PAANO KUNG WALA SIYA? | June 03, 2023
“PAANO KUNG WALA SIYA?”
GreeneverGardenn
Alam niyo ba na mahirap kung wala siya?
Unang lalaki na ituturing kang prinsepe o prinsesa.
Isang salita’t tatlong letra,
Siya ay si “AMA”.
Siyang haligi ng tahanan,
Kahit kailanman ikaw ay gagabayan at ipaglalaban.
Pagmamahal ang ipinapadama,
At siya ang nagpoprotekta sa pamilya.
Pero paano nga ba kung wala siya?
Sino na lang ang magsasabi sa iyo na,
“Anak, mapakalakas ka ha? ”
“Anak, mag-iingat ka.”
Wala na ang tagapakinig ng iyong mga problema.
Wala na ang magtatanggol sa iyo kung may kaaway ka.
Wala nang magsisilbing gabay sa mabatong daraanan.
At wala nang taong umintindi sa iyo kahit minsan ay pasaway ka man.
Siguro, hindi na ako makakakita pa,
Ng pamilyang kasimbuo ng isang tula.
Kung wala na aking tinatawag na “AMA”.
At pagmamahal niya’t pangangaral ay hindi na kailanman madarama.
────────────
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top