H23
H23
Nakabusangot ang mukha ni Hera ng bumaba siya ng sasakyan ni Red. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang nag-iba ang timpla ng mood ng lalaki. Sa buong durasyon ng biyahe nila ay tahimik ito at kung hindi niya kakausapin ay hindi ito magsasalita. At ang kinaiinisan niya pa, sasagot nga ito ngunit napakatipid naman. ‘Yung tipong kapag kinausap niya ito at pwedeng sagutin ng oo at hindi ay tango at iling lang ang isasagot nito sa kanya. Sa inis niya ay hindi na siya nagtangkang kausapin pa ito hanggang makarating sila kung nasaan sila ngayon.
“Is this the place?” Narinig niyang tanong ni Detective Brylle kay Red ng umibis din ito sa sarili nitong sasakyan. Tumango si Red bilang sagot at matapos ay pumasok sa malaking gate ng junkyard. Sinundan nila ito ng Detective at nakita nilang may kinausap itong lalaki na medyo may katandaan na. Sa tingin ni Hera ay ito ang tagapamahala ng junkyard. Saglit na nag-usap ang mga ito at matapos noon ay nauna ng naglakad ang matandang lalaki.
“Let’s go. He will lead us where the Director’s car has been placed.” Ani Red at tinalikuran na sila. Napaingos na lang si Hera kay Red at parang batang nagmamarkulyong sinundan ito. Nakita niya sa kanyang peripherals ang nagtatakang tingin sa kanya ng detective pero nagkunwari siyang hindi niya iyon nakita at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad sila ay inilibot ni Hera ang kanyang paningin. Malaki ang lugar at puro mga luma at sirang sasakyan ang nasa paligid. Amoy na amoy niya din ang amoy ng kinakalawang na bakal.
‘Eh anong ineexpect mong makita dito, Hera? Junkyard nga ng mga sasakyan,hindi ba? Alangan namang makakita ka dito ng mall,’ Sarkastikong sabi niya sa sarili. Napailing siya sa kaintrimitidahan ng kanyang utak at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay huminto sila sa tapat ng isang kulay gray na trailblazer. Wasak na wasak ang unahang bahagi noon at basag ang mga salamin. Napasinghap siya sa nakita at biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib.
‘D-dad…’ Nanghihinang usal niya sa kanyang sarili habang tulalang nakatingin sa sasakyan. Ang sasakyan ng kanyang ama.
Seeing her father’s wrecked car makes her weak and body tremble. Parang nakikini-kinita niya kung paanong mabilis ang pag-andar noon at kung paano nabunggo sa ten wheeler truck. She can also imagine how her father instantly lost his life because of that. Kinagat niya ng mariin ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pag-iyak.
“Okay ka lang?” Naramdaman niyang hinawakan siya ni Detective Brylle sa kanang balikat kaya dahan-dahan na nilingon niya ito. Matipid siyang ngumiti at nanghihinang tumango dito bilang sagot. Nakita niya sa mga mata ng detective ang awa para sa kanya kaya naman mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumungo. Mas kinagat niya pa lalo ang kanyang labi upang pigilan ang namumuo ng luha sa kanyang mga mata.
“It’s okay to cry, Hera.” Sa pagkakataong iyon ay muli siyang napaangat ng tingin. Nagulat siyang makita si Red na nasa harapan na niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at mataman siyang tiningnan, “If you want to cry, then cry. Don’t hold your tears. I know it’s painful to see where your father lost his life. Cry, Hera. It’s okay to cry, alright?” He said and gave her a reassuring smile.
Gusto ni Hera na sundin ang sinabi ni Red. Gusto na niyang umiyak. Masakit sa kanyang makita kung saan namatay ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay nanghihina siya at parang mayroong kung anong mabigat na dumadagan sa kanyang puso. Ngunit ayaw niya ng umiyak. Ayaw niyang muling maging mahina.
Huminga siya ng malalim at umiling kay Red, “No. I promised to myself na hindi na ako basta-basta iiyak. I need to be strong and I need to learn how to control my emotions. Kung gusto kong maresolba ang problema, kailangan kong maging matatag at matapang. And crying won’t help me.”
Unti-unting tinanggal ni Red ang pagkakahawak sa kanyang balikat at huminga ito ng malalim, “Alright, Hera. If that’s what you want. Pero kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. Andito lang ako. Don’t be too hard on yourself. And don’t pretend you are okay even though you’re not. Understand?”
