H09
H09
“Detective Brylle Madrigal, sir.” Sumaludo si Brylle kay Director Marco Enriquez ng makita niya itong dumating sakay ng isang itim na SUV at lumapit sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa labas ng tahanan ng kamamatay lang na senador na si Senator Bill Rodriguez upang mag-imbestiga. Sa kanya kasi na-assign ang kaso upang imbestigahan ang pagkamatay nito. Gusto kasing makasigurado ng mga nakakataas sa kanya na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng senador at talagang namatay ito dahil sa cardiac arrest. Kilalang-kilala kasi ang senador sa pagiging matulungin nito sa mga kababayan at lumalaban sa katiwalian sa pamahalaan kaya naman hindi imposibleng maaaring may mga taong nakalaban ito na gusto itong ipapatay.
Tinapik siya sa balikat ni Director Enriquez at ngumiti ito sa kanya, “The famous Detective Brylle Madrigal, the NBI prodigy. I already know you.” Sabi nito sa kanya at inilibot ang paningin sa kabuuhan ng bahay.
Ngumiti lang si Brylle sa tinuran nito at ibinaba na ang kanang kamay niyang nakasaludo rito.
“So, what did you find out?” Maya-maya’y narinig niyang tanong ng Direktor at seryosong tumingin sa kanya.
Napatikhim muna si Brylle at iniligay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon bago sinagot sa tanong ng direktor, “Well sir, according to the witnesses, Mag-isa lang si Senator Rodriguez sa kwarto nito kagabi ng mamatay ito. Wala ang asawa nito sa bahay dahil pinakiusapan ito ng buntis nilang anak na samahan ito sa kanilang bahay sa Taguig dahil nag-out of town ang asawa nito dahil may kinailangang asikasuhin sa business nila. ‘Yung mga maid naman at driver ay mahimbing na natutulog kagabi samantalang ang mga body guard naman nito ay nanatiling gising upang magbantay. Sinabi sa akin ng mga body guards ng senador na wala naman daw silang napansin o narinig na kakaiba sa kwarto nito habang nag-iikot sila at nagbabantay ng bahay. Nagtanong rin ako sa security guards ng subdivision na ito kung may napansin silang kakaiba habang nagpapatrolya pero sinabi nilang wala naman daw.”
Ang mga sinabi ni Brylle kay Director Enriquez ay ang mga nakalap niyang impormasyon kanina. Inisa-isa niyang tanungin ang lahat ng nasa loob ng tahanan ng senador ng gabi bago ito namatay upang hingian ng statement at pareho-pareho lang sila ng binigay. Sinabi ng mga ito sa kanya na matapos maghapunan ng senador ay dumiretso na agad ito sa kwarto nito upang magpahinga. Sinabi rin nila na wala naman daw silang nakitang kakaiba sa ikinilos nito simula ng dumating ito sa bahay hanggang sa umakyat ito sa silid nito.
Matapos naman umakyat ng senador sa kwarto nito ay tinapos na ng mga maids at drivers ang kani-kanilang mga trabaho at dumiretso na sa quarters ng mga ito para matulog. Samantala, ang mga bodyguards naman nito ay nanatiling gising buong gabi at nagpatrolya sa loob at labas ng bahay. Wala naman daw silang narinig na kakaiba mula sa loob ng kwarto ng senador habang sila ay nag-iikot. Wala din daw silang nakitang kakaiba sa paligid.
Sa pakikipag-usap ni Brylle sa mga ito ay napagtanto niya na lahat ay may alibi na pwedeng magpatunay na hindi sila ang pumatay sa senador. Bawat isa kasi ay may kayang magpatunay kung nasaan sila ng mga oras na namatay si Senator Rodriguez.
Para makatiyak na wala ring unusual na nangyari sa paligid ng bahay ay nagtanong din si Brylle sa guard ng subdivision na nagbabantay sa main gate at sa mga guard na nagpapatrolya ng gabing iyon ngunit katulad nga ng nabanggit niya kanina ay wala naman daw silang nakitang kahina-hinala.
