H39
H39
Para masiguradong hindi nililinlang ng kanyang mga mata si Hera ay mabilis siyang lumapit sa babaeng tinitingnan. Hindi na siya nakapagpaalam pa sa dalawang kasama dahil naging abala ang mga ito sa pasimpleng paghahanap kay Mrs. Rodriguez sa pagtitipong iyon.
Ikaw nga ba talaga si Artemis? At kung oo, anong ginagawa mo rito?
Nakakaramdam siya ng takot. Takot na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Nakakaramdam din siya ng paninikip ng dibdib. Kumikirot iyon at tila may pumipiga roon. May mga negatibong ideya na nagsusumiksik sa kanyang isipan kung bakit posibleng naroon ang kaibigan. At gustong-gusto niyang isantabi iyon ngunit hindi niya magawa. Nagsusumigaw kasi iyon sa kanyang isipan at nagsasabing hindi niya dapat balewalain iyon.
Sa pagmamadali ay nakabunggo siya ng ilang mga bisitang naroon. Hindi na siya nag-abalang pang tumingin sa mga ito pero humingi rin naman siya ng tawad.
Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng mamatay ang mga ilaw sa paligid. Napahinto siya dahil doon. Nakita niyang isang spot light ang itinutok sa stage. Nakangiting nakatayo roon ang emcee ng naturang event habang nakatingin sa mga dumalong bisita.
Nag-umpisa itong magsalita. Nagpasalamat sa mga dumalo. Tinawag din nito ang nakaisip at bumuo ng charity event na iyon. Nagbigay ito ng mensahe sa lahat ng naroon at inaya ang mga bisita na magsikain muna.
Hindi na niya itinuon ang pansin doon. Ang importante sa kanya ngayon ay masigurong si Artemis nga ang nakita. Kahit na kakarampot lang na liwanag ang meron ay sinuyod niya ng tingin ang lugar kung saan niya nakita ang babae. At sa panlulumo niya ay wala na ito roon.
Where are you? Kagat ang labing bulong niya sa sarili at inikot ang paningin sa paligid. Baka lumipat lang ito ng pwesto kaya kailangan niyang mahanap ito.
Mayamaya ay narinig niya na lang na may babaeng kumakanta sa stage. Pero wala roon ang kanyang atensyon. Hindi niya mahanap ang kaibigan. At inaabot na naman siya ng matinding kaba at takot.
Hindi niya alam kung saan siya natatakot. Natatakot ba siya para sa kaligtasan niya o para sa kaligtasan ni Artemis. O baka natatakot siya sa mga bagay na maaari niyang matuklasan ngayong gabi dahil sa pagkakakita niya sa kaibigan.
"Hey, Hera! Where have you been?"
Isang kamay ang humawak sa kanyang balikat na ikinalingon niya. Nakita niya si Brylle na kunot ang noo habang nakatingin sa kanya.
Napalunok siya at pasimpleng lumingon muli sa paligid bago sinagot ang tanong ni Brylle. "A-ah. I'm...I'm trying to find the restroom. Naiihi kasi ako." Pagdadahilan niya.
Hindi niya alam kung sasabihin niya ba sa detective ang nakita. Hindi pa naman siya siguradong si Artemis nga ang nakita kahit pa malakas ang kutob niyang ang kaibigan nga iyon.
"Oh, okay. Kanina ka pa namin hinahanap ni Red. Bigla ka kasing nawala sa paningin namin." Anito.
Alanganing ngumiti siya rito. "I'm sorry. Hindi na ako nakapagpaalam. Nasi-cr na kasi talaga ako."
"Halika. Samahan na kita. Nakita ko kanina ang daan patungong restroom." Aya nito sa kanya at hinawakan siya siko.
Kahit hindi naman talaga siya totoong naiihi ay napasunod na lang siya kay Bylle. Ayaw naman niyang magduda ito kaya nagpatianod na lang siya.
Habang naglalakad ay muli niyang inilibot ang paningin. Hinahanap pa rin ng kanyang mga mata ang babaeng nakikita. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nasisiguradong si Artemis nga ang nakita.
"We already found Mrs. Rodriguez." Bulong ni Brylle sa kanya at lumapit sa kanya ng kaunti para magkarinigan sila. "Because she's one of the organizers of the event, we can't talk to her during the auction. There will be a 30 minutes break later at sinabi niyang makikipag-usap siya sa atin sa may study room ng mansyong ito."
