Chapter 3

Chapter 3

"Mahal ang tagal mo namang kumilos talo mo pa ko ha." Natatawang kantiyaw ni Faith, sa asawa mas na una pa nga itong magising kesa sa kanya ngunit mas na una naman siyang matapos na mag ayos ng sarili kesa dito.

Mas madame pa kasi itong serimonia sa sarili nito kesa sa kanya. Wala naman siyang reklamo dito dahil hindi naman sila nag mamadali.

"Sorry naman mahal nag ahit pa kasi ako." Naka ngiting sabi nito sa kanya.

"Kaya nga talo mo talaga kaming mga babae. Gusto mo yatang tumira nalang sa cr eh." Kantiyaw niya ulit dito.

"Masyado ka yatang ma pang asar ngayun, mahal ko." Puna sa kanya ni Rafael. "Pero tatangapin ko lang yan sa ngayun. Mamaya babawian din kita." Ngiting-ngiting sabi ni Rafael dito.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Faith. "Ang sama mo!" Batok niya dito. "Matatalo pa din kita kaya kung ako sayo wag kanang gumanti." Sabi niya sa asawa sabay kindat.

Na iiling nalang si Rafael sa asawa. Masaya siya na kahit papano bumabalik na talaga sa dati ang kanyang asawa. Ito na muli ang babaeng minamahal niya. Tama lang talaga na sa kabila ng pagsubuk na dumating sa kanilang mag asawa hindi niya ito sinukuan.

Tamang na natili siya sa tabi nito. Wala siyang paki kung meron man kakulangan ang asawa dahil hindi naman yon ang dahilan kung bakit niya ito minahal. Kaya hindi rin yon ang magiging dahilan para iwan o sukuan niya ito. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa at kaylanman mananatili lang siya palagi sa tabi nito.

"Mahal!" Tawag panisin ni Faith sa asawa. Masyado kasing malalim ang ini isip nito at hindi man lang nito na pansin na nan dyan na ang jeep na sasakyan nila pa puntang cubao. "Ang lalim mahal, hindi ko kayang sisidin." Biro niya sa asawa.

Ngumiti naman si Rafael dito. "Hindi naman mahal." Sagot niya ng makasakay na sila sa jeep. "Iniisip ko lang na napaka swerte ko't ikaw ang babaeng minahal ko." Naka ngiting sambit ni Rafael kay Faith.

Ngumiti naman si Faith ngunit pinitik niya ang ilong ng asawa niya at sinabing. "Bola! Wag mo nga kung bulahin mahal." Biro niya dito.

"Mahal sa tagal nating magdyowa tingin mo ba biro lang ang lahat ng yon?" Patanong ni Rafael sa asawa. "Kahit kilan para sakin ikaw lang ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko mahal. Simula ng makilala kita naging tama na ang lahat sakin. Nahanap ko kung sino ako at kung ano ba ang dapat kung gawin? Yung gusto talaga ng puso ko at pangarap ko. Ikaw ang naging daan ng lahat ng yon mahal." Sabi pa ni Rafael sa asawa.

"Mahal naman. Alam ko na yon pero pwede bang wag ka dito sa jeep mag dialog. Nahihiya kasi ako tinitingnan na nila tayong dalawa." Bulong ni Faith sa asawa.

Pasimple namang tumingin sa paligid si Rafael at nakita nga niyang nasa kanilang dalawa naka tingin ang halos lahat ng mga sakay ng jeep. Narinig siguro ng mga to ang kanyang sinabi sa asawa. Nang tumingin naman siya sa asawa niya nakita niyang namumula na ang mga pisngi nito tanda na nahihiya siya.

"See." Piliit na ngiti ang binigay ni Faith sa asawa niya. Nahihiya talaga siya sa ginawa nitong pagtatapat sa kanya kanina. Masyado kasi nitong nalakasan ang bosis ang kaya narinig ng kasama nila sa jeep.

"Basta mahal kita." Sabi ni Rafael sabay halik sa noo ni Faith. Ngumiti naman si Faith sa kanya.

"And i love you too, mahal" sagot naman ni Faith sa sinabi ng asawa.

____

Mahaba-haba ang naging byuhi nilang mag asawa papuntang batangas. Ngunit naging masaya naman ang kanilang naging buong byuhi wala silang ginawa kondi ang pag usapan ang kanilang high school at college life.

Masaya lang silang dalawa na nagbabalik tanaw sa kung ano sila at ang relasyon nila noon. Sa dami ng pagsubok na dumating sa kanilang mag asawa masasabi talaga ni Faith na kahit na hindi perpecto ang kanilang naging relasyon. Isa naman itong alamat para sa kanya na kaylan man hinding-hindi niya makakalimutan. Dahil sa dami ng kanilang mga alala na nabuo habang tumatagal ang kanilang pagsasama.

Pagkalipas pa ng ilang minuto naka rating na rin silang mag asawa sa tahanan ni Padre Pio. Bumili mona ang si Faith ng mga kandila sa bahay tindahan sa labas ng simbahan ni Padre Pio, bago magkahawak kamay silang dalawang pumasok sa loob at taimtim na silang nagdala na mag asawa sa harap ng mahal na Padre Pio.

Malaki ang naging pasasalamat ni Rafael sa puon ni Padre Pio na sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating sa buhay nilang mag asawa kinaya pa din nila iyon at ngayun magkasama pa din silang dalawa at sabay na hinaharap ang bukas ng magkasama.

Next. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top