H49
H49
“THESE are ciphers.”
Napatigil sa malalim na pag-iisip si Hera nang marinig niya ang sinabi ni Detective Brylle. Kunot noong lumipad ang tingin niya rito.
Kasalukuyan ulit silang naroon sa kwarto nito para pag-usapan ang mga bagong nakuha nilang impormasyon. Matapos nilang ma-decrypt ni Red ang file sa memory card ng ama at masiguradong ang laman niyon ay ang Genesis ay agad na silang bumalik sa ospital. Halos ilang oras din silang naghintay bago dumating si Ethos. Sa ngayon ay si Levi na lang ang kulang. Wala pa silang balita rito at hinihintay nila ang pagbabalik nito.
“Can you decipher it?” Tanong ni Ethos na nasa gilid nito.
Pagkarating na pagkarating ni Ethos kanina ay may ipinakita itong kapirasong papel sa kanila at text sa phone nito. Nang tingnan niya ang mga iyon ay naguluhan lang siya. Hindi niya kasi maintindihan ang kakaibang combination ng mga letter na nakasulat doon.
Ngumisi si Detective Brylle kay Ethos, tanda na alam nito kung paano ide-decode ang cipher na iyon.
“This is actually easy. Basahin mo lang ng pa-zigzag at makukuha mo na ang secret message nito,” sagot nito at habang itinuturo kay Ethos ang mga letra sa hawak nitong papel.
Tumayo si Hera sa kinauupuan at lumapit kay Detective Brylle. Amazed na tingnan niya muli ang papel at cellphone na hawak nito. “Talaga?”
Ngumiti sa kanya ang detective at tumango. “Yes. If I’m going to read this, the secret message in this paper is…”
“Varres Security Services,” maagap na sagot ni Red na nakasandal sa hamba ng pintuan habang ang isang kamay nito ay nakapamulsa.
“Varres Security Services?” Ulit niya sabay tingin kay Red. “Hindi kaya…”
“I believe that’s where the Pandora’s Box is hidden,” wika nito at lumapit sa kanila. “And this letters Ethos got from the painting is the password in the vault.”
Napangiti siya ng malapad at napapalakpak sa tuwa. “Yes! We’ve found it! We should go there first thing in the morning to get it!”
Ngumiti ang mga lalaking kasama niya sa loob ng kwarto at sabay-sabay tumango bilang pagsang-ayon sa kanya.
Pakiramdam niya ngayon ay unti-unti na silang nalalapit sa katapusan ng gyerang pinasok nila. At ang makuha ang mga ebidensya na magpapatunay ng mga kasamaan na balak ng organisasyon na iyon ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na huwag sukuan ang laban.
“Here’s the food, people. Mamaya niyo na ituloy ang pag-uusap. Let’s eat first.”
Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa bumukas na pintuan. Isang maluwang na ngiti ang nakapagkit sa labi ni Artemis habang may bitbit itong paper bags na may tatak ng logo ng isang restaurant.
Mabilis itong nilapitan ni Red at tinulungan itong ilapag sa maliit na mesang naroon ang mga pagkain. Inabutan ni Artemis si Detective Brylle ng pagkain samantalang lumapit na siya at si Ethos sa mesa. Matapos n’on ay nag-umpisa na silang kumain.
“Alam mo ba kung nasaan na si Levi? Anong oras na kasi at wala pa tayong balita sa kanya,” mayamaya’y tanong niya kay Artemis habang kumakain.
Sa totoo lang ay nag-aalala siya kay Levi. Ito ang naatasan ni Artemis na kumuha ng impormasyon na mangyayari sa araw ng inauguration ng bullet train. At alam niyang ang destinasyon nito ay ang kuta ng mga kalaban. Masyadong delikado ang lugar na iyon. At ang hiling niya lang sana ay ligtas itong makabalik ng walang kahit na anong galos.
“I don’t know where exactly he is. But I guess he’s already on his way here,” sagot ni Artemis sa kanya na hindi man lang nag-abalang tingnan siya at nagpatuloy sa pagkain.
