MAGPATULOY KA, LAYAG! | Sept. 13, 2023
“MAGPATULOY KA, LAYAG!”
GreeneverGardenn
Ang araw nawawala,
Kapag natatakpan ng makakapal na ulap.
At muling magpapakita,
Kapag nawala ang kaniyang hinarap.
Dito sa ating mundo,
Maihahalintulad ito sa tao.
Dapat huwag mawalan ng pag-asa,
Sapagkat may solusyon ang problema.
At hindi naman panay dilim,
Ang gabing walang buwan.
Sapagkat maraming
nagkikislapan na bituin,
Sa landas mo na tatahakin. . .
Oo nga’t mahirap lumisan
sa lugar mong kinasanayan;
Mahirap kalimutan ang mga ala-alang nang-aakit upang balikan;
Ngunit, gaano kahirap ang pag-usad
ay magpatuloy ka.
Mahigpit na yakap, ramdam kita.
Magaling ka’t may igagaling pa.
────────────
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top