H03
H03
Inuwi ni Hera sa bahay nila ang laptop ni Marianne. Nagsinungaling siya rito at kay Artemis na magpapatulong siya sa Daddy niya para ma-solve ang case dahil ayaw naman niyang malaman ng dalawa ang tungkol sa kakayahan niya tungkol sa computer. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kaibigan niya ang trabaho ng kanyang ama kaya naman madali niyang napaniwala ang mga ito. Nang makarating siya sa kanyang kwarto ay ibinagsak niya lang sa kama ang bag na dala niya at mabilis na in-on ang laptop ni Marianne. In-open niya rin ang tatlong computer niya na magkakonekta upang mas mapabilis ang kanyang pag-iimbestiga.
“Oh no, Marianne…wala ka man lang password sa computer mo,” napapailing na bulong niya sa kanyang sarili. Mabilis siyang nag-type sa keyboard ng laptop ng kaibigan upang hanapin ang activity log nito. Nang makita niya iyon ay inisa-isa niyang tiningnan ang naka-record doon.
“Hmmm…more on researches at typing of assignments and projects ang naka-record dito. Bibihira lang siyang sumilip sa mga social network sites. Geek talaga,” nangingiting sabi niya.
Sa pag-scan niya ng activity logs, napansin niyang bukod sa pag-research at paggawa ng school activities nila ay madalas din itong magresearch about sa mga planeta at bituin. Muli siyang napangiti ng maalala niyang pangarap ng kanyang kaibigan na maging isang astronaut balang araw. Ipinagpatuloy niya ang pag-examine ng laptop at napakunot ang noo niya ng may nahagip ang kanyang mga mata.
‘Last Login: Aug 16 13:27:48 on console ike:~ Marianne$ ssh [email protected]’
Mabilis na nag-type siya sa keyboard ng computer niya upang kumpirmahin ang kanyang hinala. Nang makita niya kung sino ang may-ari ng IP Address na iyon ay halos malaglag ang panga niya sa pagkabigla.
“Hinack nga ang database ng school gamit ang laptop na ito!” Hindi makapaniwalang bulalas niya habang tinitigan ang nakasulat sa monitor.
Ayon dito, hinack ang isa sa mga computer ng school noong August 16, eksaktong isang araw bago nag-start ang examination week. Gamit ang ssh, ay ni-remote nito ang isang computer na gamit ng isang faculty member na si Teacher Mitch na naka-connect sa database ng school at saka nag-copy ng answer sheet ng midterm examinations. Walang traces na na-hack ang laptop ni Marianne kaya sigurado siyang dito mismo sa laptop ginawa ang pagha-hack.
“Pero imposibleng si Marianne ang may gawa nito…” Sabi ni Hera sa kanyang sarili at kinagat ang kuko niya sa daliri. “Pero kung hindi siya, paanong nangyari ito?” Nangalumbaba siya sa study table niya at tinitigan ang laptop at saka nag-isip ng mabuti.
Hindi siya naniniwalang kayang gawin ni Marianne ang mag-hack para lang makapasa. Kilala niya ito. At naniniwala siya sa sinabi nito sa kanilang dalawa ni Artemis na na-perfect nito ang exams dahil nag-aral itong mabuti. Pero ang ipinagtataka niya ay kung paanong nangyaring may ebidensya sa laptop ng kaibigan na nagpapatunay na hinack nga nito ang database ng school? Ilang beses na niyang tiningnan ang records ng laptop pero wala siyang makitang traces na na-hack ito. Naisip niya rin na marahil ay ito ang naging basehan ng eskwelahan para masabing si Marianne nga ang nagnakaw ng answer sheet. Kahit ipasuri pa ang laptop ni Marianne sa isang expert na computer doctor ay malalaman na walang nag-hack sa laptop nito at dito mismo ginawa ang pagha-hack ng database.
“Aaah! Paanong nangyari 'yun?!” Ginulo-gulo niya ang kanyang buhok dahil sa frustration na nararamdaman niya.
Kahit anong piga niya sa kanyang utak ay wala siyang maisip. Tinitigan niyang muli ang monitor at maya-maya’y natuon ang mga mata niya sa webcam ng laptop. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang titigan ang webcam basta nakatingin lang siya roon. Lumipas ang ilang sandaling ganoon lang ang ginawa niya nang biglang napaayos siya ng upo. May biglang pumasok na ideya sa kanyang isipan.