Kunot-noong tiningnan niya ang kaibigan. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit parang hindi man lang ito nag-aalala kay Levi. Bodyguard nito ang lalaki at sigurado siyang magkaibigan din ang mga ito. Pero sa nakikita niyang ekspresyon ni Artemis ay tila hindi man lang ito nababahidan ng takot sa maaaring mangyari kay Levi lalo na’t nasa kuta ito ng mga kalaban.
“Aren’t you worried, Art?” 'Di napigilang tanong niya rito.
Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na ng tingin sa kanya si Artemis at ngumiti sa kanya. “I trust Levi. Don’t worry, Hera. He will be fine.”
“Pero—”
“He can’t die on a mission, Hera. Alam niyang ako lang ang may karapatan na kumitil ng buhay niya kaya hindi siya pwedeng mamatay sa kamay ng iba.”
Nagulat siya sa sinabing iyon ni Artemis sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung ano ang dapat isipin. It’s the first time she hears her talking like that. At hindi niya alam kung seseryosohin niya ba ang sinabi nito o hindi.
“Didn’t know you have that side of you, Artemis,” nakangising singit ni Ethos sa usapan nila. Tila ba na-amuse ito sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Nagkibit-balikat si Artemis. “Well, all of us have that kind of side that only few can see.”
“Seryoso ka talaga sa sinabi mo, Art?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Muli lang itong nagkibig-balikat at matapos ay hindi na ito nag-abalang sagutin ang tanong niya.
Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang kaibigan. Napapaisip siya. Sa tingin niya ay mayroong kakaibang relasyon ang dalawa at may lihim ang mga ito. At kung ano man iyon ay hindi niya mawari.
“Wala ba kayong balak umuwi pagkatapos kumain?” Basag ni Detective Brylle sa katahimikan na namayani sa paligid. “Alam kong concern kayo sa akin pero alam kong kailangan niyo rin ng pahinga. Isa pa, hindi naman hotel itong ospital,” dugtong pa nito at ngumisi.
“Mas mabuti pa ngang umuwi na tayo pagkatapos kumain. Kokontakin ko na lang kayo kapag nakabalik na si Levi,” sang-ayon ni Artemis.
Tutulol sana siya ngunit pagtingin niya kay Red ay tumango ito bilang pagsang-ayon sa gusto ng detective.
“We’ll go back here after we get the Pandora’s Box tomorrow,” ani Red at tumayo na.
“Okay then,” ani Detective Brylle.
“Oo nga pala, bago ko makalimutan,” wika ni Ethos at tumingin sa detective. “Narinig ko kanina ang mga maid sa mansyon ng senador na nag-uusap. Mayroong isang bodyguard na bigla na lang naglaho matapos ang imbestigasyon sa pagkamatay ng senador. Malakas ang kutob kong may alam siya sa pagkamatay ni Senator Rodriguez.”
Bahagyang natigilan si Detective Brylle kapagkuwa’y napatiim-bagang. Bakas sa mukha nito na napaisip ito sa sinabi ni Ethos. “We need to find him. It’s either he’s the witness or the perpetrator.”
Napatango na lang si Hera sa sinabing iyon ni Detective. Now, every knots in this case is being slowly untangled. Kapag nahanap nila ang bodyguard na iyon, sigurado siyang malalaman na rin nila kung sino talaga ang tunay na pumatay sa senador.
Kailangan namin mahanap ang taong iyon. Baka mayroon din siyang alam sa pagkamatay ni Dad, aniya sa isip.
---
MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas at hindi makatulog si Hera. Kahit anong pilit niya sa sarili na matulog na ay hindi niya magawa. Hindi siya mapakali. Siguro kasi ay wala pa siyang naririnig na balita mula kay Levi. At isa pa ay naaalala niya ang mga nangyari sa kanya n’ong makidnap siya. Palaging sumisingit sa kanyang isip si Marianne. At kumikirot ang kanyang puso sa tuwing naiisip niya na trinaydor siya nito.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya at umalis sa kinahihigaan. Tumayo siya sa tapat ng bintana at tiningnan ang malakas na hampas ng hangin at ulan na bumabayo sa labas.
