H33
H33
“WALA bang ibang nabanggit sa’yo si Director Enriquez noon bukod sa nasabi mo na sa amin tungkol sa organisasyon na gustong kunin si Hera? Wala ba siyang nasabi sa’yo na kahit ano tungkol sa sekretarya niya?” Seryosong tanong ni Brylle kay Red habang ang mga tingin ay hindi inaalis sa bukana ng presinto. Mahigit dalawampung minuto na sila na naghihintay sa paglabas ng sekretarya ng direktor pero hanggang ngayon ay ni anino nito ay hindi pa nila nakikita.
Nakita niya sa kanyang peripherals na bumaling ang tingin ni Red sa kanya at seryoso ang mukhang umiling ito, “Katulad ng nasabi ko na sa inyo, iyon lang ang nabanggit sa akin ni Director Enriquez. The day before he died, he was about to tell me the whole thing pero hindi na niya nasabi dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa’yo at kinailangan ko ring umalis dahil may importanteng bagay akong kinailangang puntahan no’n.”
Bahagyang kumunot ang noo niya sa narinig na sagot ni Red at saglit na natigilan. Kapagkuwa’y napatango rin siya. Naaalala niya ang araw na tinutukoy nito. Tumawag siya kay Director Enriquez ng araw na iyon upang ipagbigay alam ang natuklasan niya tungkol sa caller ni Senator Rodriguez at ang hinala niyang maaaring iyon ang pumatay dito. Sinabi niya rin sa direktor na pupuntahan niya ang telephone booth kung saan tumawag ang caller na iyon para mangalap ng impormasyon.
“How I wish Director Enriquez was able to leave clues or evidences about this case,” wika niya at napapailing na bumuntong hininga ng marahas.
Gustong-gusto na niyang maresolba ang kaso ng senador at direktor. Ngunit dahil hindi nakikiayon ang pagkakataon sa kanila, hanggang ngayon ay pakiramdam niya ay nakakulong sila sa isang malaking labyrinth. Paikot-ikot lang sila at hindi makalabas. Para silang itinapon sa labyrinth na walang hangganan. Walang dulo o pintuan palabas. Pero kahit ganoon ang kanyang pakiramdam, alam niyang makakaalis din sila roon. Gagawa siya ng paraan para makagawa ng lagusan. Lagusan na magpapakita sa kanila ng katotohanan.
“Actually, he did.” Ani Red at ipinatong ang kanang siko sa bintana ng kotse. Matiim itong tumingin muli sa bukana ng presinto habang pinadadaanan ng daliri ang mga labi.
Muling kumunot ang noo niya. Tama ba ang pagkakarinig niya? May naiwang ebidensya ang direktor? Nalilitong nilingon niya ito, “What are you saying? May naiwan ngang ebidensya ang direktor?”
Mabilis na tinapunan siya ng tingin ni Red at kapagkuwa’y nagsalita habang ang mga mata’y nananatiling nakatutok sa labas, “Noong gabi na nagpunta ka sa bahay ng mga Enriquez para tingnan ang mga gamit ng direktor kung may naiwan itong ebidensya na maaaring makakapagturo sa kung sino ang salarin sa pagkamatay nito, may nakuha si Hera na memory card na maingat na nakatago sa isang picture frame sa kwarto nito.”
“Memory Card?” Mas lalong kumunot ang noo niya. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon. Walang nabanggit si Hera sa kanya tungkol doon noong magpunta siya sa bahay nito, “Anong meron sa memory card na iyon?”
Nagkibit balikat si Red, “We’re still trying to know the real content of the memory card. The file is encrypted and it’s not easy to decrypt. Hera and I believe that whatever the content of that memory card has something to do with the case.”
Napatango na lang muli si Brylle kay Red sa narinig na sinabi nito. Kung ganoon, mayroon pala talagang naiwang ebidensya ang direktor. Kailangan lang nilang ma-decrypt ang file para makita nila kung ano ang nilalaman n’on. Napapaisip tuloy siya kung ano ang nakapaloob sa file na iyon.
“She’s already leaving,” mayamaya’y wika ni Red at tumiim ang anyo. Mabilis na dinukot nito ang cellphone sa bulsa at tumipa roon.
