H41

H41


HERA couldn't move. Her body is literally trembling as she looked at the man in front of her. She's freaking scared to even utter a single word. Mas lalo tuloy niyang isiniksik ang sarili sa kinasasandalang pader.


The man smiled at her devilishly. Humatak ito ng isang upuan at naupo sa kanyang harapan. Nangalumbaba pa ito habang may mga aliw sa mga matang tinitigan siya.


"It's nice to see you again, Miss Hera."


Napalunok siya ng malaki at nakagat ng mariin ang kanyang pang-ibabang labi.


Habang tumatagal ay tumataas nang tumataas ang lebel ng takot na nararamdaman niya. At alam niyang hindi niya pwedeng hayaan na tuluyan iyong manaig sa kanya.


Be brave, Hera! It's not the right time to be weak!


"W-who...who are you?" Lakas loob niyang tanong nang mahagilap ang kanyang boses. Kahit natatakot ay pilit niyang sinalubong ang tingin nito.


Muling ngumisi ang lalaki sa kanya. "Does it matter to know my name if you'll be seeing your father in no time?"


Napasinghap siya nang malakas sa narinig. Kumalabog ang kanyang puso at nagtayuan ang kanyang balahibo.


"S-shit ka!" Angil niya rito kahit nababakasan ng takot ang kanyang boses. "I'll...I'll make sure that you'll be the first to meet death before me!"


Humalakhak ang lalaki nang malakas. Tila nababaliw na nasapo pa nito ang ulo habang tumatawa.


Naglalapat ang mga ngiping tinitigan niya ito. Nagpupuyos ang kaloob-looban niya sa galit. If only she can be freed from the rope that stopping her to move, she'll surely hit his face.


"'Wanna bet?" The guy asked with amusement in his eyes.


Ikinuyom niyang muli ang mga kamao at tinapunan ito ng matalim na tingin. "There's no point of betting. You'll lose eventually." May diin at gigil na wika niya.


Isang nakakalokong ngiti ang muling gumuhit sa labi nito. "Fierce." Anito at tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa baba. "Anata wa hontōni omoshiroidesu ne."


Marahas na ikiniling niya ang kanyang mukha upang maalis ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Ano man ang sinabi nito sa sarili nitong lengguwahe ay wala siyang pakialam.


"What do you need from me?" Buong tapang niyang tanong.


Naiiling na ngumisi ang lalaki, Matapos ay tumayo ito at namulsa sa kanyang harapan. Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi nito at napalitan nang nakakatakot na ekspresyon.


"I need the Genesis. Give it to me."


---


"GISING ka na pala."


Mula sa nanlalabong paningin ay dahan-dahang ikiniling ni Red ang ulo pakanan upang tingnan kung sino ang nagsalita.


Ramdam niya ang matinding hilo at halos malabo pa sa kanyang isip kung ano ang mga naganap sa kanya at kung paano siya napunta sa isang 'di pamilyar na lugar na kinaroroonan niya ngayon.


Mabilis na bumangon siya mula sa kinahihigaan pero agad niya ring nasapo ang kanyang ulo nang makaramdam ng matinding pagkirot niyon.


"Take this to ease the pain. It's the effect of the drug."


Tinapunan niya nang masamang tingin ang taong ngayon ay nasa kanyang harapan na.


"What's all this shit, lady?" May diing tanong niya at kahit nanghihina pa ay tinabig ang kamay nitong may hawak na gamot.


Kinukutuban siya kung paano siya napunta sa puder ng babae. For him, the girl is on the top of his suspects' list. Marami itong kilos na kakaiba ayon na rin sa pag-oobserba nila ni Ethos rito.


Are you really an ally, Artemis?


Tila nagulat si Artemis sa ginawa niya kaya nabitawan nito ang gamot. Naiiling na dinampot nito iyon at nilapag sa side table. Matapos ay naupo ito sa kalapit na sofa at bumuntong hininga.


"Seems like you have the same judgment about me like Ethos."


"Artemis—"


Pareho silang napatingin ni Artemis nang magbukas ang pintuan. Muling kumunot ang noo niya nang makita si Ethos.


"What are you doing here, Ethos?" Nagtatakang tanong niya.


Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Bakit magkasama si Artemis at Ethos?


