H46

H46

I know what you mean,” ani Hera at ikinuyom ng mariin ang kanyang kamao. “They already have my flash drive. And I think they need me for that.”

“Flash drive? Anong flash drive iyon, Hera?” Tanong ni Red at napatuwid ito ng tayo.

“I used to make a program wherein you can easily hack a computer without using the internet. At ang files ko ay naka-save sa flash drive na iyon. Sa tingin ko, i-integrate nila ang system na ginawa ko sa victorem para mas madali sa kanilang manguha ng data. I believe that the victorem is useless kung walang internet access. Our country is not hundred percent na nakaka-access ng internet. Isa pa, there are people who are not into social medias and other web platforms for security purposes. They just simply save their data in the computer at hindi iyon ina-upload or sine-share sa kung saan-saan. And that is their target. To fulfill their plan, they need to do total manipulation.”

“I still don’t get it,” ani Ethos at umiling-iling.Umayos ito ng pagkakaupo at tiningnan siya. “Pero kung marami silang computer geeks, bakit kailangan ka pa nila? They can integrate it without your help.”

“Actually, hindi pa talaga tapos ang system na ginawa ko. Natigil ang pag-develop ko n’on dahil kinuha ni Dad ang flash drive ko na 'yon sa akin,” naiiling na sagot niya at bahagyang nangiti. She remembered that day when his dad scolded her for hacking his computer para lang pigilan makarating dito ang result ng kanyang midterm exams.

“I guess Dad already knew what I’m up to and he thought that it will put me in a dangerous situation that’s why he confiscated my flash drive.”

“Meaning to say, they want you to finish what you have started,” ani Brylle at napahawak ito sa baba nito. “Still, if they have those computer geniuses, can’t they finish your system?”

“They can. Pwedeng sa mga oras na ito ay maaaring natapos na nila ang system na ginawa ni Hera. But more than anything else, I think they saw Hera’s potential kaya gusto siyang makuha ng mga iyon. After all, she’s the creator of that system,” ani Red at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat. “Isa pa, they are looking for Genesis and Pandora’s box. Ibig sabihin, malaki ang paniniwala nilang nasa kamay iyon ni Hera.”

“So that’s the reason why they raid your house, Hera,” ani Ethos at tumango-tango. “They have learned about your system and to get that Genesis and Pandora’s Box.”

Lahat sila ay natahimik matapos sabihin iyon ni Ethos. Lahat ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Bawat isa ay nag-iisip ng paraan kung paano nila mapapatigil ang masamang plano ng kalaban.

“Do you have any idea where your father hid the Genesis, Hera?” Pag-basag ni Levi sa mahabang katahimikang bumalot sa loob ng kwarto.

Umiling siya. “I don’t—”

Natigilan siya. Biglang may naalala. Tumingin siya kay Red at tila pareho silang naisip kaya napatango ito sa kanya.

“Kung hindi ako nagkakamali, nasa kamay ko na ang kopya ng Genesis,” aniya at napatiim-bagang.

Sabay-sabay na napatingin si Ethos, Artemis, Brylle at Levi sa kanya.

“Nasa sa’yo na?” Gulat na tanong ni Artemis.

Tumango siya. “I’ve got my father’s memory card. Kung tama ang hinala ko, doon naka-save ang Genesis. But the memory card is encrypted at n’ong sinubukan kong i-decrypt iyon ay nahirapan ako. Maybe, I can try to decrypt it again later. No. I will not try. I’ll make sure na made-decrypt ko iyon,” puno ng determinasyon na sabi niya.

“If that’s the case, ang kailangan na lang natin hanapin ay ang sinasabing Pandora’s Box. We need to know kung ano talaga iyon,” ani Ethos at humalukipkip.

“We already have the key,” ani Detective Brylle at tumingin kay Red.

Kunot-noong napatingin siya rito.

“That night when the senator’s wife had been assassinated, may ibinigay siya sa aking susi. And she said that it’s the key of Pandora ’s Box. As for what it’s content or where it is hidden, hindi na niya nasabi dahil binawian na siya ng buhay.”

Muli silang natahimik. Lahat ay nag-iisip kung ano ang posibleng laman ng pandora’s box.

“Sa tingin ko ay kailangan nating puntahan ang tahanan ni Senator Rodriguez para makapag-imbestiga tayo,” ani Red.

Tumango silang lahat dito bilang pagsang-ayon.