Tumingin siya sa harapan at nakita niya ang sekretarya ng direktor na palabas ng presinto. Umayos siya ng upo at mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan.
“I wonder what she did inside,” nakatiim-bangang na wika niya habang mariing sinusundan ng tingin ang babae na ngayo’y pasakay na sa kotse nito.
“I believe it has something to do with those men we caught,” sagot ni Red ng hindi nagtataas ng tingin at patuloy ang pagkalikot sa cellphone, “I already texted Zeo to watch over those men.”
Hindi na siya nagkomento pa at tumango na lang muli bilang pagsang-ayon dito. Si Zeo na sinasabi nito ay ang pulis na kaibigan nito na naka-assign sa presintong iyon.
Ilang minuto lang ang lumipas at umandar na ang sasakyan ng sekretarya ng direktor. Maingat na sinundan niya ito. Naglagay siya ng kaunting distansya rito upang hindi sila mahalata na sinusundan nila ito.
“Hera.”
Mabilis niyang tinapunan ng tingin si Red ng sagutin nito ang tawag sa cellphone nito. Nakatutok ang mga mata nito sa sinusundan nilang sasakyan habang matamang nakikinig sa kausap.
“Who?” Nag-iigting ang mga bagang na tanong nito.
Mukhang may ideya na siya sa kung ano man ang sasabihin ni Hera rito. Maaaring nalaman na ng dalaga kung sino ang nag-hack sa laptop ni Ethos. Nang-iwan kasi nila ito kanina ay nangako ito kay Red na hindi matatapos ang araw na ito na hindi nito nalalaman kung sino ang nag-hack sa laptop ng kababata nito.
Napasulyap siya sa kanyang orasang pambisig. Napapailing na lihim na napangiti siya. Alas diyes pa lang ng umaga. Tatlong oras mula ng iwan nila ito sa bahay. Hindi niya akalain na gan’on kabilis na mahahanap ni Hera ang hacker na iyon. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi humanga sa galing nito.
‘You’re really one of a kind, Hera.’ Aniya sa sarili.
“Alright. Don’t leave the house. We’re currently following her,” muling niyang narinig na wika ni Red. Saglit itong tumahimik at pinakinggan ang sinasabi ni Hera sa kabilang linya. Kapagkuwa’y nagsalita itong muli, “Nakita namin siya na pumunta sa presinto na pinuntahan namin. Sinusundan namin siya ni Brylle ngayon.”
Mabilis na kumunot ang kanyang noo sa narinig. Kung tama ang intindi niya sa sinabi nito, ang babaeng sinusundan nila ngayon ay ang taong nag-hack sa computer ni Ethos!
“She’s the hacker,” naglalapat ang mga ngiping wika ni Red sa kanya matapos putulin ang tawag ni Hera. Ikinuyom nito ng mariin ang kamao at muling ibinalik ang tingin sa sasakyan na sinusundan nila.
Hindi siya umimik at matiim na itinutok ang mga mata sa kotseng sinusundan. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Nabuhay ang dugo niya sa nalaman. Sa wakas, mayroon na rin silang lead sa kaso ng ama ni Hera!
---
AGITATED na naglalakad pabalik-balik si Hera sa study room habang kagat-kagat ang hinlalaking daliri. Kinakabahan siya. Katatapos niya lang tawagan si Red para sabihin dito ang natuklasan niya. Hindi niya akalain na sinusundan na pala nito ngayon ang ang taong iyon.
‘That Tessa Agoncillo! I know she was one of my father’s trusted employees pero isa pala siyang kalaban!’ Naglalapat ang mga ngiping wika niya sa sarili at ikinuyom ng mariin ang palad.
Nang makita niya ang IP address nito kanina ay nagulat siya. Hindi niya inaasahan na IP address nito ang kanyang makikita. Hindi niya personal na kilala ang babae. Iilang beses niya pa lang itong nakita at iyon ay no’ng wake ng kanyang ama at no’ng inilibing ito. Pero naaala niya na minsan ay nabanggit ito ng kanyang Daddy ng mapagkwentuhan nila ang trabaho nito.
