H29

H29

“I…I have evidence, Ethos!” Pilit pinakatatagan ni Hera ang kanyang boses at pinatapang ang kanyang mukha upang hindi makita ni Ethos ang takot na nararamdaman niya habang nakatingin sa galit na mga mata nito.

Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Hindi niya alam kung dapat niya bang paniwalaan ang mga sinasabi ng kanyang kababata. May isang bahagi ng kanyang utak na nagsasabing hindi ito nagsisinungaling. Na narito talaga ito ngayon upang tulungan at iligtas siya. Pero ang isang bahagi naman ay nagsusumigaw at nagsasabi na h’wag siyang basta-basta maniwala rito. Na may ebidensya siya at iyon ang dapat niyang panghawakan. Na narito ito ngayon hindi para iligtas siya kundi ay para saktan—o mas malala ay patayin siya.

“What?” Ang mga galit na mga tingin ni Ethos sa kanya ay napalitan ng pagkalito. Mabilis ding kumunot ang noo nito. Tila nagpapahiwatig na wala itong alam sa sinasabi niya. “What evidence are you talking about?”

‘Huwag kang magpadala sa reaksyon niya, Hera. Maaaring nagpapanggap lang siyang walang alam para hulihin ang loob mo.’ Bulong ng kanyang isipan.

“Don’t fool me, Ethos!” Asik niya at muling galit na tinitigan ito sa mata, “You are one of them. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa’yo o ni Dad para gawin sa amin ito. You are my childhood friend and yet you want us dead!”

Kung makikita ni Hera ang kanyang mga mata sa salamin ay masisigurado niyang puno iyon ng hinanakit, pagkapoot at panghihinayang na rin. Maaaring ngayon lamang sila muling nagkita ni Ethos pero kababata niya ito. Kaibigan. Bakit nito gugustuhin na mawala siya sa mundong ibabaw? Anong nagawa niya rito para naisin nito na gawin ang bagay na iyon?

Pumikit ng mariin si Ethos at naikuyom ng mariin ang kamay nito. Kung titingnan ni Hera ang reaksyon ng gwapo nitong mukha ay iisipin niya na frustrated ito dahil ayaw niya itong paniwalaan. Na nasasaktan ito dahil sa lahat ng taong pwede niyang pagbintangan ay ito pa ang itinuturo niyang salarin.

‘Why it has to be you, Ethos?’

Huminga ng malalim si Ethos at sinalubong ang nagbabagang tingin niya, “Katulad ng sinabi ko sa’yo kanina, I’m not one of them, Hera. I’m not a member of that fucking organization!”

Napaatras si Hera sa gulat dahil sa ginawang pagsigaw na iyon ng kababata. Ito ang unang beses na narinig niya itong sumigaw. Simula ng nakasama niya si Ethos ay palaging malumanay ito magsalita kapag nagkakausap sila. May mga pagkakataong maangas ito lalo na sa tuwing inaasar siya nito pero kahit kailan ay hindi niya ito narinig na nagtaas ito ng boses. Ngayon lang.

“I’m a secret agent, Hera. A trainee to be specific.” Anito na sa pagkakataong iyon ay sa mababang boses na. Ang mga galit na tingin nito sa mata kanina ay napalitan ng pagsuyo. Na lumambong din matapos bigkasin ang mga sumunod na salita.

“I came back here because of your father’s request.”

Napanganga si Hera sa narinig. Parang saglit na tumigil sa pag-function ang utak niya sa sinabing iyon ni Ethos.

“Here’s my ID to prove that I’m telling the truth.” Wika pa nito at naglabas ng ID mula sa wallet nito. Inabot nito ang kanyang kamay at nilagay doon ang bagay na iyon.

Tinitigan ni Hera ang ID. Nakaimprenta roon ang buong pangalan ni Ethos pati na ang posisyon nito sa FBI. Secret Agent.

‘It can be fake, Hera. Don’t tell me maniniwala ka na agad dahil lang sa ID na ‘to?’

