H31

H31

HERE.”

Bahagyang napapitlag si Hera at napatigil sa pagmumuni-muni ng makita niyang may naglapag ng isang mug na may lamang umuusok pa na mainit na tsokolate sa kanyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at ang nakangiting si Brylle ang kanyang nabungaran.

“Thank you,” Nakangiting wika niya rito.

Inabot niya ang mug at sumimsim doon. Nakaramdam agad siya ng ginhawa ng makainom. Nabawasan din ang panlalamig na nararamdaman niya kanina pa dahil sa malamig na simoy ng panggabing hangin.

“Can’t sleep?” Tanong nito at naupo rin sa bermuda grass. Inilapag nito sa tabi ang bitbit na dalawang beer in can.

Tumango siya kay Brylle bilang sagot at kapagkuwa’y tumingala sa kalangitan. Tinitigan niya ang bilog na bilog na buwan.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng mabaril si Red. Hindi pa tuluyang magaling ang lalaki ngunit nagpumilit itong lumabas agad ng ospital. Kahit anong pigil nila rito at sabi na magpahinga muna at magpagaling ay naging matigas ang pagtanggi nito. Ang naging katwiran nito sa kanila ay hindi dapat sila mag-aksaya ng oras. Isa pa raw ay hindi nila alam kung kailan susugod muli ang kalaban kaya mas mabuting handa sila.

Alam na rin nito ang tungkol kay Ethos. Nang araw na magising ito ay masinsinan silang nag-usap kasama si Brylle. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay napagpasyahan nilang pagkatiwalaan ang kababata. Isa pa, napatunayan din kasi ni Red na isa talaga itong secret agent. May kinausap itong katrabaho sa FBI at humingi ng pabor upang i-verify kung isa ngang trainee si Ethos doon.

“Why are you helping me, Brylle?” Tanong niya sa katabi matapos basagin ang mahabang sandali ng katahimikan na pumalibot sa kanilang dalawa.

To be honest, she’s very grateful for having Brylle in her side. Hindi niya ito kaano-ano at mas lalong wala itong kinalaman sa problema niya ngunit walang alinlangan itong nag-alok ng tulong sa kanila ni Red. Hindi niya alam kung paano niya ito pasasalamatan at magagantihan sa lahat ng tulong na ibinigay at ibibigay pa lamang nito sa kanila.

Nagkibit balikat si Brylle, “Because I’m a type of person na hindi natatahimik hangga’t hindi nareresolba ang kasong pinahawakan sa akin,” Sagot nito at kinuha ang isang beer in can na inilapag sa tabi. Kapagkuwa’y binuksan nito iyon at matiim na tinitigan, “You know that Senator Rodriguez case was pulled out on me, right? I know that it’s not just a simple heart attack. It’s a murder. And because the senator’s case is connected with your father’s case, I’ll do whatever I can to know the truth and find the culprits.” Uminom ito ng beer at matapos ay pinunasan ang labi nito. Nilingon siya nito at tiningnan gamit ang sinserong mga mata, “But of course, aside from that, I really have a high respect to your father. Kahit na hindi ko siya naging superior, I have heard a lot of things about him. He’s an amazing man. A good and responsible leader. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Gusto kong managot kung sino man ang pumatay sa kanya. I don’t’ want his death put into waste.”

Hindi napigilan ni Hera ang pangingilid ng kanyang luha sa narinig. Hearing Brylle’s reason brought warmth to her heart. She’s happy to know that there’s another person who wants nothing but justice for her father’s death. ‘You’re so lucky for having people like Brylle, Ethos and Red, Dad.’

“Thank you, Brylle. Thank you.” She said sincerely to him at inabot ang kamay nito at marahang pinisil.

Ngumiti sa kanya ang detective. He reached for her head and patted it, “Don’t thank me yet, Hera. Hangga’t hindi ko pa nareresolba ang kaso na ito at nalalaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, itabi mo muna ‘yang pasasalamat mo. Sisingilin kita ng mga salitang ‘yan kapag nagawa ko na ang mga iyon.” He said and winked at her.

