UUSAD NA | Jan. 20, 2025
“UUSAD NA”
GreeneverGardenn
habang hawak pa rin ang bakas ng kahapon,
pilit kong nililibing ang mga alaala noon.
habang puso ay nagtatanong,
“sa mga pangako mo, bakit bigla kang umurong?”
“mali ang ipilit ibigin ka, sinta.”
“ang ikaw at ako ay mali na sa simula.”
sagot mong bigla sa akin ay nagpatulala,
sapagkat alam kong wala nang pag-asa pala.
kaya ngayon ay pipiliin ko na ang umusad,
at kakayanin kong mag-isang lumakad.
itutuloy ko pa rin ang mga pangarap nating dalawa,
kahit alam kong hindi ka na makakasama.
uusad ako, kasi ito ang dapat gawin ko.
oo, uusad na ako. kaya paalam mahal ko.
hanggang sa muli nating pagtatagpo,
salamat sa mga ala-ala, kaya ko na 'to.
────────────
small letters are intended.
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top