H16
H16
“ANO bang pinagsasabi mo? Huwag ka ngang magpatawa, Miss.” Naiinis na wika ni Hera sa babaeng kausap niya sa telepono. Naiirita siya sa sinabi nito. Hindi ba nito alam na masama ang magbiro ng ganoong bagay? Isa pa, sa dinami-dami na pwedeng idamay sa kalokohan nito ay ang tatay niya pa talaga ang napili nitong pagdiskitahan. “Kung wala kang sasabihing matino—“
“I really wish that I’m just joking, Ms. Hera. But your father is really dead.” Seryosong wika nito sa kanya matapos putulin ang kanyang pagsasalita. “His car crashed in a ten wheeler truck a while ago and he was dead on the spot.”
Nahigit ni Hera ang kanyang paghinga sa narinig at nanginginig na nabitiwan niya bigla ang kanyang telepono. Pakiramdam niya ay biglang huminto sa pag-inog ang mundo at tinakasan siya ng lakas. Pabagsak siyang napaupo sa lupa at natulala.
‘No! Hindi ‘yun totoo ‘di ba? She’s just toying with me! She’s…she’s just making a story! My Dad…It’s impossible that he’s dead, right? It’s…It’s really impossible!’ Pagtanggi niya sa kanyang isipan at marahas na umiling-iling. Hindi matanggap ng kanyang utak ang sinabi ng babae iyon sa kanya. For her, it was a bad joke. Scratch that. It was the worst joke she ever heard. Her tears started to fall. Though she’s not sure whether what the woman told her was true or not, there’s this niggling feeling inside her that saying that it was indeed true.
Tumuloy-tuloy sa pag-agos ang kanyang luha at hindi na niya iyon napigilan pa. Sa nanginginig na kamay ay dinampot niya ang kanyang cellphone na nahulog sa lupa at walang pasubaling in-end ang tawag ng babaeng nagpakilalang Tessa. Matapos noon ay idinayal niya ang numero ng cellphone ng kanyang ama.
“Answer the phone Dad! Please!” She cried. Ilang beses niya iyong pilit tinawagan ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.
“He’s not…” Umiiyak na tinakpan niya ang kanyang mukha ng dalawang kamay at umiling-iling habang pilit pinapaniwala ang sariling hindi totoo ang kanyang narinig. “He’s not…dead…”
---
“R-RED…” Mula sa inaantok na diwa ay napadiretso ng upo si Red ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Thea. Hinawakan niya ang kamay nito at marahan na pinisil iyon.
“Are you okay now? Do you need anything? Gusto mo bang kumain?” Sunod-sunod na tanong niya dito. He is so relieved that Thea is awake now. Simula ng makita niya ito kagabi ay sobra ang naging pag-aalala niya para dito.
Nanghihinang umiling ito at ngumiti sa kanya, “I’m o-okay now, Red. C-can I have a glass of water, please.”
Mabilis na tumayo si Red at inabot ang decanter sa side table at nagsalin ng tubig sa baso.
“Where are we?” Halos pabulong na wika ni Thea habang dahan-dahang iniikot ang mata sa paligid.
“Hospital.” Sagot ni Red dito at tinulungan itong makainom ng tubig.
Nang makainom ito at makahiga muli ng maayos ay nagpasalamat ito sa kanya, “P-paano ako nakarating dito? A-ang huling natatandaan ko lang ay nasa cemetery ako…kausap si Mommy…and then…” Hindi na itinuloy pa ni Thea ang sinasabi at mariin na lang nitong ipinikit ang mga mata at bumuntong hininga ng malalim.
“You were able to call me before you totally passed out. I searched for you at nakita kitang walang malay sa mausoleum ng pamilya niyo.” Seryosong sagot ni Red at nag-aalalang tiningnan ang kaibigan, “Why you didn’t tell me you’re sick, Thea? Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka pala sa puso?”