“This won’t prove anything—” Natigil si Hera sa kanyang sinasabi ng makarinig muli ng mga putok ng baril. Isang impit na hiyaw muli ang kumawala sa kanyang lalamunan dahil doon.

“Shit!” Narinig niyang mura ni Ethos at hinawakan siya sa braso, “Umalis na tayo dito, Hera. Please.” Pakiusap nito sa kanya ng tingnan siya nito.

“Sina Red…” Usal niya at hindi pinansin ang sinabi ni Ethos sa kanya. Bigla niyang naalala ang kanyang mga kasama.

Nag-aalala siya sa dalawang lalaki na naiwan sa loob ng kanilang bahay. Baka isa sa mga ito ay napahamak. “I need to go there!” Pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak sa braso sa kanya ni Ethos ngunit hind ito nagpatinag.

“Are you nuts?! You can’t go there, Hera! It’s dangerous!” Ethos hissed at her.

“Pero sina Red!” Sigaw niya at pilit na nagpumiglas. Kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay isa sa mga lalaking kasama niya ay sugatan na. ‘Oh God! Please don’t let them get hurt.’

Magkakasunod na mga putok pa muli ang narinig nila ni Ethos. Gusto niyang tumakbo papasok sa loob ng bahay ngunit malakas si Ethos kaya hindi siya makaalis sa pagkakahawak nito sa kanya. Hinila siya nito muli sa likod ng puno.

“Let’s stay here for a while.” Bulong ni Ethos sa kanya. Malilikot ang mga mata nitong inikot ang mga mata sa paligid at nakiramdam.

Bumuntong hininga si Hera ng marahas. Alam niyang walang magagawa ang pagpupumiglas niya dahil mas malakas sa kanya ang kababata. Isa pa, may hawak itong baril. Hindi pa rin lubos ang tiwala niya rito kaya naman mas minabuti niya na lang manahimik at sundin ang sinasabi nito. Baka kasi bigla na lang siya nitong baralin kapag nagmatigas pa siya.

Nakarinig pa silang muli ng mga gunshot at matapos noon ay tumahimik na. Nagpalipas muna sila ng ilang minuto bago siya hinila ni Ethos paalis sa likod ng puno.

“Aalis na tayo rito, Hera. Ipupunta muna kita sa mas safe na lugar at babalik na lang ako rito para i-check ang mga kasama mo,” Anito at karay-karay siya nitong naglakad ng mabilis.

“Pero—”

“Stop being hard-headed, Hera! Just this once, okay!?” Anito at tiningnan siya ng masama, “Kung gusto kitang patayin, kanina ka pa dapat walang buhay. Malayang-malaya akong patayin ka ngayon pero nakita mo bang itinutok ko sa’yo ang baril ko bukod sa kanina ng hindi ko pa alam na ikaw ang nagtatago sa likod ng puno? Kung kasama nga ako sa organisasyon na sinasabi mo, bakit ko babarilin ang lalaking iyon para lang iligtas ka? Kung kalaban ako, hindi mo na ako dapat kasama ngayon at paniguradong paakyat na ang kaluluwa mo sa langit.” May gigil na wika pa nito at muling bumuntong hininga, “I’m not the enemy here, Hera. Trust me.”

Napipilan si Hera sa narinig. Ayaw man niyang aminin ay may punto ang sinabi nito sa kanya. Gusto niya itong pagtiwalaan. Ngunit natatakot siyang baka pagsisihan niya lang iyon sa huli.

“Alright. Sasama na ako sa’yo,” Wika niya rito at sinalubong ang tingin nito, “But it doesn’t mean that I already trust you, Ethos.”

Isang malakas na buntong hininga muli ang pinakawalan ni Ethos at matapos noon ay tumango. Binitawan na siya nito at sinabing sumunod siya rito.

Tahimik silang naglakad na dalawa. Nang makaliko sila patungo sa harap ng bahay ay nagulat si Hera ng makita sina Red at Brylle. Pero ang mas lalo niyang ikinagulat ay ang makitang biglang bumagsak si Red sa semento.