“Hmmm…Dahil dito mismo sa laptop na ito ginawa ang pagha-hack, iisa lang ang posibleng nangyari…”
Parang unti-unting napagtatagni ni Hera sa kanyang isipan kung paanong nagamit ang laptop ng kaibigan upang i-hack ang database ng eskwelahan. Naisip niya rin na maaaring hindi naisip ng school ang posibilidad na naiisip niya kaya ganoon na lang ang lumabas na resulta sa imbestigasyon ng mga ito. Maaaring masyado lang silang nag-focus sa pag-iimbestiga ng laptop ni Marianne at hindi na nila isinaalang-alang ang ibang posibilidad na nangyari.
“Mukhang kakailanganin kong i-hack ang surveillance camera ng school…hmmm…” Seryosong sabi niya sa kanyang sarili. Pinatunog niya ang kanyang mga daliri at huminga ng malalim. Matapos ay mabilis ang mga daliring nag-type siya ng command sa computer niya upang umpisahang i-hack ang main server ng surveillance camera ng school nila.
“Freaking shit!” Napamura siya ng malakas at mabilis na napatigil sa kanyang ginagawa.
Napansin niya kasing mas lalong humigpit ang security ng school system at nahihirapan siyang i-infiltrate ito. Nasubukan na niya dating i-hack iyon dahil minsan na niyang ginawa itong eksperimento sa paghahack at ngayon ay kitang-kita na niya ang kaibahan ng security nito noon at ngayon. Dati ng mahirap pasukin ang system pero ngayon ay mas lalong naging mahirap dahil sa mas lalong dumami ang mga trap na meron ito at kapag hindi ka nag-ingat sa pagha-hack ay paniguradong huli ka. Muntik na nga siyang mahulog sa isa sa mga patibong kanina. Mabuti na lang at nagawa niyang makapag-type agad ng command para makatakas at hindi mahulog sa patibong na iyon.
Na-alarmed na siguro sila dahil sa nangyaring hacking kaya dumoble ang security ng system. Nakatiim-bagang na turan niya sa kanyang sarili at tinitigan ang monitor. Pero kailangan kong ma-hack ang surveillance system kung gusto kong makita ang katotohanan, dugtong niya pa at kinagat-kagat ang kuko sa kanyang daliri.
“Anong dapat mong gawin, Hera…” Bulong niya sa kanyang sarili at nahulog sa malalim na pag-iisip. Ilang minuto rin niyang tinitigan ang monitor ng kanyang computer nang bigla siyang mapangiti nang may pumasok na ideya sa kanyang isipan.
“Kung gusto kong i-infiltrate ang system, kailangan kong magpanggap na isa sa mga may access ng server,” sabi niya sa kanyang sarili at mabilis na nag-type ng command ulit sa computer.
Naisip niya na para ma-hack ang system, kakailanganin niyang i-hack ang computer ng isa sa mga may access ng main server ng surveillance camera. At naisip niya na isa sa mga iyon ay walang iba kundi ang school directress nila.
“Hacking successfully done,” malapad ang ngiting wika niya sa sarili at matapos ay masusing hinanap ang weakest point ng security. Ilang beses din na pakikipagpatintero sa traps na meron ang firewall ng computer ng directress bago niya matagumpay na i-hack iyon.
“And now, let’s access the server.”
Inumpisahan niyang i-infiltrate ang server. Nang tuluyan niyang ma-access ang server ng surveillance camera ay inisa-isa niyang chineck ang mga recordings na naka-date noong August 16. Mayroong 30 surveillance cameras na naka-install sa buong school at kahit na nakakapagod ay matiyagang inisa-isa niya iyon. Sigurado siya na nasa school lang si Marianne n’ung araw at oras na iyon dahil alas tres pa ang huli nilang klase tuwing lunes.
