H35

H35



MABILIS na naglakad si Artemis papasok sa building ng eskwelahan. Kanina pa siya aligaga at 'di mapakali. Pakiramdam niya kasi ay simula ng makaalis sila ng kanyang driver sa kanilang bahay kanina ay may mga matang nagmamatyag sa kanya.


Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman. Pero malakas ang kutob niya kanina pa na may nakasunod talaga sa kanya at binabantayan ang bawat kilos niya.


'Hindi kaya paranoid ka lang, Artemis?' Bulong ng isang bahagi ng kanyang utak.


'No. Hindi sa nagiging paranoid ako. I just know na merong sumusunod talaga sa akin,' Sansala naman niya sa sinabi ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.


Inikot niya ang paningin sa paligid habang mabilis ang mga paang naglalakad. Susubukan niyang tingnan kung mahuhuli niya ang sumusunod sa kanya.


"Aray!" Napadaing siya ng maramdaman niyang bumunggo ang katawan niya sa isang tao.Bumagsak sa lupa ang mga bitbit niyang mga libro at folder.Naiiling na napapalatak siya at 'di nag-aangat ng tingin namabilis na dinampot ang mga iyon.


"Sorry." Aniya at nagmamadaling inimis ang mga gamit na nalaglag.


"It's okay, Artemis. Hindi rin kita nakita kaya sorry rin." Anang nabangga siya.


Kumunot ang noo niya ng makilala ang boses ng nagsalita. Mabilis siyang nag-angat ng tingin.


"Ethos?" Aniya.


Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang lalaki. Ang alam niya ay abala ito sa paghahanap sa kaibigan nilang si Hera. Ngayon na lamang niya ito nakitang muli.


Bahagyang ngumiti sa kanya si Ethos at tinulungan siyang damputin ang natitirang libro na hindi niya pa nakukuha. Inabot nito iyon sa kanya pagkatapos.


"We need to talk, Ethos." Wika niya rito at walang pasubaling hinawakan niya ito sa braso at hinatak papunta sa garden kung saan sila madalas tumatambay nila Hera at Marianne. Mabuti na lamang at nagpaubaya ito at walang imik na sumunod sa kanya.


"Anong pag-uusapan natin, Artemis?" Nakapamulsang tanong sa kanya ni Ethos ng makarating sila sa garden. Nakatitig ito sa kanya at bakas sa mukha nito ang kuryosidad.

Huminga siya ng malalim at naupo sa isang bench na naroon. Matapos ay tinitigan ito, "I know you already found Hera."


Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi niya makikita sa lugar na ito si Ethos kung hindi pa nito nakikita ang kaibigan. Alam niyang very eager itong malaman kung nasaan si Hera at masiguradong ligtas ito.


Ilang sandali muna siya nitong tinitigan bago seryosong tumango sa kanya. Naupo ito sa kabilang bahagi ng bench at tumingin sa mga bulaklak na nakatanim sa kanilang harapan.


"Is she alright?" Nag-aalalang tanong niya rito at tumagilid upang harapin ito. "Can I see her, Ethos?"

She's dying to see Hera. Sobrang nag-aalala siya para sa kaibigan. Ilang araw na mula ng huli niya itong makausap sa telepono. She wants to know if she's alright.She wants to know kung ligtas ba ito at wala namang masamang nangyari rito.


"Right now, Hera doesn't want to see anyone of you. Hindi dahil sa ayaw niya kayong makita. But because she's busy doing something very important." Sagot nito.


Napayuko siya sa narinig na sagot nito at napakagat sa pang-ibabang labi. She knew about it. Sinabi iyon sa kanya ni Hera mismo ng huli silang magkausap. Pero gusto niya talaga itong makita. Gusto niya itong tulungan sa kung ano man ang pinagkakaabalahan nito ngayon.


"I want to help her, Ethos." Inabot niya ang braso nito at hiniwakan,"bring me to her, please." Pakiusap niya rito.


Muli siyang nilingon ni Ethos. Tinitigan siya nito na animo'y parang sinusukat ang sinseridad sa mga salitang binitiwan niya.


"I'm sorry Artemis but I can't. It's Hera's decision. Please understand that," anito at marahang tinapik ang kamay niyang nakahawak sa braso nito."Don't worry, she'll contact you soon. She just needed this time to do whatever she needs to do."


Labag man sa loob ay tumango siya kay Ethos bilang pagsang-ayon. Wala siyang magagawa kung hindi ay maghintay. She'll wait for Hera...and while waiting, she will also do what she needs to do.


"I think you need to go to your room now, Artemis. Baka ma-late ka pa sa klase mo," ani Ethos sa kanya matapos ang ilang sandaling katahimikan.


Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at saka nagdesisyon na tumayo na. Kipkip ang hawak na mga libro ay humarap siya kay Ethos.


"Please tell Hera to take good care of herself." Aniya, "and if ever she needed my help, tell her she can call me anytime."


Nakangiting tumango sa kanya si Ethos. "I will."


Bahagya siyang ngumiti rito at matapos ay tumalikod na. Nakakailang hakbang na siya palayo kay Ethos ng huminto siya. Nilingon niya itong muli.


"Ethos..."


Muling tumingin sa kanya ang lalaki na ngayon ay nakahalukipkip na. Nag-aabang ito sa kanyang sasabihin.

Bumuntong hininga siya ng malalim. Nagtatalo ang kanyang isipan kung dapat niya bang sabihin ang nasa kanyang isipan o hindi.


"Don't leave Hera no matter what happen...someone who can protect her is what she needed right now." Aniya at mabilis na tumalikod. Naglakad na siya papalayo ng hindi na hinintay kung ano man ang sasabihin ni Ethos.


'Bantayan mo siyang maigi, Ethos. Protektahan mo siya. That's what Hera needs right now more than anything else.'


—-


Napatiim-bagang si Ethos sa huling sinabi ni Artemis sa kanya. Now, he's very much sure that Artemis knows something.


He's been following Artemis since she left her house. Sinabihan kasi siya ni Red kagabi na matyagan ito. May kutob kasi ang lalaki na may alam si Artemis sa nangyayari.Kinwento kasi nito sa kanya ang pagkakakita nito sa NBI kahapon. Red is insisting that it wasn't a coincidence. May dahilan kung bakit nasa NBI kahapon si Artemis. Hindi para lang mag-asikaso ng errand ng magulang o kapatid nito. Malakas ang gut feeling ni Red na may kinalaman iyon sa nangyayari kay Hera.


'Are you really an ally, Artemis? Or an enemy?'


Sinadya niyang bungguin ito kanina para makausap. The last time they talked was when he was looking for Hera. Alam niyang magtatanong ito sa kanya kung nahanap na niya si Hera kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang makausap ito. Gusto niyang malaman kung may alam talaga ito o wala sa nangyayari without giving her a hint. At base sa huling pangungusap nito sa kanya, napatunayan niyang tama nga ang hinala ni Red.


'She knows something...and I wonder what is it.'


Tumayo na siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. Tahimik siyang naglakad habang malalim na nag-iisip. Babalik na muna siya sa kotse niya at doon maghihintay sa muling paglabas ni Artemis sa eskwelahan.


—-


"What took you so long, Hera?" Nakakunot ang noong tanong ni Brylle sa kanya ng puntahan niya ito sa kwarto ng kanyang ama.


Naupo siya sa kama ng kanyang daddy at may lito sa mga matang tiningnan ang detective.


"I found something weird," halos pabulong na wika niya at mahigpit na hinawakan ang librong hawak at lapis.


"Weird? What is it?" Curious na tanong nito sa kanya at lumapit.


"This." Aniya at inabot ang libro, ang bookmark na inipit niya roon at ang lapis. "Nakita ko ito sa kwarto ko kanina." Wika niya rito, "The book was my father's gift to me. And while browsing it, I found something very unusual..."


Ipinaliwanag niya kay Brylle ang kanyang natuklasan. And while explaining, Brylle is examining the book and the bookmark.


"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng 'Sparrow's Night.'" Aniya, "But I think, it has something to do with that organization." Lumunok siya at pilit isinantabi ang kirot sa puso sa naiisip niyang dahilan kung bakit iyon iniwan sa kanya ng ama."At sa tingin ko rin, sinadyang iwan 'yan ni Daddy sa akin as a clue kung saka-sakaling may mangyaring hindi maganda sa kanya..."


Nag-angat ng tingin sa kanya si Brylle. Bakas sa mga mata nito ang awa habang nakatingin sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang ulo at marahang hinaplos iyon. Bahagya rin itong ngumiti sa kanya.


"Your Dad left this to you because he trusted you more than anyone else. At sa tingin ko rin, kaya niya ito iniwan sa'yo ay dahil naniniwala siya sa kakayahan mo."               


Napangiti siya sa sinabing iyon ng detective. Naisip na niya ang bagay na iyon. At kahit masakit isipin na noong mga panahong ginagawa ng Daddy niya ang clue na iyon ay iniisip na nito na maaaring may mangyaring masama rito, ay siya ang pinagkatiwalaan nitong iwan ng bagay na iyon.


"Sparrow's night..."Mayamaya'y bulong ni Brylle habang tinitigan ang nakapaikot na bookmark sa lapis. "Anong ibig sabihin nito?"