Tumango si Hera kay Bylle bilang tugon at matapos ay sinabing sensyasan lang siya kapag oras na. Matapos ay pumasok na siya sa loob ng restroom.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin.
Gulong-gulo siya. Paano kung ang hinalang naglalaro sa kanyang utak ay totoo? Paano kung naroon nga si Artemis para gawan siya ng masama? Hindi niya matanggap iyon at ngayon pa lang ay kumikirot na ang kanyang puso sa isiping iyon.
Ayaw niyang pagdudahan ang kaibigan. Pero pangalawang beses niya na itong nakikita sa lugar na hindi naman niya dapat ito makita. Sinong hindi mag-iisip ng masama kung makikita niya ito sa lugar kung saan may misyon silang kailangang gawin?
Malay mo naman, inimbitahan ang pamilya niya sa event na ito at siya ang ginawang representative. Anang isang bahagi ng isip niya.
Posible nga iyon. Mayaman ang pamilya ni Artemis kaya maaaring naimbitahan itong dumalo sa pagtitipong iyon. Pero ang ipinagtataka niya lang, hindi si Artemis ang tipo ng tao na mahilig um-attend ng social gatherings. Katulad niya ay mas gugustuhin nitong manatili sa bahay kaysa dumalo sa ganoong klaseng pagtitipon.
"Where have you been?" Kunot noong tanong ni Red sa kanya nang bumalik sila ni Brylle sa kinapupwestuhan nila kanina.
"Restroom." Aniya at mabilis na nag-iwas ng tingin dito.
Ramdam niya ang matiim na pagtitig sa kanya ni Red. Alam niyang hindi ito naniniwala sa idinahilan niya kaya hindi na siya nagtangkang salubungin ang tingin nito. Baka makita kasi nito sa mga mata niya ang katotohanan. At ang gulong nangyayari sa utak niya dahil sa pagkakakita kay Artemis.
Nagsimula ang auction. Iba't ibang items ang bini-bid ng mga naroroon. Nalulula siya sa mga halagang nababanggit sa tuwing may isang item na nakasalang. Sa tingin niya ay malaki ang malilikom ng charity event na iyon para sa mga taong nasalanta ng kalamidad.
Huminto muna sa pago-auction. Sinabi ng emcee na pansamantalang ititigil muna ang auction at bubuksan ang dance floor para sa mga gustong sumayaw. Itutuloy din daw ito mayamaya lang.
Nagkatinginan silang tatlo. Iyon na ang oras na kanilang hinihintay. Papalakad na sana siya paalis nang matigilan dahil naramdaman niyang hinawakan ni Red ang kanyang kanang kamay.
Tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat nang maramdaman ang pagdaiti ng palad nito sa kanyang kamay. Napalunok tuloy siya at napakagat ng labi. Tiningnan niya si Red na may pagtataka kahit na pakiramdam niya ay may naglilikot na namang muli sa kanyang tiyan.
"B-bakit?" Halos pabulong na tanong niya.
"Pauunahin natin si Brylle. Siya ang mauunang makipagkita kay Mrs. Rodriguez. Susunod tayo after ten minutes. Hindi tayo pwedeng sabay-sabay mawala. Hindi natin alam kung may mga matang nakatingin sa atin kaya kailangan nating manigurado." Bulong nito sa kanya.
Tumango na lang siya rito bilang pagsang-ayon.
Umalis na si Brylle habang sila'y nanatili sa pwesto nila. Walang umimik sa kanila matapos n'on. Pareho lang silang ibinaling ang tingin sa magkakaparehang sumasayaw sa gitna sa saliw ng romantikong musika. Pero ramdam niyang nanatiling nakahawak si Red sa kanyang kamay.
"A-ah...Pula? 'Yung kamay ko?" Mayamaya'y wika niya at itinaas ang kamay nilang nanatiling magkahugpong. Nag-aalangang ngumiti siya rito.
Nilingon siya ni Red ngunit hindi nito inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Mayamaya'y ngumiti ito sa kanya. "Let's dance." Anito.
Gusto niya sanang tumanggi dahil hindi siya sanay sumayaw ngunit mabilis siya nitong dinala papunta sa gitna kung saan nagsisisayaw ang magkakapareha.
Hinawakan ni Red ang magkabila niyang kamay at ipinatong iyon sa balikat nito. Matapos ay hinawakan siya nito sa bewang.
