H47
H47
NAGPAPALIPAT-LIPAT lang ang tingin ni Hera kina Red at Doc Thea na para bang may sariling mundo ang mga ito habang nag-uusap sa kanyang harapan. Mukhang nakalimutan na 'ata ng dalawa na kasama siya ng mga ito at hindi man lang siya pagkaabalahang isali sa usapan.
'Yung totoo? Pwede na ba akong umalis? Nakakahiya naman sa dalawang 'to! Aniya sa isip at lihim na napaimismid. Inis na hinalo-halo niya gamit ang straw ang mango shake na iniinom niya at nakapangalumbabang ibinaling na lang sa ibang direksyon ang tingin.
“But are you really okay now, Thea?” Narinig niyang tanong ni Red kay Doc Thea. Hindi man niya ito tingnan ay nababakas sa boses nito ang pag-aalala para sa doktor.
Lihim na napabuntong-hininga siya ng malalim. Ayon kay Red kanina ay childhood friend nito si Doc Thea. At noong huling nagkita ang dalawa ay nasa ospital ang doktor dahil nagkasakit ito kaya naman hindi na siya nagtataka kung nag-aalala ito para rito.
Stop thinking nonsense, Hera. Childhood friend nga, 'di ba? Isa pa, ano naman kung meron man silang mas malalim na relationship? It’s none of your business anyways, kastigo niya sa kanyang sarili.
“I told you, I’m perfectly fine. Nandito lang naman ako para sa follow up check up ko. Nothing to worry,” sagot ng doktor. “Anyways, what happened to you? Bakit naka-cast 'yang kamay mo?”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at guilty’ng napaangat ang tingin niya kay Red nang marinig ang tanong na iyon ni Doc Thea. Truth be told, she really feels guilty to what happened to Red. Even with Brylle and Ethos. Hindi naman kasi masasaktan ang mga ito kung hindi dahil sa kanya.
“Just doing some work then this happened,” sagot ni Red at tumingin sa kanya. He gave her a reassuring smile as if he knows what’s running through her mind.
“Work you mean…” She trailed off. Naramdaman niya ang pagbaling nito ng tingin sa kanya kaya naman inilipat niya ang tingin dito. Though she’s smiling at her, she felt that there’s something the way she looks at her that makes her feel anxious.
She knew at hindi na ako magtataka kung bakit, aniya sa sarili habang pilit sinasalubong ang tingin ng doktor.
“Anyways, just be careful next time, Red. Do not put your safety in peril when doing your work.” Sa pagkakataong iyon ay humiwalay na ito ng tingin sa kanya at bumaling kay Red.
Tumawa lang si Red sa sinabing iyon ng doktor at tumango. “Of course.”
“And Hera…” Sa gulat niya ay muli itong bumaling sa kanya. Wala na ang ngiting nakapagkit sa labi nito at matiim itong nakatingin sa kanya. “Mag-ingat ka rin. I may not know what you’re up to but make sure you’ll always be safe. There are people who are willing to risk their lives just to make sure you are safe. Do not put their efforts in vain. If it’s really dangerous, stay away. Don’t be stubborn. Don't make any dangerous stunt. You don’t want those people be hurt, or worst, lose their lives, right? And don’t be impulsive. Make sure when you decide, it’s for the best.”
“Thea…” Naulinigan niyang wika ni Red. Kunot-noong tiningnan nito ang doktor. “Hera knows what she’s doing. You don’t need to say those words to her.”
“I know. But it won’t harm to remind her, right?” Ani Doc Thea at tumingin kay Red. Bumalik na ang ngiti nito.
Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at napayuko. Pakiramdam niya ay sinuntok siya ng mga salitang iyon ng doktor. Sa loob-loob niya ay naiinis siya dahil hindi naman nito alam kung ano ang pinagdaraanan niya kaya wala itong karapatan para pagsabihan siya. Pero kahit ganoon ay naiintindihan niya ang pinupunto ito. Alam niyang katulad niya ay nag-aalala lang din ito sa kaligtasan ni Red. At masakit man tanggapin, siya ang dahilan kung bakit ang isang paa nito ngayon ay nasa hukay dahil sa pagtulong sa kanya.
Kahit sina Ethos at Brylle. Artemis at Levi. Tila tumatawid sila sa isang napakanipis na alambre at isang maling hakbang lang ay maaaring buhay ang maging kapalit.
“T-thank you…for the concern, Doc Thea…” Aniya at lakas-loob na tiningnan ang doktor. “Huwag kang mag-alala, whatever decision I’ll make in the future, it will be for the best of us.”
