H01
H01
Napatingin si Hera sa wristwatch niya at napakagat ng mariin sa kanyang labi nang makitang meron lang siyang limang minuto para gawin ang kailangan niyang gawin. Kailangan niyang bilisan dahil kung hindi ay malalagot talaga siya. Pinagpapawisan na siya ng malamig pero kailangan niyang maging kalmado.
Huminga siya ng malalim at pinatunog ang kanyang mga daliri. Matapos gawin iyon ay seryosong itinutok niya ang kanyang mga mata sa monitor na nasa harapan niya at mabilis na tumipa sa keyboard. Makalipas ang ilang sandali ay tumambad sa kanya ang mga salitang, ‘Access Denied. Please Log In your Password.’
“Damn it!” She cursed at nasapo ang kanyang noo.
Bakit ba kung kailan kailangan niya ulit i-hack ang computer ng kanyang ama ay saka naman nito naisipang magpalit ng password? Kilala niya ang kanyang Daddy at halos lahat ng gadgets na meron ito o ano mang bagay na kinakailangan ng password ay iisa lang ang ginagamit nitong security code. Nakapagtatakang nagpalit ito ng password.
“Bakit ba kasi hindi na lang simpleng email ang ginagamit mo, Dad! Kainis!” Frustrated na muli niyang sabi sa sarili at napakamot sa kanyang ulo.
Naisip niya na kung simpleng yahoo mail or google mail lang sana ang ginagamit ng kanyang Daddy sa pagpapadala at pagtanggap ng mga email nito ay hindi na sana siya nahihirapan ngayon. Pero dahil ‘iba’ ang kanyang Daddy ay gumagamit ito ng isang specialized installed computer program kung saan doon lang bumabagsak ang lahat ng mails na natatanggap nito. Hindi mo magagawang makita o basahin ang mga email na dumarating kapag sa ibang computer mo iyon binuksan unless na lang kung kaya mong i-hack ang computer kung saan naka-install ang program.
“Hindi niya pwedeng makita iyon,” bulong niya sa kanyang sarili at kinagat-kagat ang pang-ibabang labi.
Napatingin siya muli sa kanyang wristwatch at nakita niyang meron na lang siyang tatlong minutong natitira at paniguradong tapos ng makipag-usap ang kanyang ama sa telepono at nakabalik na ito sa harapan ng computer nito. Kinagat niya ang kanyang daliri at mabilis na nag-isip.
“Anong pwede mong gawin, Hera?” Agitated na tanong niya sa sarili at pinaikot-ikot ang kanyang inuupuan.
Ilang beses na parang baliw na nagpaikot-ikot lang siya nang bigla siyang napatigil nang mahagip ng tingin niya ang kanyang bag na nakapatong sa ibabaw ng kama. Tinitigan niya iyon at ilang sandali pa’y isang ngisi ang unti-unting sumilay sa kanyang mga labi.
Parang biglang nagkaroon ng light bulb sa utak niya nang maisip kung paano maka-crack ang bagong password ng computer ng kanyang ama!
Mabilis siyang tumayo at lumapit sa kama para kunin ang kanyang bag. Nang makuha ay mabilis niya iyong binuksan at dali-daling kinuha sa loob niyon ang kanyang pinakamamahal na flash drive. Bumalik siyang muli sa study table at excited na isinaksak ang flash drive sa USB port ng system unit ng computer niya. Nang ma-read iyon ng kanyang computer ay mabilis niyang ni-run ang system file na naroon matapos mai-remote uli ang computer ng kanyang ama gamit ang IP Address niyon. Mabilis ang mga daliring nag-type siyang muli ng command sa keyboard at nilagyan ng kagagawa niya lang na ‘personalized virus’ ang computer ng kanyang Daddy upang mabilis na mapalabas ang bagong password niyon.
“Gotcha!” Napasuntok siya sa ere ng lumabas sa screen ang mga salitang ‘Probing Completed.’ Mabilis niyang ini-scroll pababa ang window at tiningnan ang bagong password.