Matipid na ngumiti si Hera kay Red at marahang tumango. Nagpapasalamat siyang nasa tabi niya ito ngayon. Isa ito sa mga taong pinaghuhugutan niya ng lakas. Nagpakawala muna siya ng isang malakas na buntong hininga at pumikit ng mariin. Bumilang siya ng sampu bago iminulat ang mga mata. Pagmulat niya ay nakangiting tumingin siya sa dalawang lalaki.
“Let’s start?” Aniya.
Tumango ang dalawa sa kanya bilang sagot at lumapit na sa sasakyan.
---
“I can’t find anything na maaaring makapagturo sa atin na planado ang pagkamatay ng direktor.” Frustrated na sabi ni Brylle kay Hera at Red matapos ang limampung minuto na paghahalughog nila sa sirang sasakyan ng direktor. Lahat ng parte ng sasakyan ay tiningnan na nila ngunit wala silang makitang kahina-hinala doon.
Bumuntong hininga si Red at tiningnan ang detective, “According sa police report, conscious ang director habang nagmamaneho. Namatay lang siya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga. Pero imposibleng magmaneho si Director Enriquez ng ganoon kabilis. 120 kilometer per hour? I know him. He’s a cautious driver kahit nagmamadali pa siya. Kaya paanong nangyari na naging mabilis ang pagmamaneho niya?”
“Iyan din ang tanong na gumugulo sa isipan ko, Red.” Ani Hera at bumuntong hininga din, “Maingat si Daddy. Imposible talagang mag-drive siya ng ganoon kabilis.”
Nanahimik silang tatlo at nahulog sa malalim na pag-iisip. Sa isip nila ay alam nilang may mali pero hindi nila malaman kung saan. Kung may sinirang parte sa sasakyan para mawalan ng preno o kaya ay mapabilis ang andar noon ay dapat may makita sila. Ngunit kahit anong tingin nila sa sasakyan ay wala silang makita.
Muling binuksan ni Hera ang driver’s seat ng sasakyan. May bakas pa ng dugo ng kanyang ama ang upuan. Ipiniling niya ang kanyang ulo upang pigilan ang sarili na mag-isip na naman ng nakakalungkot na bagay. Kailangan niyang mag-focus. Inikot niya ang kanyang paningin at katulad kanina ay wala talaga siyang makitang kakaiba. Bumuntong hininga siya at naupo sa akyatan ng sasakyan.
‘Think, Hera. Maaaring hindi ka detective but you can think of ways on how to know what happened.’ Bulong niya sa kanyang sarili. Tumahimik siya at muling nahulog sa malalim na pag-iisip.
“Sa tingin ko, wala tayong makukuhang impormasyon sa sasakyan na ito. Nahalughog na natin ito pero wala tayong makuha. Let’s try to find in—“
“Wait!” Pagputol ni Hera sa sinasabi ni Brylle at tumayo. Bigla siyang may naisip. Tumingin siya sa dalawang lalaki at mataman tiningnan ang mga ito, “Na-try niyo na bang i-check ang CCTV ng kalsada kung saan dumaan ang sasakyan ni Daddy? I think from there, we can find something offbeat.”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki at parehong umiling.
“I haven’t checked the recorded video, Hera. Your father’s case has also been immediately closed since they all conclude that it was just a mere car accident at walang foul play. Kaya hindi din ako nakahingi ng kopya ng na-record ng CCTV ng araw na iyon. If we will request for a copy, I doubt if MMDA will give us.” Ani Brylle at umiling.
Natahimik si Hera sa sinabing iyon ni Brylle. Nag-isip siya kung paano makakakuha ng kopya ng na-record ng CCTV pero napatigil din agad ng marinig niya si Red magsalita.
“We don’t need their permissions. We can get a copy without their knowledge.”Ani’to at ngumisi.
“How?” Naguguluhang tanong naman ni Brylle.
Naiiling na napangiti na lang si Hera. Siguradong-sigurado siya kung ano ang iniisip ni Red.
“Hacking.” Sagot niya kay Brylle at ngumiti.
“Hacking? You mean—“
“Yes. We will hack the MMDA CCTV server to check what was recorded on the day Director Enriquez died.” Sagot ni Red at tiningnan si Hera, “Can I borrow your laptop? Naiwan ko sa kotse ‘yung akin.”