Mula sa kuha sa hallway, basketball court, faculty, prefecture’s office, swimming pool area at kung saan-saan pang lugar sa eskwelahan ay masusi niyang tiningnan ang kuha upang hanapin doon si Marianne. Sa ika-dalawampu’t isang kuha kung saan nakatutok ito sa student council office ay saka niya nakita ang pigura ni Marianne sa oras na ala-una ng hapon. Nakatalikod si Marianne sa camera habang makikita naman ang ginagawa nito sa sarili nitong laptop. Mag-isa lang ito roon habang nagta-type ng sa tingin niya ay project nila sa Biology. Hindi na siya nagulat na makita ito roon dahil member si Marianne ng student council. Makalipas lang ang ilang sandali ay may pumasok sa loob ng student council’s office. Dahil malawak ang coverage ng kuha ng surveillance camera ay kitang-kita niya kung sino ang dumating. Si Rika, member din ng student council. Lumapit ito kay Marianne at may sinabi. Maya-maya’y tumayo ang huli at magliligpit na sana ng gamit pero pinigilan ito ni Rika at hinawakan sa braso. May sinabi pa ito kay Marianne at matapos n’on ay mabilis na hinila papalabas ng opisina. Naiwan ang bag at ang nakabukas na laptop ni Marianne sa loob ng opisina.
Makalipas lang ang ilang minuto ay dahan-dahang bumukas muli ang pintuan. Napataas ang kilay niya nang makita niya si Monica. Palinga-linga pa ito sa loob at labas ng student council’s office bago tuluyang pumasok sa loob. Nakita niyang ngumisi ito ng makita nito ang laptop ni Marianne sa mesa. Binuksan muli ni Monica ang pintuan at parang may tinawag ito. Ilang sandali pa ay may isang lalaking pumasok. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makilala niya kung sino ito. Ang lalaking pumasok ay ang boyfriend ni Monica na si Elrick. Nakakapagtakang naroon ito dahil ang alam niya’y sa ibang school ito nag-aaral at kumukuha ng kursong Computer Science. Isa pa, mahigpit na ipinagbabawal na magpapasok ng ibang estudyante sa ibang parte ng eskwelahan nila bukod sa reception area kung saan pwedeng tumanggap ng bisita.
Sabay na lumapit ang dalawa sa laptop ni Marianne. Naupo si Elrick sa upuan samantalang tumayo naman sa gilid nito si Monica at hinawakan ito sa balikat. Nag-ngisian ang dalawa sa isa’t isa at maya-maya’y nakita niyang inumpisahan na ni Elrick na mag-type ng kung ano sa laptop ni Marianne.
Upang makita nang mas maayos ang ginagawa ni Elrick sa laptop ay zinoom in niya ang kuha ng camera at gamit ang isang program sa kanyang computer at nilinawan niya ito. Ngayon ay kitang kita niya na kung ano ang ginagawa ni Elrick sa laptop ng kanyang kaibigan. Nag-type ito ng command sa laptop upang makapag-hack ng computer gamit ang ssh! Nanlaki ang mata niya.Tama nga ang hinala niya na may nakialam ng laptop ni Marianne upang gamitin ito sa pangha-hack at hindi siya makapaniwalang si Monica ang may pasimuno n'on.
“Kayo pala ang may kagagawan nito, huh?” Nanggigigil na sabi ni Hera sa kanyang sarili at mariing ikinuyom ang kanyang kamao.
Sigurado siya sa naiisip niyang dahilan kung bakit ginawa ito ni Monica. Para mapatalsik si Marianne sa pwesto nito at ito ang pumalit.
Naisip niya na marahil ay nalaman ni Monica na gumagamit ng ssh ang eskwelahan at sinabi nito iyon kay Elrick kaya naman sa ganoong paraan ng huli hinack ang database. Posibleng mayroon ding kinasapakat na IT staff si Monica upang bigyan sila ng access ng ssh ng school para makapaglog-in si Elrick ng walang kahirap-hirap.
Nanggagalaiti na pinanood niya si Elrick sa pag-hack ng computer ni Teacher Mitch ng walang kahirap-hirap at pag-connect nito sa database ng school para makuha ang kopya ng answer sheet ng exam. Nakita niya na dali-daling naglabas ng flash drive si Monica at inabot iyon kay Elrick nang makita na ng mga ito ang hinahanap na soft copy ng answer sheet ng midterm exams. Sinaksak ni Elrick ang flash drive sa USB port ng laptop ni Marianne at kinopya ang file. Matapos i-save ay inabot ni Elrick ang flash drive kay Monica at inilagay naman ito ni Monica sa bulsa ang palda nito.
