HUNI NG KAHAPON | Jan. 20, 2025


“HUNI NG KAHAPON”
GreeneverGardenn

noon, mapayapa ang mundong ginagalawan,
o baka dahil lang iyon sa musmos kong isipan?
kahit mga pangarap ay tila abot-kamay lang man,
at sa bakuran, kay sayang naglalaro’t nagtatakbuhan.

bawat sandali ay musika ng kapayapaan,
at bawat huni ng ibon ang sarap pakinggan.
ang mga kabataan ay nagtatawanan at nagkukuwentuhan,
at kasiyahan ay tuloy, umaraw o umulan man.

ngunit sa bilis ng oras ay hindi natin namamalayan,
sa paglipas ng panahon, unti-unting nababago ang nakaraan.
sa ating pagising, lahat isa-isa ay nagsilisan,
at ang iba’y nakalimutan na rin ang dating kalaro’t kaibigan.

pero kailangan tanggapin dahil ito ang katutuhanan,
lalo na ngayon, ingay ng teknolohiya’y nagsisigawan.
ang huni ng kahapon ay dahan-dahang natatakpan,
at ang payapang dala ng musmos nating isipan ay kalaunan napapalitan.

────────────

small letters are intended.
open for criticisms.

plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!

maraming salamat sa pagbabasa! ♡

@berde

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top