"She's an ally, Red. We'll explain to you everything later. But right now, there's something very important that we need to do." Ani Ethos sa kanya nang makalapit ito.


Gulo man ang isip ay napatango si Red kay Ethos.


Hindi sa pinagkakatiwalaan na niya si Artemis. Pero papaniwalaan niya ang kanyang instinct. Alam niyang hindi siya ipapahamak ni Ethos dahil iisa lang ang misyon nila. "What is it?"


"Hera is in danger. They got her." Seryoso at madilim na sagot nito.


Napatuwid nang upo si Red sa narinig at 'di makapaniwalang napatitig kay Ethos. "What?!"


Bumangon ang matinding takot sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nayanig ang kanyang buong pagkatao sa narinig.


Hindi pwedeng makuha ng mga kalaban si Hera! Hindi niya sigurado kung ano ang pwedeng gawin ng mga iyon sa dalaga.


Fuck you, Red! You shouldn't have left her!


Kahit nanghihina pa ang katawan ay madali siyang bumangon at tumayo. Kailangan niyang kumilos. Baka kung ano ang mangyari kay Hera kung hindi nila ito maililigtas.


"You still need to rest, Red. You can't—"


"Spare me the shits, Artemis. You know we need to save Hera." Sansala niya rito at kinapa ang kanyang bulsa. Nang mapansing wala roon ang hinahanap ay mabilis siyang bumaling kay Ethos. "Where's my phone?"


Nakita niyang lumapit muli si Artemis sa side table at binuksan ang drawer. Mula doon ay inilabas nito ang cellphone niya.


"Here." Anito sa kanya at inabot ang cellphone.


"Thanks." He answered immediately and started pressing codes on his phone.


"Do you have an idea where she is right now, Red?" Ethos asked.


Umiling siya. "But I have my ways to find her."


Sana lang ay hindi pa nadidiskubre nang mga kumidnap kay Hera ang tracking device na binigay niya rito. They can immediately save her once he tracked down where she is.


"Where's Brylle?" Tanong niya habang patuloy ang mga kamay niya sa pagpindot sa kanyang cellphone.


Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa kapagkuwa'y bumuntong hininga si Ethos.


"He's in the hospital. Malala ang natamo niyang sugat mula sa pagkakabaril. May natamaang vital organ and he's still asleep right now. According to the doctor, kailangan niyang magising for the next 24 hours or else..."


Nagtagis ang mga ngipin ni Red. Malinaw na sa kanyang alaala ang mga naganap. He remembered the exchange of gun shots with the enemies in that mansion.


Please Lord. Save the detective. He has still so many things to do in this world. Let him live.


"Who's with him?" Tanong niya.


"He's with Levi." Singit ni Artemis.


"Levi?" Kunot-noong tanong niya kay Artemis matapos lingunin ito.


"My personal bodyguard. I asked him to look for Brylle. Don't worry, he's safe with Levi."


Tumango siya rito at muling ibinaling ang tingin sa cellphone. "I still need to hear your explanation, Artemis. I need to know how you get involved in this."


"I will. Don't worry."


"Got her!" Malakas na sambit ni Red nang ma-trace mula sa phone niya kung nasaan si Hera.


"How did you find her?" Kunot-noong tanong ni Ethos sa kanya at lumapit.


"I gave Hera a tracking device. Mukhang hindi pa iyon nadidiskubre ng mga kumidnap sa kanya because it's still working."


"What if that is only a ploy? What if na-discover na nila ang tracking device and they just let it open to trap us? We can't fully trust that. You know how wise they are. At hindi sila magpapahuli agad." Ani Artemis.


"Point taken. But we can't make sure if this is really Hera's signal or not if we're not going there." Sagot ni Red at ikinuyom ang kanyang kamao.


It's a 50-50. But to hell with the stat. They just need to save Hera.


---


"WHAT are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Hera sa lalaki.


Hindi niya makuha ang tinutukoy nito. Genesis? Ano iyon? At bakit mukhang ganoon na lang kalaki ang interes nito na makuha ito.


"Oh c'mon, Ms. Hacker. Stop the bull. Give me the Genesis." May diing wika ng lalaki at lumapit ito muli sa kanya.


"But I don't know what you're talking about!"


Isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa lalaki dahil sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam niya ay halos kumalas ang kanyang mukha sa leeg niya sa lakas n'on at napaluha siya sa sobrang sakit.


Kagat-kagat ang pang-ibabang lalabi ay tinapunan niya ng nakamamatay na tingin ang lalaki.


"Stupid, Japanese." Angil niya.


Isang sampal muli ang kanyang natanggap. Naramdaman niya pa ang pagputok ng gilid ng kanyang labi dahil doon. At kahit mas masakit ang pangalawang sampal na iyon ay ҅di niya na ininda iyon.


Seeing how annoyed the guy in front of her is giving her more courage to make him angrier.


May diing hinawakan muli ng lalaki ang kanyang mukha at iniharap siya nito rito.


"You sure are one of a hell lady. But let me remind you of this: your life is in my hands right now. And I can easily take it away from you right at this very moment."


Isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi at nag-aalab ang mga matang sinalubong niya ang tingin nito. "Just fucking take it if you really can, asshole."


Marahas na binitiwan ng lalaki ang kanyang mukha at sa gulat niya ay mabilis na naglabas ito ng baril at itinutok iyon sa kanyang sentido.


"Your bravery will bring you nowhere, Ms. Hacker." Anito at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.


Sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang unti-unting pagdikit ng hintuturo nito sa gatilyo ng baril.


You shouldn't have provoked him, Hera! Stupid move! Aniya sa sarili at lihim na napailing.


Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Siguro nga ay hanggang doon na lang ang buhay niya. Nagsisisi siyang mamatay siya na hindi man lang niya nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. At nagsisisi siyang hindi niya na malalaman pa ang katotohanan sa likod ng mga naganap sa buhay niya.


I'm sorry dad kung hindi ko na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. I think this is it. Any moment from now, we'll see each other again.


Yumuko siya. She's terrified that any moment from now, she'll be meeting the reaper. But somehow, a part of her is happy that she can be with her father again. Even if that means she'll be exterminated from earth forever.


But how about Red, Hera? Ethos and Brylle? Atemis and Marianne? Your friends? Your relatives? How about those people who cares about you? Handa ka na ba talagang umalis sa mundo nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila? At ayos lang ba sa'yo na umalis sa mundong ito na hindi mo man lang nagawang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng daddy mo?


Napalunok siya at muling napakagat sa pang-ibabang labi. As much as she wants to live, she's helpless. A gun is directly pointing in her head. How can she escape if death is already waving at her? She's no wonder woman.


If it's only a battle with computers, she knows that there's a big chance that she can win it. She can build strong firewalls to protect herself from attacks. She can create lethal viruses to put down the enemy. And she can even take the enemy to be on her 'side'.


But the battle she's into is a kind of battle in which she doesn't even have anything to defend herself.


But you still have your brain, right? Think of ways, Hera! There are still many things that you need to finish! It's not yet your time to bond with the grim reaper!


"Patience, Aki. It's not the right time yet to kill her. We still need something from her."


Mabilis na naidilat ni Hera ang kanyang mga mata nang marinig na may nagsalita. Naramdaman niya rin ang pagkawala ng pagkakadikit ng baril sa kanyang sentido. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang lalaki na nakatingin na sa harapan.


Inilipat niya ang tingin sa harap upang tingnan kung sino ang tinitingnan ng lalaki. Pero tila naumid ang dila niya nang makita kung sino ang naroon.


Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang kanyang nararamdaman habang nakatingin sa taong prenteng nakasandal sa pintuan at nakangisi sa kanya.


"How are you, Hera? I've missed you so much!"


"P-papaanong..."


"Surprised to see me?" Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang ilang hibla ng kanyang buhok. Pinaglaruan nito iyon habang may mapaglarong ngiting tumitig sa kanya. "Sorry for causing you too much trouble, Hera. But you're blocking our way so we need to get rid of you."


"How...how can you do this to me?" Buong pait niyang tanong.


Sa lahat ng taong pwede niyang pag-isipan na maaaring nasa likod ng lahat ng gulo na nararanasan niya, ito ay isa sa mga pinakahuling tao na iisipin niyang may gawa n'on.


"Bitch!" May gigil na wika niya.


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top