“RED!” Malakas na sigaw niya at tumatakbong lumapit sa lalaki.

Parang tinakasan ng lakas si Hera ng makita ang estado ni Red ng makalapit siya rito. Duguan ang likod nito at wala itong malay.

“Hey, Red! Wake up!” Mabilis na tumulo ang luha niya. Ayaw niyang bigyang pansin ang negatibong ideya na pilit na nagsusumiksik sa kanyang isipan. Tinapik-tapik niya si Red sa pisngi ngunit hindi man lang ito nagmulat ng mata. Ilang beses niya itong tinawag sa pangalan at niyugyog ngunit hindi pa rin ito kumilos.

“Tumawag kayo ng ambulansya! Dalhin na natin si Red sa ospital!” Sigaw niya. Naghi-hysterical na siya. Ayaw gumising ng lalaki. Marahas siyang lumingon kay Brylle at nakita niyang seryoso ang mukha nitong nakatutok ang baril kay Ethos. Paglingon niya sa kanyang kababata ay ganun din ang gawa nito.

“Mamaya na kayo magtutukan ng baril! We need to bring Red in the hospital!” Bulyaw niya sa dalawa ng mapansin niyang wala man lang ni isa sa mga ito ang pumansin sa sinabi niya. Pumunta pa siya sa gitna ng dalawang lalaki at nagmura ng malakas para kunin ang atensyon ng mga ito.

Tila naman natauhan sina Ethos at Brylle kaya mabilis na inilipat ang tingin sa kanya.

“I’ll call the ambulance,” Ani Ethos at dumukot ng cellphone sa bulsa nito. Maya-maya’y narinig niya na lang na may kausap ito sa telepono.

“What is he doing here, Hera?” May diing tanong ni Brylle sa kanya at lumapit ito muli kay Red.

Sa luhaang mga mata ay mabilis na kinwento niya kay Brylle ang sinabi ni Ethos sa kanya kani-kanina lang. Matapos niyang ilahad dito iyon ay tulad niya ay hindi rin ito lubos na nagtitiwala sa kababata.

Ilang minuto lang ang lumipas ay mabilis na dumating ang mga ambulansya at mga pulis. Mabilis na sumakay si Hera sa isa sa mga ambulansya kung saan isinakay din si Red. Ayaw sanang magpaiwan ni Brylle at gustong sumama sa ospital ngunit wala itong nagawa kundi manatili sa bahay at asistehan ang mga kapulisang naroon. Para makasiguradong magiging ligtas silang dalawa ni Red ay nagpasama ito ng mga pulis. Si Ethos naman ay sumakay rin sa ambulansya at sinamahan siya.

“He’ll be fine,” Pang-aalo ni Ethos sa kanya matapos mapansin nitong patuloy ang kanyang pagluha. Pinunasan nito ang kanyang luha gamit ang panyong inilabas nito sa bulsa ng suot nitong pantalon. Matapos noon ay ang isang kamay nito ay humagod sa kanyang likod samantalang ang isang kamay naman ay humawak sa kanyang balikat.

Tahimik na umiyak pa rin si Hera. Hawak ng mariin ang kamay ni Red ay taimtim siyang nagdasal sa Diyos na sana ay walang mangyaring masama rito.

---

“Everything is covered up. Walang makalalabas sa media tungkol sa nangyari sa bahay niyo ngayon, Hera.” Mula sa pagkakatulala ay tiningnan ni Hera si Ethos sa kanyang tabi. Kanina pa sila sa labas ng emergency room. Naghihintay na lumabas ang doktor para sabihin kung kamusta na ang kalagayan ni Red.

Tumango si Hera kay Ethos. Gusto niyang usisain kung paano nito iyon nagawa ngunit isinantabi niya na lang muna ang bagay na iyon. Mas importante sa kanya na marinig ang sasabihin ng doktor. Na okay si Red. Na ligtas ito sa panganib. Yumuko siyang muli at pinaglapat ang mga palad. Tahimik na umusal uli ng panalangin.

