H20


Dedicated sa kanya kasi na-touch ako ng sabihin niyang inabot siya ng madaling araw para lang mabasa ito hanggang sa latest update. Salamat po ng marami. ;)

H20

“Are you okay, Hera? Where are you? Alam mo na ba kung anong nangyari sa bahay niyo?” Nag-aalalang bungad sa kanya ni Artemis ng sagutin niya ang tawag nito. Madaming tumatawag at nagtetext sa kanya simula pa kanina at kabilang na doon sina Ethos, Marianne, Tita Lorraine, ilang mga kamag-anak niya pati na din ang iilan niyang kaklase na nakakaalam ng number niya. Laman kasi ng mga balita ang nangyari sa bahay nila. Ayaw niya munang makipag-usap kahit kanino pero kahit ganoon ay pinili niyang sagutin ang tawag ni Artemis. Napabuntong hininga siya at niyakap ang kanyang mga tuhod. Nilapag niya ang kanyang cellphone sa tabi niya at ni-loud speaker iyon upang marinig ang sinasabi nito. Kasalukuyan siyang nasa lilim na bahagi ng azotea ng rest house ni Red at tanaw na tanaw niya ang asul na kalangitan. Kanina pa sumikat ang haring araw ngunit hindi pa rin siya nakakatulog. Masyado siyang restless at gusto niyang makapag-isip isip at magpahangin kaya umakyat siya doon.

“I’m okay, Art. Don’t worry about me. And…and I know what happened…” She mumbled. Bumalik sa kanyang alaala ang itsura ni Nanay Rosa ng iwan nila ito ni Red sa bahay pati na din ang wala ng buhay nilang guard at driver. She knows that her presence is badly needed there. Kailangan niyang magbigay ng statement sa mga pulis kung ano ang nangyari but Red told her that he got it all covered. May mga kilala ito sa kapulisyahan at nakausap na nito ang mga iyon tungkol sa nangyari at kung bakit hindi siya makakapagbigay ng statement sa ngayon.

“What’s happening, Hera? Bakit…bakit bigla na lang may ganoon? Are you really okay? At bakit ka biglang nawala? Saan ka ba pumunta?” Sunond-sunod nitong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya muli at ipinatong ang kanyang baba sa tuhod. She wanted to tell Artemis everything that happened. Gusto niyang may mapag-unloadan ng bigat na nararamdaman niya pero alam niyang hindi pwede. Baka kasi madamay pa ito sa problema niya at hindi niya gustong mangyari iyon. Tama ng may mga napahamak na dahil sa kanya. Tama na iyon at ayaw na niyang madagdagan pa.

“All I can say is I’m safe, Artemis. I can’t tell you exactly where I am right now. I know nag-aalala kayo sa akin and I’m thankful for that. Pero sa ngayon, hindi ako pwedeng makipagkita sa inyo. Ito na din ang huling beses na mag-uusap tayo, Art. Meron akong importanteng bagay na kailangan asikasuhin.” Sagot niya dito.

“Pero Hera—“

“Please tell everyone who cares that I’m safe, alright? And please, pakitingnan na din si Nanay Rosa. She’s in the hospital right now and I can’t go there. Please go there for me, Art.” Pakiusap niya dito. Narinig niyang bumuntong hininga ng malalim si Artemis sa kabilang linya at sandaling nanahimik.

“Alright, Hera. I will. Please be safe, okay? Hindi ko alam kung ano man iyang kailangan mong gawin pero malakas ang pakiramdam ko na delikado iyon. Please be careful at huwag kang maging padalos-dalos. And if you need help, just call me. I will help you no matter what happens.” Seryoso at sinserong sabi nito sa kanya matapos basagin ang namayaning katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan at tumingin sa kalangitan, “I will, Art. I will.”

---

“I think Detective Brylle can help us in solving this case, sir.” Ani Hera kay Red habang kumakain sila ng hapunan. Nagawa na niyang makatulog at kahit papaano ay nakabawi na din siya ng lakas.

“Stop calling me sir, Hera. We’re not in school. And you know that I’m not really your professor. Ginawa ko lang ‘yun para mas mabantayan ka. Red will do.” Sabi nito sa kanya ng hindi nag-aangat ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

“Pero technically, you’re still my prof—“

“You call me by my name o hindi kita isasama bukas para umpisahang imbestigahan ang kaso ng Daddy mo?” Pagputol nito sa sinasabi niya at nag-angat ito ng tingin sa kanya.