“I’ll make sure na hindi mo maisasagawa ang plano mo, Monica. At pagsisisihan mong ginawa mo ito sa kaibigan ko.” galit na bulong ni Hera sa sarili.
Ilang beses niya pang pinanood ang video nang bigla siyang matigilan sa naisip at napakunot ang noo. “Bakit wala man lang nakapansin na hinahack ang computer ni Teacher Mitch ng mga oras na ito? Dapat makikita nilang gumagalaw ang cursor ng computer. Pero wala man lang nagreact dahil kung kailan tapos na ang exam week ay saka lang nalaman na hinack ang database. Hmmm…”
Mabilis na hinanap niya ang surveillance sa faculty room. Nang makita niya iyon ay mabilis na finast forward niya iyon sa oras kung kailan hinack ang computer ni Teacher Mitch. Bumagsak ang balikat niya ng makitang walang katao-tao roon. Naisip niyang kaya naman pala walang nakapansin sa ginawang pag-hack ni Elrick sa computer ni Teacher Mitch dahil walang tao roon. Marahil ay alam ni Monica na wala ang mga teacher sa faculty kaya tinaon niya na gawin ang plano niya sa araw at oras na iyon.
Inisip ni Hera kung anong meron at wala ang mga teacher sa faculty ng maalala niyang in-announce nga pala sa buong school na merong teacher’s meeting ang mga guro nila noong mga panahon na iyon.
“So it was planned all along,” napapailing na sabi niya.
Naisip niyang mula sa umpisa ay plinano na talagang mabuti ni Monica ang pag-frame up kay Marianne. Dahil alam nito na wala ang mga teacher sa araw at oras na iyon at madalas si Marianne sa student council’s office ay doon nito isinagawa ang plano. Marahil ay kasabwat din nito si Rika at inutusan ito na palabasin si Marianne kahit na anong mangyari sa student council’s office.
Tiningnan niyang muli ang kuha ng surveillance sa faculty at biglang napangisi ng may napansin siya. Saktong-sakto na ang pwesto ng computer ni Teacher Mitch ay nakaharap sa camera kaya kitang-kita niya na gumagalaw ang cursor at may nagta-type ng command kahit walang tao roon. Tiningnan niya sa isang monitor ng kanyang computer ang kuhang muli sa student council’s office at mas lalong lumapad ang ngiti niya ng makitang kung ano ang ginagawa ni Elrick sa laptop ni Marianne ay parehong-pareho sa lumalabas sa monitor ng computer ni Teacher Mitch. Sumandal siya sa upuan niya at nag-isip. Maya-maya’y ay may naisip siyang ideya. Ngumisi siya ng nakakaloko at matapos ay nag-umpisang magtype ng command sa computer niya.
---
“HE needs to be eliminated. Hindi ko na siya kailangan sa chess pieces ko,” sabi ng isang lalaking nakaupo sa swivel chair at nakatalikod. Nakaharap ito sa glass wall ng opisina nito at kitang-kita mula roon ang nagtatayugang mga gusali sa labas ng metro.
Ngumisi ang lalaking kausap nito na nakaupo sa sofa at pinaglaruan ang hawak nitong baril sa kamay. Itinutok pa nito ang baril sa lalaking nakaupo sa swivel chair at kunwaring pinaputok iyon.
“Bang!” Nakakalokong sambit nito at tumawa ng malakas.
“I want him out of the chess board as soon as possible,” wika muli ng lalaking nakaupo sa swivel chair nang hindi pinapansin ang ginagawa ng kausap.
Sumimangot ang lalaking nakaupo sa sofa ng hindi ito pansinin ng kausap at pinaglipat-lipat na lang sa kamay ang hawak na baril.
“…and I want it clean.” Kahit nakatalikod ito ay alam ng lalaking kausap nito na nakangisi ito ng parang demonyo.
“Your wish is my command,” Nakangising sagot ng lalaking may hawak ng baril at tumayo na at naglakad papalabas ng opisina.
---
“HERA!” Malakas na tawag ni Artemis kay Hera at kinawayan siya nitong lumapit ng makita siyang papasok ng classroom.