May bagyo siguro, aniya sa isip.
Halos ilang minuto rin siyang nanatili roon bago nagpasyang bumalik ulit sa kama. Bago siya tuluyang mahiga ay nahagip ng tingin niya ang bag niya. Tumayo siya at kinuha niya iyon.
Dad, aniya at malungkot na ngumiti matapos ilabas ang wallet at cellphone ng ama niya.
Nakakaramdam na naman siya ng kahungkagan. Pero alam niyang kahit wala na ang kanyang ama ay patuloy siya nitong papatnubayan.
Kaunti na lang Dad…mareresolba na rin namin ang kaso na ito. At mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay mo.
Binitiwan niya ang wallet at tiningnan ang basag na cellphone. Simula nang mapunta iyon sa kanya ay hindi niya pa natitingnan ang laman niyon. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng malakas na kabog sa kanyang puso.
Hindi kaya...
Nanginginig ang kamay niyang binuksan niya ang cellphone. Bakit ba hindi niya naisipang silipin iyon noon nang ibigay iyon sa kanya? Maaaring nasa cellphone na iyon ang sagot sa mga tanong na gusto niyang masagot.
A sigh of relief escaped from her lips when she saw the phone opened. Akala niya ay tuluyan nang nasira iyon dahil sa aksidenteng nangyari.
Tiningnan niya ang laman niyon. Napansin niyang karamihan sa call logs na naroon ay mula sa trabaho. Meron din itong palitan ng tawag kay Senator Rodriguez. Pero bukod doon ay may napansin siyang isang unregistered number. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kung tama ang pagkakaalala niya, ang araw na tumawag ang unregistered number na iyon sa daddy niya ay ang araw na may tumulak sa kanya sa pool ng eskwelahan. Malakas ang pakiramdam niya na konektado ang dalawa.
Pinagpapawisan ng malamig ang kanyang mga kamay at nakakaramdam siya ng takot. Gusto niyang tawagan ang numerong iyon ngunit hindi siya nakakasigurado sa kaligtasan niya. Baka ma-trace ang gagawin niyang pagtawag lalo na’t wala siyang spare phone na pwedeng i-dispose matapos gamitin.
I’ll call this first thing tomorrow, naglalapat ang ngiping saad niya sa sarili.
Muli niyang pinagpatuloy ang pagba-browse sa phone ng ama. Tiningnan niya ang messages nito ngunit wala siyang makuhang importanteng impormasyon. Marahil siguro ay binubura agad ng kanyang daddy ang mga importanteng mensahe para walang makabasa.
Should I retrieve it? Pwede niyang gawin iyon. Baka may makuha siyang clue.
Habang patuloy ang kanyang mga daliri sa pagba-browse sa phone ay kinuha niya ang kanyang laptop at binuksan iyon. Pero natigilan siya nang madako siya sa email ng phone.
Nakatanggap ang kanyang ama ng email mula sa secretary nito na si Tessa Agoncillo sa mismong araw na namatay ito. Pagtingin niya ng oras na natanggap ang email ay napasinghap siya nang makitang ilang minuto lang iyon bago nangyari ang isang aksidente.
Isang malakas na kabog na naman muli ng puso ang kanyang naramdaman. Dali-dali niyang binuksan ang email. Pagtingin niya ay naglalaman iyon ng mensahe na nagsasabing may lead na ng mga subordinate ng kanyang ama sa nangyaring nakawan sa isa sa malalaking bangko ng bansa. Mayroon ding naka-attach na file sa email na iyon.
Mabilis niyang sinilip ang files ng phone ng ama para tingnan kung na-download nito ang file. At nang makita niya iyon ay mabilis na binuksan niya iyon. The file contains an excel file and some sort of unusual system files. Instead of checking the excel file, binuksan niya ang system file na naroon. And she was stunned to see that it was actually a malware that confuses the ECU of a car!
And then it hit her. Ngayon ay alam na niya kung ano ang eksaktong nangyari sa sasakyan ng kanyang daddy n’ong araw na maaksidente ito!
I’m gonna make sure you pay for this, Tessa! Nangigigil na sabi niya sa sarili at naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya.
