H22

H22

“Please check this out first before we leave.” Ani Hera kay Red at iniabot niya ang kanyang laptop dito. Nasa loob na sila ng kotse at pabalik na ng Maynila ng maalala niya ang kanyang nadiskubre kagabi.

“What you see is the actual file my father hid in the memory card. Gumamit siya ng steganography para maitago ang file na iyan at hindi basta-basta makita ng kahit na sino.” Muli niyang sabi habang masusing tinitingnan ni Red ang nakadisplay sa monitor ng kanyang laptop. Nakita niyang tumaas ng bahagya ang isang sulok ng labi nito ng marinig ang kanyang sinabi.

“Your father perfectly hid the file well. Wala akong nakitang kahit anong distortions sa mga picture na ito kagabi kaya hindi ko naisip na maaaring gumamit siya ng steganography.” Ani’to at binalingan siya ng tingin, “O maaaring hindi ko lang napagtuunan ng pansin kasi masyado akong nag-enjoy kakatingin ng pictures mo.” Dugtong pa nito at unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa labi nito.

Naramdaman ni Hera na mabilis na nag-init ang kanyang pisngi sa tinuran na iyon ng katabi kaya naman sinapak niya ang braso nito at sinamaan ng tingin upang pagtakpan ang pamumula ng kanyang mukha. Tumawa lang ito sa kanya at tila ba hindi ito naapektuhan sa kanyang ginawa. Matapos noon ay bumalik na ulit sa pagkaseryoso ang mukha nito.

“Kidding aside, hindi ko talaga naisip iyon. Well, what do I expect from Director Enriquez? He’s really good at this.” Ani’to at ibinalik ang tingin sa laptop.

Matipid na ngumiti si Hera kay Red, “Yeah. He is. Kahit ako ay hindi ko din naisip agad na gumamit siya ng steganography. Normally kasi may makikita kang kahit kaunting distortion sa isang file na ginamit pang-cover ng hidden document whether it be a picture, video, word, etc. Pero ito, wala. Malinis ang pagkakagawa ni Dad,” Aniya at napailing.

Hindi naman talaga siya sigurado kagabi kung tama nga ang kanyang hinala na maaaring gumamit ng steganography ang kanyang ama. Katulad ng kanyang sinabi ay wala naman kasi talaga siyang nakitang kakaiba sa mga larawan na naka-save sa memory card. Kumbaga, trial and error lang talaga ang kanyang ginawa. Sinunod niya lang kung ano ang sinasabi ng kanyang instinct. It took her a couple of minutes bago niya nagawang hanapin kung alin sa mga pictures na naka-save sa memory card ang ginawang pang-cover sa hidden document. Hindi niya nga alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa lahat ng picture na naka-save doon ay ‘yung nakakahiyang picture niya talaga na naliligo sa banyo na wala siyang saplot noong 4 years old siya ang ginawang pang-cover sa hidden document ng kanyang Daddy.

“But the problem here is, kahit napalabas ko na ang hidden file, it is still encrypted. It will take me some time before I can finally decrypt it. Hindi siya katulad ng ibang encryptions na madaling i-hack ang password at i-decrypt. Unless I have a supercomputer para mapabilis ang decrypting.” Muli niyang sabi at bumuntong hininga. Natuwa siya kagabi dahil nagawa niyang palabasin ang itinagong file ng kanyang ama pero n’ung sinubukan niya iyong i-decrypt ay hindi siya nagtagumpay. Ibang klaseng encryption kasi ang ginawa ng kanyang Daddy sa document at hindi iyon ganoon kadaling i-decrypt.

Nakita niyang mabilis na tumipa si Red ng command sa keyboard ng kanyang laptop. Hindi na siya nagulat sa ginawa nito dahil naikwento na nito sa kanya na isa itong member ng cyber police ng FBI. Maalam ito tungkol sa computers. Nalaman niya nga din na ito ang nag-hack ng wifi niya noon. Naaliw daw kasi ito sa pinangalan niya sa kanyang wifi kaya ni-hack nito iyon at pinalitan ng pangalan. Hindi na niya ito tinanong pa kung paano nito nagawa iyon dahil may ideya naman na siya kung paano.

Sinubukan nitong i-decrypt ang file ngunit katulad ng kinahantungan niya kagabi ay hindi din ito nagtagumpay. Kumunot ang noo nito habang tinitingnan ang nakadisplay sa monitor ng kanyang laptop.

