H24
Thank you kay Vince kasi gumawa siya ng cover para kay Bebe Hera. Hihihihi! Nasa right side po yung gawa niya. ^_^
---
H24
“Any news from Hera, Art?” Tanong ni Marianne kay Artemis habang kumakain sila ng tanghalian sa school cafeteria. Bakas sa mukha at boses nito ang pag-aalala para sa kaibigan.
Umiling si Artemis bilang sagot sa tanong nito, “Hindi ko na siya ma-contact after n’ung huli naming pag-uusap. I tried so many times but I can’t get a hold of her.” Aniya at napabuntong hininga.
Nakita ni Artemis na marahas na napabuntong hininga si Marianne ng marinig nito ang kanyang sinagot.
“I really pray that she’s safe,” Ani’to sa malungkot na boses at natutulalang tinitigan ang natitirang pagkain nito.
Dumaan sa kanilang dalawa ang nakakabinging katahimikan. Pareho silang nag-aaalala para kay Hera at gusto nila itong tulungan ngunit wala man lang silang magawa dahil hindi naman nila alam kung nasaan ito.
“‘Nga pala, I saw your brother in the news last night, Art,” Maya-maya’y pagbasag ni Marianne sa katahimikang pumailanlang sa pagitan nilang dalawa.
Nakakunot noong nag-angat si Artemis dito, “News?”
Tumango sa kanya si Marianne at marahang ngumiti, “He was interviewed. Sabi sa news is that your brother’s company has been developing a new Operating System much better than what are already out in the market. It’s making a buzz in the industry at madaming nagpapakita ng interes sa bagong produktong iyon.”
Saglit na natigilan si Artemis sa narinig at ng makahuma ay napatango na lang siya kay Marianne. Her brother Ares owns a company that makes computer software and alike. At ang sinabi ni Marianne sa kanya ay alam na niya dahil narinig na niya iyon mula mismo sa kanyang kuya habang naghahapunan sila noong nakaraang araw.
“Ang cool talaga ng kuya mo, Artemis. Ang gwapo niya n’ung iniiterview kagabi at cool na cool lang siya habang tinatanong siya n’ung news anchor,” Nangingiting sabing muli ni Marianne.
Matipid na ngumiti na lang si Artemis bilang tugon sa sinabing iyon ni Marianne. “Tapos ka na bang kumain? Malapit na ang next class so we better go back to the classroom,” Pag-iiba niya ng usapan.
Tumango sa kanya ito at hindi na inubos ang natitira nitong pagkain. Inayos nito ang bag at dinampot ang mga librong nakapatong sa mesa, “Tara?”
Tumango siya dito at tumayo, “Halika na.”
---
“So, Director Enriquez hid a surveillance camera inside that stuff toy, huh? Smart thinking,” Narinig ni Hera na sabi ni Brylle habang sabay nilang pinapanood si Red na suriin ang surveillance camera na nakuha nito. Nilingon niya ito at nakita niya sa mukha nito ang pagkamangha at amusement sa natuklasan. Matipid siyang ngumiti dito bilang sagot. Sang-ayon siya sa sinabi nito. Katulad ng detective ay hindi niya maiwasang hindi mamangha sa ginawa ng kanyang ama. Hindi niya akalain na ganito ito katinik at nagawa pa nitong mag-iwan ng ebidensya na maaaring makatulong ng malaki sa pag-iimbestiga nila sa kaso nito.
Ilang sandali pa ang lumipas at tumigil na si Red sa ginagawa at tiningnan silang dalawa ni Brylle, “I’m very much sure that this surveillance camera is owned by Director Enriquez. Hindi ito pagmamay-ari ng kalaban. And I believe that this camera is connected to your father’s computer, Hera.” Ani’to at tumingin sa kanya.
Napatango si Hera sa tinuran na iyon ni Red at matamang tumingin dito, “Hindi ba iyan built in camera? I mean, can’t we check right now what was recorded inside its micro SD card?”
Umiling si Red sa tanong niya, “No. Though it has a built in 3G to keep it running, it doesn’t have SD card inside to save what was recorded. Sa tingin ko sinadya ito ng Director so that just in case someone from that ‘organization’ has able to get this, it wouldn’t be easy for him to delete what was recorded. He needs to hack first the server, and then delete it.”
“How about checking it via phone? I remember that there’s this kind of software where you can check CCTV footage just by putting the IP Address of the server,” Tanong naman ni Brylle.
