H52
H52
“ARE you sure na sa mansyon ka uuwi, Artemis? Hindi ba delikado kung doon ka uuwi ngayon?” Tanong ni Levi kay Artemis matapos nilang ihatid ng tingin ang umalis na kotse ni Red.
Nilingon ni Artemis si Levi. Seryoso ang mukha nito habang matamang nakatingin sa kanya.
“I don’t think my brother will cause me any harm, Levi. Isa pa, I need to go there. Maybe I can find hints on what he’s planning to do on the bullet train’s inauguration,” aniya at bumuntong hininga ng malalim.
Ilang araw na ring hindi umuuwi si Artemis sa mansyon nila. Mula nang makabalik sila galing Zambales, nananatili siya sa condo na iniregalo sa kanya ng mga magulang niya n’ong isang taon. She doesn’t want to see his brother. She’s angry. She’s sad. And she will only cry in front of him kung sakaling makita niya ito.
Alam niyang kailangan niyang kausapin ang kapatid. Pigilan ito sa ginagawa nito. But she knows her brother so much. Her brother is stubborn despite the angelic façade he has. And he is a type of person who’ll pursue whatever he sets on his mind. Whether it’s good or bad.
Somehow, she can say that they have the same attitude. They are both goal-seeker. Whatever their ambition is, they’ll try to get it no matter what. But their difference is on the way how they move to get it.
Alam niyang may ideya na rin ang kanyang kapatid sa pinaggagawa niya lalo na’t hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Ang mga magulang niya naman ay nananatiling abala sa ibang bansa sa pag-aasikaso ng business ng pamilya nila.
Hindi niya alam kung may alam ang mga magulang niya sa pinaggagawa ng kanyang kapatid. Pero ang hiling niya ay sana ay wala itong mga alam. Dahil kung meron at hinahayaan ng mga itong gawin pa rin ng Kuya Ares niya ang ginagawa nito, mas lalong mawawasak ang kanyang puso. At baka 'di na niya kayanin kapag nalaman niyang sinusuportahan pa ng mga ito ang masamang ginagawa ng kanyang kapatid.
“Then, ihahatid na kita,” ani Levi at namulsa.
“No need, Levi. I can manage,” sagot niya at tumalikod na rito.
“But I insist!” Narinig niyang sabi nito at naramdaman na lang niyang nasa gilid na niya ito.
Bumuntong hininga siya ng marahas at nilingon ang lalaki. “I can take care of myself, Levi.”
“Art…” Levi looked at her with pleading eyes.
Ayaw niya talagang magpahatid kay Levi sa bahay. Dahil kasi pinasok nito ang base ng kanyang kapatid, malamang ay nakilala na ito ng mga tauhan nito. Kaya 'di niya masisigurado ang kaligtasan ng lalaki. Baka kapag hinayaan niya itong ihatid siya ay makita ito ng mga tauhan ng kanyang kapatid at kunin ito. Mas malala ay baka may gawin itong masama rito.
“Look, Levi. Posibleng maraming tauhan ni Kuya sa bahay namin ngayon. And I can’t assure your safety. Pinasok mo ang base nila at paniguradong pinaghahanap ka na nila. Kapag nakita ka nila, hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin sa’yo,” seryosong sabi niya.
“I’m not afraid of them, Artemis. And I made a pact with you. That I will protect you so wherever you’ll go, I will always be by your side,” sabi nito na puno ng kombiksyon at may determinasyon sa mga mata.
Artemis felt something stirred inside her. Ipinilig niya ang kanyang ulo at lumunok.
Hindi niya pwedeng hayaan si Levi na gawin ang gusto nito. She can’t afford to lose hm. She can’t…
“And you made a promise that you’ll obey my orders,” aniya. “You go home and rest. And that’s my order.”
“Art—”
Hindi na natuloy ni Levi ang kanyang sinasabi nang magulat si Artemis na bigla na lang itong tumumba. Nanlalaki ang mga matang natutop niya ang bibig.
Behind Levi is a man wearing a black mask holding a gun.
Mabilis na dumalo siya kay Levi. His back and legs are full of blood because of gun shots.
Mabilis na nag-tubig ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas.