Napangiti si Hera sa sinabing iyon ni Brylle, “Ah, gan’on ba? Hindi ko ba pwedeng i-advance na ang thank you ko? Hindi kasi ako sanay na may utang, e.” Biro niya.

Brylle grinned at her, “I’m sorry to say this, Miss, but that is non-negotiable. You can only thank me once I fulfill the job I need to do. Until then, you are indebted to me.”

Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Hera na mapatawa. Hindi niya akalain na may ganitong side din pala ang detective. She always thought him as a serious type of man. ‘Yung tipo ng tao na hindi marunong magbiro at hindi pwedeng biruin. She’s amused to see him smiling and playing around.

“Didn’t know na may sense of humor ka rin pala, detective.” Natatawang wika niya rito.

“Sinong may sense of humor?” Nakakunot noo at inosenteng tiningnan siya ni Brylle. Halata sa mukha nito ang pagpipigil na ngumiti.

Kinagat niya ang labi upang pigilan ang sarili na muling tumawa. Naaaliw talaga siyang makita ang makulit na side ng detective, “Ako po. Sarili ko po ‘yung tinutukoy ko.” Aniya at itinuro ang sarili.

“Talaga? May sense of humor ka? Pwede bang makahingi ng sample?” Anito habang pilit sinusupil ang ngiting kanina pa pilit kumakawala sa labi nito.

Umiling siya ng makailang ulit, “No, no, no. Ayoko. Baka hindi bumenta sa’yo. ‘Yung sense of humor ko kasi is for myself only lang.” Sagot niya.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Brylle na tumawa sa kanyang sinabi. Sabay silang tumawa nito. Kapagkuwa’y inabot nito ang kanyang ulo at biglang ginulo ang kanyang buhok. Tumatawang umiwas siya rito at pilit pinigilan ang kamay nito.

“Awat na, Detective! H’wag mong pag-trip-an ang buhok ko! Kinakawawa mo, e!” Tumatawang saad niya rito habang panay ilag sa kamay nitong pilit inaabot pa rin ang kanyang ulo.

Tumatawang umiling si Brylle. Maya-maya’y tumigil na rin ito sa pag-abot sa kanyang ulo. Nakangiting tinitigan siya nito, “It’s nice to see you laughing, Miss Hera. Mas bagay sa’yo ang tumatawa kaysa ang umiiyak. You look more beautiful. You should laugh more often.”

Pakiramdam ni Hera ay mabilis na nag-init ang pisngi niya sa narinig na sinabing iyon ni Brylle. Hindi talaga siya sanay na nakakakuha ng komplimento mula sa ibang tao lalo na’t lalaki ang nagsabi.

“Thank you,” Nahihiyang wika niya. Umayos siya ng upo at inayos ang nagulong buhok niya. Matapos ay inabot niya muli ang mug at nahihiyang uminom ng tsokolate.

“But seriously, thank you talaga, detective.” Wika niya muli matapos dumaan ang ilang sandaling katahimikan. Nilingon niya ito gamit ang sinserong mga mata, “Thank you sa lahat-lahat. Thank you rin kasi pinatuloy mo kami rito sa bahay mo.”

Matapos mai-discharge si Red sa ospital kanina ay dito sila dumiretso sa bahay ng detective. Inalok nito ang sariling tahanan na pansamantalang maging tuluyan nila habang hindi pa safe ang bahay niya. Isa pa ay mas malapit ito sa ospital kaysa sa tinitirhan ni Red na condo. Mag-isa lang din naman daw ito sa bahay kaya pwedeng-pwede silang manatili roon.

“Don’t mention it.” Nakangiting wika nito at uminom muli ng beer.

