Chapter 6

Dedicated to: ScionMarion

Chapter 6

"Mahal, one last ride nalang okay nako. Pwede na tayong umuwi." Naka ngiting sambit ni Faith sa asawa.

Manghang napatingin naman si Rafael sa asawa niya. Kanina pa sila lakad ng lahat at pila ng pila sa mga rides pero ni katiting na sign ng kapaguran ay wala man lang siyang makita sa mukha ng kanyang asawa.

Ang pawang nakikita lamang niya rito ay ang excitement nito sa bawa rides na pinipilahan nila para sakyan.

Natutuwa naman si Rafael dahil nakikita niyang nag eenjoy talaga si Faith sa buong paligid. Hindi niya nakikita sa mukha nito yung Faith na malungkot at walang buhay kung gumalaw noong nalaman nitong impossible na itong magkaron ng sariling anak.

Ang nakikita lang niya ngayon rito da tuwing tititigan niya ito ay yung dating Faith na minahal niya. Yung masayahin, yung magiliw at makulit.

Minsa na itatanong rin niya sa isip kung bumalik na nga ba yung asawa niya? O panandalian lamang ito! Natatakot siya sa kaalamang panandalian lamang iyon. Ayaw na kasi niyang makitang umiiyak yung asawa niya ng dahil sa kakulangan nito.

Para sa kanya hindi naman yon ang rason kung bakit niya ito minahal at pinakasalan. Kaya naman para sa kanya magkaron man sila ng anak o hindi wala lang magbabago sa pakikitungo niya rito.

Mahal na mahal niya si Faith at wala siyang pakialam kung hindi man siya nito kayang bigyan ng anak. Wala sa kanya yon! Yung mahalaga makasama lamang niya ito masaya na siya.

Ngunit iba yung pananaw ni Faith sa pagkakaron ng anak! Dahil alam na alam ni Rafael na matagal na talagang pangarap ni Faith ang magkaron non.

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa niya na okay lang! Okay lang. Kahit na hindi sila magkaron ng sariling anak nila.

Hindi niya kayang kausapin yung asawa niya tungkol don.

"Mahal! Okay kalang ba?" Tanong ni Faith sa asawang kanina pa naka tulala. "Kanina pa ko salita ng salita rito pero hindi ka yata nakikinig e." Reklamo pa ni Faith rito.

Napatingin naman si Rafael sa naka pamiwang at nagrereklamong asawa. "Meron ka bang sina sabi, mahal?" Tanong niya rito.

"Hay! Ikaw talaga. Ano bang nasa isip mo't dika nakikinig sa sina sabi ko?" Tanong naman ulit ni Faith sa asawa.

Hindi niya alam kung ano ba yung nasa isip nito at bakit ito nakatulala na lamang habang siya naman salita ng salita tungkol sa batang nakita niyang umiiyak di kalayuan sa kanilang pwesto.

"Sorry, mahal iniisip ko lang kasi kung ano bang pwedeng bilhin rito para pang pasalubong sa mga kawork at mga pasyente mo na rin." Paliwanag ni Rafael sa asawa.

Mukha namang hindi na kumbinsi si Faith sa paliwanag ng asawa niya sa kany. Gusyo sana niyang tanungin ang asawa kong ano ba talaga yung totoong iniisip nito ng mapa gawi ulit sa batang umiiyak ang kanyang paningin.

Naawa naman siya sa bata mukha yatang na hiwalay sa mga magulang nito. Nakikita niyang iyak lamang ito ng ikaw habang naka tingin sa buong paligid. Siguro hina hanap nito ang kanyang mga kasama o kanyang mga magulang.

"Mahal?" Tawag pansin ni Rafael sa naka tulalang asawa na para bang meron itong tinitingnan sa malayo.

Nang tumingin nsman siyavsa direction kung saan naka tingin ang asawa niyang ni Faith nakita niya sa di kalayuan na kanila ang isang umiiyak na batang babae. Inisip ni Rafael na nahiway siguro yung bata sa paningin ng mga magulang nito.

"Kawawa naman niya mahal." Sambit ni Faith sa asawang tulad niya naka tingin na rin don sa direction ng batang umiiyak.

"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong naman ni Rafael rito.