“Run…Art…run…” Ani Levi na nakapagkit sa mukha ang matinding sakit na nararamdaman.
This can’t be happening!
“Shit, Levi!” She sobbed.
Don’t die, Levi! Please! Don’t die!
Naramdaman ni Artemis na may papalapit sa kanya. Paglingon niya ay isang lalaki ang humuli sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig ng isang panyo. Papalag sana siya pero hindi na niya nagawa nang maramdaman ang matinding antok.
---
IMBES na umuwi, nakapagdesisyon na lang si Ethos na pumunta kung saan nagtatago si Raul, ang ex-bodyguard ni Senator Rodriguez. Ayon sa mga nakalap niyang impormasyon kanina ay nasa Batangas ang lalaki. Sa isang liblib na baryo roon ito nagtatago kasama ang pamilya nito.
Ilang oras din siyang nagmaneho. At nang makarating siya roon ay ipinarke niya ang sasakyan malayo sa bahay ni Raul.
Alas dos y media pa lang ayon sa orasan niya. Malamang ay tulog pa ang mga ito. Tahimik niyang nilandas ang palayan. Malakas ang ingay na gawa ng mga insekto sa paligid tanda na nasa probinsya talaga siya.
Halos kinse minuto rin siyang naglakad. At nang makita ang bahay na kapareho ng inilarawan sa kanya ng impormante niya ay napabuntong hininga siya. Nakarating din siya sa wakas.
Mabuti na lang at hindi nagpakalayo-layo ang lalaking ito. Kundi baka abutin ako ng siyam-siyam sa paghahanap dito, aniya sa sarili.
Nakakita siya ng puno ng mangga at may upuang kahoy roon. Lumapit siya roon at naupo. Magmamasid muna siya sa paligid.
Hindi pa naglilipat ang sandali nang maupo siya roon ay bumukas ang ilaw sa bahay na minamatyagan niya.
Naging alerto siya. Nagtago siya sa likod ng puno. Halos isang oras din ang lumipas nang bumukas ang pintuan ng bahay na 'yon. Isang lalaki ang lumabas doon. Pinakatitigan niya kung sino iyon at napangisi siya nang makita na si Raul ang lumabas.
May bitbit na lampara at fishing net ang lalaki. Mukhang mangingisda ito ayon sa pustura nito.
Nagmamadali ngunit tahimik na sinundan niya ang lalaki. Nang madaan sila sa gubat ay huminto si Raul sa paglalakad. Nagpalinga-linga ito kaya mabilis siyang nagtago sa likod ng isang malapad na puno.
“S-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin? B-bakit mo ako sinusundan?” Narinig niyang wika ni Raul. Bakas sa boses ang takot.
Napangisi siya. Mukhang malakas ang pakiramdam ng lalaki at alam na kanina pa may bumubuntot dito. Mabilis siyang lumabas sa pinagtataguan niya at nagpakita sa lalaki.
“S-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin?” Muli nitong tanong sa kanya nang magkaharap sila.
Namulsa siya at bahagyang nagkibit-balikat.
“Hindi importante na malaman kung sino ako. Ang importante ay ang sagot mo sa mga itatanong ko sa’yo,” aniya at humakbang papalapit dito.
Bahagyang napaatras ang lalaki.
“A-anong kailangan mo?”
“Gusto kong malaman kung ano ang tunay na ikinamatay ni Senator Rodriguez, Raul Buencamino,” seryosong tanong niya.
Bumakas ang labis na takot sa mukha ng lalaki dahil sa tanong niya.
“W-wala akong alam!” Anito at nagmamadaling tumakbo palayo sa kanya. Nabitiwan pa nito ang mga hawak dahil sa pagmamadali.
Shit!
Mabilis siyang tumakbo para habulin ito. Hindi siya makakapayag na makawala ito sa kanya. Sayang ang effort niyang puntahan ito sa lungga nito kung wala rin naman siyang makukuhang impormasyon.
---
“TIME for your shot, Mr. Madrigal.”
Napatingin si Brylle sa pumasok na nurse na nakasuot ng mask sa kanyang kwarto. Kumunot ang noo niya nang mapansing hindi ito ang nurse na madalas na tumitingin sa kanya.
