BABALIK PA BA ANG SAYA NG NAKARAAN? | Oct. 12, 2024
“BABALIK PA BA ANG SAYA NG NAKARAAN?”
GreeneverGardenn
may punto sa buhay na panaginip na lang sana,
dahil ang lungkot ng reyalidad ay laging dama.
ngunit kahit anong pilit na lumikha ng panibago,
mas lalong lumalayo ang saya na hinahanap ko.
mararanasan ko pa kaya ulit ang lahat ng 'to?
o ’di kaya kahit ang saya na lang ng dating ako?
kung may oras lang sana para bumalik sa nakaraan,
kung may daan lang din, hahanapin ko ang daanan...
────────────
small letters are intended.
open for criticisms.
plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!
maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top