TAGAHANGA

TAGAHANGA
GreeneverGardenn

Noong una kang nasilayan,
ay humanga sa iyo ng biglaan.
Hindi mawaglit sa isipan,
at pangalan mo’y nais malaman.
Hindi na alam ang nararamdaman.
Oh, bakit tila ikaw ay palagi nang inaabangan.

Ako naman si Tagahanga,
umaasang mapansin mo sana.
Pero naalala ko, iba ka pala.
Pwede naman kasi na habang sikat ka,
ay hangaan at mahalin din kita.
Pwede ata 'yon, hindi ba?

Kapag ikaw ay may kantahan at sayawan, Matik alam na 'yan. Ako’y iyong no. one fan!'

Mga suot mong palaging inaabangan,
Pati boses mo, alam ko na 'yan.

Kahit sa video lang ako nakatingin,
Ayos lang sa akin kung hindi ako mapansin.
Ngayon, wala na akong hihilingin.
Tagahanga lang naman, at suportang
walang katapusan ang galing sa akin.

“Minsan, ang pinakamalalim na suporta ay nagmumula sa mga hindi kakilala.”

────────────

open for criticisms.

plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!

visit Greennyy Gei Everette WP
or Mira Castillo Tapil Manunula't for more pieces. salamat ng marami! ♡

(Hanggang dito na lang po muna, dahil magpapahinga muna ako sa pagsusulat. Walang katapusan na pasasalamat po sa inyong lahat. Nawa'y subaybayan ninyo pa po ako sa susunod pa na mga tulang gagawin ko. Greennyy loves you all, very much!)

@berde

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top