“Are you new here? Nasaan na ang attending nurse ko?” Tanong niya.
Babae ang attending nurse niya at nakakapagtakang mula nang ma-confine siya sa ospital na iyon ay ngayon lang nag-iba ang nurse na magtsi-check sa kanya.
“Nag-emergency leave, sir. Kaya ako ang papalit sa kanya ngayong gabi,” wika nito at lumapit na sa kanya. Inihanda na nito ang injection na ituturok sa kanya.
Tinitigan niya ito. At kapagkuwa’y kumunot ang noo niya nang mapansin ang tattoo nito sa braso. Bigla siyang kinutuban ng malakas.
Mabilis siyang tumayo sa kama. Naramdaman niya ang pagsigid ng kirot gawa ng sugat niya ngunit hindi niya inalintana iyon.
“Sino ka?!” Sigaw niya.
Imbes na sumagot, nagulat na lang siya nang maglabas ito ng baril at itinutok iyon sa kanya. Magtatago pa sana siya sa ilalim ng kama para makaiwas ngunit hindi na niya nagawa dahil naunahan na siya nitong paputukan.
Isang karayom ang naramdaman niyang tumusok sa kanyang balikat. Pagtingin niya ay doon niya lang napagtantong pampatulog ang ipinatama sa kanya.
Damn!
---
NAPABALIKWAS ng bangon si Hera. She had a nightmare. At ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso.
Nakakaramdam siya ng takot. Siguro dahil sa masamang panaginip. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaroon ng ganoon. Natulog siya kaninang masaya at payapa ang pakiramdam. Pero ngayon, gusto niyang magtago sa sulok at umiyak ng umiyak dahil sa panaginip niyang iyon.
Sa panaginip niya ay nakita niya sina Ethos, Brylle, Red, Artemis at Levi na nakagapos at duguan. They were on the edge of a cliff. At may mga lalaking naka-itim ang nakahawak sa mga ito. Every step she made, itinutulak ng mga lalaking iyon ang kanyang mga kaibigan papalapit lalo sa cliff. She cried. She plead to them to let her friends free ngunit bingi ang mga iyon. Tila mga demonyong tumatawa at tinutudyo pa siya na parang tuluyang ihuhulog sa bangin ang mga kaibigan niya.
Then out of nowhere, she saw Ares. Meron itong nakakalokong ngiti sa labi na lumapit sa kanya. He was holding a gun pointing at her. Tinatanong siya kung anong pipiliin niya: buhay niya o buhay ng mga kaibigan niya?
Napaluhod siya at nagmamakaawang tiningnan si Ares. Handa siyang mamatay para lang sa kaligtasan ng mga kaibigan. Pero bago pa siya makasagot ay tuluyan nang inihulog ng mga lalaking nakaitim sina Artemis sa bangin. Kasabay ng malakas na pagsigaw at palahaw na pag-iyak ay ang kanyang paggising.
Niyakap niya ang mga tuhod at tuluyan ng napaluha. Bakit kailangan niyang managinip ng ganoon? Natatakot siya. Natatakot siya na baka mangyari nga iyon sa kanyang mga kaibigan. At kung mangyari nga iyon ay baka 'di niya kayanin. Baka tuluyan na siyang bumigay at mawala sa sarili.
Natigil siya sa pag-iyak nang marinig ang tila malakas na hampas ng hangin sa bintana. Nag-angat siya ng tingin at sumilip doon. Hindi niya namalayan na umuulan pala. Tiningnan niya ang orasan. Alas tres pa lang ng madaling araw.
Gusto niyang matulog ulit ngunit natatakot siyang muling dalawin ng masamang panaginip. Sumandal siya sa headboard ng kama. Pilit kinakalma ang sarili at kinakalimutan ang masamang panaginip. Halos ilang minuto rin siyang nanatiling nakaganoon nang isang pigura ang nakita niya sa bintana.
Nanlalaki ang mga matang napaatras siya. Isang nakaitim at naka-bonet na lalaki ang nakatayo roon. Isang sobre ang inipit nito sa bintana. Kapagkuwa’y mabilis na tumalilis ito.
