Chapter 20
Chapter 20
Nasa bar ngayun si Rafael kasama ang ilan sa mga matatalik niyang kaibigan simula pa noong college. Tinawagan nya ang mga to dahil gusto niya ng makakausap ng dahil na rin sa problemang kina kaharap niya kay Samantha. Pati na rin ang problema nya sa asawa nyang si Faith.
Hindi na niya gusto yung mga nangyayari napapadalas na yung mga pag-aaway nilang mag-asawa ng dahil lamang kay Samantha!
Kung pwede nga lang talaga niya sabihin sa asawa niya yung rason niya bakit hindi diba. Ang kaso hindi niya pwedeng sabihin dito ang kanyang rason dahil hindi pa siya sigurado sa magiging reaction nito. Ayaw niyang magyari yung lahat ng kanyang mga iniisip. Natatakot siyang iwan siya nito.
Ngunit sa nangyayari sa kanilang ngayon. Mas nararamdaman niyang lumalayo sa kanya ang asawa at nahihirapan na siyang mag isip ng paraaan para lamang mag kaayos na silang dalawa.
Alam rin naman niyang gusto talaga ng asawa niyang malamam yung totoong nangyayari sa kanya at yung totoong rason niya kung bakit ganon na lamang niya ka ayaw kay Samantha ngunit ayaw rin naman niyang mawala sa kanya ang asawa niya kaya subrang nahihirapan na talaga siya sa pag iisip ng tamang decision para hindi mawala sa kanya si Faith.
Naiipit at nahihirapan na talaga siya sa situation nilang mag asawa. Natatakot siya sa magiging reaction ng asawa niya kapag sinabi niya rito yung totoo. Natatakot siya sa kaalamang baka hindi ito maniwala sa kanyang mga paliwanag rito.
"Hey! Brad." Tapik sa kanyang balikat ng bagong dating niyang kaibigan na si James. "Anong meron at nagpatawag ka yata ng meeting?" Puna nito sa kanya.
Tumingin naman siya rito ngunit nong akmang sasagot nman siya bigla namang sumabat si Reid
"Oo nga! Ano ba yon? Bakit mo pa ba ko pinapunta pa rito?" Tanong naman nito sa kanya.
"Nagkasagutan kasi kaming dalawa ni Faith ng dahil kay Samantha." Sagot ko naman sa mga tanong nila sakin.
Tumikhim naman mona si Reid bago nagsalita. "Bakit naman kayo nagaway ng dahil sa babaeng yon? Alam na ba niya?" Usisa naman niya sakin.
Naka tingin naman silang apat sakin at naghihintay ng sagot ko. Umiling naman ako. "Hindi pa. Kahit pinipiliit niya ako hindi ko sina sabi kaya yon. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinikibo." Paliwanag ko sa kanila.
"Ano ba yung nangyari at nag away kayong dalaqa ng dahil sa babaeng yon?" Mapaklang tanong sakin ni Kyle. "Bad trip naman yan balita mo brad! Sa lahat pa ng paguusapan natin yung babaeng yon pa talaga. Dapat pala di nalang ako nagpunta rito magmamaking love pa naman kami ngayon ng asawa ko estorbo ka talaga! Alam mo ba yon!?" Naiinis na reklamo niya sakin. Alam ko namang certified sex addic to si Kyle kaya wala na talaga akong ma isagot sa reklamo niya sakin.
Alam kung isa rin sa mga rason kung bakit yan nagrereklamo ay dahil ayaw niyang makarinig ng kahit na ano tungkol kay Samantha. Magkatulad lang naman kaming dalawa na iisa lamang yung pinoproblema kundi yung babaeng yon. Na gustong sirain yung tahimik nilang pamilya.
Tinapik ko naman ang kanyang mga balikat. Naiiling naman sina Reid, James at Enzo dito.
"Addic ka talaga no. Kaya naman gigil na gigil sayo si Jericho eh." Puna ni Reid dito sabay lagok ng alak nito.