Tumango si Hera bilang sagot at kinuha niya ang laptop sa kanyang backpack. Inabot niya iyon kay Red. Naghanap si Red ng mapaglalapagan noon ng maispatan ng mata nito ang katabing lumang sasakyan. Ipinatong nito sa hood ng sasakyan na iyon ang laptop. Matapos ay in-on na nito iyon.
Naaliw si Hera panoorin si Red na umpisahang i-hack ang server ng MMDA. Katulad ng kanyang inaasahan ay magaling ito. The server is being monitored every 30 seconds pero nagawa nito iyong lagpasan ng wala man lang naiiwan na traces. May mga trap din sa firewall pero parang isang matinik at mabilis na agilang nagawa nito iyong lagpasan ng hindi nahuhuli.
“Really good at hacking, Red?” Nasambit niya ng hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.
Nagkibit balikat si Red habang patuloy sa pagtipa ng keyboard, “Kailangan sa trabaho.” Kaswal na sagot nito.
Ilang saglit pa ang lumipas at tuluyan ng napasok ni Red ang server ng MMDA. Mabilis nitong hinanap ang na-record ng CCTV ng araw at oras na namatay ang direktor. Nang makita ay sabay nilang pinanood iyon.
Muling kumirot ang puso ni Hera ng mapanood ang mabilis na pagbangga ng sasakyan ng ama sa duluhang bahagi ng ten wheeler truck. Muntik ng bumagsak ang truck dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo.
“At this point, mabilis talaga ang pagmamaneho ng direktor,” Napapalatak na sabi ni Brylle habang nakapamulsa.
“Yes, it is.” Ani Red at bumuntong hininga.
Ilang ulit nilang pinanood ang kuha ng matigilan si Hera ng may mapansin siya.
“Wait! Look at this!” Aniya sa dalawa. Kunot-noong pinanood ng dalawang lalaki ang tinuro niya sa monitor, “Before he hit the truck, normal pa ang pagpapatakbo ni Dad ng sasakyan. Hindi mabilis. Pero n’ung ilang metro na lang ang layo ay saka bumilis ang pag-drive niya!”
“Oo nga ‘no!” Pagsang-ayon ni Brylle sa kanya. Ilang beses nilang ni-play ang footage na iyon ng biglang kumunot ang noo ng Detective.
“Pero bakit?” Naguguluhang tanong ni Brylle, “Bakit niya biglang binilisan ang pagmamaneho? Does he intend to commit—“
“Of course not! Why would my father think to commit suicide? He will never think of that, detective!” Sansala at inis na sabi ni Hera sa detective. Hindi niya gusto ang naiisip nito.
Brylle looked at her with apologetic eyes, “I’m sorry, Hera. I know your father will never think of that. Pero kasi, kung iba ang makakakita ng video na iyan, ganoon din ang magiging perception nila. Why would he drive fast like that when he already saw the truck approaching? Isn’t it strange?”
Naikuyom ni Hera ang kanyang kamao sa narinig. Alam niyang may punto ang detective. Pero ayaw niyang maniwala. Ano naman ang magiging rason ng kanyang ama kung bakit nito gugustuhing magpakamatay? She knows her father. And she knows that he will never think of committing suicide no matter how hard the problem he’s facing.
“My father will never commit suicide kahit na nahaharap siya sa napakahirap na sitwasyon, Detective. That will never cross his mind. Never.” Punong-puno ng conviction na sabi niya dito at mataman itong tiningnan.
“Hera’s right, Brylle. Kilala ko ang director. Hinding-hindi siya magko-commit ng suicide.” Pagsang-ayon naman ni Red matapos harapin si Brylle, “I think something happened inside the car kaya mabilis na nag-shift from normal to fast driving ang director. That is what we need to figure out.”
Tumango si Brylle kay Red at bumuntong hininga.
“I’m sorry again, Hera.” Ani Brylle kay Hera ng bumaling ito ulit ng tingin sa dalaga.
Ngumiti si Hera sa detective, “It’s okay, Detective. I understand your point. Ganoon talaga ang iisipin ng ibang makakakita ng video. But since I know my father well, alam kong hindi niya iyon gagawin. Just like what Red said, we need to know what happened inside the car kung bakit bumilis ang andar noon.” Aniya dito. Nangingiming ngumiti sa kanya si Brylle at matapos noon ay itinutok na muli ang tingin sa monitor ng kanyang laptop.
