H13
H13
“Anong ginagawa mo dito? At sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na pumasok dito sa bahay namin ng basta-basta at hindi man lang nagpapaalam?”
Lihim na napangiti na lang si Ethos kay Hera ng mahimigan niya ang pagkayamot at pagkalito sa boses nito matapos nilang parehong makapasok sa loob ng bahay. Alam niyang kabastusan ang ginawa niya na basta na lang siyang pumasok sa pamamahay nito ng hindi man lang humihingi ng permiso ngunit hindi niya kasi talaga mapigilan ang sarili na asarin ang dalaga. Simula pa kaninang pagpasok niya sa eskwelahan ay masyado siyang naa-amuse sa ipinapakita nitong reaksyon sa kanya. Noong una ay medyo nalungkot siya ng hindi siya nito nakilala. Akala niya kanina ay mapagtatanto rin nito kung sino siya kaya naman panay ang tingin at ngisi niya rito ngunit hanggang sa natapos na lang ang klase ay wala siyang narinig na kahit ano mula sa kababata at bagkos ay puro ismid at masasamang tingin lang ang natanggap niya. Hindi naman niya ito masisisi dahil sobrang bata pa lang sila noong nagkahiwalay sila. Pero kahit ganoon ay natatandaan niya pa rin ito. Hindi man siya nito naaalala ay naaalala naman niya ang pinagsamahan nilang dalawa noon. Isa pa, habang nasa America siya ay palaging bukambibig ito ng kanyang ina kaya naman imposible niya itong makalimutan. Palagi nitong kinukwento sa kanya ang kakulitan at pagiging pasaway nilang dalawa noon. Palagi rin nitong sinasabi sa kanya ang naging kasunduan nito sa yumaong ina ng kababata tungkol sa kanilang dalawa. Nangako kasi ang mga ina nila sa isa’t isa na kapag dumating na sila ni Hera sa legal na edad ay ipapakasal sila ng mga ito. Sineryoso iyon ng kanyang ina kaya naman hanggang sa lumaki siya ay palagi nitong ipinapaala sa kanya na kailangan ay silang dalawa ng kababata ang magkatuluyan sa huli.
‘You’ve grown a lot, Hera.’ Nakangiting usal ni Ethos sa kanyang sarili matapos tingnan ang nakahalukipkip na dalaga at masamang nakatingin sa kanya. Kahit na nakita na niya ang larawan nito noon na ipinadala ng ama nito sa kanyang mama at sa pamamagitan ng social networking sites ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mamangha sa laki ng ipinagbago nito habang tinitigan ito. Naisip niyang lumaking napakaganda ng kanyang kababata. Ang dati nitong maikli at itim na itim na buhok na may bangs na parang kay Dora ay ngayon ay mahaba na at medyo kulot na ang dulo nito. Ang medyo mataba nitong pisngi noon na palagi niyang pinanggigigilang kurutin ay medyo humumpak na rin ngunit nananatili pa ring mamula-mula iyon. Mas lalo din itong pumuti at tumingkad ang makinis nitong balat. Ang mga mata nitong bilugan ngunit maliliit, ang matangos nitong ilong, at ang mapula nitong labi ay mas lalong parang naging kaakit-akit pa sa kanyang paningin. Tumangkad din ito ng husto at sa tingin niya ang height nito ay umaabot na ng 5’4. Ang medyo chubby din nitong katawan noon ay naging slim na at bakas sa suot nitong damit na isang simpleng puting t-shirt na may print ni spongebob at kulay itim na maikling short ang magandang hubog ng katawan nito.
“Is Tito Marco already here?” Tanong niya kay Hera matapos balewalain ang tinanong nito sa kanya. Hindi na niya ito hinintay na alukin siyang maupo sa sofa at ginawa na niya iyon. Inilapag niya ang kanyang maleta at backpack sa gilid at matapos noon ay inikot ang paningin sa loob ng bahay nito.
“H-how did you know my father?” Kitang-kita ni Ethos na lalong naguluhan ang kababata sa kanya. Ngumiti siya rito at matapos noon ay tinapik ang espasyo sa tabi niya para sabihing maupo ang kababata sa tabi niya. Tinaasan lang siya ni Hera bilang sagot at humalukipkip.
“Of course I know your father. You are my fiancée so of course, I know who your family is,” He teased at Hera. Nakita niyang mabilis na kumunot ang noo ng kababata at sinamaan siya nitong muli ng tingin.
“What the F, Ethos?! Are you insane? Do you want me to bring you to the mental hospital to check if you are still mentally fit?” Ramdam ni Ethos ang panggigigil sa kanya ng kababata kaya naman hindi niya napigilan na tumawa ng malakas.
