H28

H28

“Here it is,” Wika ng isang babae sa lalaking kaharap at inilapag sa mesa ang hawak nitong maliit na bagay.

Tumingin ang lalaki sa babae at matapos ay dinampot ang bagay na iyon. Nang mahawakan ay ngumisi ito ng malapad. Pinaglaruan nito iyon sa kamay at pinakatitigan. Itinaas pa nito ang mga paa sa mesa at nagpakuya-kuyakoy sa inuupuan nitong swivel chair.

“Do you still need her?” Maya-maya’y tanong ng babae.

“Hmmm…” Hindi napapalis sa labi ang ngisi na tiningnan muli ng lalaki ang babae. “Yes?” Anito at ibinaba ang mga paa at nangalumbaba, “I don’t want to get rid of her yet.”

Tumaas ng bahagya ang kilay ng babae sa sinagot na iyon ng kausap. Humalukipkip ito at naghintay sa sasabihin pa ng lalaki.

“Sayang ang talento ng batang iyon. We can still use her.”

Nakangising napailing ang babae sa narinig, “Alright.” Wika nito at tumayo na sa kinauupuan, “Just call me kung may kailangan ka pa.” At tumalikod ito. Hindi na nito hinintay kung may sasabihin pa ang kausap at tuluyan ng lumabas sa silid na iyon.

---

Hawak ng mariin ang mga baril ay tahimik at maingat na lumabas sina Red at Brylle sa silid-aklatan at naglakad sa pasilyo ng ikalawang palapag ng bahay ng mga Enriquez. Tahimik doon tanda na wala pang nakakaakyat na mga kalaban.  Malilikot ang mga mata at nakikiramdam na nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang malapit na sila sa hagdan ay nakarinig sila ng mga yabag.

Seryosong nagkatinginan sina Red at Brylle. Nag-usap sila gamit ang mga mata at matapos noon ay nagkakaunawaang mabilis na kumilos. Pumunta si Brylle sa kabilang bahagi ng pasilyo at itinago ang sarili sa likod ng mahabang sofa na naroroon. Samantalang si Red naman ay mabilis na pumunta sa unang kwarto malapit sa hagdan. Nagpapasalamat siyang hindi naka-lock iyon. Pumasok siya sa loob at bahagyang iniawang ang pintuan upang masilip ang mga paakyat na kalaban.

Isa…dalawa…Dalawang tao ang papaakyat base sa narinig na mga yabag ni Red. Inihanda niya ang kanyang sarili at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa baril. Tahimik siyang naghintay sa pagdating ng mga ito. Ilang sandali pa ang lumipas ng maramdaman ni Red na malapit na ang mga ito sa kinapupwestuhan niya. Huminga siya ng malalim at seryoso ang mukhang inabangan ang pagtapat ng mga ito sa pinagtataguan niya.

“Ugh!” Malakas na pinukpok ni Red ng hawak niyang baril sa ulo ang lalaking una niyang nakita matapos lumabas sa pinagtataguan. Nawalan ito ng ulirat at mabilis na tumumba. Nakita niya sa kanyang peripherals na tinutukan siya ng baril ng kasama nito kaya naman mabilis na pumihit siya upang sipain ang hawak nitong baril. Ngunit bago pa niya iyon magawa ay nakarinig siya ang malakas na putok ng baril. Pagtingin niya sa lalaking babaril sana sa kanya ay wala na sa kamay nito ang hawak na baril at sapo na nito ang dumudugo nitong kamay. Mabilis na lumipad ang kanyang tingin kay Brylle at nakita niyang nakangising papalapit na ito sa kanya. Napailing siya ng mapagtanto ang nangyari.

Blag!

Isang round house kick ang pinakawalan ni Red ng makita niya muli sa sulok ng kanyang mga mata na susugurin siya ng lalaking duguan ang kamay. Tumalsik ito at bumagsak sa sahig. Lumapit siya rito at tinutukan ng baril.

“Move or I’ll shoot you,” Madilim ang mukha at puno ng pagbabanta na wika niya sa lalaki ng makita niyang balak pa nitong tumayo.

“Do you have extra handcuffs, Red?” Narinig niyang tanong ni Brylle sa kanya. Tiningnan niya ito saglit at nakita niya na pinosasan nito ang kaliwang kamay ng lalaking pinukpok niya ng baril kanina at hinila ito papunta sa may hagdan. Ikinabit nito sa railings ang isang bahagi ng posas.