Napasimangot siya sa sinabi nito at humalukipkip, “Are you blackmailing me, sir? Hindi mo ako matatakot sa ganyan.” Wika niya at tinaasan ito ng kilay.

“Really?” Ani’to at tumaas ang isang sulok ng labi nito, “Well how about this: one more sir and I will kiss you. You choose.” Sumeryoso ang mukha nito at sumandal sa inuupan nito at tinitigan siyang mabuti.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Napipilan siya at pakiramdam niya ay nagkaroon ng rigodon sa utak niya. Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig upang barahin ito ngunit isinara niya din iyon agad dahil wala siyang maisip na sasabihin. Ano ba kasi ang naisip nito at iyon pa talaga ang sinabi nitong pang-balik sa kanya? Hindi ba nito alam na dahil sa sinabi nito ay pakiramdam niya ay nagkagulo-gulo bigla ang brain cells niya pati na din ang kanyang lamang loob?

“Cat got your tongue, Goddess?” Nakangising wika nito sa kanya matapos dumaan ang ilang sandaling katahimikan. Nangalumbaba ito sa harap niya at amused na tiningnan siya, “Nagbibiro lang ako, h’wag kang mag-alala. Hindi ko gagawin ‘yun.” At tumawa ito ng malakas.

Saglit siyang natameme sa sinabi nito. Matapos noon ay sinamaan niya ito ng tingin at muling humalukipkip. “Kainis ka, alam mo ‘yun?” Pikon niyang sabi dito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil biro lang ang sinabi nito sa kanya o ano. Para kasi siyang may nakapang disappointment sa dibdib niya ng sabihin nitong nagbibiro lang ito.

‘What the heck, Hera? Ano bang nangyayari sa’yo? Don’t you think you’re crossing the line? He’s your freaking professor for Pete’s sake! Don’t tell me nagkakagusto ka na sa kanya? Isa pa, alam mong hindi ito ang tamang oras para diyan! Focus!’ She chastised herself.

“Seriously Hera, what’s the point of addressing me sir kung hindi mo naman ako sinusunod? Ni hindi mo nga ako ginagalang eh. So stop calling me sir, alright?” Nakangiting wika nito.

She rolled her eyes at tinaasan niya itong muli ng kilay, “Ano ka? Ginagalang kaya kita! If I’m not, eh ‘di kita tatawaging sir. Tsaka ‘di kita sinusunod? Sumusunod kaya ako sa’yo. I won’t be here if I’m not.” She retorted.

Natatawang umiling ito sa kanya at bahagyang itinaas ang dalawang kamay, “Alright, alright. If you say so, Goddess. Hindi na ako makikipag-argumento pa. But I know na alam mong hindi iyan totoo.” Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.

Naningkit ang mata niya sa sinabi nito at magsasalita pa sana ngunit pinigilan siya nito.     

“Going back sa sinabi mo kanina, I already called Detective Brylle. He’s more than willing to help us. We will meet him tomorrow.” Ani’to at nawala na ang mapaglarong ngiti nito sa labi. Tumango siya dito bilang sagot at tumahimik saglit.

“Siya nga pala R-red…” Natigilan siya sa pagsasalita at napaingos sa kaharap ng makita niyang ngumiti ito ng malapad sa kanya ng marinig nito ang ginawa niyang pagtawag dito.

‘Harujusku! ‘Wag mo akong ngitian ng ganyang pula ka!’ Aniya sa kanyang  sarili at napaikot ng mata sa kanyang isipan.

Tumikhim siya at nagkunwaring hindi naapektuhan sa ngiti nito kahit na ang totoo ay nadi-distract siya, “Kagabi, habang abala sa paghahalughog si Detective Brylle sa kwarto ni Daddy ay mayroon akong nakuha na sa tingin ko ay napaka-importanteng bagay na pag-aari ni Dad. Hindi ko sinabi kay Detective Brylle iyon at tinago ko muna. Hindi ko pa din nakikita kung anong laman noon pero naniniwala akong importante iyon dahil nakatago iyong mabuti.”

Kumunot ang noo ni Red sa sinabi niyang iyon at mataman siyang tiningnan, “Ano iyong nakuha mo?”

“Memory Card.” Sagot niya dito at uminom ng tubig. “Nakita ko iyong nakatagong mabuti sa picture frame sa kwarto ni Dad.”

