay wala na ring mangyayari. Kaunti na lang ang distansya ng lalaking iyon. Pero kahit ganoon, gusto niyang tumakbo pa rin. Para man lang masabi sa kanyang sarili na hindi siya basta sumuko. Na gumawa siya ng paraan. Na sinubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang hindi bumagsak sa mga kamay nito.
She heard another gun shot. And she's waiting for the bullet to perforate again to her body. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala siyang naramdaman. Lumingon siya at nagulat siya nang pagtingin niya ay nakadapa na sa sahig ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya.
Hera suddenly felt a ray of sunshine as she saw three men immediately approaching the Japanese man. Hindi niya kilala ang mga ito pero tingin niya ay nasa panig niya ito.
"Hera!"
"A-artemis..." Napaiyak siya. Hindi dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kundi dahil sa tuwang makita si Artemis na ligtas.
Mabilis itong tumakbo papalapit sa kanya. Kapagkuwa'y niyakap siya nito ng mahigpit.
Napadaing siya nang tamaan nito ang kanyang duguang balikat.
"Y-you are bleeding!" Nahihintatakutang bulalas nito nang maramdaman nito ang kanyang dugo sa kamay.
Umiling-iling siya. Kahit na nanghihina ay pilit niyang nilalabanan.
"K-kailangan n-nating mailigtas sila R-red...H-hawak sila ng kuya mo..."
Hinawakan siya Artemis sa magkabilang pisngi at marahas itong umiling. "No! Ako na ang bahala kina Red. Ililigtas ko silang lahat. You need to go to the hospital. We can't risk your life, Hera!"
Marahas siyang umiling. "N-no, Artemis...H-hindi ako matatahimik hangga't...hangga't hindi ko sila nakikitang ligtas!"
"You are losing too much blood!"
"The hell with it! I need to save all of them! Kasalanan ko kung bakit sila nasa gan'ong sitwasyon kaya hindi pwedeng wala akong gawin. Let me go, Artemis...Let me go and save them..."
Nakipagtitigan si Artemis sa kanya. At kapagkuwa'y napabuntong na lang ito ng marahas. Pumunta ito sa kanyang gilid at inakay na siya maglakad.
Bahagya siyang napangiti.
"Alam mo ba kung nasaan sila?" Mayamaya'y narinig niyang tanong ni Artemis.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "H-hindi...Pero tingin ko ay nandito lang din sila..." Sagot niya.
"P-paano ka pala nakatakas?"
"Long story. Mamaya na natin pag-usapan," anito. "Alam ko na kung ano ang plano ng organisasyon.
They are planning to annihilate all the people who are in this event."
"What?!" Dahil sa gulat ay napahinto siya sa paglalakad at napatingin ng diretso kay Artemis.
"The event is starting and I don't know how they will do it."
"Kailangan nating bilisan, Art!" Fear is starting to consume her again. "We need to save them!"
"Of course, we will. No one will be harmed, Hera. I promise you," anito na puno ng kombiksyon.
Kahit na hirap sa paglalakad ay pinilit na Hera na bilisan ang kilos. Pakiramdam niya ay nagiging manhid na ang kanyang katawan sa sakit na nanggagaling sa nabaril na balikat.
"What's your plan, Artemis?" Tanong niya muli rito.
"First, we need to know how they are going to blow up the area. According to Tita Lorraine, wala siyang nakita at ang mga tauhan niya na kahit anong explosive device sa paligid. And this is really a big puzzle to me. Kasi iyon ang sabi sa akin ni Tessa n'ong mahuli nila ako."
"Tita Lorraine? Papaanong nasama si Tita Lorraine sa gulong ito?" Naguguluhang tanong niya. Alam niyang may alam ang ina ni Ethos sa nangyayari pero nakakagulat na malaman na kumikilos din pala ito.
"It was her who actually helped me to escape from those men who were chasing me earlier. At iyong mga lalaki kanina na tumulong sa'yo para patumbahin si Aki ay mga tauhan ni Tita Lorraine."
