H50

A/N: Anyone’s up for romance novel? :) Please follow Capogian Grande Series here in Wattpad. It’s a collaboration of different writers including yours truly. Hahahaha! The series will be published soon under Precious Pages (PHR). So, sana suportahan niyo katulad ng pagsuporta niyo kay Hera, please? Labyu all! :-* :D

---

H50

KABADONG nag-umpisang pumindot ng mga numero si Hera para mabuksan ang vault sa kanyang harapan.

Five. Four. Two. Eight. Iyon ang passcode na nakuha ni Ethos sa mansyon ng mga Rodriguez para mabuksan ang vault.

Tumingin muna siya kay Red bago tuluyang pindutin ang enter button. Nang tumango si Red sa kanya ay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na pinindot niya ang enter.

The vault opened. Nagkatinginan muli sila ni Red at matapos ay mabilis na tiningnan ang nasa loob niyon. Isang pahaba at may kanipisang box na sa tingin niya ay may size ng isang long envelope ang naroon.

Malakas ang pintig ng pusong inilabas ni Hera ang box at sinuri. Nakita niyang may padlock iyon.

“I think this is the purpose of this key,” ani Red at inilabas mula sa bulsa ng pantalon nito ang isang susi.
Sa pagkakatanda niya ay iyon ang susing ibinilin ni Mrs. Rodriguez kay Detective Brylle bago ito namatay.

Kinuha ni Red sa kanyang kamay ang box at bago iyon binuksan ay inikot muna ang tingin sa paligid para siguraduhing walang nagmamanman sa kanila.

Nasa loob sila ng Varres Securities at sobrang higpit ng security ng building. Bawat kanto ay may CCTV at may mga guard. Marahil ay dahil na rin sa mga importanteng bagay na naka-safe keep doon kaya ganoon na lang kahigpit ang pagbabantay ng mga staff na naroon.

Ipinasok ni Red ang susi sa padlock at matapos ay na-unlock na iyon. Maingat na binuksan ni Red ang lid ng box at bumulaga sa kanila ang isang makapal na brown envelope at isang OTG flash drive.

Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na kinuha ni Hera ang brown envelope at inilabas ang dokumentong naroon. Tiningnan niya isa-isa ang mga iyon at kumunot ang kanyang noo.

“Red, this is…”

“Names of politicians and businessmen involved in the Black Leaf Organization,” naglalapat ang mga ngiping wika ni Red sa kanya. “It also detailed the amount of money they get from the Organization.”

“My God…”

Natutop ni Hera ang bibig. Hindi niya akalain na marami ang involve sa organisasyon na iyon. Kung bibilangin niya ay nasa labing-limang tao ang nakalista roon. At bawat isang taong naroon ay milyon-milyon ang natanggap na pera mula sa Black Leaf.

Kung gayon, ito na nga ang tinatawag nilang Pandora’s Box. Dahil ang laman niyon ay mga pangalan ng mga taong myembro ng organisasyon na may masamang plano sa bansa.

The Vice-President, Congressmen, Mayors, Senators, and some of high-profiled businessmen including Ares! What the hell are they thinking?!

Hindi niya lubos maisip kung bakit gan’on na lang ang paghahangad ng mga taong nasa listahan sa kapangyarihan at pera. Oo nga’t nakakalungkot isipin na ang dalawang bagay na iyon ang nagmimistulang pinaka-importante sa mundong ginagalawan nila ngayon. Pero hindi niya maisip kung bakit kailangan maisantabi ang konsenya at pakikipagkapwa-tao para lang makamit ang mga iyon.

It’s not the world’s fault. It’s the people’s twisted minds that makes it hard to live on this planet.

Red inserted the flash drive on his phone to check its content. Nang basahin ng phone iyon mabilis na tiningnan ni Red ang files na naka-store doon. Isang excel file ang kanilang nakita. Binuksan ni Red iyon at nang makita nila ang laman ay mas lalong nagulat si Hera.

The excel file contains the detailed information of slushed fund from Ares’ company and money illegally gathered from the government and how it was used to support the organization and the Victorem program!

“Those devils!” Hera gritted her teeth.

If only she can move now, she’ll make sure those men written on the list will be instantly brought to jail and be punished!

“We need to leave this place now, Hera. Since we already have these evidences, hindi na makakalusot ang mga taga-organisasyon na iyon. We just need to make sure that they can’t get these evidences from us,” ani Red.

Tumango si Hera kay Red bilang pagsang-ayon at matapos ay ibinalik niya ang mga dokumento sa brown envelope at ipinasok iyon sa loob ng backpack na sukbit niya. Matapos niyon ay sumunod na siya kay Red palabas ng building na iyon.

---

SIGURADO bang okay ka na?” Nag-aalalang tanong ni Hera kay Levi matapos abutan ito ng tubig.