“Memory Card? Can I see it?” Ani’to sa kanya at binitawan ang hawak na kubyertos.

“Later. I want to check it myself first kung ano ang laman noon. Malakas kasi ang paniniwala kong may kinalaman iyon sa pagkamatay ni Dad.” Sagot niya dito at mataman itong tiningnan.

“Alright. Let’s check it after nating kumain.” Sabi nito sa kanya at uminom ng tubig.

---

“What the hell?” Mabilis na naisara ni Hera ang kanyang laptop ng makita niya ang laman ng memory card na nakuha niya sa kwarto ng kanyang daddy. Nilingon niya ang kanyang katabi at nakita niyang ngingiti-ngiti itong nakatingin sa kanya.

“What?” Iritable niyang sabi dito. Nahihiya siya at hindi niya alam kung papaano niya papakiharapan si Red. Hindi niya kasi akalain na iyon lang pala ang laman ng memory card na iyon. Nagsisisi tuloy siyang sana pala ay tiningnan niya na ang laman noon n’ung una pa lang o kaya ay hindi siya pumayag na dalawa silang tumingin ng laman noon. Nakita tuloy nito ang mga bagay na hindi nito dapat makita.

“Ang cute mo,” Wika nito at ngumiti ng malapad. Naiinis na hinampas niya ang braso nito at sinamaan ito ng tingin. Wala na siyang paki kung isipin nitong wala na talaga siyang respeto dito. Ang alam niya lang ay naaasar siya.

“Tigilan mo ‘ko!” Banas niyang sabi dito.

“Cute mo naman talaga ah? Ang cute mo n’ung maliit ka pa. Chubby. Sarap panggigilan ng pisngi,” Sagot nito at ngumisi. Tila hindi naapektuhan sa paghampas niya sa braso nito.

“Bwisit!” Gigil na wika niya at nakasimangot na humalukipkip. Naasar talaga siya. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng laman ng memory card na iyon ay mga larawan niya simula ng bata pa siya? At ang mas nakakabanas pa ay mayroon siyang mga larawan doon n’ung four years old siya na naliligo sa banyo ng nakahubad? Sinong hindi mabubwisit doon? At mas lalo siyang naasar dahil ang bruhong katabi niya ay tila aliw na aliw na tinitingan ang mga larawan niya.

Tumikhim ito at tila pinigilan ang sariling humalakhak ng malakas, “Importante talaga ang laman ng memory card na ‘yan sa Daddy mo, Hera. Kaya h’wag kang maasar diyan.” Ani’to at ngumising muli.

Naiinis na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at padabog na kinuha niya ang kanyang laptop sa mesa. “Matutulog na ako.” Sabi niya ng hindi ito nililingon.

“Alright. Gumising ka ng maaga. We’ll leave this house early tomorrow. May mga damit na din pala akong binili para sa’yo kanina habang natutulog ka. Nilagay ko sa kwarto mo.” Narinig niyang sabi nito ng nasa may hagdanan na siya.

“Thank you.” Sabi niya na lang ng hindi pa din ito nililingon at nagdire-diretso ng pag-akyat sa kwartong nilaan nito para sa kanya.

Pagkadating niya sa kanyang kwarto ay padarag na kinandado niya ang pinto at naiinis na naupo sa kama niya. Nilapag niya ang kanyang laptop sa side table at matapos noon ay parang baliw na ginulo-gulo niya ang kanyang buhok.

“Aaaaaaaaaaarggh! Nakakahiya!” Sigaw niya at parang tangang gumulong-gulong sa kama. Sumipa-sipa pa siya sa ere at inuntog-untog ang kanyang ulo sa kutson.

“Dad naman! Bakit sa dinami-daming pwedeng laman ng memory card na iyon ay mga picture ko pa n’ung bata ako? Pinagtitripan mo ba ako?” Asar na wika niya at muling gumulong-gulong sa kama. Ilang minutong ganoon lang ang ginawa niya at nang mapagod ay naupo siyang muli sa kama at napahinga ng malalim. Naisip niyang kahit naman anong gawin niya ay hindi naman na mababago noon ang katotohanang napahiya siya kay Red. Sinabi pa naman niya din sa lalaki na tingin niya ay importante ang laman noon at sa tingin niya ay may kinalaman iyon sa kaso ng kanyang ama, iyon pala ay hindi. Nagpakawala siya muli ng isang marahas ng buntong hininga at matapos noon ay napadako ang tingin sa maliit na sofa sa kwarto niya. May mga paper bag doon na may tatak ng isang sikat na boutique. Lumapit siya doon at inusisa ang laman.