“You’re still the same, Hera.” Natatawang napapailing na sabi niya na lang rito.
“Alam mo naguguluhan na ako sa’yo! Ano bang gusto mong iparating?! Sagutin mo nga ako ng maayos. Ano ba ang kailangan mo at nandito ka sa pamamahay namin? At bakit kung makaasta ka eh kilalang-kilala mo na ako? Sino ka ba talaga?” Inis at litong tanong nito sa kanya.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi sa tanong na iyon ng kaibigan at na-amuse na tiningnan ito. Naisip niyang wala na talagang pag-asang maalala siya ng kababata.
“Ako? Ako si—“
“Ethos, ikaw na ba ‘yan, hijo?” Natigil sa pagsasalita si Ethos ng may marinig siyang magsalita. Hinanap ng kanyang mga mata kung saan nanggaling ang boses na iyon at bumalatay sa kanyang mukha ang isang malapad na ngiti ng makita si Nanay Rosa na mukhang kalalabas pa lang ng kusina.
“’Nay Rosa!” Masayang tawag niya rito at tumayo mula sa pagkakaupo. Mabilis siyang lumapit rito at niyakap ito ng mahigpit.
“Ikaw nga! Hay naku! Ke-gwapo mo ng bata! Ang laki-laki mo na! Kamusta ka na, hijo? Ang tagal din nating hindi nagkita. Na-miss ko ang kakulitan mo.” Sabi nito sa kanya matapos niyang bitawan ito sa pagkakayakap.
“Na-miss din po kita, ‘Nay Rosa. Ang tagal po nating hindi nagkita. Kamusta po?” Tanong niya rito at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso.
“Maayos naman ako, hijo. Tumatanda pero malakas pa rin naman.” Masayang sagot nito sa kanya.
“Mabuti naman po kung ganoon—“
“Teka nga. Time first! ‘Nay Rosa, kilala mo siya?” Napatigil sa pagsasalita si Ethos ng biglang sumingit si Hera na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila. Sabay nila itong nilingon ni Nanay Rosa at lihim na naman siyang napangiti ng makita ang pagkalito sa mukha nito habang nananatiling nakahalukipkip ang kamay.
“Harujuskong bata ka! Hindi mo ba siya nakikilala? Siya si Ethos. Siya yung kababata mo na nag-migrate sa America!” Gulat na turan ni Nanay Rosa kay Hera.
---
“PO?!” Nanlaki ang mga mata ni Hera sa tinurang iyon ni Nanay Rosa sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “Si Ethos? Siya ‘yung kababata ko?” Dugtong niya pa at mabilis na inilipat ang tingin sa binata. Nakita niyang ngumiti ito ng malapad sa kanya at naa-amuse nakatingin sa kanya.
“Kamusta, Hera? Natatandaan mo na ba ako?” May halong pang-aasar na tanong sa kanya ni Ethos habang hindi nawawala ang mga ngiti nito sa kanyang labi.
“’Nay Rosa, sigurado ka po ba diyan sa sinasabi mo?” Naguguluhang tanong niya at binalewala ang tanong ng binata.
“Ano ka ba naman, Hera? Matanda lang ako pero tanda ko pa rin ang itsura nitong si Ethos kahit matagal din siyang hindi nagpakita sa atin.” Napapailing na sagot sa kanya ni Nanay Rosa. “Hala, sige. Mag-usap muna kayong dalawa at aayusin ko lang ang mesa ng makakain na ang iyong kababata. Babalik muna ko sa kusina.” Dugtong pa nito at naglakad na paalis.
Maang na sinundan na lang ng tining ni Hera si Nanay Rosa na bumalik sa kusina at matapos noon ay inilipat ang tingin sa kanyang ‘kababata.’
“Kung ikaw nga ang kababata ko, bakit hindi ka agad nagpakilala sa akin?” Inis na tanong niya kay Ethos matapos ang ilang saglit na katahimikan na lumukob sa kanilang dalawa. Mabilis siyang naglakad patungong sofa at pasalampak na naupo roon at muling humalukipkip. Tiningnan niya ito na sumunod sa kanya at naupo sa pang-isahang upuan.
“Akala ko kasi makikilala mo rin ako eh.” Sabi nito at nagkibit-balikat matapos mangalumbaba at nakangiting tumitig sa kanya.
Mabilis na nag-init ang pisngi ni Hera sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Ethos kaya naman dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng pagkailang sa presensya ng binata.