‘Anong nagawa ni Dad sa kanya para traydurin niya ito?’
Iyon ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili kanina pa. Alam niyang maayos trumato ang kanyang Daddy sa mga tauhan nito kaya hindi niya lubos maisip kung ano ang dahilan ng babaeng iyon para traydurin ang ama niya. Nagkakaroon din tuloy siya ng hinala na maaaring ito ang pumatay sa kanyang ama.
“Will you please sit down, Hera? Nahihilo na ako sa ginagawa mo,” saway ni Ethos sa kanya na kanina pa siya pinapanood sa ginagawa niyang paglalakad na pabalik-balik.
“Kinakabahan kasi ako, eh.” Aniya at kagat ang pang-ibabang labi na naupo sa tabi nito, “Paano kung trap lang iyon? Paano kung alam talaga ng secretary ni Dad na naroon sina Red at hinahayaan niya lang na sundan siya ng mga ito? Paano kung bigla na lang ambush-in sina Red ng mga kasamahan ng Tessa na ‘yon? Ethos, kailangan natin silang puntahan. Baka mapaano sila.” Nag-aalalang sabi niya rito.
Natatakot siya para sa dalawang lalaki. Ayaw na niyang maulit muli ang nangyari ng magpunta sila sa bahay nila noon at matambangan sila ng mga kalaban. Ayaw na niyang may masaktang muli ng dahil sa kanya. Baka hindi na kayanin ng puso niya kapag nagkataon.
Inabot ni Ethos ang mga kamay niya at matamang tiningnan, “Calm down, Hera. Walang masamang mangyayari sa kanila, okay? You know them. They can protect themselves so don’t panic.”
“Pero hindi pa magaling si Red. Alam mo namang nabaril siya at hindi pa tuluyang magaling ang katawan niya. Paano kung—”
“Nothing will happen to him, Hera. Isa pa, he’s with Detective Brylle. Sigurado akong hindi nila hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa kanilla.” Sansala nito sa kanya at marahang pinisil ang kamay niyang hawak nito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at muling kinagat ang labi. Alam naman niya iyon. Pero hindi niya talaga maiwasan ang hindi mag-alala para sa mga ito. Bumuntong hininga siya ng malalim at tahimik na umusal ng panalangin para sa kaligtasan ng dalawang lalaki. ‘Lord, please make them safe. Huwag niyo po silang pababayaan.’
“Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna.” Ani Ethos sa kanya at hinila siya patayo. “Alam kong napagod ka dahil hindi madali ang ginawa mong pag-trace sa hacker na iyon.”
Kahit tutol ang kalooban niya ay parang wala siyang lakas na sumunod na lang sa kababata. Dinala siya nito sa kwartong inookupa niya at pinahiga sa kama.
“Magpahinga ka na lang muna rito. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang tanghalian,” Anito at kinumutan siya. Matapos ay hinaplos nito ang kanyang buhok at bahagyang ngumiti sa kanya, “Think of positive thoughts, Hera. Don’t let negative thoughts consume you.”
Tumango siya kay Ethos at matamlay na ngumiti rito. Alam niyang gusto lang nito na pagaanin ang loob niya at bawasan ang pag-aalala niya.
“Thank you.” Aniya rito.
Ethos smiled at her again and ruffled her hair. Matapos ay tumalikod na ito sa kanya at lumabas na ng kwarto.
Nang mapag-isa na siya ay tumitig siya sa kisame. Pinilit niya ang sarili na sundin ang sinabi ng kababata. Kinalma niya ang sarili at nag-isip ng mga positibong bagay. Pero kahit gan’on ay pilit na nagsusumiksik sa kanyang isip ang pag-aalala. Napapabuntong hininga na bumangon siya at tumayo. Pumunta siya sa kanugnog na veranda ng kwarto. Naupo siya medyo malapad na pasamanong naroon at niyakap ang mga tuhod. Kapagkuwa’y sumagap ng sariwang hangin. Nag-isip siya kung paano niya masisiguradong ligtas ang dalawang lalaki.
‘Help me Dad to think of a way to make sure they’re safe,’ Aniya at tumitig sa mangasul-ngasul na kalangitan.