Kadarating niya lang at hindi siya nakapasok sa una nilang klase dahil napuyat siya sa ginawa niya kagabi. Nagdahilan na lang siya na masakit ang kanyang ulo kay Artemis kanina nang mag-text ito sa kanya at tanungin kung bakit wala siya pa.
Ngumiti siya rito at bago tuluyang pumasok ay inikot niya muna ang kanyang paningin sa loob ng classroom. Napansin niyang parang may pinagkakaguluhan ang kanyang mga kaklase at panay tingin ng mga ito sa kung ano sa kani-kanilang mga cellphone at laptop. Lihim siyang napangiti sa nakita. Alam na alam niya kung ano man ang tinitingnan ng mga ito at pinagkakaguluhan.
“Alam mo na ba ang nangyari?” Mabilis na tanong sa kanya ni Artemis nang tuluyan siyang makapasok ng classroom at makaupo sa tabi nito.
“Nangyari? Bakit? Anong meron?” Kunwari’y nagtatakang tanong niya rito at ikinunot niya pa ang kanyang noo. Ayaw niyang makahalata ang kaibigan na may ideya siya sa tinatanong nito. Ayaw niyang mapaghinalaan nito kaya mas mabuting magpanggap siyang walang alam.
“May kumakalat na video dito sa school,” seryosong sabi nito sa kanya at dinukot ang cellphone nito sa bag.
“Video? Anong video?” Nananatiling nakakunot ang noong tanong niya sa kaibigan.
Hinihiling niya na sana ay maging kapani-paniwala ang pag-arte niya sa harap ni Artemis. Masyado pa namang malakas ang radar ng kaibigan niya kapag may tinatago siya rito kaya naman dapat niyang galingan sa pag-arte na wala talaga siyang alam.
“May nag-hack ng website ng school natin at nag-post ng video na ito,” sagot nito sa kanya at matapos kalikutin saglit ang cellphone nito ay iniabot iyon sa kanya at mariin siyang tinitigan. “Wala na 'yan ngayon sa website dahil mabilis na tinake down ng IT ng school kanina pero marami pa rin ang nakapag-download bago tuluyang nabura kaya naman kalat na kalat na ang video’ng 'yan dito sa school.”
Lihim na napangiti si Hera sa sinabing iyon ni Artemis.
Siya ang may kagagawan n’on. Pinagpuyatan niyang i-hack ang website ng school para mai-post ang video na iyon na nakuha niya sa surveillance camera ng school. Hindi rin kasi ganoon kadaling i-hack ang website dahil dumami rin ang mga trap na meron ito. Kinailangan niya ring siguraduhin na katulad ng pag-hack niya sa server ng school ay wala siyang naiwang traces para makasiguradong walang makapagtuturo na siya ang naghack n’on.
Tumango lang siya sa sinabing iyon ng kaibigan at umiwas sa mapanuring tingin nito. Kunwari’y interesadong pinanood niya ang video.
Sa video, ipinapakita ang magkasabay na kuha ng surveillance camera kung saan hinahack ni Elrick ang computer ni Teacher Mitch mula sa student council’s office at ang kuha ng surveillance camera sa computer ni Teacher Mitch sa Faculty Room. Pinakita rin doon ang pag-abot ng flash drive ni Monica kay Elrick kung saan ni-save nila ang kinopyang answer sheet ng exam.
“Woah! Totoo ba ito? Ang kapal ng mukha ng Monica’ng iyon!” Kunwaring galit na bulalas niya dahil sa napanood.
“Ipinatawag na kanina pa si Monica sa Prefecture’s Office para magpaliwanag tungkol sa video na iyan. Nakuha na rin sa kanya ang flash drive kung saan nila sinave ang answer sheet ng midterm examination. Umamin na siya sa ginawa niya dahil wala din naman siyang lusot. Inamin din niyang mayroon siyang tinakot na IT staff ng school para bigyan sila ni Elrick ng access sa ssh. Mukhang expulsion ang punishment na makukuha ni Monica at suspension naman sa staff na na nagbigay ng access sa kanya,” paliwanag nito sa kanya matapos niyang ibalik ang cellphone nito. “Pinatawag na rin si Rika para hingian ng paliwanag kung kasama ba ito sa pagplanong pag-frame up kay Marianne. Pinakita din kasi sa video na siya ang tumawag kay Marianne at parang may sinabi para lumabas ito. Umamin siya at sinabing napag-utusan lang siya ni Monica dahil tinakot siya nito na kapag hindi siya sumunod ay sisiguraduhin daw nitong magiging impyerno ang buhay niya sa eskwelahang ito. Ang sabi-sabi’y suspension lang daw ang makukuhang punishment niya.”
