H25
H25
“Wake up, Hera. We’re here.”
Naramdaman ni Hera na may mahinang yumugyog sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at inaantok pang tumingin-tingin sa paligid. Nang mapagtanto niya kung nasaan siya ay pupungas-pungas na bigla siyang napaupo ng maayos. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya habang nasa biyahe. Hindi niya kasi nakayanan ang pamimigat ng kanyang mga mata kanina dahil sa antok. Anong oras na rin kasi siyang nakatulog kagabi kakapilit na ma-decode ang encrypted file na nakuha niya mula sa memory card ng ama.
“Sorry kung natulugan kita,” Nangingiming wika niya kay Red matapos itong lingunin. Nahihiya siya rito dahil nagawa niya itong tulugan habang nasa biyahe sila.
“It’s okay, Hera. Alam kong napuyat ka kagabi. Wala kang dapat ihingi ng tawad,” Nakangiting wika nito habang malilikot ang matang nakatingin sa labas. “We’re already here. Are you ready?” Tanong nito at tiningnan siya.
Tumingin si Hera sa labas ng bintana at nakita niya ang kanilang bahay ilang metro lang ang layo mula sa hinintuan ng kotse ni Red. May ilang mga pulis doon sa labas na mukhang nagbabantay. Medyo nakahinga siya ng maluwag sa nakita. Naisip niyang mabuti na lang at may mga pulis doon dahil kung saka-sakaling biglang may umatake na mga kalaban ay may mga tutulong sa kanila.
“Ready,” Aniya at hinanda ang sarili sa paglabas ng kotse. Huminga siya ng malalim at matapos ay hinawakan ang door handle ng sasakyan.
“Wait!”
Nakakunot noong nilingon ni Hera si Red. Hinawakan kasi siya nito sa braso at pinigilan sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan nito.
“Bakit?” Takang tanong niya.
“Here.” Sabi nito at may inilabas na maliit na kahita mula sa bulsa ng pantalon nito at inabot sa kanya.
Naguguluhan man ay kinuha niya ang kahita sa kamay ni Red. Binuksan niya iyon at muling kumunot ang kanyang noo ng makita kung ano ang laman noon.
“Para saan ‘to?” Naguguluhan niyang tanong. Hindi niya maintindihan kung bakit siya binibigyan ni Red ng bagay na iyon. Ang laman ng kahita ay isang pares na kulay itim at parang maliit na butones na hikaw.
‘Baka advance birthday gift niya sa’yo, Hera. ‘Di ba malapit ka na mag-debut? Para naman daw magmukha kang babae,’ Natatawang wika niya sa kanyang sarili.
“That’s a transmitter. Para just in case na may hindi magandang mangyari – which of course, I will never let happen – I can still know where you are. It’s a precautionary measure,” Wika nito sa seryosong tinig.
Namamanghang napatango na lang si Hera sa sinabi ni Red sa kanya at pinakatitigan ang hikaw. ‘Iba na talaga ang teknolohiya ngayon,’ Napapalatak na wika niya sa sarili. Hindi niya akalain na ang hawak niyang hikaw ay isang transmitter.
Isinuot niya ang hikaw at matapos ay sinipat iyon sa salamin. Napangiti siya ng makita niya ang kanyang repleksyon habang nakakabit sa kanyang tenga ang hikaw. Hindi mapagkakamalan ng kahit na sino na transmitter ang suot niya. Mukha kasi itong ordinaryong hikaw lang.
“You also need to have this,” Muling sabi ni Red at sa pagkakataong iyon ay inabutan naman siya nito ng isang penknife, “For your self-protection.”
Nag-aalangan man ay kinuha ni Hera sa kamay ni Red ang penknife at inilagay iyon sa kanyang bulsa. Takot siyang humawak ng ganoong bagay at hinihiling niya na sana ay hindi niya kakailanganing gamitin iyon. Ayaw niyang makapanakit ng tao at isipin niya pa lang na gagamitin niya ang penknife sa taong magtatangka sa kanya ay kinikilabutan na siya.
“Let’s go?” Tanong sa kanya ni Red.
Tumango si Hera bilang sagot at matapos noon ay sabay na silang lumabas ni Red ng sasakyan. Nilingon niya ang sasakyan ni Brylle na nasa likod lang ng sasakyan ni Red at nakita niyang lumabas doon ang detective. Lumapit ito sa kanila at matapos noon ay naglakad na silang tatlo papunta sa bahay nila.
Naunang naglakad si Red at ng makarating kung nasaan ang mga pulis ay kinausap nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakita niya na lang na ngumiti ang mga pulis kay Red at sumaludo.
