IKAW
“IKAW”
GreeneverGardenn
Huwag kang lumapit,
at huwag kang kumapit sa pusong kay lapit,
na ayaw mo namang makamit.
Baka ikaw ay magsisi at abot hanggang langit,
dahil ikaw ngayon ay naipit.
Katulad ko sa iyo, walang pinagkaiba.
Nanatiling ikaw ang paksa,
sa mga isinusulat kong tula.
Ikaw pa rin kahit masakit na...
At kahit nakadudurog na.
Kahit hindi na ako,
ikaw pa rin ang pinipili ko.
Sa mundong mapaglayo—
Tingnan mo,
Pinagtagpo ikaw at ako,
ngunit pinaglayo naman sa dulo.
Ikaw ang lahat sa akin,
kahit ngayon ay wala na sa paningin,
buhat ng ako'y iyong lokohin.
Kaya sana ay panalangin ko'y damhin,
mga tinik sa damdamin,
ngayon ay unti-unting tatanggalin,
dahil sa IKAW ay AKING lilimutin...
“Minsan mahirap talaga kumawala, pero mas mahirap iyong patuloy kang kumakapit sa pag-asang maipagpatuloy pa ang pahinang hindi natapos niyong dalawa kahit alam mong wala na talaga.”
────────────
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
visit Greennyy Gei Everette WP
or Mira Castillo Tapil Manunula't for more pieces. salamat ng marami! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top