Napalunok siya at lihim na napasinghap sa ginawa nito. They are so close to each other and she can smell his faint perfume. Kahit kailan ay hindi siya masasanay na ganito kalapit sa lalaki. Pakiramdam niya kasi ay aatakehin siya sa puso sa tuwing nagkakalapit sila nito.
Hindi siya nag-angat ng tingin. Ayaw niyang salubungin ang matiim na titig nito. She knows that there are different emotions flashing through her eyes. At ayaw niyang ipagkanulo ang sarili. Baka makita nito sa mga mata niya ang damdaming pilit niyang itinatago.
Pumailanlang ang bagong tugtog sa paligid. Nagsimulang gumalaw si Red ayon sa musika.
When I found you...I found somebody who cares
When I found you...Found my most intimate prayer
When I found you...I found what every heart dreams of
When I found you...I found love
Huminga siya ng malalim kapagkuwa'y ipinikit ang mga mata. Sumunod siya kay Red kahit hindi naman siya marunong sumayaw.
Naramdaman niyang hinapit siya nito at hinawakan ang likod ng kanyang ulo para mapasandal siya sa malapad nitong dibdib.
"There. Loosen up." Bulong nito sa kanyang tenga. Kahit hindi niya ito nakikita ay ramdam niyang nakangiti ito.
When I found you I found the rest of my life
When I found you I told all others good-bye
When I found you I saw my fears fly away like a dove
When I found you I found love
Lihim siyang napailing. Ah. Kahit na mayroong rigodon na nangyayari sa kanyang utak ay hindi niya maitatanggi na gusto niya ang pakiramdam na nakakulong siya sa mga bisig ng lalaki.
I know true love sounds crazy
But worth waiting for
You are the one...My only
Forever More
"Thank you, Red." Mayamaya'y wika niya. Sa pagkakataong iyon ay tumingala siya at sinalubong ang tingin nito. She saw how tender he looks at her that it brought warmth to her heart. "Thank you for everything."
Hera knows that saying her gratitude to Red is not enough for all the good things he did for her. Kung meron itong hihilingin sa kanya na kaya naman niyang ibigay ay sigurado siyang walang pag-iimbot na ibibigay niya iyon. Hindi siya nito obligasyon pero nananatili pa rin ito sa kanyang tabi hanggang ngayon upang tulungan siya. At kung kaya niyang suklian ang lahat ng kabutihan nito sa kanya sa kahit anong paraan ay gagawin niya.
When I found you I found my fate in your arms
When I found you I found no cause for alarm
When I found you I knew this love was a gift from above
When I found love....
"You don't have to thank me, Hera." Anito at masuyong hinaplos ang kanyang buhok. Ngumiti ito sa kanya. "I told you I will always be here for you, alright? I will make sure that you are always safe. I will be your protector. I will be your forever knight, Goddess."
When I found you I found my fate in your arms
When i found you I found no cause for alarm
When I found you I knew this love was a gift from above
When i found love....
Pakiramdam niya ay natunaw ang puso niya sa narinig na sinabing iyon ni Red. Mabilis na nangilid ang kanyang mga luha kaya naman walang alinlangang niyakap ito. She's very thankful to God that he sent Red to be on her side. Hindi niya alam kung ano ang posibleng nangyari sa kanya kung wala ito. Sa gulo ng buhay niya ngayon, siguro kung wala ito ay wala ng direksyon ang buhay niya. O mas malala ay maaaring hindi na siya humihinga ngayon lalo na't may tumutugis sa kanya.
"It's time." Ani Red sa kanya matapos gumanti ng yakap sa kanya. Pinahid nito ang luhang kumawala sa mga mata niya at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Crybaby." He chuckled.
Napaikot ang kanyang mga mata pero ngumiti rin. Matapos ay umalis na siya sa pagkakayakap rito.
Hinawakan siya nito muli sa kamay at kapagkuwa'y magkaagapay silang naglakad na patungo sa study room kung saan naghihintay na sina Brylle at Mrs. Rodriguez.
Nasa hallway na sila patungo kung nasaan ang ginang at detective nang makakita sila ng mga nakaitim at armadong mga lalaki na tila patungo sa study room.
Nagkatinginan sila ni Red at parehong naging alerto. Mabilis siyang hinatak nito patungo sa isang kwarto na nadaanan nila. Narinig niya ang pagmumura nito habang sumisilip sa may pintuan.