Looking back at her father’s wrecked car, sigurado siyang tama ang kanyang sapantaha sa nangyari.
Her father connected his phone in his car possibly to charge it dahil sa nakita niyang usb cord na naroon n’ong imbestigahan nila iyon. Mayroong power bank ang kanyang ama pero noong araw na iyon ay marahil nawala iyon sa gamit nito at wala na itong pagkakataon para hanapin iyon dahil na rin siguro sa may urgent itong bagay na kailangan puntahan. Sigurado siyang kinuha iyon ni Tessa to make sure na maikakabit ng kanyang ama ang phone sa sasakyan nito.
Tessa knew her father’s schedule and whereabouts kaya kinuha nito ang pagkakataon na iyon para maiplano ang pagpatay sa kanyang ama. He was monitored even inside the car.
Pero paano niya nababantayan si Dad kahit sa loob ng sasakyan?
Naikuyom niya ng mariin ang kanyang mga kamao. Naalala niya ang hidden camera ng kanyang daddy sa sasakyan nito.
Tessa got her father’s trust para hindi ito paghinalaan na spy ito. Dahil doon ay malaya itong nakagalaw. Sigurado siyang sa pang-eespiya nito ay nalaman nito ang hidden camera sa loob ng sasakyan ng kanyang ama kaya hinack nito ang server niyon.
Maybe that’s also one of the reasons kung bakit nila kinuha ang system units ni Dad. Aside from searching for Genesis, maaaring hindi nila nagawang traceless ang pagha-hack sa computer ni Dad kaya kinailangan nilang kunin iyon. This also explains kung bakit nagawa nilang pasukin ang kwarto ni Dad kahit na may passcode. Dahil matagal na rin siguro nilang minamanmanan si Dad at nakuha ni Tessa ang tiwala niya, hindi na siya masyadong nahirapan pa para alamin ang mga secret passcodes ni daddy.
Kung tama ang sequence na naiisip niya, ganito ang eksaktong nangyari n’ong araw na namatay ang kanyang ama: He was inside the car and he connected his phone in it. Since Tessa was secretly watching him, alam niya ang galaw ng kanyang Daddy sa loob ng sasakyan. At n’ong makita nito na isinaksak ng kanyang ama ang phone nito sa sasakyan ay mabilis na pinadala na nito ang email. Being the trusted employee she was, hindi pinagdudahan ng kanyang ama si Tessa kaya naman binuksan nito ang email na pinadala nito and downloaded the file attached to it. The very moment the file was downloaded, the malware started to attack the ECU of the car. Dahil ang mga sasakyan ngayon ay parang isang malaking computer dahil na rin sa technology, a malignant code can confuse its control. Simply to say, it’s like a computer being hacked.
The malware totally wrecked the system of the car. The car accelerated to its highest range at tuluyan ng nawalan ng control ang kanyang ama sa sasakyan. Huli na siguro nang ma-realize ng kanyang daddy ang nangyari at bago pa man nito masagip ang sarili ay bumangga na ito sa ten wheeler truck na nakasalubong nito.
Naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha. She’s in so much pain right now and the hatred she feels toward that organization grows bigger and bigger.
Just like me, you’ve been betrayed Dad…and I’m really sad that the people we trust the most are exactly the people who can bring so much pain on us…No one can blame us for trusting them. It’s their fault that they chose to turn their backs on us.
***
Readers’ Reference:
*Malware is an umbrella term used to refer to a variety of forms of hostile or intrusive software, including computer viruses, worms, Trojan horses, ransomware, spyware, adware, scareware, and other malicious programs.It can take the form of executable code, scripts, active content, and other software. (http://en.m.wikipedia.org/wiki/Malware)
*Electronic Control Unit (ECU), in automotive electronics, Electronic Control Unit is a generic term for any embedded system that controls one or more of the electrical system or subsystem in a transport vehicle. (http://en.m.wikipedia.org/wiki/ElectronicControlUnit)
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
A/N: More or less, six chapters to go. :)
Sa lahat ng sumuporta sa kwentong ito, maraming-maraming salamat. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top