Bahagya siyang natameme. Hindi niya naisip na kaya rin pala nitong mag-ala-Gabriela Silang para tulungan sila.
"Siya rin ang dahilan kung paano namin nalaman kung nasaan ka. Apparently, Red attached a tracking device in your shoes at ipinakiusap niya kay Tita Lorraine na kung sakaling naging matigas na naman ang ulo mo ay sundan ka. It just took them time to find you because of all the security issues here in this place and in addition, naalis ang tracking device sa'yo."
Napatango-tango siya kahit gulat sa mga bagong impormasyong natanggap. Hindi nga talaga siya pinababayaan ng Panginoon. When she felt so hopeless, He gave her a new hope to hold.
Thank you, Lord...thank you, Tita Lorraine...and thank you, Red...
"Bilisan nating makarating kung saan ginaganap ang event! Kailangan nating pigilan ang organisasyon na iyon sa plano nito."
Tumango si Artemis sa kanya bilang pagsang-ayon at matapos ay lumiko sila sa isang pasilyo. Sa pasilyo na iyon ay may nakasalubong silang dalawang lalaki. Tingin niya ay staff ang mga iyon ng istasyon base sa suot ng mga ito.
"Anong ginagawa niyo rito? Bawal kayo rito!" Sita sa kanila ng isang lalaki.
Bumitaw sa kanya si Artemis. At sa gulat niya ay bigla nitong sinugod ang dalawang lalaki. Tila ito isang ipo-ipo sa bilis ng kilos. Namalayan na lang niya na napatumba na nito ang dalawang lalaki.
Hinila na siya ni Artemis matapos niyon. Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay nakarating din sila sa lugar kung saan ginaganap ang event.
Maraming tao. Lahat ay nagpapalakpakan matapos mag-ribbon cutting. At nakita niya ang bise presidente katabi ang Presidente ng Pilipinas at ilang mga delegado. Nagtagis ang kanyang bagang. Ngali-ngali niya itong sugurin at sapakin.
Nginangatngat siya ng takot. Ano ba ang dapat niyang gawin para mapaalis ang mga taong naroon ngayon? Paano niya ba masisigurong maililigtas niya ang lahat?
"Do not move. You aren't supposed to be here."
Nanigas si Hera. Nararamdaman niya ang isang matulis na bagay na dumikit sa kanyang gilid.
Not again!
Bahagya siyang lumingon. At nakagat niya ng mariin ang kanyang labi ng makita si Marianne. Pati si
Artemis ay hawak-hawak ng isang lalaki.
Tahimik na lang sila napasunod dito habang may natutuok na dagger sa kanilang dalawa.
Bago sila tuluyang makaalis kung saaan ginaganap ang event ay nakita niyang pasakay na ang Presidente ng Pilipinas, ang ilang mga kilalang tao at mga bisita sa train. Pero ang ipinagtaka niya ay nang maiwan ang bise sa platform at ilang mga politiko.
Nagtagis ang kanyang bagang. Ang kasamang politiko ng bise ay ang mga politikong nasa listahan ng mga kasangkot sa organisasyon.
It only took her a minute to realize what's going to happen. Ang train mismo ang pasasabugin!
Napatingin siya kay Artemis. At nang magsalubong sila ng paningin ay napagtanto niyang pareho sila ng iniisip.
Nakalayo na sila sa platform. Pabalik na naman sila sa nilakarang hallway kanina. At wala na naman na ulit na mga tao roon.
Muli niyang nilingon si Artemis. At katulad kanina ay mukhang nagkaintindihan sila sa gusto nilang mangyari gamit lang ang mga mata.
She may be hurt and doesn't know any little defense but she has this strong determination to move her body for her safety.