Nagkibit-balikat siya at kinagat ang kanyang hinlalaking daliri. Wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.


"S at N..." Natigilan si Brylle. "Ang naiwang clue ni Senador Rodriguez noon ay letrang S at N. Ibig sabihin, ang nais nitong patungkulan sa mga letrang iyon ay 'Sparrow's Night.'"


Napatango siya sa sinabi ng detective. Sa tingin niya ay tama ang sinabi nito. S at N. Iyon ang acronym ng sparrow's night.


"Pero ano ang meron sa salitang ito? Is it the name of that organization?" Muli nitong wika.


Tiningnan naman ni Brylle ang mga itinuro niya kaninang naka-bold na letters sa libro. Maigi nito iyong tinitigan.


"E. P. S." Nagsulat si Brylle sa libro gamit ang lapis na ipinang-ikot sa bookmark.


EPS. PES. ESP. SEP. PSE.

               

Iyon ang mga isinulat ni Brylle. Tinitigan nito iyon ng ilang sandali at matapos ay binilugan ang 'SEP'.


"It's a date," ani Brylle sa kanya at binilugan ang numero ng pahina ng libro. "September 29. Iyan ang ibig sabihin ng naka-bold na letters at kung saang pahinang nakaipit ang bookmark."


Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. September 29. Anong meron sa petsang iyon?


"That's a week from now. Anong meron sa September 29?" Nagkakatakang tanong niya kay Brylle.


Nagkibit balikat sa kanya si Brylle at hindi sumagot. Bakas sa mukha nito na nag-iisip itong mabuti kung anong meron sa petsang iyon.


"Sparrow's Night. September 29. Anong ibig sabihin ng mga iyon, Dad?" Aniya at pabagsak na humiga sa kama habang ang mga paa'y nakalapat pa rin sa sahig.


Tinitigan niya ang kisame. Pilit pinagana ang utak upang isipin kung ano ang meron sa petsang iyon at sa salitang 'sparrow's night.' Pilit niyang inalala kung may nabanggit ba sa kanya ang ama na kahit ano tungkol sa dalawang iyon.


'Weird naman kung ang pangalan ng organization ay sparrow's night. Hindi siya tunog pangalan... I think it's an event...that is connected to September 29.'


Mabilis siyang napabangon sa naisip.


"It's not the name of the organization, detective. It's an event that will happen on September 29." Aniya sa katabi.


Tumingin sa kanya si Brylle. Tinitigan siya nito. Tila tinitimbang ang kanyang sinabi.


"I think you're right." Ani Brylle sa kanya matapos dumaan ang ilang sandaling katahimikan. "It's an event." Tumango ito at tinitigan muli ang libro, "But if it's really an event, what kind of event is it?"


Natahimik siyang muli. Iyon din ang kanyang iniisip. Kung isa nga iyong event, ano naman iyon?


"September 29...September 29...September 29...Anong meron sa'yo, September 29?" Tanong niya sa sarili.


Ipinikit niya ang mga mata. Pilit inisip kung ano ang posibleng event na mangyayari sa petsang iyon.


'That's 2 days before my birthday.'Aniya at napailing sa naisip.


She remembered that her Dad was planning to throw a party on her birthday. Pero dahil sa nangyari, hindi na iyon matutuloy pa.


She's not sad dahil hindi iyon matutuloy. Malungkot siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, magse-celebrate siya ng kanyang birthday na wala ang kanyang ama sa tabi niya.


"I think I have an idea what's happening on September 29, Hera." Ani Brylle sa kanya na ikinalingon niya.


"What?" Nakakunot noong tanong niya.


"If I remember it right, sa petsang iyan ang inauguration ng computer-operated train na pinagawa ng pamahalaan."


Nanlaki ang mata niya sa sinabing iyon ni Brylle. Tama ito! Parang kagabi lang ay nakita niya sa news na handa na ang lahat para sa inauguration ng train na iyon.


"Yeah, yeah! Tama ka. Napanood ko 'yun sa news kagabi." Aniya at tumango-tango. "Kung hindi nga lang namatay si Daddy ay sigurado akong kasama siya sa iimbitahan para sa event na iyan."


Tumango sa kanya si Brylle at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay bumalik din agad ang kaseryosohan sa mukha. "That's the only event I can think of sa petsang iyon." Anito sa kanya."But the question here now is, ano ang koneksyon ng inauguration na iyon sa Sparrow's Night?"


Muli siyang natahimik sa tanong nito. Oo nga. Ano bang koneksyon ng sparrow's night sa inauguration na iyon?

'Sparrow's Night. Inauguration.' Kinagat-kagat niya ang kanyang kuko sa hinlalaking daliri.'Anong mangyayari sa araw na iyon?'


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top