“We can’t do that, Detective. Apparently, my father’s PC has been long powered off.” Sagot ni Hera sa tanong ng Detective, “I think we better go back to our house to check my father’s computer.”
“But you can’t go to your house, Hera. Someone’s after you, right? We can’t take the risk,” Angal ni Brylle. “Is it possible to hack Director Enriquez’s computer, Red?” Sabay baling nito kay Red.
“We can’t hack my father’s computer from here, Detective. Like what I told you earlier, it’s been long turned off. Isa pa, kahit na naka-on ang UPS n’un, walang Wake on LAN na naka-install doon para ma-remote iyon at i-turn on,” Mabilis na sagot muli ni Hera at hindi na hinintay na makasagot si Red sa tanong ng detective. Alam niya ang specs ng computer ng ama dahil dalawang beses na niya iyong na-hack.
Tumango si Red bilang pagsang-ayon sa sinabi niya, “But Brylle is right, Hera. You can’t go there. Hindi natin alam kung may umaaligid na kalaban doon. It’s dangerous. Ako na lang ang pupunta doon and I’ll check it myself. You stay with Detective Brylle at hintayin niyo na lang akong bumalik.” Seryosong sabi nito.
Kumunot ang noo ni Hera sa sinabing iyon ni Red at marahas na umiling, “No! I want to go there too!” Matigas niyang sabi, “Let me go with you, Red. Gusto ko ding umuwi ng bahay,” Pakiusap niya dito.
Hera wants to go home. She wants to see what happened to their house after that ‘incident’. Not that she’s worried if it looks like a mess. Gusto niya lang umuwi. Siguro dahil na din gusto niya lang maramdaman ulit ang naiwang presensya ng kanyang ama doon. She misses him so much at gusto niya muling mahiga sa kama nito at magkulong sa kwarto nito. Napakaraming gumugulo sa kanyang isipan at pakiramdam niya ay doon lang siya makakaramdam ng katahimikan. Pakiramdam niya din ay iyon ang lugar kung saan pwede siyang hindi mag-isip ng mag-isip ng mga posibilidad na maaaring mangyari.
“You can’t go with me—”
“No more arguments, Red. Sasama ako sa’yo sa ayaw mo at sa gusto.” Pinal niyang wika. Nakita niyang tumiim ang bibig nito at seryoso siyang tiningnan. Nakipagsukatan ito sa kanya ng tingin at hindi niya iyon inurungan. Ilang sandali silang nanatiling ganoon pero maya-maya’y nagbaba din ito ng tingin at marahas na bumuntong hininga. Pagkatapos noon ay muli siya nitong tiningnan na merong amusement sa mga mata.
“Why are you so stubborn, Goddess?” Ani’to at ngumisi sa kanya.
Tinaasan niya ito ng isang kilay at matapos noon ay gumanti ng ngisi dito, “Stop asking questions that you already know the answer, Pula.”
---
“Did you already find her, Ethos?” Tanong ng ina ni Ethos sa kanya matapos niyang sagutin ang tawag nito. Napabuga siya ng hangin at umiling kahit hindi naman siya nito nakikita.
“Not yet, Mom.” Sagot niya dito at nagpatuloy sa pagmamaneho habang malikot ang tingin sa daan. Nang mag-lunch break kanina ay nagdesisyon siyang umalis na ng eskwelahan upang hanapin muli si Hera. Simula ng mawala ito ay hindi siya tumigil sa paghahanap dito. Ilang beses niyang pilit kinontak ang cellphone nito ngunit hindi niya iyon makontak. Pinuntahan niya ang mga lugar kung saan posible itong naroon ngunit hindi niya ito mahagilap.
Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng kanyang ina sa kabilang linya, “You know we need to find her as soon possible, right?” Ani’to at sumeryoso ang boses, “We need to find her before that organization gets her.”
Nag-igting ang bagang ni Ethos at mariing napahawak sa steering wheel, “I know, Mom. I know.”
***
*Wake on Lan (WoL) is technology that allows someone to turn on a network computer remotely by sending a special data packet (called a Magic Packet). Even if the computer is turned off, the network adapter is still "listening" on the network, so when the special packet arrives, the network adapter can turn on the computer. (http://windows.microsoft.com/en-ph/windows7/what-are-wake-on-lan-capabilities)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top