"Nagsalita ang di addic!" Sabat naman ni Kyle. Akmang babatokan naman ito ni Reid nang awatin ito ni James
"Tama na nga kayong dalawa." Saway nito. "Sya nga pala Rafa paano naman nangyaring nag away kayong dalawa ni Faith ng dahil kay Samantha?" Seryosong tanong sakin ni James.
"Oo nga kwento mo nga naguguluhan ako e." Sigunda pa ni Enzo. Tumango-tango na lamang sina Kyle at Reid.
Bumuntong hininga naman mona ako saka tumingin sa kanilang apat sinalaysay ko sa kanila yung buong pangyayari simula sa una hanggang sa pinaka huling salaysay ng mga pangyayari sa mga sagutan naming mag asawa.
"Wala akong masabi kondi desperada na talaga yung babaeng yon na sirain ang pagsasama nyong dalawa ni Faith." Manhang komento naman ni James.
"Ang balak mo ngayon?" Tanong naman ni Reid sakin. Tumingin naman ako kay Kyle na tahimik lamang na umiinom ng alak.
"Meron na kaming plano ni Kyle ang totoo niyan nagsimula na kaming dalawa na gawin yung planong yon." Sagot ko naman.
"Kailangan niyo ba ng tulong namin dyan?" Tanong sakin ni James.
"Malaki yung maitutulong nyo samin sa ibang aspekto pero kailangan mona natin pag usap yung magiging papel nyo sa gagawin natin." Sabat naman ni Kyle.
"Basta sabihin nyo lang samin kung ano yung gusto nyong ipagawa isang tawag niyo lang naman samin yon." Sabi naman ni Enzo.
"Maraming salamat." Sabi ko naman sa kanila.
"Ano ka ba naman para namang hindi tayo magkaibigan simula pa nong pinagbubuntis tayo ng mga nanay natin. Natural lang na tulungan ka namin." Natatawang sambit naman ni Enzo. Na ikinatawa naman naming lahat.
"Yung problema mo pala kay Faith madali lang naman yan. Mag isip kanalang ng magandang rason sa kanya. Saka lambingin mo kaya." Sabi naman sa kanya ni Kyle.
"Ang dami ko ng na isip ang kaso nga kapag kaharap kona siya hindi nako makapag salita. Nakakatakot rin naman kasi yung asawa kung yon. Kahit naman napaka tapang ko sa mga nakakalaban ko ngunit kapag si Faith na yung kaharap ko nababahag yung buntot ko. Ganon nga talaga siguro kapag mahal mo yung isang tao." Naka ngiti na iiling na sambit ko sa kanila.
"Sinabi mo pa." Sang ayon sa kanya ni James.
"Ako nga ayokong nagagalit yung asawa ko kasi mukha siyang tigre kapag nagagalit." Natatawa ring sabi ni Kyle.
"Kaya pala para kang maamong tuta kahit isang siring lang sayo ni Gianna." Kantiyaw rito ni Enzo.
Binatukan naman ito ni Kyle. "Pareparehas lang tayong lahat kaya manahimik kanalang dyan. Uminom kana nga lang." Sabi ni Kyle rito sabay abot ng isa pang bote ng San Miguel Beer.
Nagusap-usal lang kami ng mga problema namin sa mga babae sa buhay namin. Pinag usap rin namin yung tungkol sa nangyaring pagbabago sa ugali ni Jericho. Hanggang ngayon nagtataka parin kaming lahat kung bakit ganon na lamang nito ipagtanggol sa kanilang lahat si Samantha. Samantalang alam naman nito kung ano yung totoong ugaling ng babaeng yon.
Habang hinihinintay naming maubus ang lahat ng mga inorder namin madami pa kaming na pag-usap bago kami nagpasyang mag si uwiang lahat.
___
A/N: Hi! Guys, I'm back. Ang tagal ko rin nawala masaya ako at nakabalik narin ako sa wakas. And I'm hoping na sana maging fully recover nako. Thank sa lahat ng taong parating nandyan para sakin. I labu all
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top