DILAG | Sept. 13, 2023
“DILAG”
GreeneverGardenn
Singrikit ka ng bulaklak sa hardin,
Sintatag tulad ng mga punong nakatanim.
Maihahalintulad ka rin sa paru-paro,
Tulad niyon, pakpak mo’y
iyong kumikinang na puso.
Kulay tsokolate mong balat
ay depenisyon ng rilag,
Sintamis ng tsokolate ang katangian
mong namamayagpag.
Dumugin man nang husga
at isadlak sa putikan,
Tumayo ka’t patunayang
balat mo’y simbolo ng iyong kakayahan.
Ang iyong mukha
ay salamin ng kagandahan,
Gaano man ito magbabago ay pambihira.
Loob mo’y hindi dapat
kailanman 'di panghinaan,
Maganda ka, ano man ang sabihin nila.
────────────
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top