H32

H32

           

YOU can’t hide from me forever, dipshit…” May gigil na bulong ni Hera sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa monitor at patuloy ang mga daliri sa mabilis na pagtipa sa keyboard.

Kanina pa siya nakaharap sa laptop ni Ethos at sinusubukang alamin kung sino ang nag-hack niyon. Naiinis na siya dahil nahihirapan siyang hanapin ito. Wala kasi siyang makitang traces na maaari niyang gamitin upang malaman kung sino ito.

“Can you really find him, Hera?”

Napalingon siya sa kanyang tabi at nakita niya ang nag-aalalang mukha ng kababata. Kanina pa rin ito naroon at pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

Si Ethos lang ang kasama niya ngayon sa bahay dahil umalis sina Red at Brylle. Nagpunta ang mga ito sa presinto upang kumuha ng impormasyon mula sa mga nahuling sumalakay sa kanila apat na araw na ang nakakalipas.

Ipinagkatiwala sa kanya ni Red ang paghahanap sa hacker na nag-hack ng laptop ng kababata kahit no’ng una ay sinabi nitong ito na lamang ang magti-trace sa taong iyon. Sinabi niya kasi rito na kaya niya na iyon at hindi matatapos ang araw ay mahahanap at malalaman niya rin kung sino ang hacker na iyon.

Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga at pabagsak na sumandal sa inuupan. Humalukipkip siya at mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa totoo lang ay pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng pag-asa. Nakailang beses na siyang sumubok para ma-trace ang hacker na iyon ngunit wala siyang napala. Pero kahit ganoon ay ayaw niyang sumuko. Kailangan niyang makaisip ng paraan para malaman kung sino ang hacker na iyon. ‘I won’t stop until I find you. Ikaw ang magiging susi namin para malaman namin ang totoo.’

“Maaaring wais ang hacker na iyon para siguraduhin na wala siyang naiwan na traces para hindi siya ma-locate. But I know better, Ethos. I’ve done this many times before kaya alam kong may paraan para mahanap ko siya.” Seryoso ang mga matang wika niya kay Ethos matapos lingunin itong muli.

She have hacked many computers before. And she made sure that every time she hacked, no traces will be left. And that’s exactly where her new idea is coming from on finding that hacker. Katulad ng kwento ni Rapunzel, ikinulong ang babae sa isang tower na walang pintuan palabas. Pero may bintana. Bintana na maaari niyang gamitin upang makalaya kung gagamitin niya lang ang mahaba niyang buhok.

“If I am not mistaken, the hacker used meterpreter to delete all the logs he made when he hacked your computer.” Aniya muli at ibinalik ang tingin sa monitor. Mahigpit niyang hinawakan ang mouse. “If he deleted it, then there’s only one way to find him.”

May naiisip na siyang paraan kung paano niya mati-trace ang hacker. Iyon ang huli niyang alas. Hindi madali pero alam niyang kung pagtutuunan niya ng pansin ay magagawa niya iyon. ‘You can do it, Hera. You just need to believe in yourself.’

Kumunot ang noo ni Ethos at nalilitong tiningnan siya, “How? Ikaw na ang nagsabi na walang iniwan na traces ang hacker. Paano mo siya mahahanap?”

Nilingon niyang muli ang kababata gamit ang determinadong mga mata. Nagpakawala siya ng isang matipid na ngiti, “Restore what was deleted.”

---

THEY’RE still keeping their mouths shut. They won’t talk who their bosses are,” Ani Brylle kay Red habang pareho silang nakatingin sa one way mirror kung saan sa kabilang kwarto ay nakikita nilang ini-interrogate ang isa sa mga lalaking nakasagupa nila sa bahay ng mga Enriquez.

Mariin na ikinuyom ni Red ang kanyang kamao. Nagpupuyos siya sa galit. Kanina pa sila naroon at pinapanood ang pag-i-interrogate ngunit ayaw talagang magsalita ng lalaking iyon kahit anong gawin ng interrogator dito.

“Fuck them,” Malutong na mura ni Red, “I’m sure that something will happen to them once they open their mouths.”

Marahas na bumuntong hininga si Brylle sa narinig nitong sinabi niya, “That’s for sure, Red. It’s either they will be killed or one of the members of their families will die.” Namulsa ito at matiim ang mga tinging muling ibinaling iyon sa nangyayaring interrogation.

Nagtagis ang mga bagang ni Red. Pareho sila ng paniniwala ni Brylle. Sigurado siyang buhay ang nakataya kaya kahit anong gawin ng interrogator sa lalaking iyon ay ayaw nitong magsalita. Isa pa, hindi naman ito magtatangkang mag-commit ng suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng poison pill ng araw na nahuli nila ito kung hindi buhay ang nakasaalang-alang.