"Lapitan natin siya at tanungin kong sino yung magulang niya. Para matulongan natin siyang mahanap yung mga magulang niya." Sagot naman ni Faith sa tanong ng asawa.

"Tingin mo alam niya yung buong pangalan ng mga magulang niya?" Hindi seguradong tanong ni Rafael sa asawa. "Para kasing ang bata pa niya mahal." Komento pa niya nito habang naglalakad silang mag asawa palapit sa batang umiiyak.

"Hi! Sweetie, bakit ka umiiyak?" Malumanay na tanong ni Faith sa batang babaeng umiiyak ngayon sa harapan nilang mag asawa.

Humarap naman yung batang babae sa kanilang dalawa habang umiiyak pa rin. "Mommy, mom... Mommmy. Huhuhu." Iyak na sabi nito habang naka tingin sa malayo.

"Hinahanap mo ba yung mommy mo?" Tanong niya ulit rito. Hindi kasi siya pina pansin ng batang babaeng namumula na sa kakaiyak.

Hindi parin siya pina pansin nito tumitingin lamang ito sa malayo habang umiiyak.

Bumulong naman si Rafael sa asawa niya. "Mahal, snob naman yang batang yan. Tutulongan na nga natin siya ayawa pa yata niya." Bulong niya sa asawang siniko naman siya at tiningnan ng masama.

"Malamang bata yan kaya kailangan mo talaga ng pasensya kung gusto mong makuha talaga yung attention niya." Naiiling naman sambit ni Faith sa asawa.

"Eh, kasi naman parang ayaw niya yata ng tulong." Bulong pa niya sa asawa.

Binigyan naman ni Faith ng seriously look ang asawa. Naiiling nalang talaga siya para kasi itong isip bata. Natanong niya tuloy sa sarili niya kung wala ba talagang alam sa pag aalaga ng bata yung asawa niya?

"Umayos ka nga mahal! Para ka ring bata dyan e. Aluhin na nga lang natin tong cute na batang to at hanapin natin yung mga magulang niya. Kawawa naman." Aya ni Faith sa asawa sabay hila rito para tumuhod sa harap ng bata.

Sasagot pa sana si Rafael sa sinabi ng asawa ngunit natahimik na lamang siya nong nakita niya ng malapitan ang mukha nong bata.

Nasabi na lamang ni Rafael sa isip niya na ang cute at ang ganda nong bata. Naisip niya tuloy kung ano kaya ang magiging mukha ng anak nila ni Faith kung sakaling pwede itong magkaanak. Seguro kasing cute rin nong batang nasa harapan niya ngayun.

"Sweetie, stop crying na. We will help you to find your mommy. Do you want us to help you?" Tanong ni Faith sa bata. Tumingin naman sa kanya ang bata.

Naiiyak pa rin ito at dahil na rin subrang pag iyak nito pati sipon nito lumalabas na rin sa ilong nito. Kaya naman kumuha na si Faith ng tissue sa kanyang bag.

"Sweetie, pupunsan natin yung face mo ha. Kasi messy na e." Pinakita ni Faith yung tissue sa bata bago niya ito pinunasan hinayaan naman siya nitong linisin ang mukha nito.

Nang malinis na ito ni Faith hinawakan naman niya ang kamay ng bata saka nilinis ring ng sanitizer na dala niya.

"Ayan! Clean kana ulit. Wag kanang umiyak. Hahanapin natin sina mommy mo ha. You want to come with us?" Tanong ni Faith sa bata.

Nag aalangan namang tumingin sa kanya yung batang babae sabay abot sa kanya ng dalawang kamay nito.

Napangiti namang binuhat ni Faith yung batang babae. Saka binigay sa asawa niya yung kanyang bag. "Don't cry na, sweetie. Hahanapin na natin sila." Alu ni Faith sa bata. Umiiyak parin kasi ito.

"Tita.. Mmommmy.. Mo...mmy." Iyak na sambit ulit nong batang babae.

Inisip ni Faith na baka mommy at tita nito ang kasama nong bata. Hinagod naman niya ang likod nong batang babae sabay lakad lamang kahit na hindi niya alam kung saan niya hahanapin yung magulang nong batang hawak niya.

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top