H45

H45

ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hera matapos lumabas ng silid ang doktor na tumingin sa kanya. Masakit pa rin ang kanyang katawan ngunit kaya naman niyang i-tolerate iyon. Kumpara sa mga sugat at galos na nakuha nila Red at Ethos dahil sa pagsagip sa kanya ay walang-wala ang mga nakuha niya.

“Kumain ka na muna.”

Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang pumasok si Artemis sa kwarto. Bahagya itong nakangiti sa kanya habang may bitbit na tray na naglalaman ng pagkain.

“Kumusta na sina Red at Ethos? Are they okay?” May pag-aalalang tanong niya.

Matapos nilang makaalis sa building na iyon kung saan siya itinago ng mga kalaban ay dumiretso sila sa bahay ni Ethos. Nagpumilit siyang dumiretso sila sa ospital para magamot ang mga ito ngunit sinabi ni Red na hindi makakabuti kung doon sila unang tutungo dahil malaki ang posibilidad na baka masundan lang sila roon.

Sa tulong ni Tita Lorraine, ina ni Ethos, ay nagawa nitong tumawag ng mga doktor at papuntahin ito sa bahay nito para magamot silang tatlo.

“They’re both fine now. Natanggal na ang balang bumaon sa balikat ni Red at nilagyan na rin ng cast ang kanang kamay niya. Natahi na rin ang mga sugat ni Ethos sa katawan kaya ang kailangan na lang nila ay magpahinga at magpagaling,” sagot nito at inilapag sa side table ang tray. Naupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay. “Ikaw rin. You need to rest. I know you are both physically and emotionally exhausted dahil sa mga nangyari. Kailangan mong magpahinga para makabawi ng lakas.”

Napayuko siya sa sinabi nito at nakagat ng mariin ang labi. The memory of Marianne mockingly laughing at her flashed in her mind. Nagtubig muli ang kanyang mga mata at tumulo ang kanyang mga luha. She wanted to fool herself by believing what happened to her a while ago was only a dream. Pero alam niyang kahit anong pagpapaniwala niya sa kanyang sarili ay mananatili iyong katotohanan. Isang napakasakit na katotohanan.

Naramdaman niya ang pagyakap ni Artemis sa kanya kaya naman lalo siyang napaluha. Pakiramdam niya ay hinang-hina na siya at wala na siyang lakas para lumaban pa. Isa pa, kahit na malaki ang pagtitiwala niya sa kanyang ama na hindi nito magagawang gumawa ng masama ay tila ba may sundot sa kanyang konsensya na nagsasabing hindi siya nakakasigurado lalo na’t noon pa man ay hindi nagsasalita ang kanyang ama ng kahit ano tungkol sa trabaho nito.

“H-hindi k-ko alam kung k-kaya ko pa, Art…” She sobbed. “E-everything that’s happening is a fcking mess!”

“Everything will be fine, Hera. Kailangan mo lang maniwala roon,” tugon nito at umalis sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan nito ang kanyang mga luha at ngumiti sa kanya. “Malalagpasan mo rin ito. Have faith in Him. Isa pa, nandito kami para tulungan ka. You’re not alone in this battle. And we will not let you lose no matter what happens.”

Humikbi siya. “I-I k-know…Alam kong ginagawa niyo ang lahat para matulungan ako…p-pero hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat gawin, Art…Si Marianne…Ang kuya mo...They are involved here. And no matter how much I loathe what they have done, they are still part of our lives…”

Muling hinawakan ni Artemis ang kanyang mga kamay at malungkot ang mga matang tinitigan siya. “Though this truth is excruciatingly painful, we need them to pay for the consequences of what they have done.”

“I’m scared, Artemis…”

“We’ll get through this, Hera. Kailangan lang natin silang pigilan sa masama nilang plano.”

Nag-angat siya ng tingin at tumango siya rito. Pinalis niya ang kanyang mga luha at huminga ng malalim. Now’s not the time to become weak. Ngayon na unti-unti ng nabubuo ang jigsaw puzzle sa problemang kinakaharap niya ay kailangan niyang mas lalong maging matatag para tuluyang maresolba iyon. At katulad nga ng sinabi ng kaibigan, hindi siya nag-iisa. Naroon ito pati na rin sina Red, Brylle, Ethos at pati na rin si Tita Lorraine na handa siyang tulungan.

I’ll stop their plan no matter what. And I’ll make sure justice will be served on your death, Dad. I believe in you. Whatever actions you have done with that organization, alam kong para lang iyon mangalap ng ebidensya. You’re a good man. A good father. And putting me in a dangerous situation is the least you would want to do.

---

DETECTIVE!” Bulalas niya at nanlalaki ang mga matang napatayo siya nang makita niyang magmulat ito ng mata.

Matapos sabihin sa kanya ni Artemis na nasa ospital ito at malala ang kalagayan ay nagpumilit siyang puntahan ito. Both Ethos and Red are against it pero hindi siya nagpapigil. Gusto pa sana siyang samahan ng dalawa pero matigas ang pagtanggi niya. Kailangan ng dalawa na bumawi ng lakas at kung sasamahan siya ng mga ito ay hindi magagawa ng mga ito iyon.

