H42

H42


"LANGUAGE, Hera." Naiiling na wika nito at nangalumbaba sa kanyang harapan. Nagpapaawa ang mga matang tinitigan siya nito. "Can you just simply greet me instead of calling me names? I really missed you."


"Fuck the pleasantries, Marianne!" Puno nang hinanakit na sigaw niya.


Nananakit ang lalamunan niya. Nagtutubig na rin ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay anumang oras ay sasabog ang kaloob-looban niya sa tindi ng emosyon na nararamdaman niya. "Why...why are you doing this to me? Anong...anong nagawa ko sa'yo para...para gawin mo sa'kin 'to?"


Of all people, hinding-hindi niya naisip na si Marianne ang nasa likod ng lahat.


Ang mabait na si Marianne. Ang matalinong si Marianne. Ang matulunging si Marianne.


She was fooled by her façade. And she's in deep pain right now knowing that she betrayed her.


Gaano na ba niya katagal na kilala si Marianne? Ah. They've been friends for more than a year now. Naging magkaklase sila sa ilang subject noong unang taon niya sa unibersidad at doon nagsimula ang lahat. Nag-click ang mga ugali nila at nabuo ang isang magandang pagkakaibigan... Pagkakaibigan na ngayon ay nalaman niya ay isang malaking kasinungalingan lang pala.


"I trusted you..." Lumunok siya. At kasabay niyon ay ang pagpatak ng kanyang mga luha. "I treated you as one of my best friends. But why...but why did you betray me?"


Memories flashed through her mind. Naalala niya ang mga magagandang pinagsamahan nila. Ang mga kalokohan nila. Ang pagtutulungan at pagdadamayan nila sa tuwing may problema ang isa. Ang pagkakaibigan nilang kahit na hindi pa ganoon katagal ay masasabi niyang tumitibay sa pagdaan ng mga araw.


Masakit isipin na lahat iyon ay tila isang panaginip lang. Na tila isang fiction lang sa isang libro. Dahil ngayon ay sinasampal siya ng reyalidad. Ginigising siya nang napakasakit na katotohanan.


Ngayon, bukod sa matinding sama ng loob ay nakakaramdam din siya ng pagkakonsensya. Naalala niya kasi bigla si Artemis. Nagawa niya itong pagdudahan pero iyon pala'y hindi naman ito ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan na nangyayari sa buhay niya. Napakasama niya dahil ang taong mas matagal na niyang naging kaibigan at nakasama ay ang taong nagawa niya pang pag-isipan ng masama.


"That's a lesson for you, Hera." Ani Marianne at ngumisi. Tumayo ito at naupo sa upuan. Sinenyasan nito ang lalaking hapon na lumabas muna. Tumalima naman ito at yumukod bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Huwag kang basta-basta magtitiwala kahit kanino kahit pa kaibigan mo ang taong iyon."


Ikinuyom niya nang mariin ang mga kamao. "Yeah. I should have known better." Puno nang pait na sagot niya.


Gone was her friend that she used to know. The person she's looking right now is so unfamiliar to her. Hindi niya ito kilala. At hindi niya gugustuhin pa na kilalanin ito.


Pinilit niya ang sarili na tumigil na sa pag-iyak. Marianne is not worth of her tears anymore. Niloko siya nito at isa lang ang dapat maramdaman niya ngayon dito: galit.


"Tell me. What do you really want from me? Para matapos na 'to. I'm tired of playing your sick game. Let's just end this shit."


Muling ngumisi si Marianne sa kanyang sinabi at napailing. "Straight forward as you are." Anito at pinagkrus ang mga paa. "Dahil mukhang hindi ka naman interesadong makipagkamustahan sa akin, then, I'll go straight to the point." Sumeryoso ang mukha nito at tinitigan siyang mabuti. "Three things," itinaas nito ang tatlong daliri sa kamay. "The Genesis. The Pandora's box. And your mastery."


Pakiramdam ni Hera ay sandaling nagkabuhol-buhol ang utak niya. Mas lalo siyang naguluhan sa narinig. Kanina ay ang 'Genesis' lang ang hinahanap sa kanya n'ong lalaki. Ngayon naman ay nadagdagan pa ng dalawa. Hindi kaya pinagti-tripan siya ng mga ito? Baka mamaya ay may dumating na naman na tao at madagdagan na naman ang kailangan ng mga ito sa kanya.


Funny, Hera. Very funny. Sarkastikong wika niya sa sarili. She couldn't believe that she could still find humor despite of her not-so-good situation.