“Have you checked the CCTV of this house and the whole subdivision?” Muling tanong ng direktor sa kanya.
“Yes, sir. I already did but I didn’t see anything suspicious,” Sagot ni Brylle sa tanong muli ng direktor. Nakita niyang napabuntong hininga ng malakas ang direktor matapos marinig ang sinabi niya at inilagay ang kaliwang kamay sa bulsa nito.
“What do you think of this case, Brylle? Do you really think the senator really died because of natural death?” Seryosong muling tanong nito sa kanya at muling bumuntong hininga.
Alam ni Brylle na malapit na magkaibigan si Director Enriquez at Senator Rodriguez kaya nauunawaan niya ito kung bakit ganoon na lang ito ka-eager na malaman kung ano ang totoo. Marahil ay malakas ang paniniwala ng direktor na hindi namatay ang kaibigan nito dahil sa cardiac arrest kung hindi dahil mayroong pumatay dito.
“I believe someone killed him,” Seryosong sagot niya sa tanong ng direktor. Nakita niyang napatiim bagang ang direktor sa sinabi niya at mariin na ikinuyom ang kanang palad nito, “Or most probably, someone manipulated him to kill himself.” Dugtong niya.
Nakita ni Brylle na mabilis na kumunot ang noo ng direktor ng marinig nito ang sinabi niyang iyon, “What do you mean, Brylle?” Nalilitong tanong nito sa kanya.
“There is something suspicious about the senator’s death, sir. Nag-check ako ng health background niya and according sa mga information na nakuha ko ay wala naman itong history ng sakit sa puso. Isa pa, iniisip ko kung bakit ayaw ni Mrs. Rodriguez na ipa-autopsy ang katawan ng asawa niya. Malakas ang hinala ko na may alam siya sa nangyari ngunit hindi niya iyon sinasabi sa mga pulis,” Paliwanag niya at binuksan ang bag niya at may kinuha roon, “Wala akong force of entry na nakita sa loob ng bahay at sa kwarto niya or anything na pwedeng magsabi na mayroon siyang kasama sa kwarto bago siya namatay pero malakas ang paniniwala ko na mayroong nangyari sa senador habang nasa loob siya ng kwarto niya.” Sabi niya pa at inabot sa direktor ang mga larawan na nakuha niya sa loob ng kwarto ng senador. “What makes me think that someone manipulated his death is because of this.”
Kinuha ni Director Enriquez ang mga larawan na inabot sa kanya ni Brylle. Laman ng mga larawan na iyon ay ang iba’t ibang anggulo ng kwarto ng senador mula sa pintuan hanggang sa pwesto kung saan ito namatay. Kung titingnan ang larawan kung saan namatay ang senador ay makikita na nakahandusay ito sa sahig malapit sa nakasaradong bintana.
Inisa-isa ng direktor tingnang mabuti ang mga larawan pero natigilan siya ng may mapansin siya.
“This…” Nakakunot noong sabi ng direktor habang tinitigan mabuti ang isang larawan. Larawan iyon ng banyo ng senador at makikitang may mga nagkalat na droplet ng tubig sa sahig nito.
“Exactly, sir.” Seryosong sabi ni Brylle sa direktor at tumingin rin sa larawan na tinitingnan nito. “I think that’s the dying message of Senator Bill Rodriguez.”
“Morse Code…” Natutulalang tanging nasambit ng direktor.
---
“ANG gwapo ng bago nating Prof ‘no?” Kinikilig na sabi ni Marianne kina Hera at Artemis habang naglalakad sila sa hallway. Tapos na ang kanilang klase para sa araw na ito kaya naman uuwi na sila sa kani-kanilang bahay.
“Oo nga eh. Sa sobrang kagwapuhan, ‘di napigilang matulala ng isa diyan,” Nakangising sabi ni Artemis at tumingin kay Hera.
Mabilis na nag-init ang mukha ni Hera sa sinabing iyon ni Artemis. Alam niya kasing siya ang pinapatungkulan nito.
