H43

H43

IKINUYOM ni Red ng mariin ang mga kamao habang matamang nakatingin sa building sa kabilang kalsada. It’s already six in the evening and the sun is already setting down.

Hindi niya alam kung ano na ang kalagayan ni Hera sa loob. And thinking that she might be hurt is making his heart torn into pieces.

“We need to lure them para mabawasan ang mga bantay,” ani Ethos na mataman ding nakatingin sa building.

Kung tama ang bilang ni Red, nasa sampu ang bilang ng nagbabantay sa labas ng building. At hindi niya alam kung ilan pa ang nagbabantay kay Hera kung nasaan man ito sa loob ng building na 'yon. They need to be careful. Kung hindi ay baka mapunta lang sila sa alanganing sitwasyon.

“I don’t think you can put them down all. Sa tingin ko, it would be better to call the police and ask for their assistance,” sabi naman ni Artemis na bakas sa mata ang pag-aalala.

Ipinatong ni Red ang siko sa bintana ng kotse at pinadaanan ang labi ng kanyang daliri. Actually, he’s already been thinking of calling the cops for assistance. Pero iniisip niya na baka makatunog ang mga kalaban. He can’t take the risk. Hera’s in danger now and putting her in a more dangerous situation is the least thing he would want to do.

“I’m getting in alone. Both of you, wait for me, okay?” Aniya at kinuha ang kanyang laptop.

Kailangan niyang makita ang blueprint ng building kung nasaan si Hera. He needs to know the possible escape route.

The building seems to be a commercial place. Maybe, it’s the place that their enemies think will be the last place he would think where they are hiding Hera.

“I’m not letting you. Sasama ako,” matigas na pagtanggi ni Ethos.

Kinuha ni Ethos ang baril sa compartment ng kotse nito at tiniyak kung may bala iyon.

Napailing na lang siya. Alam niyang kahit na pigilan niya si Ethos ay wala ring mangyayari. He’s stubborn as he is.

Napataas ang sulok ng kanyang labi nang magawa niyang makuha ang copy ng blueprint ng building gamit ang pagha-hack. Ngayon, ang kailangan niya na lang alamin ay kung saan posibleng itinago si Hera sa loob niyon at alamin ang posibleng daan para magawa niya itong iligtas nang hindi ito napapahamak.

Mabilis siyang tumipa sa kanyang laptop. Nang ma-hack niya ang CCTV server ng building ay napangiti siya. Sa tingin niya ay mapapabilis na ang paghahanap niya kay Hera.

Nag-umpisa siyang tingnan ang bawat sulok ng building gamit ang CCTV. At napakunot ang noo niya nang may mahagip ang kanyang mga mata.

“They are in the 13th floor,” naglalapat ang ngiping sabi niya. “Look at this, mas maraming bantay ang nandito. There’s a big possibility na isa sa mga kwarto rito ay naroon si Hera.”

Nakita niyang napatiim-bagang si Ethos habang nakatingin sa kanyang laptop. “We need to get going. We need to make sure that Hera is safe.”
Tumango siya sa sinabing iyon ni Ethos. Matapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone.

“What’s this?” Takang tanong sa kanya ni Artemis nang ma-receive ang mensaheng pinadala niya rito.

“That’s Zero’s number. He’s my trusted friend and a police. Kapag thirty minutes na at hindi pa rin kami nakakalabas ng building na 'yan, call him. Just mention my name and he’ll surely help,” sagot niya.

“Copy,” ani Artemis at tumango. “Mag-ingat kayong dalawa, okay?”

Isang matipid na ngiti lang ang sinagot niya kay Artemis at matapos n’on ay tiningnan niya si Ethos at sinensyan na lumabas na ng kotse.

“Doon tayo dumaan sa parking space. Mas kaunti ang bantay roon,” aniya kay Ethos at inilagay sa bulsa ang cellphone. Doon niya ia-access ang CCTV ng building na iyon para hanapin si Hera.

Maingat na tinungo nila ang gilid ng building kung saan naroon ang daan patungo sa parking space. Sinigurado nilang hindi sila nakita ng mga bantay na nasa bukana ng building.

Saktong may dumaang elf truck na mukhang papasok sa building kaya naman mabilis ang pagkilos na sumakay sila sa likod niyon at nagtago sa mga nakatabing na kahon.

Nagkatinginan sila ni Ethos nang maramdamang huminto ang sasakyan. Siguradong narating na nila ang security bago makapasok sa loob ng building.