Nang makita ni Red si Thea kagabi sa loob ng mosoleo ng pamilya nito ay sobrang takot ang naramdaman niya. He thought she was dead. Wala kasi itong malay na nakahandusay sa tapat ng libingan ng ina nito. Sobrang natakot siya sa nakita niyang iyon. Hindi niya gugustuhing may mawala na namang ulit na importanteng tao sa kanyang buhay.
Dinala niya agad si Thea sa hospital kung nasaan sila ngayon at tinanong ang doctor na tumingin dito kung ano ang nangyari sa kababata. Nagulat na lang siya ng sabihin nitong nagkaroon daw si Thea ng sobrang paninikip ng dibdib bunga na din ng sakit nito sa puso. Sinabi pa nito sa kanya na mabuti na lang at nadala niya ito agad sa ospital kundi baka napahamak na ito.
Hindi niya alam ang bagay na iyon dahil wala namang nababanggit sa kanya ang kababata. All the while, akala niya ay healthy ito at walang iniindang sakit. Sa tuwing magkakausap kasi sila nito ay palaging itong masigla at hindi kakakitaan ng bakas ng paghihirap dahil sa sakit nito. He was so stupid. He was so insensitive enough para hindi mapansin na iba ang lagay ng kanyang kababata. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi makaramdam ng guilt dahil doon.
Huminga ng malalim si Thea sa sinabi niyang iyon at muling ngumiti sa kanya, “Because I don’t want you to worry about me.” She whispered.
“But I’m your best friend, Thea. I care for you. A lot. You should have told me about this,” Masuyo at nag-aalalang sabi niya dito at hinawakan muli ang kamay nito.
“Thank you, Red.” Iyon lang ang tanging sinabi nito sa kanya at marahang pinisil nito ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay nito, “Can I sleep again? Kailangan kong magpahinga ng mahaba-haba para makabawi ng lakas.” Wika pa nito at ipinikit na muli ang mga mata.
“Alright.” Sagot niya dito at tumayo. Inayos niya ang kumot nito at matapos noon ay hinalikan niya ito sa noo, “Sleep well, Thea.”
---
(1 day before Director Enriquez died.)
“WE believe that the laptop has been hacked and all files have been deleted by the hacker.” Ani ng kausap ni Brylle sa telepono. Napakunot ang noo niya sa narinig.
“Hacked?” Ulit niya sa tinuran nito. Tumawag siya sa CIU Unit ng NBI upang kamustahin ang pinaimbestigahan niyang laptop at cellphone ni Senator Rodriguez. Wala pa siyang pahinga simula ng ibigay sa kanya ang kaso dahil gusto na niya itong ma-solve agad. Kasalukuyan siyang nasa loob muli ng pamamahay ng senador upang tingnan maigi kung may makukuha pa siyang clue sa pagkamatay nito.
“Yes, Detective Brylle. If it’s not been hacked, there should still be files or programs saved in the laptop. But in this case, they are totally wiped out. We tried to retrieve all the files but unfortunately, the program used in deleting them is a special data destruction program. It’s a program that totally wipes out data so that it cannot be retrieved by anyone. I’m sorry to say but we cannot recover the files.” Sagot nito sa kanya.
Naiinis na napahawak na lang si Brylle sa kanyang noo at napatiim-bagang. Naisip niyang maaaring mayroong napakahalagang ebidensya ang laptop na pagmamay-ari ng senador na makakapagturo sa kung sino man ang pumatay dito kaya naman hinack at binura iyon. Naku-curious tuloy siya kung ano ang deleted file na iyon. Habang tumatagal din ay mas lalong lumalaki ang kuryosidad niya kung sino ang pumatay sa senador at ano ang dahilan nito, “How about the cellphone? Did you already cracked the password and opened it?”
“Ah, yes. We already checked it and found something unusual.” Muli na namang napakunot ang noo ni Brylle sa sinabi ng kausap niya sa kabilang linya kaya naman mataman siyang nakinig dito. “As per checking of calls ng cellphone ni Senator Rodriguez, may kausap ito bago namatay. We already checked the number and nalaman naming nakarehistro ang number na iyon sa isang telephone booth sa Taguig.”