“Hmmm…ano kaya ang bagong password ni Dad?” Muling bulong niya sa sarili at tiningnan sa monitor ang nakasulat na password.
“Password is—”
“You are dead.”
“Tama. You are dead. Ang weird naman ng bagong password ni—” Natigilan siya sa kanyang sinasabi ng ma-realize niyang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan na binitawan niya ang kanyang mouse at napapikit ng mariin. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon at alam niyang wala na siyang kawala.
Patay kang bata ka, Hera! She mentally slapped her head. Dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang ama at napipilitang ngumiti rito.
“D-dad…” Nahihiyang sabi niya at napahawak siya sa kanyang batok.
“You’re doing it again, Hera,” seryosong wika nito sa kanya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon at matamang nakatingin sa kanya.
“D-dad. A-anong ginagawa mo rito?” Pag-iiba niya ng usapan at alanganing ngumiti muli rito. Ramdam niyang pagagalitan siya nito na hindi naman na niya ipagtataka dahil huling-huli siya sa akto.
“Alam kong iha-hack mo na naman ulit ang computer ko dahil narinig mo ang usapan namin kanina ng school directress niyo na nai-send niya na sa email ko ang result ng exams mo. Tama ba? And this is not the first time you did it, right?” Akusa nito sa kanya.
Napayuko si Hera dahil sa kahihiyan.
Tama ito. Ito ang pangalawang beses na hinack niya ang computer nito upang i-delete ang in-email ng school nila regarding sa result ng mga exam niya. Ganoon kasi sa school nila. Sinesendan nila ng copy ng result ng mga exam ang mga magulang ng mga estudyante upang alam ng mga ito ang status ng kanilang mga anak sa eskwelahan.
Kaya naman niyang i-hack ang system ng school nila upang pigilan ang pagse-send ng mga ito ng email regarding sa grades niya sa kanyang Daddy pero hindi niya iyon ginawa. Dahil para sa kanya ay mas madaling i-hack ang computer ng kanyang ama kaysa doon lalo na’t alam naman niya ang security code na ginagamit nito. Mas familiar din kasi siya sa computer nito kahit na alam niyang ‘mas delikado’ na i-hack iyon.
Ang Daddy pa naman niya ay ang Director ng Cyber Investigation Unit ng NBI. Magaling ito pagdating sa pagso-solve ng cases na may kinalaman sa computers. Kabisado nito kung paano gumagana ang computer at kahit ang pinakamaliit na detalye ay alam nito kaya naman hindi na siya nagtataka kung nalaman nito agad ang unang beses na hinack niya ang computer nito.
“I-I’m sorry, Dad…” Nahihiyang paghingi niya ng tawad dito. Narinig niya ang malakas na pagbuntong hininga ng kanyang ama at naramdaman niyang naupo ito sa kanyang kama.
“Kahit na i-hack mo pa ang computer ko ngayon, I already saw it. And I’m very disappointed to see na ang dami mong failing grades,” malungkot na saad nito.
“Sorry, dad,” muli niyang sabi habang nananatili pa ring nakayuko. Hindi niya magawang tingnan sa mga mata ang kanyang Daddy dahil sa nararamdaman niyang guilt at embarrassment.
“Hindi ko alam kung matutuwa ako sa talento mong iyan, anak. You’re just 17 and yet you can do things like that. It can make or break you, Hera. Depending on how are you going to use it. Pero sana naman anak, hindi sa ganitong paraan,” dugtong pa nito. “Hindi ko pa sana malalaman na hinack mo ang computer ko noong unang beses kung hindi pa ako nagtaka kung bakit wala akong na-receive na email from your school. I thoroughly scanned and checked my computer back then baka kasi may problema and wala naman akong makita. Not until I saw this.” Inabot nito kay Hera ang isang kapirasong papel na may nakasulat na capital letter H at may drawing na pakpak sa magkabilang bahagi niyon. Napakagat siya sa labi niya at nag-angat ng tingin sa kanyang ama.