Pareho silang naging alerto. Malaki ang tyansa na baka tanggalin ng security ang nakatabing sa mga kahon kung saan sila nagtatago kaya naman hindi nila pwedeng ibaba ang kanilang depensa.

Ilang minuto ang lumipas nang mapabuntong hininga siya ng malalim. Ipinagpapasalamat niyang nakatipid siya ng enerhiya. Dahil kung sakaling nakaharap nila ang mga bantay ay paniguradong doon na mag-uumpisa ang kaguluhan.

Nang huminto muli ang sasakyan ay mabilis silang bumaba ni Ethos doon at matapos ay pinuntahan niya ang driver ng sasakyan. Mabilis niyang pinatulog ito. Ayaw niya itong madamay kapag nagkaharap na sila ng mga kalaban. Nang masiguro niyang wala na itong malay ay sinenyasan niya si Ethos na magtago sa likod ng isa sa mga sasakyang naka-park doon.

Inikot niya ang paningin sa paligid. Nakita niya ang nagkalat na CCTV kaya naman mabilis niyang kinuha muli ang cellphone. Tumipa siya roon. Matapos ay ibinalik niya ulit ang cellphone sa bulsa.

Sinet up niya ang CCTV thirty minutes bago sila dumating kaya kahit magpaikot-ikot sila roon ay hindi sila makukuhanan ng camera. Ang makikita lang ng nanonood ng CCTV ay ang mga eksenang nangyari, tatlumpong minuto bago sila dumating at hindi na iyon magre-record pa ng panibago.

Inilibot niya muli ang tingin. May apat na bantay na naroon sa pinto. Sinulyapan niya muli si Ethos at mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang sabihin nang hindi na niya kailangan na magsalita.

Naghiwalay sila ni Ethos. Matapos ay maingat ngunit mabilis na umabante siya. Isang malapad na pader ang pinagtaguan niya malapit sa bantay. Pagtingin niya sa kanyang kanan ay naroon na rin si Ethos na nakatago naman sa likod ng isang van.

Tinanguan niya ito bilang hudyat ng pagsugod. Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya nang makalapit sa isang bantay. Natumba ito dahil sa ginawa niya. Sa kanyang pheriperals ay nakita niya sa kanyang gilid ang isang lalaking may hawak na dagger na aatakehin siya. Hinablot niya ang kamay nito at binali. Nabitiwan nito ang dagger kaya naman mabilis niyang sinipa iyon palayo. Matapos ay binack flip niya ito kaya malakas na lumapat ang katawan nito sa sahig na ikinawalan nito ng malay.

Tumingin siya sa gawi ni Ethos at nakita niyang wala ng malay ang dalawang bantay na kinaharap nito. Itinali nilang pareho ang mga lalaki at matapos ay itinago nila ito sa isang storage room na nakita nila roon.

“We can’t use the elevator. Mas mabuting gamitin natin ang fire exit,” aniya kay Ethos na nakasunod na sa kanya.

“Okay,” anito at mabilis na tinungo ang fire exit.

Mabibilis ang mga paang umakyat sila ng hagdan. Katulad ng ginawa niya sa CCTV sa parking ay sinet up niya rin ang CCTV sa fire exit upang safe silang makaakyat doon nang walang nakakakita.

Nang marating nila ang ikalabing-tatlong palapag ay sinensyasan niya si Ethos na huwag munang kumilos. Kailangan niya munang makita kung ano ang sitwasyon sa ikalabing-tatlong palapag para na rin sa kaligtasan nila.

Sinipat niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang kuha ng CCTV doon. Mabilis na kumunot ang kanyang noo nang makita ang isang babae na lumabas sa isang kwarto na naroon.

“Anong ginagawa ni Marianne diyan?” Narinig na lang niyang tanong ni Ethos sa kanya.

Marianne?

---

“Do you think I’ll believe you? I know my father more than anyone else! He wouldn’t do such a stupid act just for money and power!” She spat.

Akala ba ni Marianne ay bebenta sa kanya ang sinabi nitong naging kaalyansa ng mga ito ang kanyang ama? Na isa ito sa mga tumulong upang mas lalong ma-develop ang istupidong system na ginagawa ng organisasyon nito?

“I’m not stupid to believe you, Marianne,” may diing wika niya pa at lalong sinamaan ito ng tingin.

Isang malakas na halakhak ang kumawala sa labi ni Marianne. After that, she looks at her with amusement in her eyes. “You’re so naive, Hera. You really don’t know how the world works.”