Nabuhayan ng loob si Brylle sa narinig. Malakas ang kanyang pakiramdam na ang tumawag na iyon sa senador ay ang killer nito. “Can you tell me exactly where the telephone booth is?”
Ilang sandali pang nakipag-usap si Brylle sa telepono at kinuha ang mga impormasyong kailangan niya. Matapos noon ay nagmadali siyang lumabas ng mansyon ng senador. Sa isip niya, hindi magtatagal at malalaman na niya kung sino ang pumatay dito at paano nito nagawang patayin ang senador.
‘I need to inform Director Enriquez about this,’ Sabi niya sa kanyang sarili at sumakay ng kanyang kotse at pinaharurot iyon.
---
“THE beta version is now in progress. We believe in no time, we can perfect the program,” Sabi ng lalaking nakasuot ng white polo long sleeve at black pants sa lalaking nakaupo sa swivel chair nito at abala sa paglalaro ng chess mag-isa.
“Good. Did you already test it?” Tanong nito ng hindi man lang nag-aangat ng tingin at iginalaw ang hawak na black pawn paabante sa chessboard.
“Yes. It is currently being tested in a school here in Manila. No one in that school knows what actually the purpose of that program.” Nakangising sagot niya.
Ngumisi ng nakakaloko ang lalaking nakaupo sa swivel chair at tumingin sa kanya, “Good. If everything goes smoothly, we can proceed to the next plan.”
---
“WHAT?!” Naibagsak ni Red ang hawak niyang paper bag na naglalaman ng pagkain na binili niya para kay Thea. Hindi siya makapaniwala sa narinig niyang sinabi ng kausap. Biglang nanikip ang dibdib niya sa nalaman.
“How did that happen? Papaanong…?” Naguguluhang tanong niya. Kanina pa siya tawag ng tawag sa cellphone number ni Director Enriquez ngunit walang sumasagot kaya naman minabuti niyang tumawag sa opisina nito. Nagulantang na lang siya ng sabihin ng nakasagot ng tawag niya na patay na ang direktor.
Matapos ipaliwanag sa kanya ng kausap kung ano ang nangyari at alamin kung nasaan ang labi ng direktor ay dali-dali siyang umakyat sa silid ni Thea. Mabuti na lamang at natutulog ang kababata kaya naman hindi na niya ito inabala. Nagpaalam na lang siya sa Tita nito na kadarating lang din at sinabing may kailangan siyang puntahan. Tumango naman ito at hindi na nag-usisa pa. Nagmamadali siyang lumabas ng hospital.
Hindi niya matanggap na wala na ang direktor. Itinuring na niya itong isang tunay na ama at masakit sa kanya na malaman na wala na ito. Nag-igting ang kanyang bagang at pinigilan ang kanyang mga luha sa pagbagsak. Mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan at pinasibad iyon.
Habang mabilis na nagmamaneho ay bigla niyang naisip si Hera. Kung masakit sa kanya na mawala ang direktor, mas lalo na sa parte ng dalaga. Nag-iisa na ito ngayon. Ang alam niya ay lahat ng kamag-anak nito ay nasa ibang bansa na at silang dalawa na lang ng ama nito ang nananatili dito sa Pilipinas. Nakaramdam siya ng awa at pag-aalala sa dalaga. Naisip niyang kailangan ni Hera ng masasandalan lalo na sa panahon ngayon.
‘Wait for me, Hera.’ Mahinang usal niya at diniinan niya pa lalo ang pag-apak sa accelerator ng sasakyan.
***
Readers’ Reference:
*Beta Version: It refers to computer software that is undergoing testing and has not yet been officially released. The beta phase follows the alpha phase, but precedes the final version. Some beta software is only made available to a select number of users, while other beta programs are released to the general public. (http://www.techterms.com/definition/beta_software)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top