“But we need to hurry. There’s something will happen on September 29. And that’s few days from now,” aniya.

Red creased his brow. “Anong ibig mong sabihin? Anong meron sa September 29?”

“Noong bumalik kami ni Detective sa bahay namin, I discovered that my father left a cryptic message for me. And I think it’s very important. Ngayon na napagtatagni-tagni ko na ang nangyayari, I think there will be a mass killing that will happen on that date,” naglalapat ang ngiping sagot niya.

Lahat ay dumako muli ang tingin sa kanya. Kababakasan ng gulat ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kanya.

“What are you saying, Hera?” May halong takot na usal ni Artemis.

“On September 29, the newly computer-operated bullet train will be inaugurated. Maraming a-attend na matataas na opisyal ng bansa ang pupunta roon. Even the president will be there. If that organization wants to throw away the reigning political party now, killing them all will be the easiest way. But of course, palalabasin nila iyong aksidente para hindi mapaghinalaan ang kung sino man. I don’t know how they will do it but we certainly need to stop them,” sagot niya at suminghap siya.

Thinking that many innocent people might lose their lives because of that evil scheme of that organization boils her blood to the highest point. She’s scared about the thought but surely, she will not let those devils do that. Even if she needs to risk her life to save the many.

It may sound heroic. Pero hindi niya gagawin iyon para magpasikat o ano. She’ll continue her father’s legacy. And that is to help the people in need sa abot ng kanyang makakaya.

“Levi, gather more information about that,” ani Artemis at naglalapat ang mga ngiping tiningnan si Levi. Tumango naman ang huli bilang sagot.

“Their minds are surely fckingly screwed,” may diing wika ni Ethos.

“Yeah. And they need a big punch in their heads to straighten it,” ani Red.

“If this meeting is adjourned, then I’m leaving now to fulfill my duty,” ani Levi at umayos na ng tayo.

Bumaling ang tingin niya rito at bahagya niya itong nginitian. “Mag-ingat ka, Levi. At maraming salamat sa lahat.”

“No worries,” ani Levi at ngumiti sa kanya. Tumango ito kay Artemis bago tuluyang lumabas ng kwarto.

“Then, I’ll head out also. I’m going to senator’s house to investigate,” ani Ethos na tumayo na rin.

Tumango siya rito bilang pagsang-ayon. Matapos ay lumabas na rin ito.

“Maaari ba kitang iwan dito, Artemis? Please take care of detective Brylle. Isa rin 'yan sa may matitigas ang ulo. I’m pretty sure na ngayon ay tayong-tayo na 'yan para makaalis sa kwartong ito para mag-imbestiga. He needs to fully recover above anything else,” aniya kay Artemis at nginisian ang detective.

Nakita niyang ang pagkunot ng noo ni Detective Brylle sa sinabi niya pero kapagkuwa’y natatawang umiling na lang ito.

“Okay,” sagot ni Artemis. “Are you going somewhere?”

“Babalik ako sa bahay ni Detective Brylle. Naiwan ko ang ilang mga gamit ko roon pati na rin ang memory card. I’ll start to decrypt it kapag nakuha ko na,” sagot niya.

“I’ll go with you, Hera,” singit ni Red at namulsa muli.

Tumango lang siya rito bilang pagsang-ayon at muling bumaling kay Artemis. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at malungkot na nginitian ito. “Thank you sa lahat-lahat, Art. And I’m sorry kung nagkaroon ng pagkakataon na pinagdudahan kita. I thought you were one of them. I’m really sorry.”

“I understand, Hera. You don’t need to apologize. I worked silently kaya naman hindi na nakakapagtakang napagdudahan mo ako,” anito at ngumiti sa kanya. Gumanti ito ng hawak sa mga kamay niya

“Still. I should have trusted you. Best friend kita pero nag-doubt ako sa’yo. And I’m really sorry for that.”

“Stop saying sorry, Hera. All that matters now is we’re helping each other to solve this problem.”

Nanunubig ang mga matang tumango siya rito at niyakap ito. “I know it’s hard for you also to face this problem dahil involve dito ang kuya mo. And even Marianne we treated as best friend. But I’m here. Kung nahihirapan ka na, nandito lang ako. I’ll help you sa abot ng makakaya ko.”

Artemis patted her back. “I know. And I’m very thankful for having you.”

Kumalas na siya ng yakap dito at ngumiti.

