H40


H40


"Why are you following us?"


Napatayo ng tuwid si Ethos nang maramdaman niya ang paglapat ng malamig na metal sa likod ng kanyang ulo. Naikuyom niya ng mariin ang kanyang palad at naglapat ang kanyang mga ngipin.


Hindi niya inaasahan na mahuhuli siya ng mga ito. Kaya naman pala bigla na lang nawala ang mga ito sa kanyang paningin dahil iyon pala'y nagtago upang hulihin siya. Palihim na sinusundan pa man din niya ang mga ito papasok sa loob ng mansyon kung saan may nagaganap na pagtitipon.


Mula Maynila ay nakarating siya ng Zambales kakasunod sa mga ito. Alam niyang naroon din sina Hera ngunit minabuti niyang hindi muna makipagkita sa mga ito at ipaalam na naroon siya.


Kinukutuban kasi siya kung bakit nagpunta roon ang mga sinusundan. Alam niyang may kinalaman iyon sa pakikipagkita nila Red sa asawa ng namayapang senador. At isa pa...hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Hera kapag nalaman nitong nasa pagtitipong iyon ang sinusundan niya.


Ngumisi siya kahit hindi naman siya nakikita ng lalaking nasa likod niya. "Why do you have to ask? I assume you're not dumb. You know very well why I am tailing you."


Naramdaman niyang idiniin ng lalaki ang nguso ng baril sa kanyang ulo. "Don't mess with me, man. You know your life is in my hands. I can easily take it away from you in just one snap." Anito na bakas sa boses ang pagbabanta.


"Levi."


Napatingin sa harap si Ethos nang marinig niyang may nagsalita. Napailing siya at tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. In front of him is a girl wearing a black dress with glittered mask on her face.


Lumapit ito sa kanila at tinanggal ang suot na maskara. Matiim siya nitong tinitigan at matapos ay bahagyang ngumiti sa kanya.


"Ethos."


Hindi niya napigilan ang ngumiti ng mapakla ng tawagin siya nito. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.


Nanggagalaiti siya sa galit. Halos nararamdaman niya na ngayon ang matinding sakit na maaaring maramdaman ng kababata kapag nalaman nito ang tungkol dito. Siguradong mawawasak ang puso nito sa katotohanan.


She's her best friend. One of the people she trusts. And yet, she was able to betray her.


There are many questions that running through his head that he wants to ask. Katulad ng bakit nito nagawang traydurin ang kaibigan. Ano talaga ang plano nito at kung ito ba ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay ni Hera.


"Fancy seeing you here, Artemis." Patuya niyang wika rito at namulsa.


---


Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Red matapos agawin ang baril ng lalaking kaharap. Pinaputukan niya rin ito sa hita upang masigurong hindi na ito makakabangon muli. Tumumba ito at nawalan ng malay. Nagmamadaling umalis siya at tinungo ang kwarto kung nasaan ang detective at asawa ng namayapang senador.


Alam niyang narinig ng mga taong naroon sa mansyon na iyon ang putok ng baril na likha niya at marahil ay nagkakagulo na sa labas. Hinihiling niya lang sana ay tumupad sa pangako si Hera at hindi ito lumabas sa kwarto kung saan niya ito iniwan.


Dalawang lalaking nakatakip ang mukha ng itim na bonnet ang nakasalubong niya pagliko sa pasilyo at inambahan siyang babarilin ngunit mabilis ang mga kilos na inunahan niya na ang mga ito. Pinaputukan niya ang mga ito sa dibdib. Parehong bumagsak ang mga ito sa sahig.


Patakbo na sana siya muli nang isang lalaki naman ang biglang sumulpot at sinuntok siya sa mukha at sinipa ng malakas sa tiyan. Napaatras siya dahil doon ngunit mabilis din siyang nakabawi. Mabilis siyang umikot at malakas na sinipa ito. Pinaputukan niya rin ito upang hindi na ito makatayo pa.


"Damn it." He cursed at halos patakbo ng naglakad. Dinura niya ang dugong lumabas sa pumutok na labi.


Matinding galit ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit sa tuwina na lang ay nauunahan sila ng mga kalaban. Tila ba alam ng mga ito ang bawat kilos na gagawin nila.


Damn you, people! Wait for my turn. I'll make sure you'll all gonna pay for this.


Pagkarating niya sa silid aklatan ay nakita niya ang tatlong lalaking naka-asul na uniporme na sa tingin niya ay mga bodyguard ang hindi na humihinga. Duguan ang mga ito at puro may mga tama ng baril.


Sa tingin niya ay silencer ang ginamit ng kung sino man para patumbahin ang mga ito dahil wala siyang narinig na kahit anong putok ng baril nang nasa labas pa sila ni Hera kanina.


