H27
H27
Nakakunot ang noong inihinto ni Ethos ang kanyang sasakyan sa labas ng tahanan ng mga Enriquez. Napansin niyang wala sa gate ang mga pulis na naatasang magbantay doon.
‘Nasaan sila?’ Takang tanong niya sa sarili at muling inikot ang paningin sa paligid.
Bago bumaba ay kinuha niya sa compartment ng kanyang sasakyan ang baril na pagmamay-ari niya. Isinukbit niya iyon sa kanyang tagiliran. Nakakaramdam siya ng kakaiba kaya naman minabuti niyang dalhin iyon. Lumapit siya sa gate. Ang kanina pang nakakunot na noo ay mas lalo pang kumunot ng mapansin niyang bukas iyon. Bigla kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at nakaramdam ng panganib. Naging mas malikot ang kanyang mga mata at naging alerto ang kanyang kilos.
Maingat na pumasok siya ng gate at iniwasang makalikha ng ingay. Nang magawa iyon ay inikot niya ang paningin sa loob ng bakuran ng mga Enriquez. Dumilim ang kanyang anyo at naikuyom niya ng mariin ang kamao ng makita mula sa kinatatayuan niya ang nakahandusay na katawan ng mga pulis sa may pintuan ng bahay. Tama nga ang kanyang hinala. May nangyaring hindi maganda habang wala siya.
Maingat at dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga pulis. Duguan ang mga ito dahil sa tama ng mga bala ng baril. Pinulsuhan niya isa-isa ang mga pulis at nagngangalit ang mga pangang napailing. Wala ng buhay ang mga ito.
“They are back,” Naglalapat ang mga ngiping usal niya. Patayo na siya ng makarinig ng mga kaluskos na nanggagaling sa loob ng bahay. Maliksi ang kilos na umalis siya sa kinapupwestuhan niya. Sa kanyang isip ay hindi niya alam kung ilan ang kalaban na naroon sa loob ng bahay kaya kailangan niyang mag-ingat.
Nagdesisyon siyang sa gilid ng bahay dumaan papasok. Pamilyar na siya doon dahil napag-aralan na niya ang kabuuhan ng bahay ng mga Enriquez. Tumakbo siya papunta roon. Paliko na siya ng makarinig ng putok ng baril. Napatigil siya sa pagtakbo at napasandal sa pader. Hinugot niya ang kanyang baril at mariing hinawakan iyon. Malilikot ang mga matang pinakiramdaman niya ang paligid.
‘Nanggaling sa loob ng bahay ang putok ng baril. Pero sino ang binaril? Patay na ang mga pulis na nagbabantay,’ Naguguluhang tanong niya sa sarili. Bigla siyang natigilan ng may pumasok na ideya sa kanyang isipan, ‘Hindi kaya—’
Biglang nakaramdam ng takot si Ethos sa naisip. Umalis siya sa pagkakasandal at maingat ngunit mabilis siyang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gilid ng bahay.
‘May tao,’ Itinitutok niya ang baril sa kanyang harapan. Alam niyang may taong nagtatago sa likod ng malapad na katawan ng puno. Sigurado siyang kalaban ito at maaaring natunugan ang kanyang pagdating kaya ia-ambush siya nito. Naglakad siya papalapit. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa puno ng lumabas ang taong nagtatago roon. Diretso ang tutok niya sa baril at handa na siyang iputok iyon ngunit natigilan siya ng makita kung sino ang taong lumabas mula roon.
‘Fuck!’ Malutong na mura niya sa kanyang isip. Nagpapasalamat siyang hindi niya agad nakalabit ang gatilyo ng baril. Hindi niya inaasahan na si Hera ang nagtatago sa likod ng puno.
‘Thanks God, she’s safe.’ Aniya muli sa isipan at nakahinga siya ng maluwag. Iniisip pa man din niya kanina na maaaring ito ang binaril kaya naman labis-labis ang kanyang kaba at takot na naramdaman. Nagpapasalamat siyang maayos ito at tingin niya ay wala naman itong galos na natamo.
Nakita niyang nabitiwan ni Hera ang hawak nitong penknife. Kitang-kita niya rin ang panginginig ng katawan nito at ang labis na takot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa kababata. Marahil ay kanina pa ito takot na takot dahil sa nangyayari sa loob ng bahay nito. Ibinalik niya sa pagkakasukbit sa kanyang tagiliran ang hawak niyang baril at humakbang papalapit dito.
“He—”
“Huwag kang lalapit!” Takot na takot na wika sa kanya ni Hera at nag-umpisa itong humakbang paatras. Nalilitong tiningnan niya ang dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang inaakto nito sa kanya.
“W-why?” Naguguluhang tanong niya.