Nang pumuslit si Levi sa kuta ng mga kalaban ay may nakakita ritong mga bantay at hinabol ito. Nakipaglaban ito sa mga iyon kaya naman nagkaroon ito ng ilang mga pasa at sugat. Hindi ito nakabalik agad dahil sinundan ito ng mga iyon at kinailangan magtago para sa kaligtasan nito.

“I’m fine, Hera. Malayo sa bituka,” anito at umupo na ng maayos.

“So, what did you get from them, Levi?” Tanong naman ni Red na nakaupo sa tabi niya.

Pagkagaling nila ni Red sa Varres Securities ay tumuloy agad sila sa ospital at dahil tinawagan sila ni Artemis at sinabing nakabalik na si Levi.

“To be honest, I failed to get any information about the sparrow’s night,” ani Levi at bumuntong hininga ng marahas. “Pero mayroon akong ibang nakuhang impormasyon.”

“Ano?” Tanong naman ni Artemis.

“Are you familiar with the hacking incident sa malalaking bangko rito sa Pilipinas noong nakaraang buwan?”

“Yes. That’s what Director Enriquez supposedly investigating bago siya namatay,” sagot naman ni Brylle.

Tumango si Levi. “It involves the Black Leaf. Sila ang may kagagawan n’on.”

“What?” Gulat na wika ni Hera. “Pero bakit?”

“To get more funds. And also to get away from the eyes of national security department,” sagot ni Levi. “Dahil iniimbestigahan ni Director Enriquez ang tungkol sa Black Leaf, nalaman na iyon NSD. Para mawala sa kanila panandalian ang atensyon ng NSD ay ginawa nila ang hacking incident. Since they hacked two biggest banks in the Philippines ay gumawa agad iyon ng malaking ingay and the government needs to focus on that to appease the Filipino people.”

Napatango-tango si Red sa sinabing iyon ni Levi. “So, do you know where they transferred the stolen money?”

Ngumisi si Levi at matapos ay may hinagis na flash drive kay Red. “Naka-save diyan ang listahan ng mga bangko sa iba’t ibang bansa kung saan dinistribute ang pera.”

“Good job, Levi,” nakangising na ring sabi ni Red dito.

Nangingiting napailing siya. Iba talaga ang talento ng mga taong kasama niya sa loob ng kwartong iyon. Natutuwa siyang kasama niya ang mga ito para labanan ang organisasyon na iyon.

“Nasaan pala si Ethos?” Mayamaya’y tanong niya. Ngayon niya lang kasi napansin na wala roon ang kababata.

“I asked him to look for Raul, the missing bodyguard of Senator Rodriguez. Kailangan ko ang lalaking iyon para malaman kung ano talaga ang ikinamatay ng senador,” sagot ni Detective.

Napatango na lang si Hera bilang sagot kay Brylle.

“Alright. Since, we’ve gathered all the evidences we need, kailangan natin iyong itago muna pansamantala at siguraduhing hindi iyon mapupunta sa kamay ng organisasyon. All we need to do is to know what will exactly happen on September 29 and that’s exactly two days from now,” ani Artemis at tumayo na sa kinauupuan.

“For the meantime, I’ll keep all the evidences we gathered,” ani Red.

Tumango silang lahat dito bilang pagsang-ayon.

“Siguro pwede nating puntahan 'yong station kung saan ang inauguration ng bullet train? Maybe, we can find clues there?” Ani Hera.

Napaisip si Red sa sinabi niya. Kapagkuwa’y tumango. “Okay. We’ll go there.”

---

NAPABUNTONG-HININGA ng malalim si Hera matapos sumandal sa nakaparadang kotse ni Red. Sa pwesto niya ay tanaw niya ang train station kung saan gaganapin ang inauguration sa makalawa.

Kagagaling lang nila ni Red doon. Pumuslit sila sa loob at maingat na nag-ikot-ikot. Nagpanggap silang mga staff kaya kahit papaano ay tahimik silang nakapagmasid.

Wala silang nakitang kakaiba habang nag-iikot. Hindi niya alam kung sadyang wala lang talagang kakaiba roon o baka naman naitagong mabuti kaya hindi nila makita.

Isang buntong hininga muli ang pinakawalan niya at umiling.

“Here.”

Napatingin siya sa gilid niya at nakita niya si Red na may hawak na bottled water. Inaabot nito iyon sa kanya. Nakangiting kinuha niya iyon sa kamay nito at nagpasalamat.

“Sa tingin mo Red, ano kaya ang plano nilang gawin?” Mayamaya’y wika niya habang nakayuko. Hawak ng kanyang dalawang kamay ang bottled water habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam,” ani Red at pinagkrus ang mga kamay. Sumandal din ito sa kotse. “But one thing is for sure, whatever it is, we will stop them. Hindi ko hahayaan na maraming buhay ang mawala dahil sa mga bulok na taong iyon.”

Isang marahas na buntong hininga muli ang kumawala sa labi niya at tumango na lang rito.

