Chapter 2
I dedicated this chapter to: LeyaMee and mensoberano thanks for supporting, guys love yeah.
Chapter 2
Lumipas na ang mga araw naging abala si faith, sa pag aasikaso ng kaniyang mga pasyente ngunit kahit na gaano siya ka busy. Naaalala pa rin niya ang kanyang kondisyon lalo na sa tuwing naka kakita siya sa mga sangol na hawak-hawak ng sarili nilang ina.
Nadaragdagan ang lungkot na nararamdaman niya sa tuwing nakaka encounter siya non. Ngunit sa kabila non pinipilit pa din niyang wag ipahalata sa mga kasama ang kalungkotann nararamdaman.
Alam naman kasi niyang nag-aalala at naaawa na sa kanya ang mga katrabaho at kaibigan niya. Ayaw niyang maramdaman na walang-wala na talaga siya. Ayaw na niyang makitang awang-awa sa kanya ang mga ito.
Nadaragdagan kasi ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang na aawa ang mga to sa kanya. Kahit na nga sa asawa niya hindi niya pina pakitang nasasaktan at nagagalit siya sa sarili niya dahil hindi niya ito kayang bigyan ng anak.
Anak na sabay nilang pinangarap. Ngunit yung pangarap nilang yon, ay mananatili nalang talagang parangarap. Dahil hindi na niya kayang tuparin yung pangarap na yon.
Kaya kahit kilan mananatili nalang talaga na pangarap para sa kanya ang pagkakaron ng anak.
__
"Mahal, okay kalang ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo." Nagulat naman si Faith sa biglang pagsulpot ng asawa niya mula sa kusina.
"Oo naman. Sige na mahal e ready mo na yong movie na papanoodin natin." Masigla namang sambit ni faith sa asawa niya sabay kuha ng dala nitong pagkain.
May dala-dala itong popcorn sa kaliwang kamay sa kanan naman nito hawak-hawak nito ang isang basong juice. Niyaya kasi ito ng asawang mag movie marathon silang dalawa.
Sabado naman ngayon at wala siyang duty sa hospital kaya naman pumayag na si faith sa kagustuhan ng asawa niya. Iniisip niya rin kasi na baka makatulong ang pag aliw-aliw niya para makalimutan niya kong ano man yong pinagdadaan niya, sa ngayon.
Nakikita rin naman ni Faith yong effort ng asawa niyang pasayahin siya parati kaya naman hindi niya kayang ipakita rito ang kanyang tunay na nararamdaman.
Alam niyang alam nitong malungkot siya kaya naman wala na siyang balak na ipaalam pa dito na hindi lang lungkot ang kaniyang nararamdaman.
"Mahal, pwede bang magsimba tayong dalawa sa batangas bukas?" Biglng tanong ni Faith sa asawa.
Gulat namang tumingin ito kay Faith. Hindi kasi inasahan ni Rafael na sa asawa mismo mang gagaling ang imitasyong yon. Dati rati kasi inipilit pa niya itong lumabas man lang sila ng bahay nila. Simula nong malaman nilang hindi na mabubuntis pa si Faith bigla nalang itong nagbago.
Hindi na ito yung dati niyang pinakasalan at minahal na babae. Pero kahit na ganon mahal pa rin ni Rafael ang kanyang asawa at hindi niya ito basta nalang susukuan.
"Mahal!?" Pukaw pansin naman ni Faith sa asawa. Tumingin naman si Rafael sa asawa at naka ngiting tumango rito.
"Oo naman mahal! Saan mo ba gusto? Sa Padre Pio ba?" Naka ngiting tanong ni Rafael rito.
"Oo, maganda kasi don. Saka mahimik makapag dadasal ka talaga ng payapa." Sagot naman ni Faith sa tanong ng asawa.
"Kailangan ko palang magising ng maaga bukas at kailagan ko ring matulog ng maaga ngayun dahil mahaba-haba yung byuhe natin bukas." Komento naman ni Rafael habang patuloy pa din sa paghahanap ng balang papanoodin nilang mag asawa.
"Naisip ko mahal ano kaya kung mag commute nalang tayo bukas?" Sabi naman ni Faith rito.
"Pwede rin naman mahal. Mag grab nalang kaya tayo bukas." Suhestiyon naman ni Rafael.
"Ayoko! Magbus nalang tayo bukas. Tingin ko kasi mas okay yon. Saka hindi kana mapapagod sa pagdadrive." Sabi niya sa asawa. Tumingin naman sa kanya si Rafael na parang nag iisip kong tama bang magbus nalang sila papuntang batangas.
"Sure ka bang magbubus nalang tayo, mahal? Malayo yon saka traffic at matagal pa kapag magbubus tayo." Patanong naman sabi ni Rafael sa asawa.
"Oo naman. Okay lang naman kahit na matagal. Hindi naman tayo nagmamadali e." Sabi pa ni Faith dito.
Tumango tango naman si Rafael sa sinabi ng asawa. Nang makahanap na si Rafael ng balang papanoodin nilang mag asawa ay inayos na agad nito paglalagyan ng bala. Nang m a gsimula na ito parehas lang silang tahimik na nanonood sa kanilang tv screen. Wala silang imikang mag asawa parehas lang naka focus sa monitor ng tv nila ang kanilang mga mata.
Maya-maya naman sa kalagitnaan na ng pa labas naramdaman nalang ni Rafael na unti-unting dumidikit sa balikat niya ang ulo ng asawa niya. Kaya naman tiningnan niya ito at nakita niyang tulog na pala ito. Na iiling nalang na nangingitng inayos niya ang pag upo nito at pinahiga nalang niya ito sa kaniyang binti.
Nasanay na si Rafael na sa ganong eksena niya parati makikita ang asawa. Sa tuwing manonood silang dalawa ng movie sa bahay man nila o sa mall parati itong nakakatulog. Kaya naman hina hayaan nalang niya ito.
Pagka tapos niyang manood ng pelikula inakyat mona niya ang asawa sa kwarto nila saka siya bumalik sa sala at inayos ang mga pinagkainan nila saka naman niya pinatay ang tv at umakyat na rin sa kwarto nila.
Pinaka titigan mona nito ang asawa niya bago siya pumunta ng cr para kumuha ng bimpo para punasan ito at palitan ng pangtulog na damit. Natutuwa si Rafael sa nakikita niyang pagbabago sa asawa alam niyang kahit papano pinipilit nitong maka balik sa dati.
Kaya naman gagawin din niya ang lahat para matulungan niya ang asawang makalimot kahit sa sandaling pamamaraan lamang.
Alam na naman kasi niyang hindi na nawawala pa sa isip at puso ng asawa niya ang masakit na kalamang hindi ito magkakaanak pa. Nginit kahit na ganon gagawin ni Rafael ang lahat para sa ibang bagay ma ibaling ng asawa niya ang atensyon nito.
Ayaw niya itong nakikitang umiiyak at nagmumukmuk na lamang. Kaya masaya siyang ito mismo ang may gustong umalis sila ng kanilang bahay para magsimba at mag explore sa ibang pamamaraan. Kahit ano gagawib ni Rafael para lamang sa asawa niya. Ganon niya ito kamahal.
"I love you, mahal ko." Sabi naman ni Rafael habang niyayakap na ang asawa niya.
__
Next. . .
Rank #893 in Teen Fiction
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top