“None,” Sagot niya kay Brylle at muling ibinalik ang tingin sa lalaking tinututukan niya ng baril. “Who’s your boss?” Mababa ngunit puno ng awtoridad na tanong niya rito.

Nagulat si Red ng makita niyang ngumisi ang lalaki. Kumibot-kibot ang bibig nito na parang may nginuya at matapos noon ay lumunok.

“See you in hell,” Anito at humalakhak ng malakas. Nag-igting ang bagang niya sa narinig na sinabi nito. Balak niya sanang kwelyuhan ito pero natigilan siya at nagulat ng makitang biglang bumula ang bibig nito at tuluyang bumagsak sa sahig.

“Shit!” Malutong na mura niya at mabilis na dinaluhan ang lalaki. Pinulsuhan niya ito at nagtatagis ang mga bagang na nasuntok niya ang sahig. Wala na itong buhay.

“What happened?” Nakakunot noong tanong ni Brylle na hindi niya naramdaman na nakalapit na pala sa kanya. “Fuckshit!” Malutong na mura rin nito ng mapagtanto ang nangyari.

“Check the other guy, Brylle. He might also commit suicide. We can’t afford to lose him. Kailangan natin siya para malaman kung sino ang boss nila,” Madilim na wika niya habang mariing ikinuyom ang kanyang kamay. Mabilis na tumayo si Brylle sa kanyang tabi at lumapit sa lalaking ipinosas nito sa hagdan.

Kinapkapan ni Red ang walang buhay na lalaki sa kanyang harapan. Tiningnan niya kung meron itong bagay na maaaring makapagbigay ng clue kung sino ang amo nito. Napabuga siya ng marahas ng wala siyang nakita.

“Done?” Tanong niya kay Brylle matapos lumapit dito.

“Yes.” Anito at tumayo, “Mayroong pill sa ilalim ng dila ng lalaking ito. I believe that this is their SOP if ever they will be caught.” Madilim na wika nito at may dinukot sa bulsa ng pantalon. Naglabas ito ng maliit na ziplock at iniligay ang pill na nakuha sa lalaki.

Huminga si Red ng malalim at dumukot sa bulsa ng pantalon upang kunin ang kanyang cellphone. Mabilis siyang nag-text sa kakilalang pulis upang humingi ng back up. “Let’s go. Siguradong meron itong mga kasama sa ibaba at tumityempo lang ang mga iyon para i-ambush tayo,” Aniya at ibinalik ang cellphone sa bulsa.

Tahimik at maingat na binaybay nila Red ang hagdan. Alam nilang nagtatago lang kung saan ang kasamahan ng mga lalaking nakasagupa nila sa itaas dahil paniguradong narinig nito ang komosyon kanina.  Tulad ng kanyang sinabi kay Brylle ay maaaring humahanap lang ito ng tyempo upang atakehin sila.

Malapit na sila sa baba ng makarinig siya ng mga putok ng baril na nanggaling sa labas. Nakakunot ang mga noong nagkatinginan sila ni Brylle.

“Si Hera!” Sabay nilang bulalas.

Alam ni Red na may katigasan ang ulo ni Hera at maaaring sinuway nito ang kanyang bilin na huwag lumabas ng kwartong iyon. Mabilis na tumahip ng malakas ang kanyang dibdib at nakaramdam ng kaba.

Malalaki at mabibilis ang mga hakbang na bumaba siya ng hagdan. Pag-apak na pag-apak ng kanyang paa sa unang palapag ng bahay ay nakita niya ang isang lalaking nakaitim rin na papalabas ng isang kwarto. Tinutukan siya nito ng baril ngunit inunahan niya na ito. Pinaputukan niya ang kamay nito na may hawak na baril pati na rin ang magkabilang hita nito. Tumumba ito sa sahig. Mabilis siyang lumapit dito para unahan ito sa planong pagpapakamatay. Kailangan nila ang mga lalaking ito para maituro sa kanila kung sino ang pasimuno ng lahat ng kaguluhang ito.

Bang!

Nilingon ni Red si Brylle at nakita niyang pinaputukan nito ang isang lalaking nakaitim rin na lumabas galing sa komedor. Tumumba ito sa sahig. Lumapit sa kanya si Bylle at tinulungan siya nitong alisin ang pill sa bibig ng lalaking kaharap.

