LETRA'T WIKA | Oct. 30, 2024
“LETRA’T WIKA”
GreeneverGardenn
Letra, sa malayang taludturan.
Titik, sa bawat pakikipagtalastasan.
Letra, sa atin ay kailangan.
Ginagamit saan man, kailanman.
Sa pagsusulat, pagbabasa, at sa bawat usapan.
Titik ang sandigan, letra’y kasangkapan.
"A, Ba, Ka, Da!" ang unang tinig.
Sa murang isipan, pagsasalita mo nito’y dinig.
Kaya’t pahalagahan mo sana.
Sapagkat sa dulo, kapag natuto ka na,
Magsulat, magsalita, magbasa, at iba pa.
Tiyak, ito’y magagamit mo kahit saan ka pa.
Isipin mo na lamang ang kapangyarihan,
Ng letrang bumuo ng kasaysayan.
Sa bawat talata’t mga tula, sa libro ng nakaraan,
Naitala ang ating gunitang hindi malilimutan.
Dahil sa letra ang mga alaala ay buhay,
At mga salaysay ay hindi malulumbay.
Ang bawat titik ay may bigat at halaga,
At ang bakas ng kahapon ay gabay ng madla.
Kaya huwag kalimutan na sa bawat salita,
May letrang gabay sa ating diwa.
Pahalagahan mo at pagyamanin pa,
Ang letra ng ating sariling wika.
---
“This poem celebrates the importance of letters as the foundation of language and communication. It reflects on how letters are essential tools, used for everything from reading and writing to speaking, and it encourages valuing this knowledge because it is something useful throughout life...”
────────────
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top