Chapter 21
Chapter 21
Mas maagang nakauwi si Faith kumpara sa asawa niya. Nagtataka man ito kung bakit wala pa ang asawa sa ganong oras ay hindi na lamang niya pinansin. Inihanda na lamang ni Faith ang lahat ng pagkaing dala niya galing sa bahay ng kapatid.
Pagkatapos ma ihanda ni Faith ang hapag kainan nila ay nagpasya muna siyang umakyat sa kanilang silid saka nagpalit ng kanyang damit pangbahay
Hindi na rin muna siya kumain ng hapunan nagpasya siyang hintayin ang pagdating ng asawa para sabay na silang kumain ng hapunan.
"Bakit kaya ang tagal niyang umuwi?" Tanong ni Faith sa kanyang sarili. Halos apat na oras na rin kasi siyang naghihintay sa pag uwi ng asawa ngunit ni anino nito sa o ng sasakyan nito sa labas ng bahay nila ay wala pa rin.
Nag-.aalala na rin siya rito at dahil na rin sa tagal dumating ng asawa niligpit na laman ni Faith ang lahat ng pagkaing iniuwi niya kanina. Hindi na rin nag abalang kumain si Faith dahil nawalan narin naman ito ng ganang kumain dahil hindi naman nito kasabay sa hapag ang asawang si Rafael.
Sinamahan na rin ng kanyang pag-aalala rito kaya naman mas lalo siyang nawalan ng ganang kumain ng mga pagkain iniuwi niya kanina.
Sinubukan ring tawagan ni Faith ang mga kaibigan nito ang kaso tulad ng asawa niya hindi rin niya makontak ang mga ito. Kaya naman inisip na lamang ni Faith na kasama ng mga ito ang asawa.
___
Halos magmamadaling araw na nang makauwi sa bahay nila ang asawa kaya naman labis ang pag-aalala ni Faith para rito lalo na ng makita niyang lasing na lasing ito ng ihatid ng mga kaibigan nito sa kanilang bahay.
"Pasensya kana Mare ito kasing si Pare ang takaw sa alak akala mo naman mauubusan na siya kung maka laklak." Lasing na ring sambit ni Kyle sa kanya.
Sasagot na sana si Faith sa sinabi ni Kyle sa kanya ng makita niyang pababa na sina Enzo at Reid. "Maraming salamat sa paghatid nyo Rafael." Nakangiting sambit niya sa mga ito.
"Walang anuman yon mareng Faith kasi nga simula nong mga bata pa kami best kasanga na namin yung isa't-isa." Lulugo-lugo namang sagot ni Kyle kay Faith na may kasamang tawang.
Na aaliw namang ngumiti rito si Faith halata kasing lasing na talaga ito. Lumalabas rin kasi lalo yung pagiging nadaldal nito tuwing nalalasing ito kunv ano-ano rin yung lumalabas sa bibig nito kapag lasing ngunit kahit ganon naman si Kyle hindi naman ito yung klase ng taong nagwawala kapag lasing.
"Wag mo na yang pansinin si Kyle lasing na rin yan e." Natatawang sambit naman ni Reid sa kay Faith. Ngumiti naman si Faith rito bilang pagsang ayon.
"Alam ko namang lasing nako Tol kaya wag mo nakong siraan dyan. Ang sama mo talagang kaibigan." Ngawa naman ni Kyle kay Reid. "Oo na ako na yung masamang kaibigan na tagahatid nyo kapag nalalasing kayo parati." Sabat naman ni Reid dito.
"Sinusumbatan mo ba ko Tol?" Usisa naman ni Kyle kay Reid habang ina alalayan ito sa paglalakad palabas. "Halata ba?" Pabalang namang sagot ni Reid rito.
Samantalang si Enzo naman ay lumabas na rin galing kasi ito sa cr nina Faith sa may bandang kusina nila. Doon kasi ito nagsuka. Ngunit bago naman ito umalis sa banyo ay nilinis mona nitong maigi ang kanyang pinagsukahan.
"Okay kana ba Enzo?" Tanong ni Faith rito alam kadsi niyang galing ito sa banyo. Naisip rin ni Faith na hindi na siguro kinaya ng sikmura ni Enzo yung dami ng alak ba nainom nito kanina kaya naman bumigay na ito.
"Yeah." Sagot naman nito kay Faith. "Pasensya kana talaga sa mga to sige na Faith maglock kana mauna na kami ihahatid ko pa tong dalawang to." Paalam naman ni Reid kay Faith.
"Sige mag ingat ka sa pagmamaneho ha. Maraming salamat ulit sa paghatid kay Rafael." Paalala naman ni Faith kay Reid. Umango naman ito sa kanya bilang sagot.
Hinila naman ni Reid si Enzo balabas ng bahay nina Rafael. Sumunod naman si Faith rito para ikandado na rin yung pinto ng bahay nila.
Pagkatapos namang ma i-lock ni Faith ang pinto ng kanilang bahay ay mabilis na rin itong umakyat pa punta sa silid nilang mag asawa at agad naman niyang inasikaso ang natutulog ng asawa niya.
Pinunasan naman niya ang buong katawan ng asawa niya saka niya ito binihisan. Halata talaga na lasing na lasing ang asawa niya dahil wala man lang itong naging reaction sa ginawa niyang paglinis sa katawan nito.
___
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top