“I think the type of encryption your father used in this file is asymmetric. The password he used in encrypting the file is different in decrypting it. He also did something in this file so that it can’t be easily decrypted by anyone.” Ani’to at bumuntong hininga. “For sure, someone knows the password of decrypting the file. But we don’t know who he or she is.”

“I figured.” Aniya at tumango dito bilang pagsang-ayon, “Kung alam lang natin kung sino ang nakakaalam ng password, mas madali natin iyan made-decrypt. But right now, there’s no way we can know who he or she is. We need to decrypt the file as soon as possible. We don’t have any supercomputer that we can use so we need to think of other ways in decrypting the file the fastest way possible.”

Tumango sa kanya si Red at isinara ang laptop. “Yeah, we will.” Sagot nito at inabot ang laptop sa kanya, “But let us set this aside for the meantime. Detective Brylle is waiting for us so wee need to hurry.”

Tumango si Hera kay Red bilang sagot at umayos ng upo. Sinigurado niya ding nakakabit ng maayos ang kanyang seatbelt dahil naalala niya kung paano ito nagmaneho ng minsan siyang ihatid nito sa bahay. Kulang na lang ay ihatid siya nito sa hukay. Napapailing na napangiti siya sa naisip. Tiningnan niya ang katabi at nakita niyang ini-start na nito ang engine ng sasakyan.

---

“The case has been removed in my hands, Red.” Seryosong wika ni Brylle kay Red habang tahimik silang nag-uusap sa pinakatagong pwesto ng coffee shop kung saan sila nito nagkita.

Nakita ni Hera na kumunot ang noo ni Red sa narinig kaya naman naguguluhang binalingan niya ng tingin ang detective, “What do you mean, Detective Brylle?” Tanong niya dito.

Inilipat nito ang tingin sa kanya at sumimsim muna ng iniinom na kape bago sumagot, “The case has been closed, Hera. I cannot investigate the case anymore.”

“What?!” Gulat na gulat niyang sabi na hindi niya namalayang napataas pala ang kanyang boses. Dali-dali din siyang napayuko ng makita niyang naagaw niya ang atensyon ng ilang customer na malapit sa kanilang pwesto. Nakita niyang tiningnan siya ni Red at nginisian na tila ba nang-aasar kaya naman iningusan niya ito at humalukipkip.

“But you’re still in it, right?” Maya-maya’y narinig niyang tanong ni Red kay Brylle matapos nitong ibalik muli ang tingin sa detective. Ngumiti si Brylle kay Red bilang sagot at matapos noon ay binalingan siya ulit nito ng tingin.

“Don’t worry, Hera. I’ll still help you. I’m also eager to know the truth. At kahit pigilan nila ako ay hindi ako titigil sa pag-iimbestiga.” Sabi nito sa kanya.

Parang nabunutan ng tinik si Hera at nakahinga ng maluwag sa narinig. Nagpapasalamat siyang hindi naman pala ito umuurong na tulungan sila ni Red tungkol sa kaso ng kanyang ama.

“But you know that it’s against the code of conduct, right? Are you ready to face the consequences just in case they’ll know about it?” Seryosong tanong ni Red dito at mataman itong tiningnan.

Nakaramdam si Hera ng guilt ng marinig niya ang sinabing iyon ni Red sa detective. Sabagay, may punto naman ito. Baka makatanggap ng matinding kaparusahan si Detective Brylle kung susuway ito sa utos ng nakakataas sa kanya.

Nakita niyang muling sumimsim ng kape si Brylle bago seryosong tiningnan ang katabi niyang si Red, “I know, Red. And I’m not afraid.” Ani’to na hindi kababakasan ng takot sa mga mata.

Nakita ni Hera na unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi ni Red sa narinig nitong sinagot ni Brylle.

“Well then, thanks Brylle. We owe you this one.” Ani Red at inabot ang kamay para makipagkamay dito. Inabot iyon ni Brylle at ngumiti kay Red.

“No worries.” Sagot nito at matapos makipagkamay ay umayos na muli ng upo.

“Thank you, Detective.” Ani Hera kay Brylle at ngumiti dito.

“Don’t mention it.” Sagot nito sa kanya at ngumiti din.