Doc Thea stared at her as if she’s looking at her soul. Matapos ay bumuntong hininga ito at ngumiti sa kanya. “Glad to hear that, Hera.”
“We better leave. Mayroon pa kaming kailangan gawin,” ani Red at tumayo na. Lumapit ito sa kanya at tinulungan siyang tumayo.
Nagpaalam na siya sa doktor at bago sila tuluyang umalis ay may mga binitiwang salita si Red dito na ikinagulat niya.
“Don’t mess her mind, Thea. I know you are worried but your advice is uncalled for.”
---
MAINGAT na tinalon ni Ethos ang mataas na bakod sa tahanan ng mga Rodriguez. May mga bantay sa front gate kaya naman sa likuran siya dumaan. Ayon sa nakausap niya kanina habang nagmamanman siya sa labas ay walang naninirahan doon ngayon. Ang mga anak ng namayapang mag-asawa ay may sarili ng pamilya at malayo ang tirahan doon. Tanging ang mayordoma, dalawang maid at security guards lang ang nasa loob ng mansyon at tumatao roon.
Tahimik na tinungo niya ang likurang pintuan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sinilip muna kung may tao roon bago siya tuluyang pumasok. Nang wala siyang makita o marinig na kahit anong ingay ay pumasok na siya. Bumulaga sa kanya ang malaking kusina. Tinawid niya iyon at nakarating siya sa komedor. Mabilis siyang nagtago sa likod ng pader ng makita ang dalawang maid na naglilinis habang nakatalikod sa kanya. Mukhang hindi napansin ng mga ito ang kanyang pagdating dahil patuloy pa rin ang mga ito sa pagkukwentuhan.
“Nasaan na kaya si Raul? Mula n’ong matapos 'yung imbestigasyon sa pagkamatay ni sir, bigla na lang siyang nawala. Ni hindi man lang siya nag-abalang kunin 'yung huling sweldo niya. Sayang 'yon,” anang isang maid habang nagwawalis ito.
“Oo nga, eh. Loko 'yun si Raul. Paasa ang pisti! Sabi niya magdi-date kami, pero ayun! Nilayasan tayo ng walang pasabi,” inis na sagot naman ng kausap habang abala naman ito sa pagpapalit ng kurtina.
“Ano kayang nangyari roon, 'no? Na-trauma siguro n’ong makita si sir na nakabulagta sa sahig noong araw na 'yon.”
“Si Raul, na-trauma? Ang alam ko ex-police 'yon, eh. Kaya for sure hindi naman nakaka-trauma sa kanya 'yon.”
Sino si Raul? Hmmm…hindi kaya may alam ang lalaking iyon sa pagkamatay ng senador kaya biglang naglaho? Tanong ni Ethos sa sarili nang marinig ang usapan ng dalawang katulong.
“Baka may nangyari siguro sa pamilya kaya biglang umalis.”
“Bahala siya! Huwag siyang papakita ulit sa akin. Who you talaga siya kapag bigla siyang sumulpot dito.”
Nakayukong tinawid ni Ethos ang komedor habang sinisigurong hindi siya lumilikha ng yabag sa paglalakad niya. Nang makalabas siya ng komedor nang hindi nakikita ng dalawang katulong ay mabilis niyang tinalunton ang hagdan paitaas. Pagkarating niya sa ikalawang palapag ay una niyang pinuntahan ang unang pinto sa kaliwang kwarto. Maingat na binuksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang isang kwarto. Sa tingin niya ay guest room iyon ayon na rin sa pagkakadisenyo ng loob. Saglit na inikot niya ang tingin doon at matapos ay lumabas na rin siya.
Lumiko siya sa pasilyo at may pinto ulit siyang nakita. Pumasok siya roon at entertainment room naman ang bumungad sa kanya. Lumabas siya roon at nag-ikot-ikot pa. Ilang pinto rin ang kanyang binuksan at nang nasa ika-anim na pinto na siya ay swerteng ang master’s bedroom ang kanyang napasukan.
Tahimik ang kilos na nag-umpisa siyang maghanap sa gamit ng namayapang mag-asawa. Sa totoo lang ay nahihirapan siya dahil wala man lang siyang ideya kung ano ang eksaktong hinahanap niya. Ang alam niya lang ay Pandora’s Box ang tawag pero kung ano talaga iyon ay hindi niya alam.
Pandora’s Box…siguradong ebidensya iyon na nakuha ng senador sa Black Leaf. Pero ano kaya iyon?
