PAGLISAN


PAGLISAN
GreeneverGardenn

Sabi mo, huwag mangamba
sa tulin ng panahon.
Kapag madadapa man,
dapat ay muling babangon.
Ngayon, may karagdagan
na naman ang aking taon;
Tuloy sa pakikilaban,
hampasin man ng alon.

Kaya ako ay umaasang ika’y may magagawa;
Iyon ang lumaban, gaya ng aking ginawa.
Sa iyo aking mahal, ako’y nagmamakaawa.
Sa buhay ko’y nais kang makasama, parang-awa!

Akala ko kay kamatayan ika’y maitago;
Subalit, sa halip na bumangon, ika’y sumuko.
Sa panahong ito, ako na naman ay nabigo;
Sa pag-asang tayo ay ’di maghiwalay’t magkalayo.

Kasabay sa lamig ng hangin,
siyang paglubog ng araw.
Ngayon sa malayo ako ay muling nakatanaw.
Bakit? Ikaw ay biglaang sumuko at pumanaw,
Mismo pa sa aking pinakaimportanteng araw. . .



“Every human has its own destiny, tells own story, and has own roles to play.”

────────────

open for criticisms.

plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!

visit Greennyy Gei Everette WP
or Mira Castillo Tapil Manunula't for more pieces. salamat ng marami! ♡

@berde


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top