“Mag-ingat kayo,” nakangiting sabi nito at bumaling kay Red. “Make sure she’s always safe, Red. I’m counting on you.”

Red nodded at her at tinungo na ang pintuan. Binuksan nito ang pinto at hinintay siyang makalapit.

“Behave, detective!” Aniya kay Brylle bago tuluyang inaya si Red na lumabas ng kwarto.

“Yes, ma’am!”

---

PWEDE ba tayong dumaan sa cafeteria bago tayo umalis, Red? Nauuhaw kasi ako. Bibili lang ako ng inumin,” aniya habang naghihintay silang bumukas ang elevator.

“Sure, goddess,” nakangiting sagot nito at bahagyang ginulo ang kanyang buhok.

Sinamaan niya ito ng tingin at tinampal ang kamay nito. “Stop calling me that, Pula!”

Tumawa lang ito sa sinabi niya at muling namulsa. Nang magbukas ang elevator ay pumasok na sila roon. Sila lang ang laman niyon n’ong umibis sila ngunit kada palapag na daanan nila ay nadadagdagan sila kaya naman halos kulang na lang ay tumagos siya sa pader ng elevator ng mapuno iyon.

Naramdaman niyang kumilos si Red sa kanyang gilid. At sa gulat niya ay tumayo ito sa kanyang harapan at tila ba pinoprotektahan siya sa pagkakaipit. Narinig niya pa ang ilang pagpiksi ng mga naroon dahil sa pagkilos nito ngunit hindi nito iyon inalintana. Bagkus ay ngumiti lang ito sa kanya at sa gulat niya ay hinapit siya nito sa bewang.

“A-anong ginagawa mo?” Nanlalaki ang mga matang bulong niya rito.

Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi at pagkabog ng malakas ng kanyang puso dahil sa pagkakalapit nilang dalawa. Pakiramdam niya rin ay mas lalong uminit ang paligid at nahihirapan siyang huminga sa isiping sobrang dikit ng katawan nito sa kanya.

Shit ka, Red! Juskolord, bakit ka ganyan?!

Red leans on her until their faces are only inches away. “I’m just making you safe.”

Kung may ipupula pa ang mukha niya ay siguradong naabot na niyon ang pinakapulang antas at sigurado siyang kitang-kita na iyon ni Red dahil nakapagkit na sa labi nito ang isang pilyong ngiti.

“There’s no danger here, Pula,” she hissed trying to hide the uneasiness she feels. “Let go.”

Mas lalo siyang hinapit ni Red nang muling may pumasok sa loob ng elevator. He’s literally hugging her tight at dahil doon ay dumoble ang tambol ng kanyang puso.

“I’m just fulfilling my promise to Artemis. I’m just making sure you’re safe from being squeezed here,” he whispered habang ang pilyong ngiti nito ay lalong lumapad.

Napalunok siya ng malaki. She smelled that minty breath of Red that almost make her lose her sanity.

Get a grip, Hera! Itigil ang kalandian! Juskopo!

Bumukas ang elevator. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakarating na sila sa palapag kung nasaan ang cafeteria. Tinulak niya si Red na tahimik na tumatawa dahil sa kalokohang ginawa nito.

Pagkalabas niya ng elevator ay mabilis na umigkas ang kanyang kamay at binatukan niya ito.

“Bakit mo 'ko binatukan?” Amused na tanong nito na tila ba hindi nasaktan sa ginawa niya at tumawang muli.

Inismidan niya lang ito at tinalikuran. Ramdam niya pa rin ang malakas na kabog ng puso niya dahil sa ginawa nito at feeling niya ay oras pa 'ata ang bibilangin bago kumalma ang nagwawalang puso niya.

Bwisit kang Pula ka! Kapag ako namatay dahil sa irregular na tibok ng puso, mumultuhin talaga kita!

“Red!”

Napatingin siya sa kanyang harapan. At kumunot ang noo niya nang makita si Doc Thea, ang resident doctor ng kanilang eskwelahan. Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa kanyang likuran.

Lumingon siya kay Red at nakita niya ang malapad na ngiti nito habang nakatingin sa doktor.

“Thea!” Anito.

Magkakilala sila? Kunot-noong tanong niya sa isip.

Sa gulat niya ay biglang tumakbo si Doc Thea kay Red at niyakap ito. Pero mas ikinabigla niya nang makita niyang hinalikan nito sa pisngi ang lalaki.

What the hell?!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top