H38



H38

"You seemed off. Is there a problem, Hera?"

Mula sa malalim na pag-iisip ay napaangat ng tingin si Hera kay Brylle. Nakakunot ang noo nito habang nakatayo sa kanyang tagiliran at naghihintay sa kanya na bumaba sa kotse nito.

Mabilis siyang umiling at alanganing ngumiti rito.

"N-nothing," aniya at nagmadaling bumaba ng sasakyan.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Napailing siya ng mapansing nakarating na pala sila ng Zambales. Hindi niya namalayan ang kanilang naging byahe dahil ang utak niya ay lumilipad kung saan-saan.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at kapagkuwa'y sinundan si Brylle na naglalakad na papasok sa tutuluyan nilang hotel. Iniwan na nito sa parking boy ang susi ng kotse nito matapos kunin ang kanilang mga gamit.

To be honest, may gumugulo sa isipan niya. Alam niyang hindi naman niya na dapat pagtuunan iyon ng pansin ngunit hindi niya magawang alisin iyon sa kanyang utak.

Ang totoo niyan, she had a weird dream last night. O hindi niya nga masigurado kung panaginip nga iyon. Pakiramdam niya kasi ay totoong nangyari iyon sa kanya.

Sa panaginip niya kasi ay may humalik sa kanyang labi. And even if she's not sure if it was really a dream or not, she can still feel the warm and sweet lips that touched her lips. At ang mas lalong gumugulo sa isipan niyang iyon? Ang 'salarin' na gumawa niyon sa kanya.

Mayroon siyang suspek. At sa tuwing iniisip niyang 'iyon' ang gumawa ay hindi niya maiwasang pag-initan ng pisngi.

Juskolord, Hera! It was just a dream for Pete's sake! 'Wag kang assumera! Asa kang gagawin niya iyon! Anang konsensya niya. Gawa lang 'yan ng pagnanasa mo sa kanya kaya tigil-tigilan mo 'yang kalokohan mo!

Marahas siyang napailing. She better stop thinking about it. Wala siyang basehan. At isa pa, tulog na tulog siya kaya paano niya malalaman kung ginawa nga nito iyon? Really, Hera? Even if you really feel like 'he' did it?

Napakamot siya sa kanyang batok. Okay, fine. Pinaghihinalaan niya talaga na hinalikan siya ni Red. Bakit hindi? Nalaman niya kay Brylle kaninang umaga pagkagising niya na ito ang nagbuhat sa kanya at nagdala sa inookupa niyang kwarto kagabi dahil tulog na tulog siya nang maabutan nito sa sala.

But that doesn't mean he kissed you. Wala kang ebidensya. Nababaliw ka na talaga. Napangiwi siya at muling napailing na lang sa sumbat ng kanyang konsensya.

"Here's your keycard." Naputol ang pakikipag-usap niya sa kanyang sarili nang harapin siya ni Brylle at iabot ang keycard. Nasa ikalimang palapag na sila ng hotel kung saan naroon ang ookupahin nilang kwarto. "Magkakatabi lang ang kwarto natin nila Red so if there's anything you need, madali ka lang makakapunta sa amin, okay?"

"Thanks," aniya at tumango rito. Matapos ay nilapitan niya na ang kwartong gagamitin niya.

"Anyways, Red will be here in two hours. Take a rest while waiting for him, alright?" Ani Brylle bago siya tuluyang makapasok sa kwarto at inabot sa kanya ang backpack niya.

Muli siyang tumango rito bilang sagot at nagpasalamat. Matapos ay kinuha niya sa kamay nito ang kanyang backpack at nagpaalam na rito na papasok na sa kanyang kwarto.

Ngumiti sa kanya si Brylle bilang tugon at matapos ay tinungo na rin nito ang ookupahin nitong kwarto.

Nang makapasok siya sa sariling kwarto at maisara ang pinto ay mabilis niyang inilapag ang gamit sa upuang nakita at tinungo ang kama. Padipa siyang nahiga at matapos ay tumitig sa kisame.

Nauna sila ni Brylle na magpunta sa Zambales samantalang si Red ay may inasikaso muna bago sumunod sa kanila. Hindi niya nakita ang lalaki pagkagising niya dahil maaga raw itong umalis ayon kay Brylle. Si Ethos naman ay nagpaiwan sa Maynila dahil meron daw itong ibang 'misyon' na kailangan gawin kaya hindi ito makakasama sa kanila.