‘Lord, don’t let him die. Save him, please…’

Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na dinarasal ni Hera. Natatakot siya na baka kapag lumabas ang doctor mula sa emergency room ay sabihin nitong wala ng buhay si Red. Ayaw niya. Hindi niya matatanggap iyon. Masakit sa kanya na wala na ang kanyang ama at kung pati si Red ay mawawala rin ay baka tuluyan na siyang bumigay.

Aaminin niya na sa loob lamang ng maikling panahon na nagkasama sila nito ay mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki.Alam niyang hindi tama iyon. Pero sino ba ang hindi mapapaibig ni Red? Maaaring masungit at may pagka-moody ito ngunit hindi maipagkakaila na napakamaalalahanin nitong tao. Napakabuti pa nito at napaka-selfless. Handa itong ibigay ang buhay nito sa kanya para lamang siya maprotektahan.

Hindi niya masasabing sa estado ng nararamdaman niya ngayon ay mahal na niya si Red. Maaaring papunta pa lamang ito roon. Ang alam niya lang ay napakaimportante ni Red sa kanya. At alam niya na kung saka-sakali, na hinihiling niya na h’wag naman sanang mangyari, na mawala ito sa kanya ay hindi niya iyon kakayanin.

‘He’ll be okay. What you just need to do is believe in Him, Hera. Have faith. Hindi Niya pababayaan si Red.’ Wika niya sa sarili at muling taimtim na nagdasal.

---

“You still don’t trust me, do you?” Narinig ni Hera na wika ni Ethos matapos basagin ang pumalibot sa kanilang katahimikan sa loob ng mahabang sandali. Naroroon pa rin sila sa labas ng emergency room. Ilang oras na ang lumipas ngunit wala man lang nurse o doctor ang lumalabas pa roon upang magbigay ng balita sa kalagayan ni Red.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay tiningnan niya lamang ito.

“Whether you believe it or not, I’m here to help and protect you, Hera.” Anito at tumitig sa pader na katapat nila. “Your father knew that I was being trained to become a secret agent. He asked for my help. He said that your life is in danger. So I came back. Hindi ako nagdalawang isip na sumagot ng oo sa pabor na hiningi ni Tito sa akin. Kababata kita. And even though we grew apart, you’re still my one and only best friend for me.”

Napasinghap si Hera sa narinig. Katulad ng unang beses na sinabi nito sa kanya na ang ama niya ang nagpapunta rito para siya ay bantayan ay hindi niya pa ring mapigilan ang sarili na magulat.

‘How many people did you ask to protect me, Dad?’ Bulong niya sa sarili.

Gustong pumalahaw muli ng iyak ni Hera. Bukod sa nag-aalala siya para kay Red ay naalala naman niya ang kanyang ama. Ramdam na ramdam niya ang labis na pagmamahal nito sa kanya. Hindi pa man din lubos na nagtitiwala siya kay Ethos ay pakiramdam niya ay nagsasabi ito ng totoo. Na talagang narito ito sa tabi niya ngayon upang protektahan siya dahil iyon ang bilin ng kanyang ama rito.

‘Si Red…si Ethos…Sino pa, Dad?’ Isang matipid na ngiti ang kumawala sa labi niya. Labis siyang nagpapasalamat sa Diyos na biniyayaan siya ng sobrang mapagmahal at mapag-alagang na ama. Hindi niya lang maiwasan na hindi makaramdam ng panghihinayang dahil hindi niya man lang nagawang tumbasan ang lahat ng pag-aaruga at pagmamahal na binigay nito sa kanya.

“If it’s true, Ethos, explain this to me.” Inilabas niya mula sa sukbit niyang bag ang cellphone na nakuha niya sa pool noong araw na iyon.

Hera already believes in what Ethos said a while ago. Oo. Tumataas na muli ang lebel ng pagtitiwala niya rito. But then, she still needs to hear an explanation about the evidence she has in her hands.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top