"They're fucking here." Naglalapat ang ngiping wika nito at ikinuyom ng mariin ang palad.
Napalunok siya at binalot na naman ng takot ang kanyang puso. Pakiramdam niya, kahit saan siya pumunta ay masusundan at masusundan pa rin sila ng mga kalaban. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya at natatakot siyang isipin kung ano ang maaaring gawin ng mga ito kapag nakuha siya.
"Stay here." Ani Red sa kanya na inilibot muna ang tingin sa buong kwarto. Tila tinitiyak kung magiging ligtas siya kung mananatili siya roon pansamantala.
Gusto man niyang pumalag ngunit alam niyang makakasagabal lang siya sa gagawin ni Red kaya pumayag na lang siya sa gusto nito.
Naglakad siya pabalik-balik matapos makaalis ni Red. Malakas ang kabog ng dibdib niya. What do you want from me, people? Naiiyak siya pero kailangan niyang tatagan ang loob. Walang silbi ang pag-iyak sa ganoong sitwasyon. Kailangan niyang magpakatatag at patapangin ang sarili. She needs to fight for her life. For her father's justice. For everyone who's doing everything just to save her.
Naalala niya si Artemis. Napasinghap siya at napakagat ng mariin sa kanyang labi. Hindi kaya ito ang may dala sa mga lalaking iyon para kunin siya? Nakaramdam siya ng matinding kilabot at paninikip ng dibdib. Why, Artemis, why? Anong nagawa ko para gawin mo sa akin ito?
Tuluyan siyang napahikbi at napaupo sa sahig. Paanong nagawa iyon sa kanya matalik na kaibigan? Magkaibigan na sila mula pagkabata at wala siyang natatandaang atraso rito. Bakit nito gugustuhing mawala siya sa mundong ibabaw? Anong nagawa niyang kasalanan para gawan siya nito ng masama.
Ang sakit. Ang sakit isipin na ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya ng lubos ay ang taong tatraydor sa kanya. At si Artemis pa of all people.
Magkakasunod na putok na baril ang nagpatigil sa kanya sa pag-iyak. Nanlaki ang kanyang mga mata at bumundol ang malakas na kabog sa kanyang dibdib.
Bigla niyang naisip ang dalawang lalaking kasama. Nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Hindi kaya napahamak na ang dalawang lalaki pati na ang ginang?
Shit! I need to go there! Aniya at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Matigas na kung matigas ang kanyang ulo. Pero hindi siya matatahimik hangga't hindi nalalalaman ang kalagayan ng dalawang kasama.
Maingat pero may pagmamadaling naglakad siya sa pasilyo. Ngunit mabilis din siyang napahinto sa nakita. Isang lalaking nakaitim na may hawak na baril ang nasa unahan niya at nakita siya nito.
Tila nanigas ang kanyang mga paa sa kinatatayuan. Napalunok siya ng malaki at gusto niyang panawan ng ulirat sa sobrang takot na nararamdaman niya.
C'mon, Hera! Move! Hinugot niya ang lahat ng tapang na meron siya sa kanyang katawan at pinilit ang sariling kumilos. Mabilis siyang tumakbo papalayo sa lalaki.
Mabilis na sinundan siya ng armadong lalaki. Kahit naka-heels siya ay hindi niya ininda ang pananakit ng paa. Ang importante sa kanya ay ang kaligtasan niya.
Nakipaghabulan siya sa lalaki. Lumiko siya sa nakita niyang pasilyo. Bumaba sa hagdan at tinawid muli ang pasilyong nakita. May nakita siyang malaking vase at itinumba iyon para maging harang sa daraanan ng humahabol sa kanya.
Hingal na hingal siya ngunit nanatili siyang tumatakbo. Kapag huminto siya ay paniguradong hindi na siya sisikatan ng araw.
Pagliko niya muli sa isang pasilyo ay nagulat siya nang may malakas na humatak sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig ng isang panyo. Nakaamoy siya ng nakakaliyong amoy ngunit kahit ganoon ay buong lakas na nagpumiglas siya. Mabilis siyang nakaramdam ng panghihina. Hindi naglaon ay nakaramdam siya ng matinding antok. Pilit niya iyong nilabanan ngunit hindi naglipas ang sandali ay tuluyan na siyang nawalan na ng malay...
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top