Napangiti siya nang maalala ang nangingiming ngiti ng kababata nang magkita sila kanina bago umalis sa tahanan ng detective. Humingi ito ng tawad sa kanya sa ginawa nitong pagsigaw sa kanya at pag-walk out kagabi. Ang sabi nito'y pagod lang daw ito kaya madaling nag-init ang ulo nito sa kakulitan niya kagabi. Naiintindihan naman niya ito at hindi rin naman niya dinamdam ang ginawa nito kaya mabilis niya rin itong pinatawad.

Ipinikit niya ang mga mata. Ipapahinga muna niya ang sarili habang naghihintay kay Red.

---

Hera wore a dark blue tube top and knee length gown with three-inch silver heels on her toes. Ang kanyang mahabang buhok ay itinaas niya ng bahagya at itinali paikot. Nag-iwan siya ng iilang hibla sa magkabilang side ng kanyang mukha at kinulot iyon gamit ang spray net. Naglagay rin siya ng make up - salamat sa napanood niyang tutorial sa internet dahil kahit papaano ay kontento siya sa kinalabasan ng kanyang gawa - at nagsuot ng silver necklace. Ang hikaw na ginamit niya ay iyong ibinigay ni Red sa kanya. Hindi niya pwedeng hindi gamitin iyon dahil bilin sa kanya ni lalaki na huwag na huwag niyang aalisin iyon sa kanyang katawan.

Sa totoo lang, hindi siya komportable sa kanyang ayos at suot. Hindi siya sanay na may kolorete sa mukha at mas lalong hindi siya sanay na magsuot ng gown at mataas na heels. Kung maaari nga lang magsuot ng damit kung saan komportable siya - t-shirt, pants at rubber shoes - ura-uradang magpapalit siya. Pero hindi. Kailangan niyang magsuot ng ganoon dahil sa gagawin nilang misyon.

Habang naghihintay siya kay Red kahapon, sinabi sa kanya ni Brylle na pupunta sila ng Zambales dahil sa isang misyon. Sinabi nitong kikitain nila ang asawa ng yumaong si Senator Rodriguez sa isang charity event at makikipag-usap dito. Sinabi rin nito ang magiging set-up at plano pagkarating nila.

Pero ang plano ay hindi nasunod. Supposedly, kasama silang tatlo bilang isa sa mga 'staff' ng event. Pero nagkaroon ng bulilyaso. Sabi ni Brylle sa kanya ay nagtaka ang pinaka-head ng nago-organize ng event nang mapansing sobra-sobra ang magtatrabaho sa event na iyon nang i-check nito ang mga pass na ginawa para sa mga tauhan. Kaya naman dali-dali itong gumawa ng paraan para ayusin ang gusot. Kinausap din nito si Mrs. Rodriguez at humingi ng tulong. Dahil tight ang security ng nasabing event at hindi basta-basta pwedeng magpapasok dahil dadaluhan iyon ng mga high profile na tao ay binigyan na lang sila nito ng invitation. Gumawa ito ng paraan para makakuha pa ng tatlong invitation at ibinigay iyon sa kanila.

Noong una ay gusto niyang umatras. Hindi kasi siya sanay sa ganoong event lalo na't may dress code na kailangang sundin - na hindi niya talaga gusto - at iyon ay pang-sosyal na okasyon talaga. Pero dahil wala siyang mapagpipilian ay napahinuhod na lang siya.

Ang charity event ay isang auction. Lahat ng proceeds na makukuha sa auction na iyon ay mapupunta sa mga taong nasalanta ng kalamidad.

Isang katok ang narinig niya kaya naalis ang tingin niya sa salamin. Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga at kapagkuwa'y muling sumulyap sa kanyang repleksyon bago lumapit sa pintuan.

Dumating na si Red kanina pa ngunit hindi niya pa ito nakikita o nakakausap man lang. Dumiretso kasi sila agad ni Brylle sa mall para makabili ng susuotin nang malaman nito ang bulilyasong nangyari. Nag-text kasi si Red kay Brylle habang namimili sila ng damit at nagsabing nasa hotel na ito.