Dumaan ang ilang sandaling katahimikan nang muling magsalita si Brylle. “Siyangapala, I finally managed to arrange a meeting with the Senator’s wife. But she requested na kung maaari it will be away from Manila and no one will know about it.”

Kumunot ang noo ni Red sa narinig na sinabing iyon ng detective. Nagtatakang nilingon niya ito, “That’s odd.”

“I know. And I think I have an idea why she requested it like that.” Makahulugang saad ni Brylle.

Tumango si Red. Naiintindihan niya kung ano ang gusto nitong sabihin. “We better make sure that no one will find it and we will not be followed.”

“Absolutely.” Sagot ni Brylle. “I’ve already arranged where will be meeting her. Isasabay natin ang pagpapakita natin sa kanya sa isang charity event na a-attend-an niya sa Zambales. This way, walang maghihinala na makikipag-meeting tayo sa kanya.”

“Tell me the whole details.” Ani Red.

“We will be pretending as one of the organizers of that charity event para hindi tayo mahirapan makalapit sa kanya. I already pulled some strings to get passes at para hindi tayo mapaghinalaan na hindi talaga tayo kasama sa mga organizers. There will be 30 minutes break during the event at doon natin siya kakausapin.”

Tumango si Red kay Brylle bilang pagsang-ayon at namulsa. Sa isip ay umiikot ang mga posibilidad na maaaring sabihin sa kanila ng sawa ng namatay na senador, “Okay then. When will that be?”

“Friday. 7pm.”

---

GOT you!” Isang malapad na ngiti ang kumawala sa labi ni Hera matapos makita ang resulta ng kanyang ginagawa kanina pa. Kulang na lang ay tumalon siya sa kasiyahan. Sa wakas, kahit isang log lang ay may nai-retrieve na siya!

“This is more than enough to find you, hacker.” Nakangising wika niya at mabilis ang mga daliring tumipa muli sa keyboard. Pakiramdam niya ay nabuhay ang kanyang dugo dahil sa excitement na nararamdaman. Pakiramdam niya sa pagkakakita sa log na iyon ay nakakita siya ng pandora’s box. Pandora’s box na sa tingin niya ay naglalaman ng iba’t ibang bagay na susurpresa sa kanya. She really cannot wait to find that goddamn hacker!

Lumipas muli ang ilan pang minuto ng tumayo siya sa kinauupuan. Nag-inat siya ng mga kamay at malapad ang ngiting pinatunog ang mga daliri. Parang nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa monitor ng laptop ng kababata.

“Hey, what’s happening?”

Napalingon siya sa pinto at nakita niya si Ethos na pumasok. May bitbit itong meryenda. Inilapag nito sa mesa ang hawak na tray at matapos ay nagtatakang tiningnan siya.

Nakangiting inabot niya ang sandwich sa tray at matapos ay kumagat doon. Nagutom siya sa kanyang ginawa.

“Care to tell me what’s happening?” Nakakunot noong tanong ni Ethos sa kanya at naupo sa inuupuan nito kanina.

Uminom muna siya ng juice at pagkatapos ay nakangising nilingon ang kababata, “I already found his IP Address, Ethos.”

Bahagyang nanlaki ang mata ni Ethos sa narinig nitong sinabi niya, “Really?”

“Yes.” She grinned. Excited na naupo siyang muli at iniharap sa kababata ang laptop, “See this?” Aniya at itinuro ang IP Address na nakita niya, “Iyan ang IP address ng nag-hack ng laptop mo.”

Nakita niya sa mga mata ni Ethos ang pagka-amaze dahil sa nagawa niya. Mukhang hindi nito inaasahan na mahahanap niya talaga ang hacker na iyon. Nakangiting hinawakan nito ang kanyang balikat at marahang tinapik-tapik iyon, “Mukhang mapapantayan mo na si Tito Marco sa galing mo sa ganitong bagay. Ang galing mo, Hera.”

Kahit na pinuri siya ni Ethos ay bahagyang nakaramdam siya ng lungkot. Naalala niya kasi bigla ang kanyang ama dahil sa sinabi nito. ‘How I wish na nandito ka pa rin sa tabi ko Daddy…’

Sumandal siya sa inuupuan at malungkot ang mga ngiting tinitigan ang monitor. Naalala niya ang araw kung kailan nahuli siya nito na ni-hack niya ang computer nito, “Alam mo ba dati, sinubukan kong i-hack ang computer ni Daddy para lang hindi niya makita ‘yung mga failing grades ko? Parang ganito rin ang case. Wala akong iniwan na trace. Pero nahuli niya pa rin ako.”