Nilingon silang dalawa ni Brylle ni Red at sinabing maaari na silang pumasok. Magkapanabay na naglakad sila ni Brylle papalapit dito at pumasok sa gate ng bahay nila. Pagpasok na pagpasok niya ay natigilan siya ng makita ang lugar kung saan nawalan ng buhay ang kanilang driver at security guard. Biglang kumirot ang puso niya sa naalala. Ipinilig niya ang kanyang ulo at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling maging emosyonal ulit. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Brylle sa balikat kaya naman nilingon niya ito. He gave her a reassuring smile kaya naman kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at matapos ay nagpatuloy na muli sa paglalakad.
Pagpasok ni Hera sa loob ng kanilang bahay ay napansin niyang ganoon pa rin naman ang itsura nito mula ng iwan niya ito noong nakaraang araw. May mga iilan lang na nagulong gamit at appliances sa sala. Nagpatuloy sila sa paglalakad nila Red at Brylle at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay at dumiretso kung nasaan ang kwarto ng kanyang Daddy. Nang makarating sila roon ay huminga muna siya ng malalim. Tumapat siya sa maliit na box-type security machine kung saan ine-encode ang passcode para mabuksan ang pintuan. Pinindot niya ang security code ng ama at ng i-accept iyon ng machine ay narinig niyang tumunog ang lock tanda na nabuksan na ang pintuan.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ng kwarto ay mabilis na kumunot ang noo ni Hera ng makita niya ang ayos sa loob noon. Nagkalat ang mga gamit sa sahig at halatang may kung sinong Poncio Pilato’ng naghalughog doon. Hindi ganoon ang itsura ng kwarto ng huli niya iyong pinuntahan. Tumahip ng malakas ang kanyang dibdib. Kinabahan siya sa nakita.
“Fuck!” Narinig niyang malakas na mura ni Red at nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto. Ganoon din ang ginawa ni Brylle samantalang siya ay nanatiling nakatayo sa pintuan. Pakiramdam niya ay natuod siya sa kinatatayuan at hindi makakilos.
“Someone’s been here.” Nagngangalit na sabi ni Brylle habang iniisa-isang tingnan ang mga nakakalat na mga gamit sa sahig.
“They may be looking for evidences to get rid of it,” Narinig naman ni Hera na sabi ni Red at nakita niya itong papalapit sa mga computer ng kanyang ama.
Huminga ng malalim si Hera at ikinuyom ang kanyang mga kamao. Pinilit niyang kalmahin ang kanyang puso at alisin ang takot na nararamdaman niya. Nang magawa niya iyon ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto at pinuntahan si Red. Pero bago pa siya tuluyang nakalapit ay narinig na naman niya ang malutong na mura nito.
“Damn it!”
“W-what happened?” Nag-aalalang tanong niya rito. Nakita niyang frustrated na napasabunot si Red sa buhok nito at agitated na naglakad pabalik-balik.
“The system units are missing!” Gigil na wika nito at huminto sa paglalakad at bumuntong hininga ng marahas.
“What?!” Nanlaki ang mga mata ni Hera sa narinig at mabilis na lumipad ang tingin sa tatlong magkakakonektang computer ng ama. Halos manlumo siya ng makitang nawawala nga ang mga system unit noon.
“Someone was able to know the Director’s passcode to open the door and stole the system units to get rid of the evidences,” Narinig na lang ni Hera na sabi ni Brylle na hindi niya namalayang nakalapit na pala. Nagtatagis ang bagang nito habang matiim na nakatingin sa computers ng kanyang ama.
Muling naikuyom ni Hera ang kanyang mga kamao. Silang dalawa lang ng kanyang Daddy ang nakakaalam ng passcode ng pintuan ng kwarto nito kaya nakakapagtakang nagawa iyong pasukin ng kung sino.
‘Maaaring na-hack nila ang system ng machine kaya nalaman nila ang passcode at nabuksan ang pintuan,’ Naglalapat ang mga ngiping turan niya sa kanyang sarili.
“Let’s go to the study room,” Sabi niya sa dalawa. Nakakunot noong tiningnan siya ng mga ito.
“Kaming dalawa lang ni Dad ang may alam ng security code ng kwarto na ito at siguradong-sigurado ako na may nag-hack ng security system kaya nagawa nila itong pasukin. Nasa study room ang server ng security system and I will try to track down who hacked it.” Paliwanag niya sa dalawa. Sabay na napatango sa kanya sina Red at Brylle at matapos noon ay lumabas na sila ng kwarto.