Pakiramdam niya ay nanghihina siya. Gusto niyang lumapit sa bintana ngunit natatakot siya na baka naroon pa ang lalaki at nagtatago lang. Baka bigla siya nitong kunin.
Lumunok siya ng malaki. Ikinuyom ng mariin ang mga palad. Gusto niyang makita kung ano man ang nilalaman ng sobreng iyon. Ilang beses na bumuntong hininga siya ng malalim. Kapagkuwa’y dahan-dahan siyang umalis sa kama. Inabot niya ang vase sa side table ng kama para gamitin iyong pang-depensa. Matapos ay nanginginig ang mga tuhod na unti-unti siyang lumapit sa bintana.
Nang tuluyan siyang makalapit ay sumilip siya roon. Patuloy pa rin ang malakas na ulan at wala na ang lalaking nakita niya kanina. Mabilis na sinungkit niya ang sobreng basa na dahil sa ulan. Kapagkuwa’y patakbong bumalik ulit siya sa kama.
Inilapag niya ang vase at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang sobre. At napasinghap siya ng malakas nang makita ang laman niyon.
Larawan ni Artemis, Levi at Brylle na nakagapos at may mga busal sa bibig ang laman ng sobre. Mayroon ding maliit na papel ang nakalagay roon na may nakasulat na:
“Bring us all the evidences you’ve got and they will be safe. If you tell the police about this, I can’t assure you their safety.”
Nanghihinang nabitiwan ni Hera ang hawak na papel. Bumagsak ang mga luhang hindi niya namalayan na sumungaw na pala sa kanyang mga mata.
Papaanong…
Hindi na niya napigilan ang sarili. Isang malakas na palahaw ng iyak ang kumawala sa kanyang labi.
---
“WHAT happened?!” Puno ng pag-aalala na tanong ni Red kay Hera nang pasukin niya ito sa kwarto.
Naalimpungatan siya dahil narinig niya ang malakas na palahaw nito sa pag-iyak. Mabuti na lang pala ay sa sala siya natulog dahil kung hindi ay baka hindi niya narinig ang malakas na pag-iyak nito.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Hera. Patuloy ang pagtulo ng luha nito.
“R-red…”
Mabilis na nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit. Ang makita si Hera sa gan’ong estado ay nagpapasakit ng husto sa kanyang puso. Hindi niya gustong nakikita na umiiyak ito. Na nahihirapan. Dahil pakiramdam niya ay doble ang sakit ang nararamdaman niya sa tuwing makikita niya itong gan’on…
“Hush, Hera…” Masuyo niyang sabi at marahang hinaplos ang ulo nito. “Anong nangyari?”
“S-sina Artemis, Red…”
Natigilan si Red sa sinabing iyon ni Hera. Naalarma siya. Kinukutuban na rin siya.
Umalis siya sa pagkakayakap kay Hera. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang kanyang mga kamay. Kapagkuwa’y mataman niya itong tiningnan.
“What happened, Hera? Anong nangyari sa kanila?”
Muling umiyak si Hera. Hindi nito masagot ang kanyang tanong. Bumuntong hininga siya ng malalim at kapagkuwa’y naagaw ang atensyon niya sa papel na nasa gilid nito. Tiningnan niya iyon. Matapos ay naikuyom niya ng mariin ang kanyang kamao nang mapagtanto kung anong nangyayari.
Muli niyang niyakap si Hera ng mahigpit. “We will save them, Hera…Don’t worry. Walang mangyayaring masama sa kanila.
Screw you, Black Leaf! You really don’t know how to play fair! You will all pay for this! Naglalapat ang mga ngiping wika ni Red sa sarili.
“R-red…let’s save t-them, p-please…H-help me…” Hera sobbed at naramdaman niya ang matinding pagkapit nito sa kanyang damit.
Napalunok siya ng malaki at kapagkuwa’y huminga siya ng malalim. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ang mga kalaban nila. Ililigtas niya sina Artemis. At sisiguraduhin niyang magbabayad ang black leaf sa mga ginawa nito.
“I promise…we will save them…no matter what…” aniya na puno ng kombiksyon.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top