“I know now who you are, Ethos! You are one of them!” Anito at kahit sa nanginginig na boses ay ramdam niya ang gigil at labis na pagkamuhi.
“What?” Nakakunot noong tanong niya at humakbang siya muli papalapit dito. “What are you saying, Hera?”
“Anong kailangan niyo sa akin, Ethos? What does your fucking organization need in me?!” Galit na galit na sigaw nito sa kanya habang patuloy na umaatras.
“Wait. What?” Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Naguguluhan siya.
“Alam kong ikaw ang nagtangkang lumunod sa akin sa pool, Ethos. And who knows, you might also be the one who killed my father.” Punong-puno ng galit na wika nito at nakita niyang nag-umpisa ng magtubig ang mga mata nito. “You want me dead, Ethos. You want us dead.” May diing turan nito.
Napabuga ng marahas si Ethos at napahawak sa kanyang sentido. Ngayon ay naiintindihan niya na kung ano ang sinasabi sa kanya ng dalaga.
“Paano mo nagawa sa amin ‘to, Ethos? Magkababata tayo! How could you…h-how could you…” Tumulo ang luha ni Hera. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nitong mariing nakatingin sa kanya.
“Look, Hera. What—”
Natigil sa pagsasalita si Ethos ng makarinig siya ng kaluskos. May paparating. Mabilis siyang lumapit kay Hera at hinawakan ito sa braso.
“Bitiw—”
Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng kababata. Hinatak niya ito patungo sa likod ng puno at isinandal doon. Nagpumiglas ito kaya naman inilapit niya ang katawan nito sa kanya at ipinalibot ang isang kamay sa bewang nito upang pigilan ito sa pagkilos.
“Stop moving and making noise, Hera. Someone’s here.” Bulong niya rito. Muli itong nagpumiglas kaya naman mas lalo niyang inilapit ang katawan niya rito at hinawakang mabuti. Huminga siya ng malalim at tinitigan ito sa mga mata, “Listen, Hera. I’m not the enemy here. I don’t know what makes you think that I am but I assure you, I’m here to save you.”
Tinitigan siya ni Hera ng mabuti. Alam niya na tinatantya ng kababata kung dapat ba nitong pagtiwalaan ang kanyang sinabi kaya naman hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis. Of all people, siya pa ang napag-isipan nito na kalaban. Napapaisip tuloy siya kung ano ang naging basehan nito upang paghinalaan siya na isa sa mga kalaban.
“He’s near,” Naglalapat ang mga ngiping bulong niya at inalis na ang pagkakatakip sa bibig ni Hera. Nagpapasalamat siyang hindi ito nagtangkang magsalita at kumilos paalis kaya naman mabilis niyang hinugot muli ang kanyang baril. Sumilip siya at nakita niya ang isang lalaking papalapit na nakasuot ng all black na damit at natatakpan ang mukha ng bonnet. May hawak din itong baril.
“Stay still,” Aniya kay Hera at mabilis na lumabas sa pinagtataguan.
Paglabas na paglabas niya ay mabilis na itinutok sa kanya ng lalaking nakaitim ang baril na hawak nito. Ngunit bago pa nito iyon naiputok ay naunahan na niya ito. Walang mintis na binaril niya ito sa balikat at sa hita. Bumagsak ito sa lupa. Narinig niya ang impit na hiyaw ni Hera dahil doon.
“We need to leave this place, Hera. Let’s go.” Sabi niya kay Hera ng lapitan niya ito. Hindi ito kumilos. Nananatiling tutop nito ang bibig habang nakatingin sa lalaking nakahandusay sa lupa.
“Hera…” Muli niyang tawag dito.
“You…killed him…” Halos pabulong na usal ni Hera sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking iyon.
“No. He’s still alive. I didn’t shoot his vital organs,” Aniya at hinawakan na muli sa braso si Hera. “Let’s go. It’s not safe to stay here.”
“Bitiwan mo ako, Ethos.” Mababa ngunit may diin na sagot nito sa kanya ng makahuma ito. Matalim siya nitong tinitigan. “I don’t what you’re up to but I’m very much sure you are here to kill me.”
Naihilamos ni Ethos ang kanyang palad sa mukha dahil sa narinig niyang sinabing iyon ni Hera. Nakakaramdam na siya ng matinding frustration. Ilang beses niya bang kailangang sabihin dito na hindi siya ang kaaway?
“Do you really think I can do that, Hera? Do you really think I can kill you? Or your father?” Galit niyang wika rito. “What am I to you, Hera?”
Alam niyang marami siyang dapat i-explain sa kababata ngunit hindi niya magawang makapagpaliwanag kung ganito kasarado ang utak nito.
“Tell me. What made you believe that I’m your assailant?” Aniya at galit na tinitigan niya ito sa mga mata.