Ilang minuto siyang nanatiling ganoon. Mayamaya’y bigla siyang natigilan at napaayos ng upo. May naiisip na siyang paraan!
Patalon na bumaba siya sa pasamano at mabilis na pumasok muli sa loob ng kwarto. Hinanap niya ang kanyang bag. Nang makita ay kinuha niya iyon at inilabas ang kanyang laptop. Nagmamadaling bumalik siya sa veranda at naupo sa bakal na upuan na naroon. Ipinatong niya sa maliit na lamesa ang laptop at matapos ay binuksan. Pinatunog niya ang kanyang mga daliri habang hinihintay na tuluyang mag-on iyon. Nang makita na niya ang home screen ay hindi niya naiwasang mapangiti ng malapad. Bigla siyang nakaramdam ng excitement sa gagawin niya.
‘Game!’ Kagat ang pang-ibabang labi na wika niya sa sarili at mabilis na tumipa ng command sa keyboard.
Dinukot niya sa bulsa ang cellphone na ipinahiram sa kanya ni Ethos kanina at tiningnan ang number ni Red. Matapos ay itinipa niya iyon sa keyboard. Gagamitin niya ang cellphone tracker program na meron siya para ma-locate kung nasaan exactly sina Red.
Isang malapad na ngiti ang muling kumawala sa kanyang labi ng makita ang resulta ng paghahanap niya. Ayon sa nakikita niya sa monitor, kasalukuyang umaandar ang red dot na nagsisilbing tanda na ando’n sina Red. Ibig sabihin, patuloy pa rin na umaandar ang sasakyan ng mga ito at sinusundan si Tessa.
“Ngayon alam ko na kung nasaan kayo, kailangan ko na lang makita ang mismong sasakyan niyo at ang tinatahak niyong daan,” pagkausap niya sa sarili.
Muli niyang pinatunog ang mga daliri at kapagkuwa’y mabilis na tumipa muli ng command sa keyboard. Iisa lang ang naiisip niyang paraan para makamit ang gusto niyang makita. Iyon ay ang i-hack ang CCTV server ng MMDA.
Ilang minutong matiim na nakatutok ang mga mata niya sa monitor at hindi tumitigil ang mga daliri sa pagtipa. Hindi madaling i-hack ang server pero alam niyang magagawa niyang pasukin iyon. Panghahawakan niya ang paniniwala niyang ‘walang bagay na mahirap gawin sa isang taong determinado’.
“Gotcha!” Aniya at nakangising napapitik sa hangin.
Nagawa na niyang pasukin ang server ng MMDA at nahanap na rin niya mismo ang sasakyan nila Red. Mabuti na lamang at tanda niya ang plate number ni Brylle at ang kulay at modelo ng sasakyan nito.
Pinanood niya ang kuha ng CCTV. Kasalukuyang tinatahak ng sasakyan nila Red ang Lawton. Medyo may karamihan ang sasakyan na naroon at nahihirapan siyang i-distinguish kung alin doon ang sinusundan ng mga ito.
“Alin ba rito ang kay Tessa?” Tanong niya sa sarili at nagkunot-noo.
Pinanood na lang niya muli ang kuha ng CCTV. Inililipat niya ang tingin sa ibang kuha ng CCTV kapag nalalagpasan na nila Red ang camera.
Huminto ang sasakyan nila Red malapit sa opisina ng NBI. Mukhang dumiretso sa trabaho ang sekretarya ng kanyang ama matapos pumunta sa presinto.
“Ano kaya kung i-hack ko din ang CCTV sa loob ng NBI para makita ko ang ginagawa ng Tessa na iyon sa loob?” Nakapangalumbabang tanong niya sa sarili.
Sumandal siya sa kinauupan at humalukipkip. Tinitigan niya ang monitor. Mayamaya’y nakapagdesisyon na siya. Handa na sana siyang tumipa muli sa keyboard ng matigilan siya ng may mahagip ang mga mata niya sa kuha ng camera.
‘Anong ginagawa niya riyan?’ Nakakunot noo at naguguluhang tanong niya sa sarili.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top