Naikuyom niya ng mariin ang kanyang kamao at maingat na pumasok sa loob ng study room. Ihinanda niya ang sarili sa kung ano pa man.


As he entered the room, he saw Mrs. Rodriguez in Brylle's arms. Nagmadali siyang lumapit dito.


"What happened?" He gritted his teeth.


Katulad niya ay nagtatagis din ang bagang ni Brylle at bakas sa mukha ang matinding galit.


Lumuhod siya sa harapan ng detective at pinulsuhan ang ginang. Naikuyom niya ng mariin ang kanyang kamao at mas lalong naglapat ang kanyang ngipin nang mapagtantong hindi na tumitibok ang puso nito.


Mrs. Rodriguez is dead. Maaaring naunahan na sila ng mga kalaban bago pa nakarating si Brylle sa kwartong iyon.


"She's been shot." Nagtatagis ang bagang na sagot ni Brylle sa kanya at dahang-dahang inalapag sa sahig ang katawan ng asawa ng senador. Nakakuyom ang mga kamaong tiningnan siya nito. "Pagkarating ko rito ay nag-aagaw buhay na siya. She wasn't able to tell me who did this to her but she gave me something before she took her last breath."


"What is it?" Tanong niya at itinuon ang tingin dito.


"She gave me this." Inilahad nito sa kanya ang isang silver necklace na may pendant na maliit na susi. "She told me that that this will help in opening the Pandora's Box."


Kumunot ang noo niya sa narinig. "Pandora's Box?"


Marahas na bumuntong hininga si Brylle at matapos ay tumango. "That's all she was able to say. She wasn't able to explain kung ano ang ibig niyang sabihin doon."


Nahulog si Red sa malalim na pag-iisip. Ano kaya ang tinutukoy ni Mrs. Rodriguez na Pandora's Box?


Kung pagbabasehan niya sa Greek mythology ang ibig sabihin ng Padora's Box, ang ibig sabihin nito ay isang malaking jar na naglalaman ng kasamaan ng mundo. Kung ganoon, marahil ang tinutukoy ng ginang na Pandora's Box ay isang bagay na naglalaman ng lahat ng masasamang plano at sikreto ng organisasyong tinutugis nila at ang susing ibinigay nito kay Brylle ang siyang magsisilbing daan para makita at malaman nila iyon.


Muli niyang ikinuyom ng mariin ang kamao. Meron nga silang susi. Pero nasaan ang Pandora's Box na tinutukoy nito?


"May isa pa pala siyang importanteng bagay na nasabi bago siya binawian ng buhay."


Nag-angat muli siya ng tingin kay Brylle. "Ano?"


"Black Leaf." Muling kinuyom ng mariin ni Brylle ang kamao. "That's the name of that fucking organization."


"Black leaf..." Kumunot ang noo niya at napaisip sa sinabing iyon ni Brylle. The name sounds familiar to him. Pero hindi niya maisip kung saan niya narinig iyon.


"We better leave this place, Red. Sigurado akong marami pang nagkalat na kalaban sa labas." Ani Brylle at tumayo na. Inabot nito sa kanya ang kwintas. "Keep this. Pagkabalik na pagkabalik natin sa Manila, hahanapin natin ang tinutukoy ni Mrs. Rodriguez na Pandora's Box."


Tumayo si Red at kinuha sa kamay ni Brylle ang kwintas. Matapos ay inilagay niya iyon sa bulsa ng pantalon. "Let's go." Aniya at maingat na tinungo ang pintuan. "Iniwan ko si Hera sa isa sa mga kwarto rito. Puntahan na natin siya."


Tumango si Brylle sa kanya bilang pagsang-ayon at matapos ay ito na ang nagbukas ng pinto. Maingat at dahan-dahan nito iyong binuksan pero sa gulat nilang pareho ay isang nakaitim na lalaki ang nakaabang at mabilis na pinaputukan ang detective. Tinamaan ito malapit sa dibdib na ikinatumba nito.


Nagulat si Red sa nangyari pero mabilis siyang pumaikot at sinipa ang kamay ng lalaking bumaril kay Brylle. Tumilapon ang hawak nitong baril at bumagsak ito sa sahig. Mabilis niyang binunot ang baril at pinaputukan ito ng ilang beses.


Mabilis niyang dinaluhan si Brylle.


"Shit, detective! Wake up!" Aniya at tinapik-tapik sa pisngi si Brylle. Nakapikit na ito at bakas sa mukha nito ang matinding sakit na nararamdaman.


Nakarinig ng yabag si Red mula sa kanyang likuran kaya naman walang lingon-likod na mabilis niyang pinaputukan ng baril ang taong papalapit.