Tumingin siya sa kalangitan. Pagabi na at naghahalo na ang kulay kahel at lila sa langit. Isang araw na naman muli ang dumaan. At habang papalapit ang araw na iyon ay mas lalong dumodoble ang kabang nararamdaman niya sa mga posibleng mangyari sa inauguration.

“Let’s go. May pupuntahan pa tayo.”

Napakunot ang noo niya sa narinig na sinabing iyon ni Red. Sa pagkakaalam niya kasi ay wala naman na silang ibang pupuntahan pa.

“Saan tayo pupunta?” Tanong niya.

“Sa ospital,” anito at hinawakan siya sa balikat. Marahang itinulak siya nito papasok sa kotse.

“T-teka, Pula! Bakit ka ba nanunulak? May lakad? Gan’on mo na ba ka-miss si detective at nagmamadali ka?” Natatawang sabi niya. Para kasing excited ito na ewan habang tinutulak siya.

Ngumisi lang sa kanya si Red at matapos ay umikot na ito sa driver’s seat.

Wala na ang cast nito sa kamay. Ilang beses sila nitong nagtalo kanina dahil doon. Ang advise kasi ng doctor ay dapat dalawang linggo nitong panatilihin sa kamay ang cast ngunit nagpumilit na itong tanggalin kanina. At kahit na anong pananakot ang sinabi niya rito para lang hindi nito alisin ang cast ay wala ring nangyari. Ito pa rin ang nanalo sa huli.

Matigas ang ulo ni Red. At alam niyang kahit na masakit pa rin ang kamay nito ay hindi nito iyon ipinapakita sa kanya.

“Alam mo, kapag 'yang kamay mo natuluyan talaga, papaputol ko 'yan. Tapos papa-preserve ko at ireregalo ko sa’yo. Remembrance ng katigasan ng ulo mo,” aniya rito nang mag-umpisa na itong imaniobra ang sasakyan.

Red only chuckled and didn’t bother to look at her. Napanguso na lang tuloy siya at tumingin sa labas.

Matapos ang halos tatlumpong minutong biyahe ay nakarating sila ng ospital. Tahimik lang si Red at hindi niya alam kung bakit. Panay rin ang text nito na sobrang ipinagtataka niya. Sa ilang buwan na pagkakakilala niya rito, napansin niyang hindi ito ma-text na tao at kapag may kailangan ito sa kausap ay tawag ang ginagawa nito. Kaya naman nakakapagtaka para sa kanya na makita na panay lang ang text nito.

“Sino ba 'yang ka-text mo? Mukhang busy’ng busy ka, Pula,” 'di niya napigilang sambit nang makasakay sila ng elevator.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Red at nagmamadaling inilagay sa bulsa ang cellphone nito. Ngumisi ito sa kanya. “Selos ka?”

Pakiramdam ni Hera ay namula ang mukha niya sa narinig. Kapag tinamaan nga naman ng magaling! Sa dami ng pwedeng sasabihin nito ay bakit iyon pa?

“S-selos mo mukha mo! Asa ka, Pula!” Aniya at mabilis na nag-iwas ng tingin dito.

Sa totoo lang ay nasapul nito ang naiisip niya. At nahihiya siya para sa sarili. Alam niyang wala siyang karapatan pero nakakaramdam siya ng selos. Lalo na’t malakas ang pakiramdam niya na baka si Doc Thea ang ka-text nito.

Tumawa si Red sa sinabi niya at matapos ay namulsa. “Your face is telling otherwise, Goddess.”

Pinanlakihan niya ito ng mata at inambahan. “T-tse! Tigilan mo 'ko! Por que, napansin lang, selos agad? 'Di ba pwedeng curious lang?”

Humalakhak muli si Red at matapos ay lumapit sa kanya. Ginulo nito ang buhok niya kaya naman inangilan niya ito at tinampal ang kamay nito.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay siniko niya si Red sa tagiliran at matapos ay binelatan ito.
Tumatawang nagmamadali siyang lumabas at tinungo na ang kwarto ni Detective Brylle.

Pagkarating niya roon ay nagtaka siya nang makitang wala doon ang detective. Kinatok niya ang pinto ng restroom para malaman kung naroon ito pero nagulat siya nang makitang hindi naka-lock iyon. Binuksan niya iyon at tiningnan kung naroon ang detective ngunit walang tao roon.

Nagmamadali siyang lumabas at nakita niya si Red na pumasok ng kwarto.

“Wala rito si detective,” nag-aalalang wika niya.

“Baka nagpahangin lang,” ani Red. Lumapit ito sa kama at may dinampot na papel doon. “Oh, ito. Nasa rooftop daw siya.”

“Rooftop?! Ang detective na 'yon! 'Di pa nga siya magaling tapos kung saan-saan nagpupunta!” Naiiling na wika niya.

Kung bakit ba naman kasi ang titigas ng ulo ng mga lalaking ito!  Kunsumidong wika niya sa sarili.

“Let’s go there,” ani Red sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Napapalatak na sumunod na lang siya rito.

---

A/N: If you are keeping the tabs, you know what will happen next. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top