“T-talaga? Mabuti naman kung ganoon! ‘Yung bruhang ‘yun! Ang kapal ng mukha niyang i-frame up ang kaibigan natin. Mabuti naman at lumabas na rin ang totoo,” kinakabahang sabi niya at mabilis na umiwas muli ng tingin sa kaibigan. Pakiramdam niya ay pinaghihinalaan na siya nito na siya ang may kagagawan ng video.
Iba talaga ang radar nitong si Artemis. Hirap talagang magtago ng lihim sa kanya, sabi niya sa sarili at palihim na napabuntong hininga na lang.
“Nasaan na si Marianne ngayon?” Pag-iiba niya ng usapan at luminga-linga sa paligid upang hanapin kaibigan.
“Nasa prefecture’s office pa. Kinakausap pa siguro tungkol sa nangyari,” Sagot nito.
---
HINDI maintindihan ni Artemis ang nararamdaman niya pero parang may pakiramdam siyang may tinatago sa kanya si Hera. Pakiramdam niya ay ito ang may kagagawan sa pag-hack ng website at pag-upload ng video pero nagtatalo ang isip niya dahil alam niyang wala namang kakayahan ang kaibigan na gawin iyon.
“Ikaw ba ang may gawa n'on?” Seryosong tanong niya kay Hera.
Gusto niyang makita ang magiging reaksyon ng kaibigan upang malaman niya kung magsisinungaling ito o hindi.
“Ano? Ako? Ang galing ko naman sa computer kung ako ang may gawa niyan! How I wish ganyan ako kagaling!” Natatawang sagot sa kanya nito at umiling-iling pa.
“Pero ‘di ba hiniram mo yung laptop ni Marianne?” Nagdududang tanong niya rito. Ewan niya ba pero pakiramdam niya talaga ay ito ang may gawa n'on kahit wala naman siyang ebidensyang hawak na magpapatunay na totoo nga ang kanyang hinala.
“Ah, iyon ba? Nakalimutan ko ngang ibigay ‘yun kay Daddy kagabi. Maaga kasi akong nakatulog kasi masakit ang ulo ko,” paliwanag nito sa kanya. “At dahil may lumabas ng ebidensya, mukhang ‘di na rin pala kakailanganin ang tulong ni Daddy.”
Tiningnan niya muli ng maigi ang kaibigan pero wala naman siyang makitang kaduda-duda sa ikinikilos nito. Napabuntong hininga na lang siya at isinantabi kung ano man ang nararamdaman niyang pagdududa rito.
“Oh, ayan na pala si Marianne!” Masiglang sabi nito matapos mapatingin sa pinto ng classroom. Tumingin siya roon at nakita nga niyang dumating na si Marianne. Mabilis na pinalibutan ito ng kanilang mga kaklase at iba pang mga estudyante na nakasunod dito at pinaulanan ng maraming tanong. Sinenyasan siya nito at si Hera na sa labas na lang sila mag-usap at matapos noon ay pilit kumawala sa mga estudyanteng nakapalibot sa kanya at umalis ng classroom.
“Halika na!” Aya ni Hera sa kanya. Tumango siya rito at sumunod.
---
“SALAMAT sa kung sino man ang naglabas ng ebidensya na iyon at nalinis na rin ang pangalan ko,” nakangiting sabi ni Marianne kina Hera at Artemis ng mapag-isa sila sa school garden. “Kaya pala pinalabas ako noon ni Rika at sinabing may naghahanap sa akin sa gate pero n’ung pagpunta ko ay wala, iyon pala may pinaplano na silang hindi maganda. Hindi ko akalain na magagawa sa akin iyon ni Monica dahil lang sa inggit,” dugtong pa nito at bumuntong hininga.