Tumawa siya ng pagak. "Seriously. I don't know what's with all of you and you keep asking me for something I really don't have any idea. Baka mistaken identity lang ako? Baka ibang tao ang kailangan niyo at hindi naman talaga ako ang dapat nasa hot seat ngayon?"


Tumawa si Marianne. "I still love your humor, Hera." Lumapit ito sa kanya at pa-squat na naupo sa kanyang harapan. "But regret to inform you that you're wrong. You're exactly the person we needed."


"Well, regret to inform you also that I really don't have any fucking idea about the first two things you're talking about. And as for the mastery, can you be more specific? Don't beat around the bush." Patuyang sagot niya.


May dinukot si Marianne mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Matapos ay iwinagayway nito ang nakuha sa kanyang harapan. "Remember this?"


Nanlaki ang mga mata niya habang tinitingnan ang hawak ni Marianne. Hindi niya alam kung paano iyon napunta sa kamay nito.


"Papaanong...?"


---


MATAPOS masigurado ni Red ang eksaktong lokasyon ng tracking device ni Hera mula sa cellphone niya ay mabilis siyang sumakay sa sasakyan ni Ethos.


"We're going back to Manila. She's there." Aniya kay Ethos na nakaupo na sa driver's seat. Ipinakita niya rito ang eksaktong address na pupuntahan nila.


"Copy." Ani Ethos matapos tingnan iyon at mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan nito.


"There are three things that they need from Hera." Ani Artemis na nakaupo sa backseat. Kanina pa ito tahimik at tila may malalim na iniisip kaya naman bahagyang nagulat si Red nang magsalita ito.


Kunot-noong nilingon niya ang dalaga. "What are those? And can you now explain to me how did you get involved in this?"


Ayaw niya sanang isama ang babae sa pagsagip sa kaibigan nito ngunit napakatigas ng ulo ito at nagpumilit na sumama. Hindi na siya nagtataka kung bakit magkasundo ito at si Hera. Halos pareho ang ugali ng mga ito at kapag may ginusto ay gagawa at gagawa ng paraan para makuha iyon.


"Hera's skills, Genesis at ang Pandora's Box."


Ang pagkakakunot ng noo niya ay mas lalong lumalim sa sinagot nito sa kanya. Pandora's Box? Is it the same with what the senator's wife mentioned to detective Brylle? At ano ang Genesis? Ano ang balak nilang ipagawa nila kay Hera?


"What do you mean by Genesis and Pandora's box? And how did you know it?"


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Artemis. Matapos niyon ay malungkot ang mga matang tumingin ito sa labas ng bintana. "Alam ko ang mga yon dahil...dahil ang may pasimuno ng lahat ng gulong nangyayari sa buhay ni Hera ngayon ay walang iba kundi..." Kinagat nito ang pang-ibabang labi at namasa ang mga mata nito. "Si..."


---


"OF course, you knew it. Why am I still surprised?" Napapailing na wika ni Hera habang tinitingnan ang hawak ni Marianne. Ngayon ay tila unti-unting naisasaayos ang ilan sa magugulong jigsaw puzzle sa kanyang utak.


She's been monitored ever since. Kaya naman pala masyado itong dikit sa kanya kaysa kay Artemis. She's been cautiously watching her.


Isa pa, may na-realize siya: Ang paghack sa laptop nito noon nila Monica at Elrick...Malakas ang paniniwala niyang set up lang iyon para sa kanya. She's testing her. At kung bakit at para saan? Iyon ang gusto niyang malaman.


"That day...it was a set-up, right? It was a test for me." May diing wika niya. "And you really did not intend to kill me that day. You knew that someone will save me so I will not die."


"As expected from you, you're really fast to pick up." Ngumiti si Marianne sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "I know you're dying to know what this shit is all about. So, as my gift for your coming birthday, I'll tell you a story."


Nagtaas-baba ang kanyang dibdib. Gusto niyang sampalin si Marianne. Kahit iyon lang bilang ganti sa ginawa nito sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon? Mahigpit ang pagkakatali ng kanyang mga kamay.


"To be honest, hindi ka naman talaga dapat damay rito, eh. But your father was so stubborn." Umiling-iling ito. "He didn't listen to us. Kaya ayan, kahit 'di niya pa oras, pinasundo na namin siya kay kamatayan."


"DAMN YOU!" Galit na galit na sigaw niya at pilit tinanggal ang pagkakatali ng kanyang mga kamay.


Now that she's facing her father's murderer, her anger shoots up to its highest level. Hindi siya mapakali at ang gusto niya lang ngayon ay saktan ang taong kaharap. Violent it may sound, but the hell she cares. All she wanted to do right now is to strangle Marianne's neck until she loses her breath. She's so furious right now that she doesn't care about diplomacy and morals.