Isang mahabang sandali muli ang pumalibot sa kanilang dalawa ng biglang may naalala si Hera na itanong kay Brylle.

“Siyangapala, Brylle. N’ong nag-iimbestiga ka sa kaso ni Senator Rodriguez, ano-ano ang mga nalaman mo?” Curious na tanong niya.

Ang totoo niyan ay n’ong nakaraan niya pa iyon gusto itanong. Pero dahil sa mga nangyari nitong mga nakalipas na araw ay nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na iyon.

Tumiim ang mukha ni Brylle at mahigpit na hinawakan ang beer in can. Nawala ang mga ngiti nito sa labi at seryosong tiningnan siya, “When I was investigating the senator’s case, I always end up with the dead end.”

“Ha?” Nakakunot ang noo at may lito sa mga matang tiningnan niya ito, “Dead end? Paano mo nasabi?”

Nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga si Brylle at kapagkuwa’y nag-umpisa ng magkwento ng mga nalaman nito habang nag-iimbestiga sa kaso ng senador. Mula sa iniwan nitong dying message hanggang sa paghahanap nito sa tumawag dito ng araw na namatay ito.

“Whoever the killer is, he’s too clever to make sure that there’ll be no evidence left that will point him as the suspect.”

Sabay na napalingon si Hera at Brylle ng marinig nilang may nagsalita galing sa likuran. Nakita nila si Red na mukhang kanina pa naroroon at nakikinig sa kanila.

“Bakit ka lumabas? Dapat nagpapahinga ka pa, ah!” Nag-aalalang wika ni Hera. Tatayo sana siya upang lapitan ito ngunit sinenyasan siya nito na manatiling nakaupo. Naglakad ito papalapit sa kanila ni Brylle at matapos ay maingat na naupo sa kanyang tabi.

“We need to do something to know who that caller is and what S and N stand for.” Ani Red.

“I know. And that’s what I intend to do,” Sagot ni Brylle at inabot kay Red ang isang beer in can na hindi pa nito nabubuksan. Inabot ni Red iyon at nagpasalamat. Kapagkuwa’y binuksan nito iyon at uminom.

Tahimik na uminom ng beer ang dalawang lalaki habang bakas sa mga mukha na nahulog ang mga ito sa malalim na pag-iisip.

“Ano kaya ang ibig sabihin ng S at N na ‘yun?” Halos pabulong na wika ni Hera at niyakap ang kanyang mga tuhod. Tumitig siya sa kawalan.

Pilit niyang inisip kung ano ang ibig sabihin ng dalawang letrang iyon ngunit wala talaga siyang maisip. Ang alam niya lang ay marahil ay pangalan iyon ng killer o maaaring pangalan ng organisasyong tinutukoy ng kanyang ama noon kay Red.

Isang pipit ang dumapo sa kanyang harapan ang umagaw sa kanyang atensyon. Nagpalinga-linga ito saglit at matapos ay mabilis ding lumipad. Napangiti siya. Naisip niya na mabuti pa ang ibon na iyon. Tila walang problema at malayang-malaya na nakakalipad ng walang nararamdamang bigat sa dibdib.

“Siyangapala, did you tell Ethos to bring his laptop tomorrow?” Tanong ni Red sa kanya.

Nilingon niya ito at tumango bilang sagot.

Umuwi si Ethos ngayon sa bahay nito upang kumustahin ang ina nito. Sa loob kasi ng tatlong araw na nasa ospital si Red ay hindi nito nagawang umuwi dahil marami itong inasikaso kasama si Brylle tungkol sa nangyaring insidente sa bahay nila.

Ipinakiusap niya rin sa kababata na dalhin ang pag-aari nitong laptop pagbalik nito bukas. Uumpisahan niya na kasing ng i-track down kung sino man ang nag-hack sa computer nito. Hindi niya kasi nagawa iyon sa nakalipas na araw dahil sa pagbabantay at pag-aasikaso kay Red.