Nag-init ang mukha niya ng bumungad sa kanya ang mga undergarments.  ‘Anak ng tipaklong! Nakakahiya! Sana pala hindi na lang ako natulog at sumama na lang ako sa pulang iyon sa pagbili ng damit ko!’ Nahihiyang sabi niya sa kanyang sarili. Hindi kasi niya naisip kanina na wala nga pala siyang pamalit na damit ng magpunta sila doon. Masyado kasing preoccupied ang utak niya sa mga nangyari kaya naman hindi na niya naisip ang bagay na iyon. Ipinagpapasalamat niyang naalala iyon ni Red at nagkusa itong bilhan siya ng damit pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hiya lalo na’t ito pa ang bumili lalo na ng undergarments niya.

‘H’wag ka ngang malisyosa, Hera. Eh ano kung binilhan ka ng undergarments? Siyempre kasama ‘yun sa bibilhin niya kasi kailangan mo ‘yun!’ Kastigo niya sa kanyang sarili. Umiling siya na tila ba inaalis niya sa kanyang isipan ang hiyang nararamdaman niya at tiningnan na lang ang laman ng mga paper bag. Karamihan doon ay mga tshirt, spaghetti strap, ilang short at pantalon. May mga hooded jacket din. Sa tingin niya ay kasya naman sa kanya lahat iyon. Napangiti siya. Andaming pinamili sa kanyang damit ni Red at nagpapasalamat siya dito.

Matapos isa-isahin ang laman ng paper bag ay sininop niya ang mga laman noon at inilagay sa cabinet. Naglagay din siya ng ilang damit sa kanyang bag para mayroon siyang pamalit in case of emergency. Nang maayos niya ang mga iyon ay bumalik siya sa kama at inabot muli ang kanyang laptop. Muli niyang tiningnan muli ang laman ng memory card at hindi niya maiwasang mapailing habang tinitingnan muli ang kanyang mga larawan noong bata pa siya.

‘Mahal na mahal mo talaga ako Dad ‘no kaya ni-secure mong mabuti itong mga picture ko noong bata pa ako.’ Nakangiting wika niya habang iniisa-isa ang larawan na naroon. Maya-maya’y biglang siyang natigilan ng may pumasok sa kanyang isipan.

‘I don’t think Dad will keep this memory card in a secured place kung ang laman lang nito ay picture ko. Alam kong mahal na mahal niya ako at niche-cherish niya ang mga larawan ko para mayroong siyang remembrance but keeping it in a place na hindi makikita agad ng kahit na sino is somehow strange.’ Aniya sa kanyang isipan at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Alam niya sa kanyang sarili na hindi lang iyon ang laman ng memory card. Meron itong importanteng laman na hindi niya nakikita o naiisip na meron ito. Pero ang tanong niya ay ano? At paano niya makikita iyon? Ilang beses niyang muling sinuri ang laman ng memory card ngunit wala talaga siyang maisip. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata at humalukipkip.

‘Dad, tell me. Anong meron sa memory card na ito? Picture ko nga lang ba ang laman nito o meron pang iba?’ Bulong niya sa kanyang isipan. Padipa siyang nahiga sa kama habang ang kanyang laptop ay nanatiling nakalagay sa kanyang hita. Tumitig siya sa kisame at muling nahulog sa malalim na pag-iisip. Ilang sandali din siyang nanatiling ganoon ng bigla siyang natigilan. Napaupo siya bigla sa kama at muling tumitig sa kanyang mga larawan.

‘Hindi kaya…’ Mabilis siyang tumipa ng command sa kanyang laptop at nag-encode ng ilang codes doon. Ilang minuto ang lumipas na panay lang ang tipa niya sa keyboard. Matapos niyang makumpleto ang ginawa niya ay napangiti siya ng malapad ng makita ang niya resulta. Napagtanto niyang tama nga ang kanyang naisip. Napakautak talaga ng kanyang ama.

‘Steganography.’ Napapailing na sabi niya sa kanyang sarili habang hindi nawawala ang malapad na ngiti sa kanyang labi.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top