Tinahak nila ang daan patungong study room at ng makarating sila roon ay binuksan ni Hera ang pintuan. Maayos ang loob ng study room. Halatang walang pumasok doon at wala ring nakialam. Lumapit siya sa book shelf at matapos ay may kinapang switch doon. Nang makapa niya ang switch ay pinindot niya iyon at dahan-dahang umisod ang book shelf pakaliwa. Tumambad sa kanyang harapan ang isang pintuan. May box-type security machine din doon at in-encode niya ang security code. Matapos i-accept ng machine ang code ay bumukas ang pintuan. Nilingon niya ang dalawa at inayang pumasok na sa loob. Tumango ang mga ito sa kanya at sumunod.
“Woah!” Narinig ni Hera na namamanghang bulalas ni Brylle habang iniikot ang tingin sa loob ng kwartong iyon. Napangiti siya sa reaksyon nito. Makikita sa gitna ng kwarto ang apat na malalaking monitor at mapapanood doon ang live streaming na kuha ng CCTV sa loob at labas ng bahay. May book shelf din sa gawing kanan na puno ng mga libro tungkol sa mga computer. Sa gawing kaliwa naman ay may isang mahogany table at may dalawang upuan.
Lumapit si Hera sa computer at naupo sa swivel chair. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Red at naupo ito sa katabing upuan niya. Huminga siya ng malalim at matapos noon ay pinatunog ang kanyang mga daliri. Tumiim ang tingin niya sa monitor at maya-maya’y mabilis ang mga daliring tumipa ng command sa keyboard. Inumpisahan niyang hanapin ang activity logs ng server ng security system ng ama. Ilang sandali lang ang lumipas ay nakita na niya ang hinahanap. Ni-check niya isa-isa ang iyon at wala namang nakitang kakaiba.
“Imposibleng walang nag-hack ng server…Paano nila nagawang buksan ang pintuan kung hindi nila nagawang i-hack iyon?” Naguguluhang wika ni Hera. Kahit anong tingin niya ay wala siyang makitang traces na na-hack ang server. Ilang beses niya iyong binalik-balikan at sigurado siyang walang intruder na nakapasok.
“If that’s the case, we are left with one answer. That is, aside from you, there’s someone who knows your father’s security code,” Narinig ni Hera na wika ni Red. Nilingon niya ito at nakita niyang seryosong nakatutok ang mga mata nito sa monitor ng computer.
“Are you sure na kayong dalawa lang ng Dad mo ang nakakaalam ng security code, Hera?” Tanong naman ni Brylle na nasa likuran niya na pala.
Nalilitong tumango si Hera sa tanong ni Brylle, “Sigurado akong kaming dalawa lang ni Dad ang nakakaalam. Kahit si Nanay Rosa ay hindi alam ang security code ng pintuan ni Dad kaya naman si Dad na mismo ang naglilinis ng sarili niyang kwarto o kaya naman ako kapag hindi ako busy sa school.”
“Let’s check the CCTV para makita natin kung sino ang pumasok sa kwarto ng Daddy mo, Hera.” Sabi ni Red.
Tumango si Hera bilang pagsang-ayon kay Red at inumpisahang hanapin ang mga na-record ng CCTV simula ng araw na nangyari ang ‘insidenteng’ iyon.
“What the Eff?!” Nanlalaki ang mga matang bulalas niya ng mapagtantong walang na-record ang CCTV simula ng araw na umalis siya ng bahay.
Mabilis ang mga daliring tumipa siya sa keyboard. Kung tama ang kanyang hinala ay may nag-hack ng server ng CCTV server. Kasalukuyang gumagana ang mga CCTV. Ibig sabihin, hindi iyon sira at may nag-hack lang ng server at ni-delete ang na-record nito.
“Anong problema, Hera?” Narinig niyang tanong ni Brylle sa kanya.
“Someone hacked the CCTV server at ni-delete ang na-record nito simula noong nakaraang araw. I need to find that hacker. Maaaring siya rin ang pumasok sa kwarto ni Dad at nagnakaw ng mga system units,” Sagot ni Hera kay Brylle na hindi inaalis ang tingin sa monitor at patuloy ang mga daliri sa mabilis na pagtipa sa keyboard.
Ilang sandali pa ang lumipas at napapitik si Hera sa hangin ng makita siya. May nakita siyang naiwang trace ng hacker. Mabilis ang mga daliring ni-track niya iyon upang alamin kung sino ang may-ari at saan ginawa ang hacking.
“Shit! This is…” Natutulalang bulong niya.
“Ethos’ IP Address…” Narinig niya na lang na sabi ni Red.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top