Pagkabalik naman nila sa hotel ay mabilis niyang tinungo ang kwarto upang makapag-ayos at makapagbihis. Gipit na kasi sila sa oras kaya kailangan na nilang magmadali.

Isa pang katok muli ang kanyang narinig kaya nagmadali na siyang kumilos. Dinampot niya ang simple pero eleganteng glittered mask na kulay silver na magtatakip lang sa kanyang mga mata at ang kanyang purse. Matapos ay pinihit na niya ang seradura ng kanyang pintuan.

Kulang ang salitang nagulat upang ilarawan ang kanyang reaksyon nang mabistahan niya kung sino ang kumatok sa kanyang pintuan.

Standing in front of her is a man who looks dashing and oozing with sex appeal in his three piece suit.

Napalunok siya. This is the first time she saw him in that kind of attire. At hindi niya maitatangging mas lalong tumingkad ang kagwapuhan nito sa ganoong kasuotan. Bagay na bagay rito ang suot nito.

Maygudnes! Greek God ba itong kaharap ko? She mentally slapped her head. She needs to get back to her senses dahil kundi baka maipagkanulo niya ang sarili at masambit niya ang lahat ng magagandang adjectives na tumatakbo sa kanyang isipan na pwedeng gamitin para ilarawan ito.

"You look beautiful tonight, Goddess."

As much as she wants to stop herself from blushing, naramdaman niya mabilis na pag-init ng kanyang pisngi at pamumula n'on dahil sa komplimentong narinig niya.

Red is looking tenderly at her with a smile on his lips. And if she's not mistaken, she can see admiration in his eyes.

"T-thank you," aniya at nahihiyang nag-iwas ng tingin dito.

Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito sa kanya. Kinakabahan siya. At pakiramdam niya may kung anong naglilikot sa kanyang tiyan. Para siyang natataeng ewan. At hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman.

"Let's go?" Ani Red sa kanya at lumapit. Hinawakan nito ang kanyang baba at inangat ang kanyang mukha upang magsalubong muli ang kanilang tingin. Ngumiti itong muli sa kanya. "Brylle is waiting for us in the lobby."

Pakiramdam ni Hera ay tila nagkandabuhol-buhol ang lahat ng brain cells niya sa ginawa ni Red. Masyadong malapit ang mukha nito sa kanya at amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga. Muli siyang napalunok. Isang maliit na galaw paabante lang, magdidikit ang mga labi nila. Harujusko! Shut it, Hera! Come back to your senses, okay?!

"W-what are you doing?" Hindi niya napigilang itanong dito pero mabilis niya ring nakagat ang labi. Stupid, Hera! Stupid question!

Red looked at her with mischief and amusement in his eyes. "I'm checking if you're wearing the transmitter. I'm making sure you're wearing it because we don't know what can happen in the event. Mabuti na ang naninigurado."

Kung pwede nga lang batukan ni Hera ang sarili ay baka ginawa na niya. O kung pwede lang kainin siya ng lupa ay nagpatangay na siya. Nakakahiya siya. Iba ang tumatakbo sa isipan niya kung bakit inilapit ni Red ang mukha nito sa kanya. Assume pa more! Pahiya ka 'no?

Isang malaking lunok muli ang ginawa niya at matapos ay hinugot ang lahat ng lakas na meron siya upang dumistansya at alisin ang pagkakahawak ni Red sa kanyang baba.

"T-tara na. B-baka ma-late na tayo." Nauutal na wika niya at alanganing ngumiti rito. Mabilis siyang tumalikod dito at nagmamadaling tinungo ang elevator. Mabuti na lang at hindi siya natapilok dahil hindi pa naman siya sanay sa mataas na takong.

Sumakay silang pareho ni Red sa elevator. Hindi niya ito tiningnan. Nakakaramdam kasi siya ng awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Hinihiling niya tuloy na sana ay may sumakay na ibang tao sa elevator para hindi lang sila ang naroon.

"You know what to do right?" Basag ni Red sa katahimikang pumalibot sa kanilang dalawa.

Tiningnan niya ito gamit ang repleksyon nito sa pader. Nakita niyang nakasandal ito habang nakapamulsa. Seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa screen kung saan nakikita kung nasaang floor na sila.

"Yeah," aniya at tumango.