Isang malakas na siko ang pinakawalan niya. Tinamaan si Marianne sa baba kaya naman napadistansya ito sa kanya. Mabilis niyang inagaw ang hawak na dagger nito. Itinutok niya iyon sa leeg ni Marianne. Nakita niya sa kanyang peripherals na bagsak na rin ang may hawak kay Artemis at kasalukuyan ng palapit sa kanya ang kaibigan.
"Move or I'll kill you!" Sigaw niya at mas lalong diniinan ang pagkakatutok ng dagger sa leeg ni Marianne.
Marianne's bleeding. But she's clouded with anger that she doesn't care anymore if she's hurting a person.
"What are you planning to do, Marianne?!" Muli niyang sigaw. "Nasaan sina Red?!"
With her anger, may God forbid, but she really may kill a person right in this instant.
Napaigik si Marianne pero nagawa pa rin nitong ngumisi sa kanya.
"Why should I tell you?" Anito at humalakhak.
Pakiramdam ni Hera ay nagdilim ang kanyang paningin ay handa na siyang itarak rito ang hawak na dagger nang maramdaman niyang pinigilan siya ni Artemis. Matapos niyon ay isang malakas na suntok ang binigay nito kay Marianne.
Napabiling ang mukha nito at nakita niya ang pagputok ng labi nito.
Pinityerahan ito ni Artemis. "Talk or you'll die with my bare hands," ani Art sa nakakatakot na boses.
"You know me. I can do whatever I want to do."
Mukhang naapektuhan si Marianne sa sinabi ni Artemis kaya naman bahagyang napalunok ito.
"Now. Talk!"
"It's...it's the train..."
"Anong mangyayari?! How are you going to blow it up?!" Gigil na singit ni Hera.
"The...the computer...it will set the train on fire..."
Natigagal si Hera sa narinig. She knew it. There was a nagging feeling inside her earlier nang sabihin ni Artemis na wala namang kahit anong explosive devices sa paligid. She knows a computer can also do the trick. How? Trust a genius programmer and they can do that wonder.
Naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha. Pagkuwa'y nag-aapoy ang mga matang bumaling muli kay Marianne.
"Nasaan sina Red?"
Sa pagkakataong iyon ay amuse na tiningnan siya ni Marianne. Tila ba bahagyang nawala ang takot nito kay Artemis.
"Where do you think, Hera?"
Isang malakas na sampal ang kumawala sa kanya. Muling napabiling ang mukha ni Marianne.
Nanggagalaiti siya sa galit. She is freaking sure. Red, Ethos, Brylle and Levi are there. Inside that train.
Itinayo ni Artemis si Marianne. Sa gulat niya ay may hawak na palang baril ang kaibigan na hindi niya malaman kung saan galing. Itinutok nito iyon kay Marianne.
May dinukot sa bulsa si Artemis ay matapos ay inabot iyon sa kanya. "Call Tita Lorraine. It's in the call log. First number. Tell her the details para makahingi tayo ng backup. Nasa paligid lang siya at nagmamasid."
Kinuha niya ang lumang modelo ng cellphone mula rito. Mabilis niyang tinawagan ang numero. Habang naglalakad, kaladkad ni Artemis si Marianne, ay sinabi niya kay Tita Lorraine ang detalye. Sinabi nito sa kanya na mayroon ng dagdag na backup ang mga ito at dumating na. She already asked for police' help. Meron din itong mga tao na sumakay sa train at ipapahanap nito sina Red doon.
Pabalik na sila sa platform nang makita nila si Tita Lorraine at mga tauhan nito. Ibinigay ni Artemis si Marianne rito.
"Keep her under your nose, sirs. She's a member of that organization," ani Artemis sa dalawang lalaking kumuha kay Marianne bago nila tuluyang iwan ito.
Pero bago sila tuluyang makaalis ay narinig niya ang malakas na paghalakhak nito.
"I think you are taking too much of your time, Hera. And I believe you only have ten minutes before the train explodes. Can you really save them?"
Pakiramdam ni Hera ay nanghina ang kanyang mga tuhod sa narinig.
Ten minutes? How can she fcking save them in ten minutes?!
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top