“T-tse! Tumigil ka nga diyan, Artemis.” Nahihiyang sabi ni Hera at napahawak sa magkabilang strap ng kanyang backpack at yumuko. Buong klase ‘ata ng kanilang bagong propesor kanina ay nakayuko lang siya at pilit na nag-iwas ng tingin dito dahil sa kahihiyan na nararamdaman niya. Ni hindi na nga niya nagawang pagsabihan si Ethos sa sinabi nito sa mga kaklase nila dahil na rin doon. Ewan niya ba kung anong nangyari sa kanya kanina at hindi niya napigilan ang sarili niyang matulala rito. Siguro ay dahil hindi niya inaasahan na ganoon kagwapo ang kanilang bagong propesor kaya siya nagkaganoon.
“Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina, Hera. Epic fail talaga!” Singit naman ni Marianne at tumawa ng malakas.
“Oo nga. Apir tayo diyan, Marianne!” Tumatawang sabi naman ni Artemis at nakipaghigh-five kay Marianne.
“H-he! A-ano ba! T-tigilan niyo nga ako!” Hindi man makita ni Hera ang kanyang mukha ay siguradong-sigurado siya na pulang-pula na iyon. Hiyang-hiya talaga siya sa nangyari at kung pwede niya lang ibalik ang oras ay gagawin niya at sisiguraduhin niyang hindi na mangyayari ang nangyari sa kanya kanina.
“Okay lang ‘yan, Hera. At least napatunayan namin ni Artemis na babae ka talaga.” Natatawang sabi muli ni Marianne sa kanya at inakbayan siya. Napanguso siya sa sinabi nito at napahalukipkip.
“Oo nga. At least alam na namin na marunong ka palang maka-appreciate ng kagwapuhan at alam mong may ganoong klaseng lalaking nage-exist,” Segunda naman ni Artemis at tinapik tapik ang kanyang balikat.
“Oh please! Tama na, okay? Oo na. Tama na kayo. Ang gwapo eh. ‘Di ko naman ineexpect na may ganoon kagwapong lalaki. Oh, okay na? Solve na kayo? Pwedeng awat na?” Naiinis na sabi niya sa mga kaibigan dahil sa patuloy na pang-aasar ng mga ito sa kanya. Naiiling na natatawa na lang si Artemis at Marianne sa naging reaksyon niya.
Alam ni Hera kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ng kanyang mga kaibigan. Sa totoo lang kasi ay ito ang kauna-unahang beses na nakita siya ng mga ito na natulala sa isang lalaki. Matagal na silang magkakakilala at magkakasama kaya kilala na ng mga ito ang ugali niya. Siya kasi ang tipo ng babae na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang existence ng mga lalaki. At hindi maintindihan iyon nila Marianne kung bakit. Kung ang normal na teenager na babae ay madalas pag-usapan ay crushes at boyfriends, siya ay mas madalas bukambibig ang binabasa niyang mga libro at mga napapanood sa TV. Ilang beses na rin sinubukan nila Artemis na maging kupido at ipakilala siya sa mga lalaki pero palagi niya iyong tinatanggihan at sinasabihan ang mga ito na nag-aaksaya lang sila ng panahon dahil wala sa priority niya ang pakikipagrelasyon.
“Oh, titigil na. ‘Wag ka ng magalit,” Nangingiting sabi ni Artemis at kinurot ang pisngi ni Hera.
“Oh ayan, I already zipped my mouth,” Sabi naman ni Marianne at umaktong parang sini-zip ang bibig.
Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na si Hera sa mga kaibigan at parehong inakbayan ito, “Very good!”
Parehong napangiti na lang si Artemis at Marianne kay Hera at sabay-sabay na naglakad ng hindi tinatanggal ang pagkakaakbay ni Hera sa kanila.
“Oh, andito na pala ang sundo ko,” Sabi ni Artemis ng makarating sila ng gate. Nakita kasi nito ang driver nila sa katapat ng kalsada ng eskwelahan na nakasandal sa kotse at mukhang kanina pa ito naghihintay.