“Ako ng bahala rito. Hanapin mo na si Hera,” Ani Brylle sa kanya at hinugot ang suot nitong belt at ipinantali sa lalaki.

Tumango si Red kay Brylle bilang sagot at tinapik niya ito sa balikat. Patayo na sana siya ng…

Bang!

"Damn!" Nahigit ni Red ang kanyang hininga ng maramdaman niyang may bumaon na bala ng baril sa kanyang katawan. Gusto niyang mapaluhod sa sakit ngunit tiniis niya iyon. Mabilis siyang lumingon at gumanti ng putok.

Ang lalaking bumaril sa kanya ay ‘yung lalaking binaril ni Brylle na nanggaling sa komedor. Nagawa pa nitong bumangon muli at barilin siya. Nakita niyang tinamaan niya ito malapit sa dibdib. Mabilis ang kilos na pumasok muna siya sa kwarto na nilabasan ng lalaking binaril niya kanina at pabagsak na naupo at sumandal sa pader. Sumunod sa kanya si Brylle na narinig niyang nagpaputok muli ng baril bago tuluyang pumasok sa loob.

"Shit! You okay?" Nag-aalalang wika ni Brylle sa kanya at naupo sa harapan niya. Tiningnan nito ang kanyang dumudugong sugat.

Nagtatagis ang mga bagang na tumango siya kay Brylle bilang sagot. Sinipat niya ang kanyang sugat at mariing hinawakan iyon. Napaigik siya sa sakit. Patuloy ang pag-agos doon ng dugo. Tinamaan siya sa bandang ibaba ng kanang parte kanyang likod.

“Napatumba mo na ba siya?” Nakapikit ng mariing tanong ni Red; tinutukoy ang lalaking lalaking bumaril sa kanya.

Tumango sa kanya si Brylle at muling tiningnan ang kanyang sugat, “Kailangan kang madala sa ospital. Baka may tinamaang vital organ. Masyadong maraming dugo ang lumalabas sa sugat mo.”

“No.” Mariin niyang tanggi at naglalapat ang mga ngiping tiningnan si Brylle, “Let’s find Hera first. She might be in danger.”

Sapo ang kanyang sugat sa likod ay lumabas siya ng kwarto. Pinipigilan siya ni Brylle at sinabing ito na ang maghahanap kay Hera ngunit hindi siya nakinig. Paglabas ay nakita niyang nakatumba na ang lalaking bumaril sa kanya at may tama ito sa bandang dibdib, kamay, hita at tiyan.

Mabagal at paika-ikang tinungo ni Red ang pintuan. Pilit niyang inaalis ang sakit na nararamdaman niya at pinakatatagan ang sarili.

‘Get a grip, Red. Mamaya ka na manghina. Kailangan mo munang hanapin si Hera,’ Bulong niya sa kanyang sarili at mariing ikinuyom ang kanyang mga kamao na parang doon siya maaaring makakuha ng lakas.

Naramdaman ni Red na inalalayan siya ni Brylle sa paglalakad. Maingat ngunit mabagal silang naglakad palabas ng bahay. Parehong pinapakiramdaman ang paligid kung mayroon pang kalaban.

‘Fuck!’ Mura ni Red sa kanyang isipan ng maramdaman niyang sumisigid na naman ang sakit. Nanghihina na ang kanyang tuhod at parang papanawan na siya ng ulirat sa sakit na nararamdaman niya ngunit pilit niyang hindi ininda iyon.

Papunta na sila Red sa gilid ng bahay upang tingnan kung naroon si Hera ng tuluyang bumigay ang katawan niya. Kahit hawak siya ni Brylle ay hindi nito inasahan ang pagkawala ng kanyang lakas kaya naman nabitiwan siya nito at tuluyan siyang bumagsak sa semento. Isang malakas na sigaw ng pangalan niya ang kanyang narinig bago siya tuluyang nawalan ng malay.

He…ra…”

---

“Anong ginawa ni Doc Thea dito kanina, Kuya?” Seryosong tanong ni Artemis sa kanyang Kuya Ares habang kumakain sila ng hapunan. Wala pa ang kanilang mga magulang dahil nasa meeting pa daw ang mga ito kaya silang dalawa lang ang magkasabay kumain ngayon.

“Ah, si Thea? She came here to leave some documents for me.” Balewalang sagot nito sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

“Documents?” Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. Anong documents naman kaya ang iiwan ni Doc Thea sa kanyang kuya? Isa pa, hindi niya akalain na magkakilala ang mga ito.