She gritted her teeth. “Screw you, Marianne! At huwag mong siraan ang daddy ko sa akin! After all, he wouldn’t go against you kung kaalyansa niyo siya!”

Nagkibit-balikat si Marianne at lumapit sa kanya. Matapos n’on ay mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baba. Nasasaktan siya sa ginagawa nito ngunit hindi niya iyon ipapakita. She will not give Marianne a satisfaction on seeing how hard she’s feeling right now.

“Alam mo ba kung paano nakarating sa beta stage ang system? It’s because of your father, Hera. He helped us so much in the development kaya naman kaunti na lang  ay malapit nang matapos ang system. Sadyang greedy lang ang ama mo at mas gusto niyang mapasakanya ang system kaya tumiwalag siya sa grupo at nagkunwaring mabait. Na kunwari’y iniimbestigahan niya kami para makulong pero ang totoo ay gusto niyang angkinin ang system,” may gigil na sabi nito sa kanya.

No! I trust my father! Hinding-hindi niya magagawa iyon. He must have a reason kung bakit siya napasok sa organisasyon na iyon pero hindi iyon dahil sa kapangyarihan o ano pa man!

Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi na bahagyang ikinabigla ni Marianne. Matapos ay walang sabi-sabing dinuraan niya ito sa mukha.

“Serves you right,” naglalapat ang ngiping sabi niya.

Binitiwan siya nito. Matapos ay kumuha ng panyo sa bulsa ng suot nitong pantalon at pinunasan ang mukha. Kapagkuwa’y tiningnan siya nito ng masama at isang malakas na suntok ang ibinigay nito sa kanya.

Pakiramdam niya ay naalog ang kanyang utak sa ginawa nito. Naramdaman niya rin ang pagputok ng gilid ng kanyang labi at pag-agos doon ng dugo. Her face is stinging with pain at wala man lang siyang magawa para makaganti sa ginawang pagsuntok sa kanya nito.

“How was it?” Nakangising sabi ni Marianne sa kanya at isang suntok ulit ang pinakawalan nito na tumama naman sa kanyang sikmura.

She almost cried in pain ngunit tiniis niya. Kinagat niya nang mariin ang kanyang labi bago nag-angat muli ng tingin dito.

“Oh, my bad! I’m very sorry, Hera. I don’t want to hurt you but you forced me,” anito at nanggigigil na hinablot nito ang kanyang buhok. Halos sabunutan siya nito. “Pasalamat ka at may kailangan pa kami sa’yo dahil kung hindi, ngayon pa lang, hindi ka na humihinga.”

Kahit nasasaktan ay tumawa siya ng pagak. “Hinding-hindi ako magpapagamit sa inyo, bitch!”

Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni Marianne at ang pabulusok na suntok na naman nito sa kanyang sikmura. Pumikit na lang siya at hinanda ang sarili sa panibagong sakit ngunit hindi niya naramdaman ang paglapat ng kamao nito sa kanyang katawan dahil biglang bumukas ang pintuan.

“Marianne, we are being summoned. Ares and Deimos are looking for us. We need to see them now,” ani Aki at nakakrus ang mga kamay na sumandal sa hamba ng pintuan. “You can continue the party with her later.”

He has still that annoying smirk on his face habang nakatingin ito sa kanya. If she can write down the word she can read from his glare, it would be ‘death’.

Binitiwan siya ni Marianne at matapos ay ngumiti ito sa kanya. Isang pekeng ngiti na nakapagpakulo muli ng kanyang dugo.

“Sorry for hitting you, my friend.” Tatapikin sana nito ang kanyang ulo ngunit mabilis siyang umiwas at sinamaan ito ng tingin. Nakangising umiling ito at tiningnan ang mga kuko nito sa kamay na tila ba sinusuri kung may duming sumiksik. “Let’s continue our chat later, okay? Marami pa tayong pagkukwentuhan.”

Tumalikod na ito sa kanya at tinungo ang pintuan kung saan naghihintay ang kasama nito.

“Just die, Marianne!” She shouted angrily.

Bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ay nilingon siya nitong muli.

“Ouch, Hera! I’m your friend but you’re asking me to die. That’s bad,” nakangising sabi nito.

“I don’t have a devil friend!”

“Oh, you have. It’s just that huli na nang ma-realize mong meron ka.”

Tuluyan nang lumabas si Marianne at ang lalaki. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay muling bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilang lumabas.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top