Sinabi na sa kanya ni Brylle kung ano ang gagawin para makausap ang asawa ni Senator Rodriguez. Inaasahan naman na nito ang kanilang presensya sa naturang pagtitipon kaya hindi na sila mahihirapan pa. Ang kailangan lang nila ay maging discreet upang walang makahalata sa magaganap na usapan nila.

"Huwag kang lalayo sa amin ni Detective, Goddess. We can't assure our safety at mas mabuti na ang nakakasigurado, okay? If anything happens, you have your phone and immediately call us, alright?"

Sa pagkakataong iyon ay nilingon niya na si Red dahil nakita niyang inilipat na nito ang tingin sa kanya. She saw concern in his eyes that's why she gave him a reassuring smile.

"Of course." Aniya at nakangiting inangat ang kanang kamay at itinaas ang hintuturo habang nakakuyom ang natitirang mga daliri. "Red Guidelines rule number one: Safety first before anything else."

Isang ngiti ang kumawala sa labi ni Red sa sinabi niyang iyon at napailing. Matapos ay lumapit ito ng kaunti sa kanya at nakangising kinurot ang kanyang pisngi. "That's my girl."

---

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hera matapos bumaba sa sasakyan ni Red. Nakita niyang nilingon siya ni Brylle at ngumiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay tila nagsasabi sa kanya na magiging maayos ang lahat kaya naman kahit papaano ay kumalma siya.

"Let's go?" Ani Brylle sa kanila at isinuot na ang maskara nito. Ganoon din ang ginawa ni Red kaya naman isinuot na rin niya ang kanyang mask.

Kung meron man siyang isang bagay na ipagpapasalamat sa pagtitipong pupuntahan nila, iyon ay ang tema nitong masquerade. At least, matatakpan ang pagmumukha nila at hindi sila madaling madi-distinguish ng kalaban kung saka-sakaling meron mang sumugod.

Naramdaman niyang hinawakan siya sa siko ni Red kaya naman napalingon siya rito.

"Let's go, my goddess." Anito na may mapaglarong ngiti sa mga labi.

Hindi niya tuloy napigilan ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Basa niya sa mga mata at ngiti nito ang panunukso.

"Whatever, Pula." Aniya at iningusan ito.

Inangkla ni Red ang kanyang mga kamay sa braso nito at matapos ay iginiya siya papasok sa isang malaking mansyon kung saan magaganap ang event.

Bumalik ang kanyang kaba. Hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sa loob kaya naman dinadaga muli siya. Hindi niya tuloy namalayan na napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Red.

"Everything will be fine. I'm here. Don't worry." Narinig niyang bulong sa kanya ni Red.

She looked at him and he gave her a reassuring smile. Naramdaman niya ring hinawakan nito ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga upang alisin ang lahat ng agam-agam na meron siya.

Pagpasok nila sa loob ng mansyon ay iginiya sila ng usherette patungo sa hardin. Ang sabi nito sa kanila ay doon daw gaganapin ang pagtitipon. Nang makarating sila roon ay tila nalula siya sa mga taong nakita niya. Lahat ay elegante at sopistikada sa mga suot na kasuotan. Nakaramdam tuloy siya ng panliliit kahit na hindi naman siya dapat makaramdam ng ganoon.

Maganda ang pagkakaayos sa hardin ng mansyon na pag-aari di umano ng isang mayamang negosyante. May mini-stage na sinet-up sa unahan at may mga matataas ngunit maliliit na pabilog na mesa sa gitna. Sa mga gilid naman ay may mga mesang bilog na malalaki pero mababa lang na may mga upuan.

Sa totoo lang, namamangha siya sa nakikita. Pakiramdam niya ay hindi charity event ang pinuntahan nila. Parang party lang ng isang taong galing sa alta sociedad.

Inilibot niya ang paningin. Hinahanap niya sa mga taong naroon si Mrs. Rodriguez. Alam na niya ang suot nito dahil sinabi nito kina Brylle ang kulay at itsura ng damit nito upang hindi sila mahirapang maghanap dito.

Sa pag-iikot niya ng tingin ay may nahagip ang kanyang mga mata. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at naguluhan ang kanyang utak. Hindi siya sigurado pero pamilyar sa kanya ang tayo at pustura ng babaeng iyon.

Artemis? Bulong niya sa sarili at kunot noong pinagmasdan ito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top