Halos baliktarin na niya ang buong kwarto pero wala man lang siyang makuhang kahit anong bagay na maaaring makapagturo sa kanya kung nasaan ang pandora’s box.
Malamang hindi nila iyon itatago basta-basta sa lugar na madaling makita. Kung ganoon iyon kaimportante, siguradong itatago nila iyon sa lugar na hindi maiisip ng kung sino man na naroon iyon.
Naupo siya sa sofa na naroon at nag-isip. Kung siya ang magtatago ng Pandora’s Box, hindi niya iyon itatago sa sarili niyang kwarto lalo na’t alam niyang ano mang oras ay maaaring may sumugod sa bahay para hanapin iyon.
Saan kaya sa parte ng bahay na ito maaaring itinago ang bagay na iyon? O baka naman wala iyon sa bahay na ito?
---
“BAKIT ang tahimik mo?”
Napabaling ang tingin niya kay Red nang marinig niyang magsalita ito. Sa totoo lang, simula nang iwan nila si Doc Thea sa ospital ay hindi na niya kinausap si Red. Magulo ang utak niya at dahil iyon sa binitiwang salita ng doktor.
Alam niyang walang ibig sabihing masama si Doc Thea sa payo nito sa kanya at gusto lang nitong mag-ingat siya. Pero ramdam niya ang babala na kalakip ng bawat salitang binitiwan nito.
Napapaisip tuloy siya. Ipagpapatuloy pa ba niya ang paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang ama at pagsagip ng buhay ng maraming tao o hindi na?
Sa kaibuturan ng kanyang puso, alam na alam niya ang sagot. Pero may humahadlang sa isip niya. Alam niyang tama ang gusto niyang gawin pero kung malalagay sa kapahamakan ang mga taong malapit sa kanya, gugustuhin niya pa kayang magpatuloy?
Should I continue this fight alone?
Oo ang sagot ng kanyang isip. Kung iyon lang ang paraan para masigurong hindi na mapapahamak sina Red sa plano niya ay gagawin niya. Pero paano niya iyong gagawin mag-isa? Hindi siya ganoon kalakas. Ni hindi niya nga kayang manuntok ng malakas. At takot siyang humawak ng baril o ano mang sandata. Ang mga kalaban niya ay armado palagi at hindi niya kayang tapatan iyon sa aspetong iyon.
But I still have my brain. I can still fight without using my physical strength. I just need a right time and opportunity.
“If you are bothered with Thea’s words, forget it. She’s just worried. And she just want us safe. So whatever that’s running in that head of yours, forget it. I will never leave your side until we win this fight.”
Napalunok siya sa sinabi ni Red at nag-iwas muli ng tingin. Tumingin siya sa bintana ng sinasakyan nilang taxi at pinanood ang mga nadadaanang establisyemento.
“If you’re always with me, your life will always be in danger, Red. At ayaw ko na ulit masaktan ka. Kahit na sina Ethos at Brylle. Ayaw ko nang makita kayong napapahamak dahil lang sa pagtulong sa akin,” mahinang usal niya.
Naramdaman niyang hinawakan ni Red ang kanyang kamay niya kaya naman napatingin siya rito.
“It’s our decision to help you. You didn’t force us to be on your side so you don’t have to feel guilty,” anito at marahang pinisil ang kanyang kamay.
Nanubig ang mga mata niya at kapagkuwa’y napahikbi siya. “T-thank you, Red…I actually don’t know what to do if I’m going to face this battle alone. Selfish may it sound but I really need your help. I need everyone’s help. I’m sorry for dragging all of you in this mess.”
Red reached her head and put it in his shoulder. Naramdaman niya rin na inilapit nito ang sarili sa kanya at inilagay nito ang kamay sa kanyang balikat.
“You don’t have to apologize, Goddess. Like I said, it is our decision. And it will always be our pleasure to help you,” he whispered. “And please stop crying because it really breaks my heart whenever I see you cry.”
Pinahid niya ang kanyang mga luha at nag-angat ng tingin kay Red. He’s tenderly looking at her as if he’s saying that he will never leave her. That he will always be on her side whatever decision she will make. That he will make sure no one can hurt her. That he will make sure that they will win the fight no matter what.
Her hands made its way to Red and encircled it to his nape. She hugged him tight and whispered, “thank you…”
***
A/N: Ramdam niyo na ba? Ramdam niyo na ba ang nalalapit na pamamaalan nila? :'(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top