“E-eh, hindi nga kita nakilala eh. Bakit ‘di ka na lang nagpakilala ng maayos?” Inis na tanong niya rito. Pakiramdam niya ay pinagtripan siya nito kaya naman hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkabuwisit rito.
“Natutuwa kasi ako sa reaksyon mo sa akin sa tuwing nakikita mo ‘ko eh. I find it amusing…and cute.” Sabi nito at muling ngumiti sa kanya.
Hindi man makita ni Hera ang kanyang itsura ngayon ay alam niyang kasing pula na ng kamatis ang kanyang mukha. Hindi talaga siya sanay na nakakatanggap ng compliment mula sa isang lalaki.
Bumuntong hininga siya ng malalim at matapos noon ay tiningnan ang binata, “Whatever, Ethos. I think I deserve an apology from you kasi halatang nag-enjoy kang pagtripan ako, right?” Sarkastikong sabi niya sa kababata.
“Yeah, yeah. I’m sorry about that. Masyado lang akong natuwa sa’yo that’s why hindi ako agad nagpakilala agad. Sorry, Hera.” Sinserong sabi nito at nahihiyang ngumiti sa kanya.
She rolled her eyes at him at matapos noon ay ngumiti na rin siya rito, “I’m sorry din kung ‘di kita nakilala agad. Actually, nakalimutan ko talagang may kababata ako. Naputol din kasi ang communication natin so I think that explains why. I’m sorry again.” Apologetic na sabi niya rito. Ngayon ay wala na ang inis na nararamdaman niya rito. Naisip niyang sadyang natuwa lang talaga sa kanya ang kababata kaya naman hindi ito agad nagpakilala sa kanya.
“It is okay, Hera. I understand.” Sabi nito sa kanya at ngumiti.
“So…what brings you here, Ethos? What’s with the luggage and all?” Curious na tanong niya.
“Ah, this?” Sabi niya sabay turo sa gamit niya, “Inalok kasi ako ni Tito Marco na dito muna ako mag-stay sa inyo habang hindi pa nakakauwi si Mommy from America. You see, mag-isa lang kasi akong bumalik ngayon and ayaw naman ni Mommy na mag-isa lang ako sa bahay. Tito Marco offered your house para naman daw hindi ako malungkot mag-isa at may makasama ako.”
“So, you’re living here with us?” Gulat na tanong ni Hera kay Ethos.
“Yes. That’s if, it’s okay with you.” Nahihiyang sabi nito sa kanya.
“No, no, no. It’s okay, Ethos. Nagulat lang ako. If Dad wants you to stay here, wala namang problema. Isa pa, we’re childhood friends so I think there’s nothing wrong about that.” Sabi niya rito.
“Thanks, Hera.” Nakangiting sagot nito sa kanya.
“Wait. May naalala pala ako. Bakit mo pala sinabi na fiancée mo ko kahit hindi? Part pa rin ba iyan ng pangti-trip mo sa akin?” Nakakunot noong sabi niya rito. Bigla niya kasing naisip ang sinabi nito sa mga kaklase niya kanina sa school pati na rin ng tinatanong niya ito kung paano niya nakilala ang kanyang ama.
“Of course not. Fiancée mo talaga ako.” Sagot nito at binigyan siya ng isang pilyong ngiti.
“HA?!” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Ethos sa kanya. Naisip niyang paanong nangyari ang bagay na iyon? Eh, kahit nga ang Dad niya ay wala namang nababanggit sa kanya tungkol sa bagay na iyon. “Are you kidding me, Ethos?” Naguguluhang tanong niya.
“No. I’m dead serious, Hera.” Sabi nito sa kanya at sumeryoso ang mukha.
“H-how…P-paanong nangyari yan?!” Sabi niya at napatayo. ‘Anong kalokohan ito? Anong nangyayari? Ano bang pinagsasabi nito ni Ethos?’ Hindi alam ni Hera kung seseryosohin niya ba ang sinasabi nito sa kanya o hindi. Gusto niyang isipin na nagjo-joke lang ito pero kung titingnan ang mukha ng kanyang kababata ay masasabi mong hindi ito nagbibiro. ‘Hindi ito totoo. Imposible! My Gosh! Ang bata-bata ko para sa ganyan. And I don’t think Dad will do such stupid thing like that.’
“He’s really your fiancée, Hera.” Mabilis na lumipad ang tingin ni Hera sa kanilang pintuan at nakita niya ang kanyang ama na nakangiting nakatayo roon habang nakamasid sa kanilang dalawa ni Ethos.
“WHAT?!” Gulat na gulat na sabi niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top