“Oo nga, eh. Masyado siyang nagpakalunod sa inggit na nararamdaman niya sa’yo kaya nagawa niyang i-frame up ka para lang mapatalsik ka rito sa eskwelahan,” napapailing na pagsang-ayon naman ni Artemis kay Marianne.
“Tama. Hay, naku! Mabuti na lang talaga at lumabas na ang totoo,” Nakangiting sabi naman ni Hera.
“Oo nga. Makakahinga na ako ng maluwag.” Masayang sagot ni Marianne. “Humingi na rin pala sa akin ng dispensa ang school dahil sa nangyari. Sinabi nilang nagkaroon daw sila ng pagkukulang sa pag-iimbestiga kaya naman ico-compensate nila ako dahil sa nangyari.”
“Mabuti naman kung ganoon,” sabi niya kay Marianne at may kinuha sa bag. “Mukhang ‘di na kailangan ang tulong ni Daddy sa kaso mo Mars so ibabalik ko na itong laptop mo.” Sabay abot ng laptop nito sa kaibigan.
“Oo nga, eh. Pero thank you na rin, Hera. Alam kong nag-alala kayo sa akin ng sobra at nagpapasalamat ako kasi nandyan kayo ni Artemis at handa akong tulungan,” sabi nito at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti naman si Artemis kay Marianne sa sinabi nito at tinapik ito sa balikat.
“Sus! Wala ‘yun!” Nakangiting sagot ni Hera at marahang pinisil ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
“Pero alam niyo, nagtataka talaga ako kung sino ang tumulong sa’yo para malinis ang pangalan mo, Marianne. Sigurado akong hindi iyon isa sa mga staff ng school ang may gawa n'on, kasi kung oo ay dapat diretso na sa admin iyon pero hindi. Hinack niya ang website para maipakita ang katotohanan sa lahat. Malamang ay isa lang sa mga estudyante ng eskwelahang ito ang may gawa n'on,” maya-maya’y seryosong sabi ni Artemis at tumingin bigla sa kanya.
Nailang naman siya sa tingin ng kaibigan kaya nag-iwas siya ng tingin dito at tumingin na lang muli kay Marianne.
“Oo nga, eh. Tingin ko rin, estudyante lang din siya rito. Gusto ko sana siyang makilala para personal na magpasalamat. Kung hindi niya ginawa iyon ay malamang na-kick out na ako sa school na ito nang hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko,” sang-ayon ni Marianne.
“Oh siya, siya! Mamaya na natin ulit iyan pag-usapan. Oras na para sa susunod na klase,” pag-iiba niya ng usapan at tumayo na. Ayaw niya ng tinatakbo ng usapan dahil baka magisa lang siya sa sarili niyang mantika kapag nagpatuloy iyon. “Halina kayo at baka ma-late pa tayo.”
Sabay na tumayo ang dalawa at nakangiting sabay na naglakad silang tatlo pabalik ng classroom. Habang naglalakad sila sa hallway ay narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone kaya naman kinuha niya iyon sa kanyang bag at sinagot ang tawag. Sinenyasan niya ang dalawang kaibigan na mauna na sa paglalakad at tumango naman ang mga ito sa kanya at tuluyan ng nauna.
“Hello,” nakakunot noong sagot niya dahil napansin niyang unknown number ang tumatawag.
“Good work, Hacking Goddess Hera,” sagot ng nasa kabilang linya sabay putol ng tawag.
Nanlaki ang mga mata niya at parang nanghina bigla ang tuhod niya sa kanyang narinig. Pakiramdam niya rin ay tinakasan siya ng dugo at napatitig na lang siya sa kanyang cellphone. Sino ang tumawag sa kanya? At bakit mukhang alam nito ang ginawa niya?
***
Readers’ Reference:
*SSH (Secure Shell) - sometimes known as Secure Socket Shell, is a UNIX-based command interface and protocol for securely getting access to a remote computer. It is widely used by network administrators to control Web and other kinds of servers remotely. SSH is actually a suite of three utilities - slogin, ssh, and scp - that are secure versions of the earlier UNIX utilities,rlogin, rsh, and rcp. SSH commands are encrypted and secure in several ways. Both ends of the client/server connection are authenticated using a digital certificate, and passwords are protected by being encrypted. (http://searchsecurity.techtarget.com/definition/Secure-Shell)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top