“Yung akin rin,” Sabi naman ni Marianne na nakatingin sa kanang bahagi ng kalsada.
Parehong mayaman ang mga kaibigan ni Hera. Ang pamilya ni Artemis ay nagmamay-ari ng chain of hotels samantalang ang pamilya naman ni Marianne ay dealer ng mga mamahaling sasakyan at may-ari ng isang mall.
“Oh, siya. Magsi-uwi na kayo at ako’y uuwi na rin,” Sabi ni Hera sa dalawa.
“Wala kang sundo?” Nakakunot noong tanong ni Artemis sa kanya matapos mapansin na wala ang kanyang sundo.
“Oo eh. Nagtext sa akin yung driver namin na inutusan siya ni Dad kaya hindi niya ako masusundo,” Nakangiting sagot ni Hera kay Artemis.
“Gusto mong sumabay?” Tanong naman ni Marianne sa kanya.
“Hindi na. Isa pa, malapit lang naman yung subdivision namin dito. Pwedeng-pwedeng lakarin. Kaya keri ko na ito.” Sabi naman ni Hera kay Marianne at ngumiti.
“Sure ka?” Tanong muli sa kanya ni Artemis. Nakangiting tumango si Hera bilang sagot.
“Oh, sige. Mag-ingat ka.” Sabi naman Marianne sa kanya. “Text mo kami ‘pag nakauwi ka na ng bahay, okay?”
“Yes, ma’am!” Nakangiting sabi ni Hera rito.
Matapos magpaalam sa isa’t isa ay tumawid na ng kalsada si Artemis para pumunta sa sundo nito samantalang pumunta naman si Marianne sa kanang bahagi ng kalsada kung saan naghihintay ang sundo nito.
Nang makita ni Hera na umalis na ang mga sasakyan ng mga kaibigan ay saka niya napagdesisyunan na maglakad na pauwi. Habang naglalakad siya ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Naisip niya ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Mula sa taong nagpalit ng pangalan ng wifi niya, sa pagtulong niya kay Marianne, sa taong nakaalam ng sikreto niya at tumulak sa kanya sa pool, sa nagligtas sa kanya, sa sinabi ni Ethos sa mga kaklase nila na fiancée siya nito hanggang sa matiim na titig ng bagong nilang Professor sa kanya kanina. Pakiramdam niya ay ang dami-dami ng nangyari sa kanya kahit na ilang araw lang naman ang lumipas.
Natigil si Hera sa malalim na pag-iisip ng maramdaman niyang umaambon. Mabilis niyang kinuha ang kanyang payong sa bag ngunit halos mapamura siya sa inis ng ma-realize niyang naiwan niya iyon sa kanilang bahay.
‘What a day!’ Sarcastic na sabi niya sa kanyang sarili at inilagay ang bag sa kanyang ulunan at ginawa iyong payong. Unti-unting lumakas ang ulan at dahil wala siyang makitang masisilungan ay mabilis siyang tumakbo upang makarating agad sa kanilang tahanan.
Basang-basa na siya ngunit hindi niya iyon inalintana. Mas lalong lumakas ang ulan kaya naman mas binilisan niya pa lalo ang pagtakbo.
“What the Eff!” Napasigaw si Hera sa gulat ng makarinig siya ng isang malakas at magkasunod na pagbusina sa kanyang gilid. Huminto siya sa pagtakbo at tumingin sa kanyang kanan. Pagtingin niya ay halos lumuwa ang mata niya ng makita niyang isang mamahaling sasakyan ang nakahinto sa kanyang gilid. Isang kulay blue na Aston Martin Vanquish!
Unti-unting bumaba ang windshield ng sasakyan at mas lalong lumuwa ang mga mata ni Hera sa gulat ng mapagtanto kung sino ang may-ari noon.
“Hop in!” Ani nito sa baritono nitong tinig.
“S-sir R-red…” Tanging nasambit ni Hera habang natutulalang napatitig rito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top