“If you’re going to him, at least, bring me or Ethos. You can’t go there alone! Our enemies are on the hunt. At kailangan natin masigurado ang kaligtasan mo. I can’t take the risk of losing you again, Hera!”

Kung naiiba lang ang sitwasyon ay paniguradong ramdam na naman ni Hera ang naghahabulang daga sa kanyang tiyan sa mga binitiwang salita ni Red. Pero kahit ganoon, those words of him give him enough courage to fight for her life and do the right things.

“I promise, mag-iingat ako. Isa pa, sasamahan naman ako ni Tita Lorraine. I’ll disguise also para hindi ako makilala kaya hayaan mo na akong puntahan si Brylle. I want to see him. He’s badly hurt because of me and I can’t take it kung may mangyaring hindi maganda sa kanya,” she plead.

“Hayaan na lang natin siya, Red. No matter what we say, hindi na mababago ang desisyon niya. She’s stubborn as she is. Don’t worry, my mom will take care of her. Isa pa, Levi is in the hospital. Mababantayan niya rin doon si Hera,” sukong wika naman ni Ethos.

Alam niyang ayaw rin nito sa ideyang pag-alis niya ngunit nagpapasalamat siyang hindi na siya nito pinahirapang umalis.

Red heaved a deep sigh at matapos ay may kinuha sa bulsa nito. “This is a new transmitter. Wear it para alam ko kung nasaan ka palagi.”

Katulad ng una nitong binigay, isang pares na itim na hikaw ulit ang binigay nito sa kanya. Mabilis niyang isinuot iyon at ngumiti rito. “Thank you, Red.”

“If you sense danger, call us immediately, understand?” Anito.

Tumango siya rito at matapos ay bumaling kay Artemis na tahimik ngunit nangingiting nakikinig sa usapan nila. “Artemis, bantayan mo ang dalawang 'yan. Make sure na hindi sila lalabas ng bahay na ito. They need to rest. Kung kailangan mo silang iposas para hindi sila umalis, do it. Akong bahala sa’yo.”

Nakita niya ang pagprotesta sa mukha ng dalawang lalaki sa sinabi niya samantalang si Artemis naman ay tumawa.

“Yes, Madam Hera. I’ll make sure na hindi sila makakalabas ng bahay na ito. Babalian ko sila ng buto kapag pumalag sila,” she joked.

Tumawa siya at kapagkuwa’y tumayo na. “Good.”

“I m-miss your voice, H-hera…” Halos paanas na sabi ni Brylle sa kanya at bahagyang ngumiti.

Ayon kay Levi, na napag-alaman niyang personal bodyguard ni Artemis, ay nagising na raw si Brylle bago pa sila dumating. Pero dahil sa gamot na initinurok muli rito ay nakatulog itong muli.

Nanunubig ang mga matang niyakap niya ito. “Baliw ka, detective! Hindi mo dapat sila hinayaang barilin ka!”

“A-aray, H-hera…M-masakit…”

Nanlalaki ang mga matang kumalas siya ng pagkakayap dito. “S-sorry, detective! Natutuwa lang akong makitang gising at okay ka na.”

Brylle coughed with smile on his face. “If that’s the way you show how glad you are for seeing me alive, then, hug me all you want. You can also kiss me if you want to.”

Namula ang kanyang pisngi sa sinabi nito at bahagyang napaatras. Iningusan niya ito. “I think you are more than okay now. Nakakapag-joke ka na kasi, detective. My presence here is not needed now so I’m leaving.”

“Spoilsport…” He smirked.

Inikutan niya ito ng mga mata. “Whatever, detective.”

Bumukas ang pinto ng silid nito at iniluwa n’on si Tita Lorraine at ang doktor ni Brylle.

“Let’s go out first, Hera. It’s time for his check up,” nakangiting wika ni Tita Lorraine.

Tumango siya rito at bumaling muli kay detective Brylle. “We’ll be back.”

Ngumiti sa kanya si Brylle bilang tugon. Matapos n’on ay lumabas na siya ng silid nito.

Nagpaiwan si Tita Lorraine sa labas ng kwarto ni Brylle samantalang pumunta muna siya ng cafeteria para bumili ng maiinom. Inaya niya rin si Levi para makausap ito. Gusto niya kasi itong makilala.

“So you are Levi, Artemis’ bodyguard?” Nakangiting tanong niya rito matapos sumimsim ng lemon juice.

Gumanti ito ng ngiti sa kanya. “Yes. I’m Leviticus Apollo Deus. And it’s nice meeting you, Hera. I’ve seen you many times pero ngayon lang tayo nakaharap ng personal.”

Bahagya siyang nagulat. “Really? You’ve seen me before?”

“Yes. I’ve seen you with Artemis many times before kaso hindi lang ako lumalapit,” sagot nito.

“Pero bakit?”

“I’m fulfilling Artemis’ order and getting near you will jeopardize my mission.”

“And by mission, you mean getting information from his brother, tama ba?”

“That’s correct.”