“Yes. Documents. I’ll be giving a big amount of donation sa school niyo kaya idinaan niya rito ‘yung mga documents na kailangan kong pirmahan.”

Kumunot ang noo ni Artemis sa narinig. Bakit naman iyon gagawin ng kanyang kuya? Isa pa, bakit kailangang si Doc Thea ang magbibigay n’on sa kapatid kung resident doctor lang naman ito ng school nila?

“Bakit mo gagawin iyon? At isa pa, bakit kailangang si Doc Thea ang mag-aabot? Hindi ba dapat ang top management ang gumawa noon? Bakit ang resident doctor ng school ang pinadala rito?” Sunod-sunod na tanong niya. Iniiwasang mabigyan ito ng nagdududang tingin.

Natawa ang Kuya Ares ni Artemis sa mga tanong niya at ginulo ang kanyang buhok, “What’s with curiosity, Artemis?” Anito at humalakhak.

“Because I find it weird, Kuya.” Walang gatol na sagot niya rito at blangko ang mukhang inayos ang buhok nyang ginulo nito.

“Okay, little sister. Para sa ikatatahimik mo, I’ll explain.” Nakangiting wika nito at uminom muna ng tubig. “Doc Thea is the daughter of the owner of your school, alright? So, hindi weird na siya ang nagpunta rito para iabot ang mga document.”

Bumalakas sa mukha niya ang pagkagulat sa narinig, “Really?”

“Really.”

Napatango na lang si Artemis sa narinig niyang pagkompirma ng kapatid. Hindi niya akalain na anak pala si Doc Thea ng may-ari ng school nila. Kaya naman pala pareho ito ng apelyido. Akala niya dati ay nagkataon lang na magkapareho ang mga ito ng surname at hindi naman talaga ito related by blood. Isa pa, wala rin naman kasi siyang naririnig sa school na anak ito ng may-ari kaya hindi naman niya na pinagtuunan iyon ng pansin.

“Eh bakit magdo-donate ka ng malaking halaga?”

“Why not? Doon ka nag-aaral. It’s also my alma mater so I don’t see any reasons why I can’t donate there, Artemis.”

Saglit na tinitigan ni Artemis ang nakangiting mukha ng kanyang kapatid. ‘That smile…’

“Okay.” Sagot niya sa mababang boses at iibinaling na muli ang tingin sa pagkaing nasa harapan niya.

Sa totoo lang ay gusto niya pa sanang usisain ang kanyang Kuya Ares tungkol sa gagawin nitong pagdo-donate sa school nila ngunit napagpasyahan niya na lang na tumahimik. She knows that there is something peculiar about it. That there is something her brother is keeping. But she won’t tell him about it. Because she knows doing otherwise will complicate things.

“Kamusta na pala si Hera? I heard na nawawala siya. Nakita niyo na ba siya?” Maya-maya ay narinig na tanong ni Artemis ng kanyang Kuya Ares.

Her lips formed a thin line upon hearing that question. Ibinaba niya ang kanyang mga kamay na may hawak na kubyertos at mariing ikinuyom iyon sa ilalim ng mesa.

‘Why, Kuya? Why?’ Artemis wanted to ask that question to her brother Ares. But she knows that it is better to leave it unsaid for the mean time.

Lihim na bumuntong hininga siya bago nag-angat ng tingin sa kapatid. Malungkot siyang umiling, “Hindi ko alam kung okay siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa kanya, Kuya. She’s still missing and we don’t know where she is right now.”

“Oh, I’m sorry to hear that, Art...” Sabi ng Kuya niya at tumayo ito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Ipinatong nito ang baba sa kanyang ulo. “Don’t worry too much about her, alright? I believe she’s okay. Soon, you’ll see each other again. Kaya h’wag ka ng malungkot, little sister.”

Mariing kinagat ni Artemis ang kanyang labi. She wanted to cry. For how many times, she asked God this question: Why You let this thing happened?

Huminga siya ng malalim. Lumunok at pinigilan ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata sa pagtulo. Nang makalma ang sarili ay marahang tinapik niya ang kamay ng kanyang Kuya Ares na nakayakap sa kanya. Lihim siyang umusal ng pasasalamat dahil hindi nito nakikita ang kanyang mukha.  Dahil ayaw niyang makita nito ang isang mapaklang ngiti na kumawala sa kanyang labi.

“Thanks, Kuya.” Wika niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top