Habang abala si Red at Brylle sa pagsusuri ng video na nakunan ng CCTV ay lumapit muli si Hera sa sasakyan ng ama. Binuksan niya ang pinto ng passenger’s seat. Katulad ng kanyang ginawa kanina ay inilibot niya muli ang paningin sa loob. Nagkalat sa loob sasakyan ang basag na salamin. Tumingin siya sa front mirror na halos matanggal na sa pagkakakabit at nakita niya ang nakasabit na rosary. Napangiti siya. Naalala niyang siya ang nagbigay noon sa kanyang ama. Inabot niya iyon at kinuha. Inilagay niya iyon sa kanyang bulsa at muling iniikot ang paningin. Ilang saglit pa ay natuon ang kanyang mga mata sa putol na usb chord na nakasaksak sa sasakyan. Kahit hirap dahil masikip ang unahang bahagi ng sasakyan dahil sa pagkakayupi ay inabot niya ang chord at tinanggal sa pagkakasaksak. Tiningnan niya iyon.
‘Siguro nagcha-charge si Daddy ng phone kaya niya sinaksak sa sasakyan niya. Nakalimutan na naman niya sigurong dalhin ‘yung power bank niya,’ Naiiling na wika niya sa kanyang sarili. Binitiwan niya ang chord at lumipat naman sa back seat. Inikot niya ang tingin doon.
'Ano bang nangyari, Dad? Alam kong hindi basta-basta ang pagkamatay mo. It was planned. Help us para malaman kung sino ang pumatay sa’yo.’ Bulong niya at bumuntong hininga.
Yumuko siya upang tingnan kung may mga naiwang bagay sa ilalim ng upuan ng sasakyan ng ama. Ilang saglit pa ay napadako ang paningin niya sa maliit na stuff toy na Patrick the star fish na napailalim sa driver’s seat. Naaalala niya iyon. Bukod sa rosary na ibinigay niya sa kanyang ama ay binigyan niya din ito ng stuff toy na Patrick the star fish na pwedeng idikit sa salamin ng sasakyan. Naaalala niya pa ang nangingiting pag-iling nito sa kanya noon habang kinakabit niya iyon doon.
Pumakabila siya at kinuha ang stuff toy. Nang makuha ay marahan niya iyong hinaplos at tinitigan.Ilang saglit na nanatiling ganoon ang kanyang ginagawa ng matigilan siya.
‘Bakit may tahi ang stuff toy na ito sa likod?’ Takang tanong niya sa kanyang sarili. Sa pagkakatanda niya ay wala naman itong tahi sa likod ng ibigay niya iyon sa ama. Nakakapagtakang meron ito ngayon.
‘Nasira ba ‘to at tinahi ni Dad?’ Muli niyang tanong at tinitigan ang tahi. Kung tutuusin ay hindi naman ganoon pansinin ang tahi dahil malinis ang pagkakatahi doon. Nakapa niya lang iyon kanina kaya naman napansin niya.
“Let’s go, Hera.Maya-maya ay ii-scrap na ang sasakyan ng Daddy mo. We need to leave,” Ani Red sa kanya na hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niya ang nakakunot nitong noo habang tinitingnan ang hawak niya, “What are you holding?”
“Ah…this? Ito ‘yung binigay ko kay Dad dati na pangsabit sa sasakyan niya,” Sagot niya sa tanong nito. Tumango si Red sa kanya bilang sagot at hahakbang na sana paalis ng matigilan ito.
“Can I see that?” Tanong nito sa kanya. Naguguluhan man ay inabot niya dito ang stuff toy.
Nang maiabot niya kay Red ang stuff toy ay tinitigan nito ang mga mata ng stuff toy na iyon kaya naman tumaas ng bahagya ang kanyang isang kilay. Nawiwirduhan siya sa ginagawa nito.
“What are you doing?” Tanong ni Detective Brylle na nakalapit na sa kanila.
Nagkibit balikat si Hera bilang sagot at tinuro si Red, “Nakikipagtitigan si Red kay Patrick.Na-inlove na ata.” Biro niya.
Nakita niyang ngumisi si Brylle sa sinabi niya at tiningnan si Red. “Hey, Red. Let’s go. Sa susunod ka na makipag—“
Natigilan si Brylle sa pagsasalita at pati na din si Hera ng makita nilang mabilis na binuksan ni Red mula sa likod ang stuff toy.
“Hey, Red! Bakit mo sinisi…” Hindi na naituloy pa ni ni Hera ang kanyang sinasabi ng makita niya ang bagay na inilabas ni Red mula sa stuff toy na iyon.
“I think we can now know what really happened inside this car.” Ani’to at ngumisi sa kanila ni Detective Brylle.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top