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “I know Artemis is having a hard time because of the involvement of his brother in this problem.”

“Still, she has you.” Sumimsim ng kape si Levi at matamang tiningnan siya. “I know both of you are having a hard time because of it but please support each other. Please be there on each other. Huwag niyong pabayaan ang isa’t isa lalo na ngayon na hindi pa nareresolba ang problema.”

Napatitig siya kay Levi sa sinabi nito at bahagyang napangiti. “You care for her, do you?”

Levi coughed and immediately averted his eyes. “O-of course. She’s my master.”

Lumuwang ang ngiti niya. Somehow, knowing that there’s someone who will protect Artemis makes her feel a little better.

“I know it’s your job to protect her because you are her aid but please, protect her not because it’s your job but because you are her friend she trusted the most.”

Levi looked at her with intensity in his eyes and nodded. “You don’t have to tell me.”

---

ACCORDING to Marriane, tatlong bagay ang kailangan niya sa akin. Genesis, Pandora’s Box at ang mastery ko,” seryosong sabi niya at tumingin sa mga kasama.

Kasalukuyan silang nagpupulong nila Red, Ethos, Artemis, Levi at Brylle sa hospital room ng huli para sa gagawin nilang misyon. Nilalatag nilang lahat ang mga impormasyon na nakuha nila para pagtagni-tagniin ang mga iyon upang makabuo ng konkretong plano.

“As for the Genesis they’re talking about, iyon ang alpha phase ng system na dinedevelop nila. They name the system as ‘victorem’ based on the information I gathered,” ani Levi habang nakasandal ito sa pinto at nakakrus ang mga kamay.

“Victorem?” Ulit niya.

“Yes, Hera. Victorem, latin word for conqueror. Iyan ang narinig kong pangalan ng system nang minsang marinig ko si kuya na may kausap sa telepono,” sagot naman ni Artemis na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Ibinaba nito ang hawak na tasa sa center table at mataman siyang tiningnan. “Base sa nakuhang impormasyon ni Levi, nakakuha ng kopya ang Daddy mo ng alpha phase ng victorem kaya naman hinahanap iyon sa kanya ng Black Leaf. Hindi kasi pwedeng malantad iyon sa publiko dahil sa alpha phase ng Victorem makikita ang content ng system at malalaman ng lahat kung para saan talaga ang system na iyon.

“The organization will sell the system to the public as a new operating system. Pero ang totoo niyan kapag na-install na iyon sa mga computer or even tablets and phones ng mga user ay unti-unti n’ong kukunin ang personal data ng may-ari. Every bit of information will be gathered. From the date of birth to bank accounts and secret files. Walang ititira iyon sa user ng system. At kapag nakuha na nila ang mga impormasyon, they’ll save it on a large database and will use it for their evil plans.”

Napatiim-bagang si Hera sa narinig kapagkuwa’y napabuntong hininga. “Ang sabi ni Marianne, the system is already on the beta stage. And my father helped them to develop it.”

Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Red, Brylle at Ethos sa sinabi niya.

“What do you mean, Hera?” Tanong ni Brylle sa kanya at maingat na umayos sa pagkakasandal sa headboard ng kama nito.

“To be honest, naguguluhan din ako. Sabi ni Marianne, my father used to be one of them at tumulong ito sa pag-develop ng system. But I trust my father. I know he has reasons for doing it,” she answered.

“Your father entered that organization to gather information. Do not doubt him,” puno ng kompyansang sabi ni Red na nakasandal sa pader habang nakapamulsa ito sa paanan ng kama ni Brylle.

“Yes. That’s true, Mr. Mendel. Director Enriquez joined the organization to get evidences and information. He got an offer from them and he took that opportunity,” wika muli ni Levi at bumaling sa kanya. Bahagya itong ngumiti sa kanya. “Your father is a good man. And I respect him so much.”

Pakiramdam ni Hera ay mas makakahinga na siya ng maluwag sa nalaman. Though nagkaroon siya ng kaunting pagdududa sa ama ay alam niyang hindi nito magagawang kumampi sa kasamaan para lang sa pera at kapangyarihan.

“Sa ngayon, tine-test ang system na iyon na hindi man lang nalalaman ng public,” ani Artemis at ikinuyom nito ang kamao. “And that system is currently tested in our school, Hera.”

Nagulat siya sa sinabi ni Artemis. “What?”

“Since our school is being sponsored by our family and we have shares on that, mas madali kay Kuya Ares na gamiting den ang school natin nang hindi nalalaman ng iba. Of course, he has the support of the higher ups to do that. Ilan sa mga computer sa computer laboratory ng school ay merong installed na victorem. And every time na ginagamit iyon ng mga estudyante at nagi-input ng personal information ay naga-gather iyon ng system. I tried to get a copy pero mahigpit ang bantay sa lab kaya hindi ako makakuha.”

“So, they are already starting, huh?” Red hissed.

“Sooner or later, the system will reach its final stage. But we can stop it. As long as Hera’s here with us,” ani Artemis at tinitigan siyang muli. “You are their trump card, Hera.”

***

A/N: Ready to unfold some the mystery? :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top