---
“Past six na, Art. Let’s go home. Bukas na lang natin ito ituloy,” Inaantok na wika ni Marianne kay Artemis at isinara ang librong hawak nito. Kasalukuyan silang nasa library dahil may pinapagawang activity ang kanilang professor at nagkataong silang dalawa ang pinag-partner.
Tumango si Artemis bilang pagsang-ayon at pinatay na ang kanyang laptop. Sabay silang tumayo at ibinalik ang mga librong hiniram nila sa bookshelves kung saan ito dapat nakalagay. Nang matapos ay lumabas na sila ng silid-aklatan.
“Kamusta na kaya si Hera?” Tanong ni Marianne at bumuntong hininga habang naglalakad sila sa hallway. Walang oras na hindi nila tinatanong sa isa’t isa kung kamusta na ang kaibigan. Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin silang balita kaya naman mas lalong tumitindi ang pag-aalala nila para rito.
“Let’s just pray that she’s okay, Mars.” Sagot ni Artemis at bumuga ng hangin. Inayos niya ang pagkakasukbit ng kanyang bag at tahimik na nagpatuloy na sila sa paglalakad. Pagkarating nila sa labas ng gate ay nakaabang na ang kani-kanilang sundo.
“Maaga na lang tayo pumasok bukas para matapos natin ang activity at di tayo magahol sa oras.” Ani Artemis kay Marianne.
“Alright. Aayusin ko na rin ‘yung mga nakuha nating data para maayos na at konti na lang ang idadagdag natin bukas. I’ll send you a copy through email later para ma-check mo rin kung ayos na ba.” Sagot nito.
Ngumiti si Artemis kay Marianne bilang pagsang-ayon at sinamahan niya itong makalapit sa sasakyan na maghahatid dito pauwi. Bumukas ang pinto noon at lumabas ang driver. Kumunot ang kanyang noo ng mapansing hindi ito ang madalas na sumusundo sa kaibigan.
“Bago niyong driver?” Tanong niya kay Marianne at sinipat ang lalaking nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa kaibigan. Kung tutuusin, hindi ito mukhang driver. Gwapo ang lalaki at matikas ang pangangatawan nito. Hindi din ito mukhang Filipino kung pagbabasehan ang itsura. Mukha itong Chinese o kaya naman Japanese. Kung tatantyahin niya ang edad nito ay maaaring nasa early twenties lang ito.
“Ah, yes. Siya si Akihiro Murai.” Nakangiting sagot sa kanya ni Marianne. Tumingin ito sa lalaki at ipinakilala siya nito roon. “Aki, kaibigan ko, si Artemis.”
“Good evening, Ms. Artemis. My name is Akihiro Murai. Ms. Marianne’s new driver.”
Hindi alam ni Artemis kung namalik-mata lang ba siya o ano ngunit parang may nakita siyang kung ano sa mga mata ni Akhiro ng tingnan siya nito. Hindi niya rin sigurado kung nakita niyang parang ngumisi ito sa kanya.
‘Pagod ka lang, Art. Guni-guni mo lang ‘yun,’ Aniya sa sarili at nagkibit-balikat. Tumango siya kay Akihiro at bahagyang ngumiti.
“O’siya. Uwi na ako, Art. Para magawa ko na rin ‘yung activity ng maaga akong matapos. Inaantok na rin kasi ako e,” Ani Marianne sa kanya.
Tumango siya rito bilang sagot at matapos noon ay nagpaalam na sila sa isa’t isa. Hinintay niyang makaalis ang sasakyan nito bago siya lumapit sa kanyang sundo. Pagpasok niya sa kotse ay bigla siyang natigilan sa naisip.
‘That guy looks familiar,’ Nakakunot noong wika niya sa sarili at tumingin sa labas ng bintana. Sa buong biyahe niya pauwi ay inisip niya kung saan niya maaaring nakita ang lalaki ngunit wala siyang maalala.
‘Baka kamukha niya lang,’ Aniya at nagkibit balikat na lang.
Namalayan na lang ni Artemis na nasa labas na sila ng gate ng kanilang bahay ng marinig niyang bumusina ang kanilang driver upang pagbuksan sila. Bumukas ang malaking gate at kumunot ang noo niya ng makitang may papalabas na sasakyan. Hindi tinted ang salamin ng sasakyan na iyon kaya naman laking gulat niya ng mabistahan kung sino ang lulan noon.
‘Anong ginagawa ni Doc Thea dito?’ ’ Tanong niya sa sarili.
Naputol ang kanyang pag-iisip ng maramdaman niyang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng kanyang palda at tiningnan kung sino ang nagtext. Muling naging mailap ang kanyang mga mata ng mabasa ang nakasulat doon.
‘Testing, on-going.’
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top