“Good.” Anito at uminom muli ng beer.

“You should be resting now, Red. Hindi ka gagaling agad sa ginagawa mo.” Paalala niya rito.

Ngumiti lang sa kanya ang lalaki at hindi sumagot. Kapagkuwa’y hinawakan nito ang kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok.

Aist! Bakit ba trip niyo guluhin ‘yung buhok ko?” Nakangusong wika ni Hera sabay ayos ng nagulo na namang buhok niya.

Tinawanan lang siya ni Red at Brylle sa kanyang sinabi.

“Oh, siya. I’ll go ahead,” Ani Brylle at tumayo na. “Kayo? Hindi pa ba kayo matutulog?”

Umiling si Hera sa tanong na iyon ni Brylle. Si Red naman ay ganoon din.

“Okay. Good night na sa inyong dalawa. Mauna na ako.” Anito at tumalikod na matapos nilang tumango rito.

Nang masolo silang dalawa ni Red ay tahimik lang silang tumitig sa kalangitan.

“When I will be safe, Red?” Maya-maya’y tanong niya sa katabi at bumuntong hininga ng malalim. Muli niyang niyakap ang kanyang mga tuhod at nakapikit ang mga matang ipinatong niya roon ang kanyang noo.

Simula ng nangyari ang kaguluhan sa buhay niya ay hindi niya alam kung saan at kailan siya ligtas. Pakiramdam niya ay bawat kilos niya ay may nagmamanman sa kanya at handa siyang kunin. Natatakot siya. Pero pilit niyang pinakatatagan ang kanyang loob. Ayaw niyang panghinaan pero may mga pagkakataong katulad ngayon na hindi niya maiwasang makaramdam ng ganoon. Alam niyang hindi naman siya pababayaan nila Red. Pero minsan, naiisip niya rin na hindi imposibleng mangyari na makuha siya ng kalaban. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya. At natatakot siya kung ano man ang gagawin ng mga ito sa kanya once na makuha siya ng mga ito.

Wala siyang nakuhang sagot kay Red. Bagkus ay nakarinig siya ng mahinang tunog. Tunog ng isang kantang papaumpisa pa lamang.

Nag-angat siya ng tingin. Nakita niya si Red na inilapag ang cellphone nito at muling tumingin sa kalangitan.

Nobody knows
Just why we're here
Could it be fate
Or random circumstance
At the right place
At the right time

Nagulat si Hera ng sabayan ni Red ang kanta. Pakiramdam niya ay naumid ang kanyang dila at hindi siya makapagsalita. Pinakinggan niya ang patuloy na pag-awit nito.

And if the universe conspired
To meld our lives
To make us
Fuel and fire
Then know
Where ever you will be
So too shall I be

Maganda ang boses ni Red. Iyon ang napansin niya habang pinapakinggan ito. At pakiramdam niya rin habang umaawit ito ay ipinaabot nito sa kanya ang bawat titik ng kantang iyon.

Nilingon siya ni Red. Seryoso ang mga matang nakatitig sa kanya.

Close your eyes
Dry your tears
'Coz when nothing seems clear
You'll be safe here

From the sheer weight
Of your doubts and fears
Weary heart
You'll be safe here

Naipikit ni Hera ang kanyang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang gustong iparating sa kanya ni Red. Napangiti siya. Sapat na ang pagkanta iyon ni Red upang maalis ang lahat ng agam-agam at takot na meron siya.

When the light disappears
And when this world's insincere
You'll be safe here
When nobody hears you scream
I'll scream with you
You'll be safe here

Save your eyes
From your tears
When everything's unclear
You'll be safe here

“You will always be safe here with me, Goddess. I will never let anyone hurt you. Please always remember that.” Sinserong wika ni Red sa kanya.

Tumango siya rito at nangingilid ang luha sa mga matang ngumiti, “Salamat. Maraming-maraming salamat, Pula.” Aniya rito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top