"Oh, our little, innocent Hera is turning into a monster now." Tila naaliw na sabi ni Marianne sa kanya. Tumayo ito at bumalik sa kinauupuan nito kanina. "As I was saying, your father was such a pain in the ass. He didn't keep his word that's why we needed to eliminate him."


"Mr. Ares Sandoval." Naglalapat ang mga ngipin na wika ni Director Enriquez nang makita itong pumasok sa loob ng opisina ng bise-presidente ng Pilipinas.


Nasa opisina siya ng bise-presidente ngayon dahil ipinatawag siya nito. Mayroon daw kasi silang importanteng bagay na pagpupulungan kaya kahit na abala siya sa kanyang trabaho ay dali-dali siyang tumungo roon.


"So glad to see you, Director Marco Enriquez." Anito at ngumisi sa kanya. Matapos ay bumaling ito sa bise, "Good morning, Mr. Vice President."


Nagkamayan ang dalawa. Nang bumaling muli sa kanya si Ares ay isang nakakalokong ngiti ang nakapagkit sa labi nito at inabot nito ang kamay upang makipagkamay sa kanya.


Hindi niya kinuha iyon. Bagkus ay ikinuyom niya ng mariin ang kanyang kamao at matatalim ang mga tingin na tinitigan niya ito.


Hindi niya maintindihan kung bakit naroon ang lalaki. At kinukutuban siya nang masama. May mga posibilidad nang dahilan na naglalaro sa kanyang utak pero hinihiling niya na sana ay mali ang kanyang hinala.


"Please seat down." Anang bise sa kanila.


Sumunod sila ni Ares dito. Naupo sila sa upuan na salungat sa isa't isa.


"With all due respect sir, may I know what this meeting is all about?" Agarang tanong niya.


Gusto niyang malaman agad kung para saan ang pagpupulong na iyon. At gusto niya ring masigurado kung ano ang koneksyon ng bise-presidente at ni Ares Sandoval.


Sumimsim muna ng kape ang bise bago bumaling sa kanya, "this is all about the case you're currently handling, Marco."


Naikuyom niya muli nang mariin ang kamao sa narinig. And so he's instinct is right. They are allies.


"Stop investigating the Black Leaf, Marco." May pag-uutos na wika muli ng bise at sumeryoso ang mukha nito.


For how many months, he's been secretly investigating the Black Leaf. It's a secret organization whose main goal is to bring terror in the country. They'll be taking down the current government and will take the lead. According to his intel, the organization is currently creating a computer program that will get everyone's information without the user's knowledge. The information they'll get will be used to control people and make them follow their commands.


At sa kanyang pag-iimbestiga, nalaman niyang may kinalaman si Ares Sandoval sa organisasyon na iyon. Ang kompanya nito ang gumagawa ng computer program na iyon. Nagawa na niyang makakuha ng kopya ng 'Genesis', ang alpha version ng program na ginagawa ng mga ito kung saan kitang-kita kung papaano makakakuha ng personal information ng user kapag ginamit iyon.


Sa ngayon ay pilit siyang kumukuha pa ng mga konkretong ebidensya na magtuturo na si Ares ang pinuno ng organisasyon na iyon. Hindi sapat ang ebidensyang nakuha niya para ituro na ang lalaki nga ang nasa likod niyon.


"I think it will be best if you'll be on our side, Director. With your knowledge and skills, you'll be a great help in our organization." Nakangiting wika ni Ares sa kanya.


Napangisi siya sa narinig. "What makes you think I'll join your organization, Mr. Sandoval?"


Sumeryoso ang mukha ni Ares at tinitigan siya. "Let's say, there are two things that people cannot resist," tumayo ito at lumapit sa kanya. Kapagkuwa'y itinatapat nito ang bibig sa kanyang tenga at bumulong, "money and power." Tinapik siya nito sa ballikat at sumilay muli ang isang mapaglarong ngiti sa labi nito. "And if you'll help us, we can easily give it to you, director."


Natahimik siya sa sinabi nito. Napag-isip. At kapagkuwa'y napatiim-bagang muli.


"What do you think, director? Not bad for an offer, right?" Muling wika ni Ares at bumalik sa kinauupuan nito kanina.


"It will be really great if you'll be one of us, Marco. Join our organization. You won't regret it I tell you." Anang bise na matamang nakatingin sa kanya. "Let's change this country. Let's change the world."


"C'mon, Director Enriquez! You don't need to think about it too much. Just accept our offer and you can have them."


"What do I need to do?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top