“That’s you’re trademark, right? I know kasi I once saw it on your laptop,” anito at pinagkrus ang mga kamay. “Akala mo siguro hindi ko iyan mapapansin because you were able to hide it carefully that even a person who knows well about computers cannot easily see it. But I know better, Hera.” Ngumiti ito sa kanya ng matipid at matapos ay tumayo. “I let it slide the first time you did it because I was amazed on how you were able to hack my computer nang hindi ko agad mapapansin but this time, hindi na.” Muling sumeryoso ang mukha nito at nilapitan siya. “You’re grounded for a week. Home and school ka lang. You are not also allowed to use your computer except when doing assignments or projects, okay? Madali kong malalaman kung ginamit mo na naman 'yan sa kalokohan kaya don’t you even dare think about it.”
Napatango na lang si Hera sa kanyang ama bilang pagsang-ayon dito. Lumapit ito sa kanyang computer at hinawakan ang mouse niyon. In-eject nito ang flash drive niya at matapos ay tinanggal iyon sa pagkakasaksak sa system unit. “Also, I’ll confiscate this flash drive of yours for the mean time at ibabalik ko lang ito kapag kapag napataas mo na ulit ang mga grades mo. Alam kong you’re working on something again dito sa iyong computer kaya hindi mo natutukan ang studies mo. But you should know your priorities, Hera. Understand?” Sabi pa nito sa kanya.
Nahihiyang marahang tumango muli siya bilang pagsagot.
Tama ang kanyang ama. Meron kasi siyang ginagawang system sa computer na halos ilang linggo na rin niyang tinututukan. It’s a system wherein you can easily hack anyone’s computer from another computer without using internet. Malapit niya na itong ma-perfect pero dahil kinonfiscate ng Daddy niya ang flash drive kung saan niya ito sinave ay pansamantalang hindi niya muna ito magagawa.
“I’m sorry again, dad,” sabi niya sa mababang boses.
Tumango-tango ang kanyang daddy at hinawakan siya nito sa balikat.
“Just don’t do it again, okay?” He said.
“Yes, Dad. I promise,” Sagot niya at kiming ngumiti rito. Her Dad smiled back at her and nodded bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.
Nang makalabas ang kanyang ama sa kwarto niya ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Tinitigan niya ang kisame. Maya-maya’y napangiti siya ng maalala niya ang kanyang ama.
Her dad is a computer genius at gusto niya itong tularan. He is her ultimate idol at gusto niyang maging katulad nito kapag tumanda siya. She grew up with computers around her at sa paglaki niya ay ito ang kanyang naging safe haven. Kahit maliit pa lang siya noon ay naroon na ang fondness niyang matutunan ang mga bagay-bagay tungkol sa computer kaya naman hindi siya nahirapan na pag-aralan iyon lalo na’t matiyaga rin siyang tinuruan ng kanyang ama.
Muli siyang umupo at nag-decide na umpisahan na ang pinagagawang research ng biology teacher niya. Inabot niya ang kanyang laptop sa side table at in-open iyon. Napakunot ang noo niya ng may mahagip kanyang mga mata ng i-open niya ang internet connection ng laptop. Tinitigan niya iyon at halos lumuwa ang kanyang mga mata ng ma-realize niya kung anong nangyari. Napalitan ang pangalan ng wifi niya!
“Unbelievable!” Usal niya sa kanyang sarili habang tinititigan ang bagong palit na pangalan ng kanyang wifi.
She named her wifi as “hack if you can” and did something on it para hindi ito ma-hack ng kahit na sino but she was shocked to see na merong taong nakagawang i-hack iyon despite all those traps she made. Ang kinaiinisan niya pa ay naglakas pa ito ng loob na palitan ang pangalan ng wifi niya!
From “Hack if you can” name, her wifi’s name was changed to:
“CHALLENGE ACCEPTED.”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top