“So, what is our first plan?” Tanong ni Hera sa dalawa matapos dumaan ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nilang tatlo.

“We’ll start investigating your father’s death, Hera.” Ani Red sa kanya. “Sa tingin ko, iyon ang dapat natin unahin. If we can figure out who killed your father, malalaman din natin kung sino ang pumatay kay Senator Rodriguez. Naniniwala akong pareho lang ang pumatay sa dalawa.”

“Totally agree with you. Iyon din ang naiisip kung unang plano. I think mas madami tayong makukuhang clue sa pagkamatay ni Director Enriquez. I know the senator and the director had a direct communication with the killer but I think it’s Director Enriquez who knows them more.” Sabi naman ni Brylle.

Tumango si Hera sa dalawa bilang pagsang-ayon. Bigla siyang nakaramdam ng excitement kaya naman napangiti siya. Pakiramdam niya tuloy ay isa na din siyang detective sa gagawin nilang tatlo. Hindi niya alintana kung ikapapahamak niya iyon o hindi.

“If that’s the case, anong una nating gagawin?” Tanong niya sa dalawa.

“We’ll go to the junkyard, Hera.” Sagot ni Brylle sa kanya. Kumunot ang noo niya sa narinig.

“Junkyard?” Naguguluhang tanong niya.

“Yes, Hera. We’re going to the junkyard where your father’s car has been brought.” Sabi naman ni Red at uminom ng kape.

“Anong gagawin natin doon? Tsaka ‘di ba sa mga ganoon, supposed to be scrapped na ‘yung sasakyan ni Dad ngayon? It’s been a week at paniguradong na-scrap na ‘yon. How sure are you na hindi pa ‘yun naii-scrap?” Nakakunot noong tanong niya.

“I pulled some strings so that the car won’t be scrapped yet. But we need to go there now kung gusto natin may maabutan pa. Today is actually its scheduled day of scrapping.” Ani Red at tumayo.

Nanlaki ang mata ni Hera sa narinig, “Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Dapat pala kanina pa tayo nagpunta doon!” Inis na sabi niya kay Red. Hindi niya alam kung may topak ba itong si Red o ano. Kung iyon naman pala ang una nilang gagawin bakit hindi na lang sila doon nagkita ng detective? Eh di sana ay hindi nasayang ang oras. Nakita niyang napailing na lang si Brylle sa outburst niya kay Red.

“Where’s the fun in that, Hera? Mas exciting kapag naghahabol ng oras.” Sagot ni Red sa kanya at ngumisi. Nabubwisit na binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin at babarahin sana ngunit hindi na niya naituloy dahil nakita niya si Detective Brylle na nakatayo na sa kanyang gilid.

“Let’s go, Hera. We need to go there as soon as possible. Time’s running.” Nakangiting sabi nito sa kanya at inabot ang kamay nito para tulungan siyang tumayo. Saglit na natulala si Hera sa ngiting ibinigay sa kanya ng Detective. Ngayon niya lang napagtanto na mas lalo itong gumagwapo kapag nakangiti. Kiming napangiti na lang siya dito at kahit nahihiya ay inabot niya ang kamay nito. Matapos noon ay tumayo siya at nagpasalamat dito.

“Let’s go.” Narinig na lang nilang sabi ni Red sa malamig na boses at walang lingon likod na nauna na papalabas ng coffee shop. Naguguluhang nagkatinginan na lang sila ni Brylle sa inakto nito.

***

Readers’ References:

*Steganography is data hidden within data. Steganography is an encryption technique that can be used along with cryptography as an extra-secure method in which to protect data. (http://www.techopedia.com/definition/4131/steganography)

*Encryption is the coding or scrambling of information so that it can only be decoded and read by someone who has the correct decoding key. (http://www.techterms.com/definition/encryption)

*Asymmetric Encryption is a type of encryption in which a pair of keys is used to encrypt and decrypt a message. (http://searchsecurity.techtarget.com/definition/asymmetric-cryptography)

*Supercomputer is a high-powered computer system that has processing capabilities far greater than a typical workstation. It may be designed for a specific application, such as simulation modeling or scientific research, or may simply be created to showcase the latest computing technology. A supercomputer may be a built as a single machine or may consist of a cluster of computers that process data in tandem. (http://pc.net/glossary/definition/supercomputer)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top