Saglit niya lang itong sinulyapan at isang lalaking nakaitim din ang bumulagta sa kanyang likuran.


Mabilis niyang binuhat si Brylle. Kailangan niyang madala agad ito ospital dahil ang dami ng dugong inilalabas ng katawan nito mula sa tinamong sugat.


"C'mon, Brylle! Don't sleep!" Nag-aalalang wika niya sa detective at halos patakbong tinungo ang kwarto kung saan niya iniwan si Hera para maisama ito sa pagdala kay Brylle sa ospital.


Hindi pa siya nakakalapit doon ng maramdaman may tumamang kung ano sa kanyang likod. Muntik na niyang mabitiwan si Brylle dahil doon. Napaluhod siya sa sakit.


Sigurado siyang hindi bala ng baril ang tumama sa kanya.


Pampatulog.


Sigurado siyang pampatulog ang tumama sa kanya dahil unti-unting nanlabo ang kanyang paningin at nakaramdam siya ng matinding antok.


Pilit niya iyong nilabanan at nilingon ang may gawa n'on sa kanya. Sa nanlalabong tingin ay isang pigura ng lalaki ang nakita niya. Papalapit na ito sa kanya at kita niyang nakaumang sa kanya ang hawak nitong baril.


Bago pa man ito nakalapit, nakarinig siya ng putok ng baril. Akala niya ay pinaputukan na siya ng lalaking palapit pero ilang segundo ang lumipas ay wala naman siyang naramdamang tumamang kahit ano sa kanya.


Sa nanlalabong paningin ay tiningnan niya muli ang lalaking papalapit sa kanya kanina pero nagulat siya ng makitang nakabulagta na ito sa sahig.


Pilit siyang nag-angat ng tingin at tiningnan kung sino ang may gawa n'on. Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay isang pigura ng babae at isang lalaki ang nakita niya.


---


Dahan-dahang iminulat ni Hera ang kanyang mga mata. Masakit ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay parang mawawasak iyon. Unti-unti niyang inikot ang paningin. Madilim ang lugar na kinasasadlakan niya. At hindi niya matandaan kung paano siya napunta roon.


Anong nangyari? Umalis siya sa pagkakasandal sa kung ano at sinubukang igalaw ang nanghihinang katawan. Napasinghap siya nang mapagtantong nakagapos ang mga kamay niya sa kanyang likuran.


Mabilis niyang inalala ang nangyari at napalunok siya nang dumaan sa kanyang memorya ang naganap. Tumatakbo siya palayo sa lalaking humahabol sa kanya nang may humatak sa kanya at pinatulog siya.


Where am I?


Fear starts to consume her whole being. She doesn't know where she is and what is she doing in that dreadful place.


Natatakot siya para sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kanya ng taong kumidnap sa kanya. And she's afraid that whoever he/she is, he/she might be taking her life right there and then.


She tried to remove the rope that tied her hands pero hindi niya maalis iyon. Mahigpit iyong nakatali sa kanyang mga kamay at ramdam niya ang masakit na pagkiskis ng lubid sa kanyang balat sa tuwing sinusubukan niyang tanggalin iyon. She knows that it leaves wounds to her skin but she doesn't care. All she's thinking right now is her safety.


Oh, God. Please save me. She bit her lip and restrained herself from crying.


She knows that crying will be useless. It will just make her weak and vulnerable. What she needs to do right now is to be strong and do whatever she can to get away from that place.


Naging alerto siya nang makarinig ng malakas na pag-ingit ng papabukas na pintuan. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay bumulaga sa kanya ang liwanag. Saglit siyang nasilaw doon kaya napapikit siya. Pero mabilis din siyang nagmulat at in-adjust ang paningin para masanay sa liwanag. Nang makapag-focus ang kanyang mga mata, nakakita siya ng isang bulto ng lalaking nakatayo roon.


He's tall and lean. Iyon lang ang kaya niyang i-describe sa lalaking nasa harapan dahil hindi niya masyadong mabistahan ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa liwanag.


She heard something that clicked, and after that, light flooded the room. She immediately looked at the man who's already walking towards her. Much to her surprise, the man looked familiar to her.


"Hello, Hacking Goddess Hera." He said in playful voice and smirked at her.


Nanlaki ang mga mata niya at kumabog ng malakas ang kanyang puso. She knew that voice! If she's not mistaken, that's the voice of her caller the day she almost drowned in her school swimming pool!


"You..."


Muling binalot ng matinding takot ang kanyang puso at nahihintatakutang tinitigan ang lalaking nasa harapan.


Her assailant is standing right in front of her. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo at nanigas siya sa pagkakaupo.


***




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top