Inabot ni Ethos ang kanyang ulo at bahagyang ginulo iyon. Nakangiting tiningnan siya nito, “Well, Tito Marco is Tito Marco. Walang nakakalusot sa kanya kahit anong gawin mong pagtatago.” Anito.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ng kababata at tiningnan ito, “Yeah. Si Daddy pa? Kahit anong iwas kong malaman niya ang kalokohan ko, nahuhuli niya pa rin ako.” Aniya at nangingiting umiling-iling pa.

Naalala niya ang mga panahon noong bata pa siya kapag naiisipan niyang gumawa ng kalokohan ay nahuhuli siya nito. Walang nakakalusot dito kahit anong galing niya sa pagtatago.

“I’m sure, Tito Marco is very proud of you, Hera. Maaaring hindi natin siya kasama ngayon but I know wherever he is, palagi ka niyang binabantayan. And he’s very proud to see you being strong and trying your best to do what is right.” Kapagkuwa’y seryosong wika ni Ethos sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang sinseridad sa sinabi nito.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya napigilan ang pangingilid ng kanyang luha, “Thank you, Ethos. Thank you.”

Muling ngumiti sa kanya si Ethos at hinawakan ang kanyang kamay. Marahan nito iyong pinisil, “Wala iyon, Hera.”

Nagpakawala si Hera ng isang malalim na buntong hininga at pagkatapos ay muli ng ngumiti. Marahan na inalis niya ang pagkakahawak ni Ethos sa kanyang kamay at inilapat iyon sa keyboard.

Ayaw na muna niyang maging malungkot. May panahon para roon. Sa ngayon ay kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang pag-alam kung sino ang hacker na nag-hack ng laptop ng kababata. Iyon kasi ang magbubukas ng daan para malaman nila kung sino ang nasa likod ng kaguluhan na nangyayari sa buhay niya.

“Ngayon na alam na natin kung ano ang IP address ng hacker na iyon, madali na natin malalaman kung sino siya.” Aniya kay Ethos at seryosong itinutok ang mga mata sa monitor.

Mabilis ang mga daliri na tumipa muli siya sa keyboard. Gamit ang kanyang IP locator ay hinanap niya kung sino ang nagmamay-ari ng IP Address na iyon. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang resulta. Mabilis na kumunot ang noo niya. Bigla siyang naguluhan sa nakita.

“Anong ibig sabihin nito?...” Halos pabulong na tanong ni Hera sa sarili habang nakatitig sa monitor.

“Why? Anong nangyari, Hera?” Takang tanong ni Ethos sa kanya ng makita nito ang pangungunot ng kanyang noo. Tiningnan rin nito ang tinitigan niya.

“This IP Address…” Ikinuyom niya ng mariin ang kanyang kamao. Mukhang nagkakaroon na siya ng idea kung ano ang nangyayari.

---

SANDALI lang, Brylle. H’wag mo munang paandarin ang sasakyan.” Pigil ni Red kay Brylle ng buhayin nito ang makita ng kotse nito.

“Bakit?” Kunot noong tanong nito.

“Tumingin ka roon,” Sagot niya rito at itinuro ang tinitingnan.

Isang babae ang nahagip ng kanyang mga mata ng makasakay siya sa kotse ni Brylle. Papunta ang babae na iyon sa nilabasan nilang presinto. Medyo may katangkaran ang babae at tantya niya ay nasa early thirties pa lamang ito. Nakasuot ito ng corporate attire na nagbibigay dito ng istriktong aura. Seryoso ang mukha nito at diretso ang tingin habang naglalakad.

“She looks familiar,” Ani Brylle na hindi rin inaalis ang tingin sa babae.

“She’s Director Enriquez’ secretary,” Ani Red sa detective.

Mas lalong kumunot ang noo ni Brylle sa sinabi niyang iyon, “Director Enriquez’ secretary? Anong ginagawa niya rito?”

“Exactly my question, Brylle.” Nakatiim-bagang na sagot niya.

May nabubuhay na hinala sa kanya. At sa tingin niya ang hinala na iyon ay hindi niya dapat balewalain.

“Should we follow her?” Tanong ni Brylle.

“Let’s just stay her for a while. Hintayin natin siyang makalabas diyan at saka natin siya sundan.” Sagot ni Red habang matiim na pinagmamasdan ang babae.

Tumango si Brylle bilang pagsang-ayon sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa babaeng papasok na ng presinto.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top